LAUNCHING AD -TATLUMPOT TATLO

GERTRUDE SHEEVAH HANNAH MARY. The pastor’s daughter. A certified virgin. A no-boyfriend-since-birth kind of virgin. A whore-like virgin. The curious virgin. The kind of virgin who is always looking forward to her supposed first bed experience.

But her not-so ordinary boring life turned to a twisted fate when she surprisingly found herself involved in the investigation of a suicide-turned-murder case of a suspected drug pusher detained at Manila City Jail.

Will she be able to pull her life back to normal now that the drug syndicate is after her?

This fast pacing heart racing novel will make you think twice and doubt whether the dictates of society’s concept of “good” and “holy” are just mere illusions designed to suit the majority’s pleasure.

Tatlumpo’t Tatlo at Kalahati

COMING IN YOUR FAVORITE BOOKSTORES THIS DECEMBER!

33

PROLOGUE

Sa isang sulok ng madilim at mainit na kwartong iyon nakasalampak ang lalaki.  Halos maligo na ito sa sariling pawis at nagmamantika pa ang madulas na balat.  Pagal ang kanyang paghinga at mistulang kinakapos ng hangin. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at tila ‘di siya mapakali sa walang kadahilanan.

Nauuhaw siya kahit bundat na ang kanyang tiyan sa kakainom ng tubig.  Walang katapusang uhaw.

Wala siyang pakialam.  Malalim na ang gabi ngunit dilat na dilat pa din ang mga namumulang mata nito.  Pangalawang gabi na niya ito na walang tulog pero alerto pa rin ang utak niya.  Konting kaluskos sa labas ng bahay ay natataranta ito’t inaakalang nire-raid na sila ng mga pulis o di kaya ay ng mga taga PDEA.  Mabilis ang tibok ng kanyang puso na akala mo ay kagagaling lang niya sa limang kilometrong takbo.

Nagsisiksikan sa maliit na kwartong iyon ang limang kasamahan niya, dalawa rito ay minor de edad na babaeng nasa dise-syete, dise-otso lang ang gulang.  Nagpumilit sumama ang dalawa sa kanilang session kahit walang ambag na pera.  Puri na lamang daw ang kapalit.  Sino ba naman ang hindi papayag sa palit-puri?  Ganyan naman talaga kapag nalulong ka sa masamang bisyo sa murang edad kung saan wala kang pang sustento sa sariling bisyo.  Kung hindi mo nanakawan ang sariling magulang, kahit puri ay ibibigay makaraos lang ang nangangatal na katawan at nababaliw na utak.

Naka-kubabaw ang isang may edad na lalaki sa isa sa mga babae.  Kinakabayo niya ito doon sa isang mapanghing sulok habang bangag na bangag pa ang kawawang pobre.  Ang isa naman sa mga babae ay nakikihati sa tuter ng kasama niyang mas bata-batang lalaki.

Kanina lang ay nagturok siya at hinihintay ang epektong idudulot nito sa kanyang utak nang maisipan niyang saidin ang tirang puting kristal.  Kakaiba kasi ang tama kapag pinagsabay ang shabu at vallum.

Tinitigan niya ang ginawang bangka na nakapatong sa mesa.  Lumapit siya sa mesa at saka naupo.  Isinaksak niya ang nirolyong needle sa lighter.  Suminghot-singhot pa ang lalaki bago sinindihan ang lighter.  Nagliwanag ang needle na nakapasak dito at saka ini-adjust ang apoy sa lighter.  Nang makuha ang tamang timpla ng apoy ay saka niya ini-sterilize ang bangka.  Pagkatapos noon ay saka niya kinuha ang isang sachet ng puting kristal na nakapatong rin sa mesa.

Dahan-dahan niyang ibinuhos ang puting kristal sa bagong sterilize na bangka.  Kinuha ng lalaki ang tuter at inilagay ito sa kanyang bibig.  Sinindihan uli ng lalaki ang lighter at itinutok ang needle sa bangka.  Pagkatapos nga ay ipinaandar nito ang lighter sa bangka.  Umusok ang puting kristal habang natutunaw.  At gamit ang tuter, hinigop ng lalaki ang usok.  Pagkalunok nito ay sabay singhot para siguradong di lalabas ang usok sa ilong.

Aahhh…!

 Halos sumabog ang kanyang dibdib sa hapdi na umaakyat sa kanyang ulo.  Ngunit kakaibang tama ang hatid nito nang mahimasmasan naman siya.  Kakaibang sensasyon ang dulot nito sa kanyang utak.  Di niya maipaliwanag.  Pakiramdam niya ay siya ang pinakamalakas na lalaki sa balat ng lupa.  Magaan ang kanyang katawan at anumang oras ay maaari na siyang lumipad sa ibabaw ng bubong patungo sa dakong paroroon.

Sumandal siya saglit sa pader na yari sa plywood at ipinikit ang mga mata.  Pakiwari niya ay umiikot ang kanyang mundo.  Kahit nakapikit ay nakatatak sa utak niya ang galaw ng mga kasama.  Hayon ang matandang Inggo, kinakabayo pa rin ang isa sa mga babae.  Si Elmer, bangag habang tinitipa ang gitarang kulang-kulang ang kwerdas.  At ang isang dalagang di man lang niya naitanong ang pangalan?

Dumilat ang lalaki sa pagkakapikit.  Nakita niya ang dalagang sumisinghot pa rin sa tuter sa kabilang mesa.

Tumayo ang lalaki at naglakad papalapit sa babae.  Hinatak niya ito patayo.

“Teka!  Di pa ako tapos!” protesta ng babae.

“Mamaya na yan.  Halika dito!”

“Teka sabi!”

Pero walang nagawa ang babae habang kinakaladkad siya ng lalaki dahil ‘di hamak namang mas malakas ang katawan nito kumpara sa kanya.  Sa sulok kung saan nakalatag ang isang luma’t sira-sirang kutson itinulak ng lalaki ang babae.  Nagpaubaya na lang ang babaeng lango sa droga habang inaalis ng lalaki ang maong shorts nito pati ang kanyang panty.  Itinapon ng lalaki sa sahig ang salawal ng babae at saka nagmamadaling hinubad naman nito ang suot niyang pantalon bago kinubabawan ang babae.

 

Silip

silip

Umuwi ako nang bahay na hapong-hapo sa pagod. Alas nueve na ng gabi. Wala pang lutong pang hapunan. Isa pa yang nakakadagdag sa pagod; ang isipin ano ang iluluto ko para sa kanya.

Sinalubong ako ng aming alagang aso. Ang mga kahol lamang niya ang nagsisilbing ingay sa tahimik na 2-bedroom unit ng condominium na tinitirhan naming mag-asawa.  Siguro ay magdadalawang taon na kaming nakatira roon simula ng iregalo iyon sa amin ng mga magulang ng aking asawa sa araw ng kasal namin.  Pero hanggang ngayon ay wala ako ni isang kilalang kapit-bahay.

Naupo ako sa accent chair na nakapwesto patalikod sa balcony.  Isang malamig na hangin ang dumaan sa akin at agad na nagtayuan ang mga balahibo ko. Napukol ang paningin ko sa sliding door sa balcony.

Bakit bukas iyon?

Napakibit-balikat na lamang ako at saka isinara ang sliding door. Marahil ay nakalimutan isara ng aking mister bago siya umalis kanina papuntang opisina.

Dumiretso ako sa kusina at nagbukas ng ref.  Isda na lamang ang iluluto ko para mabilis.

Bumalik ako sa salas at naupo. Dala na rin ng matinding pagod, di ko namalayang ako’y napa-idlip na pala ng nakaupo.

“Pssst…”

Nagulantang ako at napa-upo ng tuwid. Alas nueve y medya na pala. Napansin ko ang aming aso na tahimik na nakaupo sa harap ng guest room.

“Bogart, come here”.

Nilingon lang ako ng aso pero di ito natinag sa kanyang pwesto. Muli, tumitig ito sa pinto ng guest room na bahagyang nakabukas.

Pumikit uli ako. Inaantok talaga ako. Magpadeliver na lang kaya ako sa McDo?

“Psst…”

Napadilat ako. Sino yon?  Parang sa loob lang ng unit nanggagaling ang sitsit. At sa puntong iyon ay naramdaman kong hindi lang ako ang tao sa loob ng aming unit.

“Pssst….”

Bumilis ang takbo ng aking puso at naramdaman ang unti-unting pagtaas ng balahibo ko sa batok. Nagtatakbo ang aso papalayo sa guest room at sa kauna-unahang pagkakataon ay napako ang paningin ko sa madilim na kwarto.

Ayun siya. May nakasilip na lalaki. At nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya ay nagtago muli ito sa likod ng pinto.

Tinawag ko ang pangalan ng aking asawa at nagbabakasakaling siya ang lalaking iyon.

“Ikaw ba yan?”

Subalit isang pigil na tawa ang sumagot sa akin. Ahhhh…siya nga. Tinatakot lang ako. Sino pa ba eh dadalawa lang kami sa condo.

“Ikaw ha. Di mo na nga ako sinalubong, tinatakot mo pa ako. Sandali lang ha. Give me thirty minutes and dinner will be served.”

Isang pigil na tawa lamang ang sumagot sa akin. Napatawa ako sa pakana ng asawa ko. Pero ang pinagtatakhan ko ay kung bakit hindi bumababa ang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok. Dali-dali akong nagtungo sa kusina at tinanggal sa pagkaka-defrost ang isda.

Pero maya-maya lang ay-

“Pssst….!  Pssst….!  Pssst….!”

Paulit-ulit. Parang tinatawag akong bumalik at silipin siya muli sa madilim na guest room.

Ano bang problema niya?!  Heto nga at minamadali ko na ang pagluluto para makakain na siya. Pero―

“Pssst….!  Pssst….!  Pssst….!”

Sumagot na ako, “Wag ka ngang magulo dyan”.

Pero isang pigil na tawa lang ang sumagot sa akin. Napangiti na ako. Sige na nga. Makikipaglaro na nga ako sa kanya.

Pinunasan ko ang mga kamay ko at bumalik sa tapat ng guest room.  Nakapamaywang pa ako habang sinisita siya.

“Hoy lalaki. Bibilangan kita ng sampu at lumabas ka dyan. Kung hindi, ikaw maghuhugas ng plato.”

Muli, isang pigil na tawa lang na nagmumula sa likod ng pinto ng madilim na kwartong iyon ang sumagot sa akin.

“Isa…!”

May sumagot sa kwarto. “Pssst….!”

“Dalawa…!”

Isang pigil na tawa muli at, “Pssst…!”

“Tatlo!”

“Pssst….!”

Bumugtong-hininga ako. Pero sa totoo lang ay di ko mapigilang mapatawa sa pakana ng asawa ko.

“Apat!”

“Pssst…!”

Narinig kong may kilansing ng mga susi sa labas ng main door. Sino yon?  Binalik ko ang pansin sa guest room. At doon nga sa madilim na kwartong iyon ay sinalubong ako ng dalawang pares ng mga mata. Teka, asawa ko ba yon?

Tumunog ang door knob ng main door.  Sinong may susing darating ng ganung oras gayong…

“Mahal?” tawag ko sa guest room.

Pero walang sumagot sa guest room. Bagkus ang inaasahan kong sagot ay nagmula sa labas ng aming unit.

Walang anu-ano’y bumukas ang main door at bumungad sa akin ang aking asawa.

“Mahal,” lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Anong ginagawa mo at nakatayo ka dyan sa tapat ng guest room?  Namumutla ka ata, parang nakakita ka ng multo.”

Subalit hindi ko siya magawang sagutin. Tila nanigas ako sa pagkakatayo sa tapat ng kwartong iyon.

Wala ng sumisitsit. Wala ng sumisilip. May kasama ako kanina sa loob ng aming unit.

And whoever that is, is definitely not my husband.

Bumilang ako ng tatlo at tinulak ang pinto ng guest room. At bumungad sa akin ang tahimik at madilim na kwarto.

Walang tao.

Kinapa ko ang switch at binuksan ang ilaw.  Walang tao.  Nilibot ko nang maige ang aking mga mata.

Pero walang tao.

 

PHOTO CREDIT: www.colourbox.de/bild/eye-bild-7754862

6750

Siguro nga matindi ang pangangailangan ko at kailangan ko pang mag-overtime ng alas dos ng madaling araw sa opisinag pinapasukan ko.  Wala naman akong anak o ibang taong sinusuportahan para kumayod marino.  Wala lang, trip ko lang talaga.  Malaki kasi take home pay ko tuwing mag oovertime ako.  Masarap yung feeling na makikita mong malaking figures ang iuuwi mo tuwing kinsenas.  Malakas loob kong mag-overtime ng madaling araw kasi akala ko may kasabay ako ng ganung oras.

Sampung minuto bago mag-alas dos nang makarating ako sa building.  Tahimik ang lobby.  Ang scanner sa entrance ng building ay di pa pinagagana.  Although may guard on duty pero andun lang siya sa gilid ng reception desk na umiidlip kaya naman di niya napansin nang pumasok ako.

Tahimik sa hallway.  Wala akong karibal sa pagpasok unlike pag normal na oras na tiyak una-unahan kayo sa elevator.

Pagpindot ko ng “up” button bumukas agad ang pintuan ng elevator.  Mabilis akong nakarating sa floor ng opisina namin nang walang kakeme-keme.  Sa taas ay tahimik ang corridor, pwede kang sumayaw.  Damang-dama mo ang lamig ng centralized aircon ng building.  Although maliwanag ang buong paligid pero pakiramdam mo nasa sementeryo ka.  Nakakabingi ang katahimikan at nakakakilabot ang dampi ng lamig.

“Kuya,” tawag ko sa guard sa reception area para i-surrender ang mga dala kong gamit.

Walang kuyang guard ang lumabas.

“Kuya”, ulit ko.

Marahil naka tatlong tawag ako bago pa lumabas ang pupungaw-pungaw na guard na halatang kagagaling lang sa tulog.

Kinuha niya ang mga gamit ko at inilagay sa locker saka iniabot sa akin ang susi.  Mahigpit kasi ang security sa loob ng opisina namin.  Bawal ang cellphone.  Bawal magdala ng papel or kahit na anong panulat. Bawal usb or any device.  Kahit nga pagkain o maiinom may limitasyon kung ano lang ang pwede mong ipasok.

Pagkatapos nga ay dimiretso na ako sa kwarto namin na kung tawagin ay ‘DC’.  Sa labas ng DC namin ay may naka-assign laging guard 24 hours; shifting na lang sila.

Naalimpungatan ang natutulog na guard paglapit ko.

“Good morning, ma’am.  Aga ninyo ah.”

“Good morning too.  Oo nga eh, matindi pangangailangan,” sabay tawa ko.  “Uy kuya, wag mo akong iwan ha.”

“Yes, ma’am.  Until 4 am duty ko.  By that time nandito na yung karelyebo ko at baka may kasama ka na rin na mag o-OT.”

Bago ka makapasok sa loob ng DC ay kailangan mong i-press ang hinlalaki ng daliri mo sa sensor sa labas ng pinto. Saka lang ito magbubukas once ma-identify ng sensor ang thumbprint mo.

“Welcome!”, sabi ng machine at saka nagbukas ang frosted glass door ng DC.

Pagpasok ko sa loob ay saka ko lamang na-realize na walang ibang tao.  Wala akong ibang kasamahang nag OT nang ganung oras.

Malamig pa sa yelo ang buong paligid.  Napalulon ako.  Pero di na ako pwede umatras kasi nabasa na ang oras nang pagpasok ko.  Per hour kasi ang bayad sa amin.  Bilang din ang oras na lumalabas kami sa opisinang iyon kaya di ka pwedeng magpagalagala sa labas.

Inilibot ko ang mga mata ko.  Sa pinaka malaking DC kasi ako naka-assign ngayon na kayang mag-accommodate ng 80 ka-tao.  Halos triple iyon ng dating DC namin sa babang floor kung saan ako originally naka-assign.  Bukas naman ang lahat ng ilaw.  Pero ang mga hile-hilera ng computers sa bawat desks ay walang katao-tao.  Ewan ko ba pero tila may mga nakaupo sa bawat isa sa kanila na sabay-sabay tumingala sa akin pagkpasok ko.

Pero wala naman talagang tao sa loob.  Ako lang.

Nagkibit-balikat ako.  Feeling ko lang naman yon.  Alanganin kasing oras ang pagpasok ko kaya kung anu-anong pumapasok sa utak ko.

Sa gitnang row ng DC ang assigned desk sa akin.  Malapit iyon sa exit kaya kung may emergency ay mabilis akong makakalabas ng kwarto.  Umupo ako at naglog-in sa aking computer.  Once na maibigay ko sa system ang password at user id ko ay automatic na nitong babasahin ang oras ng trabaho ko.  Ang bayad ng kliyente sa opisina namin ay depende sa oras na tatrabahuin namin base na rin sa log-in system.

2:00 AM.  Sakto.

Syempre di naman talaga ako magsisimula magtrabaho agad.  Gigisingin ko muna ang diwa ko.  Nagtimpla ako ng kape at saka naupo sa desk ko.  Sa incognito ako nagbubukas ng laro online.  Sakto 30 minutes muna ako maglalaro habang inuubos ko ang mainit na kape.

Maya-maya ay pumasok ang janitor.  Nakipagkwentuhan pa ito sa akin.  Bakit daw mag-isa lang ako.  Di daw ba ako natatakot.  May choice ba ako? Meron naman pero mas matindi ang pangangailangan kong kumita nang mas malaki kaya heto’t nagtatyaga akong pumasok nang dis oras ng gabi.

Lumayo siya sa akin at saka nagtuloy ng paglilinis sa DC.  Unti-unti ay naramdaman kong bumibigat ang talukip ng mga mata ko.  Napatingin ako sa halos paubos ng kape.  Extra strong naman itong binili ko pero parang wala ring epekto.

Sige, laro.  Sige, type.  Hayan at pabigat nang pabigat ang mga mata ko…

Isang malakas na balibag ang nagpagising sa akin.

Di ko namalayan na nakaidlip pala ako.  Di kinaya ni extra strong coffee ang kalokohan kong pagpapakapuyat para lamang kumita ng extra.  Nang magising ako ay madilim na ang kwarto.  Ang unang reaksyon ko ay hanapin ang janitor na kanina lamang ay kasakasama ko.

Pero wala na siya.

Ang masama pa niyon ay pinatayan ako ng ilaw sa kwarto at halos ang row ko lang ang iniwan niyang bukas.  Kitang-kita sa dilim ang signage ng “EXIT” sa magkabilang dulo ng DC.

Di bale, kumbinse ko sa sarili, andyan naman si kuyang guard at frosted glass door lang naman ang pagitan namin.  Maririnig naman niya ako sa labas.

Nagsimula na akong magpull-out ng documents sa link para makarami ng trabaho.

Pero ano ito at may biglang nagcomputer sa dulo ng kwarto.  Napahinto ako; pinakinggan nang maige ang pinagmumulan ng ingay.  Nakiramdam.  Ayun siya at meron ngang nagcocomputer sa dulo.

May kasama ako?  Pero di ko narinig na nagnotify ang pinto.  Dapat kasi ay tutunog iyon at magsasalita ng “Thank you,” every time na may papasok sa loob.

Tumindig ako at tumingin sa dulo.  Madilim.  Pero walang tao talaga.  Huminto naman ang nagta-type.  Ah…baka ingay sa aircon?

Umupo uli ako at nagtrabaho.  Pero wala pang isang minuto ay heto’t tumunog na naman ang computer sa dulo ng DC.  Hindi lang iyon pero tila may nagki-click ng mouse at nagbabagsak ng keyboard.

Tumayo uli ako at tumingin sa dulo.  Nawala uli ang ingay.  Napalulon ako at bumilis ang tibok ng puso.  Wala yan, imagination ko lang.  Baka nga…

Pero walang anu-ano’y tumunog muli ang computer.  Gumalaw uli ang mouse.  Binagsak uli ang keyboard.  Deadma ako kahit pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako ng malamig.

Imagination ko lang yan.  Imagination ko lang yan, kumbinse ko sa sarili.

Nang di ko ito pinansin ay mas lalong lumakas ang ingay.  Tila palapit nang palapit ang pinanggagalingan ng ingay.  Para bang lumilipat ito ng row palapit sa akin.

Nanginig ang tuhod ko pero di pa rin ako tumayo.  Once na lumabas ako ng DC ay deducted na iyon sa sasahurin ko.  Pinanindigan ko ang pananatili ko sa loob ng kwartong iyon wag lang mabawasan ang sahod ko.

Pero mas tumindi ang ingay sa loob ng kwarto.  Palapit na nang palapit ito sa akin!  Hanggang sa ang ingay ay nanggagaling na lamang sa likod na computer kung saan ako nakaupo!

Halos mapaiyak ako sa takot.  Tiningnan ko ang oras sa screen ng computer ko.

3:00 am!

Put@*& ina!

Walang anu-ano’y tumayo na ako at kumaripas nang takbo.

Dali-dali kong pineres ang hinlalaki ko sa scanner para makalabas.

“Sorry.  Please try again,” sabi ng machine.

Anak ng…!  Inulit ko.

Sorry.  Please try again.

Ayan ang ingay!  Nararamdaman ko siya sa likod ko.  Nagtataasan ang mga balahibo ko sa batok.

Sorry.  Please try again.

Kalma! Kailangan kong kumalma.  Hindi ako makahinga!

Sorry.  Please try again.

“Kuya!  Kuya!” tawag ko sa guard na nakabantay sa labas ng pinto.  Pero walang kuyang guard ang sumagot.

Sinilip ko sa puwang ng frosted glass door ang guard.  Wala siya!

Sorry.  Please try again.

Putch ayaw i-recognize ang thumbprint ko!  Di ako makalabas.  Ayan na siya sa likod!

At doon nga ay naramdaman kong may malamig na kamay na gumapang sa batok ko pataas sa ulo ko.

KUYAA…!

Yun nga at biglang may animo’y matandang boses ng babae ang bumulong sa kanang tenga ko ng…’Missseeeel…’

KUYAAAAAA…!

Sorry.  Please try again.

Sorry.  Please try again…

Sorry.  Please try again…

 

Ah Basta. Isasama Kita.

Ah Basta.  Isasama Kita.

“Brilliant new legal thriller that will get your fingers flying through the pages.”

-Atty. Jose “Jun” P. Icaonapo, Jr. (former IBP Governor [GMA] and former President of Philippine Trial Lawyers Association)

They Are Selling Me In The Market Now. Please Buy Me Before Somebody Else Does!

BRD AD

 

BEYOND REASONABLE DOUBT

By Michelle Frances

Magdalena Eusebio.  The lawyer.  The bitch.  The social climber whose ego was higher than the figures appearing in her bank account.  A failed ambush got her involved and left her client in a coma.  But prior to the shoot-out, her client revealed to her a vital evidence which might win their case but would open the gates for an investigation involving the higher-ups who now wanted her client dead—including her.

Amora Fox.  The whore.  The victim.  The killer.  She was sleeping with the man behind the planned execution of an innocent witness in a gruesome murder.  She heard it all and witnessed how the plot was unfolded.  Until they were caught by the wife sleeping together and a whirlwind slaughter caught her, both as the victim and the accused.  She now needed a lawyer to defend her, knowing that the evidence against her was overwhelming to find her guilt beyond reasonable doubt.

Two women.  Two different worlds.  Two different professions as old as civilization.  Both condemned and vilified by their respective worlds but held the key to the truth behind the killing of an innocent witness.  But in a world dominated by money, greed and power, who should they trust?

 

Available in select National Book Store and Powerbooks nationwide.

SM Manila                            NBS One Greenhills

Robinson’s Ermita                 NBS Greenhills

NBS Harrison Plaza                      Powerbooks Alabang Town Center

SM Mall of Asia              Powerbooks Filinvest Alabang

Powerbooks Trinoma                  NBS Alabang (ACC)

NBS SM North EDSA Annex        NBS Filinvest Alabang

NBS Trinoma                                Powerbooks Serendra

NBS Katipunan                      NBS SM Aura

NBS Robinson’s Galleria             NBS SM Southmall

NBS SM North EDSA                   NBS SM Sucat

NBS SM Fairview                  NBS SM City Marikina

NBS Quezon Avenue                  NBS Ayala Imus

NBS Superbranch                       NBS SM Bacoor

Powerbooks Greenbelt              NBS Gaisano Mall Davao

NBS Rockwell                        NBS SM Davao

NBS Greenbelt                             NBS SM CLARK

NBS Glorietta                               NBS SUBIC (Harbor Point)

Powerbooks Shangri-La

NBS Robinsons Place Pioneer

NBS Bestseller (Podium)

NBS Shangri-La

NBS Megamall

Pero Di ko Iyon Sasabihin Sa Kanya

batang yagit Kaliwa’t kanan ang dagundong ng mga tambol.  Bawat sulok ay may mananayaw na dragon.  Makulay at maingay kahit saan pa man ako lumingon.  Iba ang sayang hatid ng okasyon na iyon hindi lamang para sa mga Filipino-Chinese kundi maski sa mga purong Pinoy na nakikiisa sa mga Instik.

Nakipagsiksikan kami sa makipot na kalsada na napuno ng mga taong naka-pula; bata man o matanda, lalaki man o babae, dilaw man o kayumanggi.

Basta, ang sabi ni ama ay kailangan daw makakain kami sa China Town.  Pampabwenas daw para sa mga Instik tuwing Bagong Taon.  Ito ang unang pagkakataon kong sinamahan ang aking ama sa China Town at laking-gulat ko nang makita ko ang nag-uumalong tao sa kalsada.  Ang totoo, ito ang unang pagkakataong sumama ako sa kanya na kami lang dalawa.

Napalingon ako sa kanya at pasimpleng napangiti nang makita ko ang biglaan niyang pagsigla.  Sampung taong gulang siya noon nang lumayas sa kanilang probinsya para makipagsapalaran sa syiudad.  Ang unang sadsad pa niya sa Maynila ay sa China Town kung saan siya napilitang magbanat ng buto sa murang edad.  Natuwa ako para sa kanya.  Ang laki na ng pinagbago ng batang yagit na pagala-gala dati sa lansangan ng Maynila.  Malaki-laki na rin ang inangat ng estado niya sa buhay bunga ng walang humpay niyang pagsusumikap.  Tunay palang malaki ang pangakong kaginhawaan ng magulo’t maruming syiudad  basta’t magsumikap ka lamang.

Pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

Huminto kami sa “Delicious” para makakain ng tanghalian.  Paborito ni ama ang kumain dito lalo na ang kanilang asado.  Wag mo na lamang pansinin kung malinis ang kusina basta’t ang importante ay gaganahan ka sa sarap ng pagkain.  Pero nang makarating kami ay wala na kaming mapwestohan dahil siksikan ang mga tao, puno ang bawat mesa, at marami-rami rin ang nakapila at nagdadasal na sana ay bilisang kumain naman ng ibang customer para makaupo naman sila.

“Gutom ka na?” tanong niya sa akin.

“Okay lang po,” sagot ko sa kanya.

Ako pa ang tinanong niya e ako kaya si Miss Okay Lang.  Sa totoo lang ay siya pa nga itong inaalala ko dahil baka di na kayanin ng hapung-hapong katawan ng matanda ang pagod at gutom.  Natuwa naman ako sa pag-aalala niya.

Pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

Lumabas kami at naghanap ng ibang authentic Chinese restaurant.  Importante daw makakain kami sa China Town.  Pampaswerte, ika niya.  Sige na nga.  Mapagbigyan lang ang matanda, sige na nga.  Kahit siopao daw pwede na.  E ang kaso, di ako fan ng siopao.  Hanggang ngayon naniniwala pa rin akong si ming ming ang palaman ng puting tinapay.

Sabi niya gusto niyang swertihin ako sa taong ito.  Nalulungkot siya dahil pakiwari niya’y sa aming magkakapatid, ako ang medyo nahihirapan sa buhay.  I deserve more daw.  Di ko maintindihan saan niya nakuha ang ideyang iyon, sino ang nagtsismis, sinong nag-usisa sa pribadong buhay ko.  Napatawa na lamang ako ng malakas.  Sa lahat ng Kristyano, siya ang pinaka maraming pamahiin.  Palibhasa ay sa China Town na siya lumaki kaya lahat ng pamahiin at paniniwala ng mga taga roon ay nagaya niya.  Pero sa loob-loob ko ay natutuwa ako kahit papaano.

Pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

May isang kanto kaming nilikuan.  May alam daw siyang masarap na restaurant.  Mas sosyal kesa sa “Delicious”.  Higit sa lahat ay konti lang ang nakakaalam nito kaya’t paniguradong makakaupo kami.  Sinundan ko na lamang siya sa paglalakad.  Di ko alam kung ano ang pangalan ng kantong nilikuan niya.  Basta’t ang natatandaan ko ay iniwan namin ang makapal na bilang ng mga tao sa sentro ng China Town.

“Dito sa banketang ito ako dati natutulog,” ika niya habang tinuturo ang maruming bahaging iyon ng eskinita. “Maglalatag na lang ako ng dyaryo, okay na!”

Nahabag naman ako kay ama.  Lahat ng uri ng pagkakakitaan ay pinasok niya mabuhay lamang sa magulong syudad ng Maynila.  Nandoon din iyong nanirahan siya sa Hospicio de San Jose kasama ng mga madre at nang magbinata ay nag-security guard pa sa pier kung saan niya kailangang makisama sa mga myembro ng Sputnik at Sige-Sige tuwing magnanakaw ang mga ito sa gabi para di siya mabutasan sa tagiliran ng icepick gaya ng kinasapitan ng iba niyang kasamahan.  Nahabag ako pero nanatiling malaki ang paghanga ko kay ama.

Pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

“Dati kasi ay nandito ang Manila Times.  Kailangan makakuha agad ako ng dyaryo na ilalako sa kalsada,” dugsong pa niya.

“Ganun?” ang walang kakwenta-kwenta kong tugon. 

As usual, ako si Miss Okay Lang, diba?  Ang babaeng walang pakialam sa mundo.

Pero sa kabila ng walang kaemosyon-emosyon kong sagot, abot hanggang langit ang paghanga ko sa kanya dahil mula sa pagtitinda ng dyaryo sa murang edad na iyon, nakapag-aral siya, nakapagtapos at nairaos niya kaming magkakapatid hanggang sa pare-pareho kaming maging propesyonal sa kanya-kanyang larangan.

Maya-maya nga ay huminto kami sa restaurant na kung tawagin ay “Republic”.  Nataranta ako nang makitang tatlong itim na baboy ramo ang nakatali sa daraanan ko.  Napatalon ako at bumagsak sa nakakadiring kanal.  Busangot ang mukha ko at ayaw ko ng tumuloy.  Hindi ako papasok sa loob ng restaurant na iyan na marumi at mabaho ang paa!

Wag na daw ako maarte, sabi niya.  Ayan ang balde sa gilid.  Maghugas ka ng paa.  Pampaswerte yang baboy ramong iyan.  Dapat nga matuwa pa daw ako.  Di ko alam kung gusto ko bang batukan si ama para tumigil na pero hinayaan ko na lamang ang matanda.  Sa totoo lang ay nakakatuwa siya.  Perstaym naming mag-amang mag-bonding.  Sa lahat kasi ng mga anak niya, ako ang may sariling mundo.  At nakikita ko sa mukha niyang masayang-masaya siya na nagkasama kami.  Ako man ay ganun din.

Pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

Sa itaas na palapag ng restaurant kami kumuha ng mesa para daw aircon at masarap kumain.  Hinayaan niya akong umorder kahit anong gusto ko.  Kahit pa iyong pinaka mahal.  Wag nga lang kalilimutan ang asado dahil specialty daw ito ng restaurant.  Gusto niya iyon ipatikim sa akin.  Gusto ni amang magpakabusog ang anak niyang pinaniniwalaan niyang nahihirapan.  Bahala nga siya, wika ko sa sarili.  May sarili akong depinisyon ng paghihirap at malayo iyon sa estadong kinalalagyan ko.

Palibhasa ang gusto ni ama ay magkaroon ako ng marangyang buhay.  Masayang pamilya.  Iyon daw ang pangarap niya sa akin.  Alam nilang nahihirapan ako pero di naman daw ako pala kuwento.  Nais niya akong sumikat dahil malaki ang tiwala niya sa aking kakayahan.  Balang araw ay sisikat ka.  Balang araw ay magkakandarapa ang mga kliyente makuha lamang ang serbisyo moBalang araw ay lalabas ka sa tibi at mapapanood ng marami.  Basta balang araw, sisikat ka.  Ang lakas daw niyang makaramdam.  A good and kind person like me, according to him, deserves more in life.  Pero di niya ako matulungan sa kung ano mang problemang meron ako dahil di naman daw ako pala kuwento.  Masyado daw akong malihim.  May sariling mundo daw ako na bukod tanging ako lamang daw ang maaaring mamasyal.  May kaunting pilat ang kumirot sa kaibuturan ng aking puso.  Mahal ako ni ama.  At ganun din naman ako sa kanya.

Pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

Matapos ang aming sobrang late na tanghalian ay tinawag ni ama ang waiter.  Kodakan daw kaming dalawa gamit ang cellphone niya.  Nang kunin ng waiter ang kanyang cellphone ay parang isang avid fan na yumakap siya sa akin.  Napatawa ako sa inasal ni ama.  Sa totoo lang ay na-flatter pa ako.

Pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

Sa isip-isip ko ay bigla kong nasabi:

Balang araw ay malalagpasan ko ama ang narating mo.  Balang araw ay mas sisikat at titingalain ako kumpara sa iyo.  Balang araw, hihigitan ko ang mga tagumpay mo.  Dahil kung meron mang isang taong pumukaw at nagtulak sa akin upang maging mas magaling ito ay walang iba kundi ikaw, ama.

Sa likod ng mga batikos at pagpukol ng mga kalaban, ako ang tahimik na mandirigmang lihim na kukupil sa kanila.  Ipagtatanggol kita ng di mo namamalayan, makikipagpatayan hanggang sa huling hibla ng aking hininga.  Lahat ng iyan, ama, lahat iyan ay gagawin ko para maging masaya at magaan ang huling sandaling ilalagi mo sa mundong ibabaw.  Ako ang pasikretong papasan ng mga bagaheng di mo na magagawang pasanin sa iyong mahinang katawan.

Pero di ko iyon sasabihin sa kanya.

Photo credit: http://www.batangyagit.com/batang-kalye/

WRITER’S NOTE: Huwag kang masyadong siryoso. Filler ko lang ito. Tinatamad pa akong mag-isip para sa last part ng Estafa ko e, hehehehe.

Silang Mga Feelingero

kung maka "sorry" akala mo ganun-ganun lang yon

kung maka “sorry” akala mo ganun-ganun lang yon

Sikat daw sila.  Heartthrob daw.  Kilabot ng campus pa.  Sila na!  Lahat na pinakyaw.  Mga campus crush daw e.  Yun tipong kapag niligawan o pinansin ka nila akala mo utang na loob mo pa ‘yon sa kanila.  Pag nilingon ka nila at nginitian, naku day, huminga ka ng malalim at baka sakaling masinghot mo ang hininga nila.  As if you owe to them their existence and without them life would just be as boring and dull.

Tapos napansin ka nga niya.  Syempre ang courtship isang araw lang at baka makawala pa.  Dream come true na kaya yan.  Ayan na nga, naging kayo.  As usual, feeling niya tinutupad niya ang pangarap mo.  Malaki pa sa balloon ang ulo.  Pag di ka sinipot sa date, he doesn’t owe you any explanation.  Pag nadiscover mong may iba pa other than you, wag kang magalit kasi yung ‘other’ daw ang lumalapit.  Sa’yo pagagawa ang assignment niya habang siya naman ang gumagawa ng assignment ─ng the ‘other’.

Then the last ditch came.  You gave up and broke up with him.  Pero since gusto mo pa rin siya at umaaasa ka pang hahabulin at susuyuin ka niya, sinabi mo na you’re breaking up with him through a text message.  Last minute na nga lang ng love story ninyo nagpa cute ka pa.  Ayan, tumunog nga ang cel mo at nag reply agad siya.  Talon naman ng isang dipa ang puso mo at nangangarap kang mag so-sorry siya sa’yo at susuyuin ka kaya excited mong binuksan ang message niya.  Sabay eto lang pala ang reply niya:

“K”

 

Saan ka pa?  E di ngawa ka ngayon.  Wala e.  Na-inlab ka sa feelingero.  They say that was the price you pay when a plain Jane falls in love with a campus crush. 

Move on ngayon ang peg mo.  Sabi kasi nila the best revenge you can get is to be the bitter better person.  Pero nakikita mo siya may kasamang iba.  Mas maganda.  Mas sexy.  Lamang sayo ng 10 points.  Tapos ang masakit nun wala ka man lang pang counter.  Kahit mag spaghetti strap ka at umikot sa buong campus ay walang pumansin sa’yo kasi bumabakas sa mukha mo ang pagiging bitter.

No choice ka ngayon.  Move on.  Pero mas madali daw mag move on kapag may kapalit.  Ang kaso, wala kang mahanap na kapalit kasi siya talaga gusto mo.  Lahat na ata ng senti songs sa radio pinakinggan mo at ninamnam na akala mo naman ay sinulat talaga ang mga iyon para sa iyo.

Di naman talaga madali ‘yon.  Di biro rin naman ang pinagsamahan ninyo.  Minahal mo din naman yung tao.  Pero ganun din kaya siya sa’yo?  Siyempre, kikibit-balikat ka na lang kasi right from the start hindi balanse ang relasyon ninyo; mas mabigat ang sa iyo at napakagaan lang ng sa kanya.  Konsolasyon mo na lang ang paniwalain ang sarili mo na kahit papaano naman siguro siniryoso at minahal ka rin niya.  Pero siguro lang ‘yon at walang bearing.

Pero ten years after, iba na ang kwento.  Hindi na ikaw ang dating ikaw.  Hindi mo na rin naisip kung asan na kaya siya at ano na ang nangyari sa kanya.  Ni pagsagi nga sa isip kung kumusta na kaya siya ay di mo na magawa.  Kasi busy ka na.  Kasi nga ibang-iba ka na.  Then you will go back to what transpired ten years ago.  Buti na lang di kayo nagkatuluyan.  Buti na lang nag break kayo.  Buti na lang at tinigil mo ang kahibangan mo.  Wala kang ibang masabi kundi…buti na lang

Pero dahil ikaw naman ang sikat ngayon sa batch ninyo, biglang may nag come-back.  Biglang may nabuhay na patay at kinontak ka sa facebook.

“Kumusta?  You look more beautiful now.  May bf ka na?”

Siguro if you receive that same message ten years ago, maglulumpasay ka kasi at that time patay na patay ka pa sa kanya.  But that was ten years ago and things are never the same again.

The message came just too late.  Just too late.

Kasi wala ka ng feelings.  Kasi isa na lamang siya ngayong insignificant moron.  Kasi ni katiting na kilig ay wala na at ang mga ala-alang meron ka, kung meron man, ay asiwa na lamang. 

“I want to see you personally so I can say how sorry I am.”

F*<& you.  E di mo na nga siya kilala ngayon.  Sasayangin mo pa ba oras mo para sa kanya? 

 

So to be polite, sinagot mo naman siya, “Ikaw, you look different.  Di nga kita nakilala.”

“Ganun ba?  Habulin pa rin ako ng chicks.  Dami pa rin nagkakagusto sa akin.  Yung isang engineer nga na babae na foreigner nakakatawa pag nagpapa-cute sa akin.  Araw-araw dinadalhan ako ng prutas. hahahahaha.”

F*<& you again.  Hanggang ngayon feelingero ka pa rin.  Kung meron mang di naka move-on sa kuwento, baka silang mga feelingero.  Akala ata ten years ago pa rin ang kuwento.  Akala ata ikaw pa rin ang nireplayan ng “K” noong nakipag break ka ten years ako.  Akala ata magkakandarapa ka pa rin sa kanya gaya noong ten years ago.

“But, kidding aside.  I’m really sorry.  For ten whole years, I couldn’t get rid of you in my mind.  I’m really sorry for hurting you.”

The message should have been sent ten years ago to at least appease and leave you with dignity.  But the only message you got from that same asshole was a plain “K”, making you feel how unimportant you were and dishing you out was as easy as ABC.

No, it will never be the same again.  The “sorry” should have been uttered ten years ago right where and when it was proper.  The “sorry” should have been uttered when it would mean something; when it would touch something; when it could have change everything.

But ten years ago is now history.

At silang mga feelingero ay mananatiling nabubuhay sa ilusyon na sila pa rin ang sikat at habulin.  Mapag-iiwanan na nga lang sila pero ang pagiging feelingero pa rin nila ang mananatiling huling alas nila.

E di ibigay mo na kung iyan naman ang ikasasaya nila.  Wala namang mawawala.  Ang mahalaga, sa iyo ang huling alas.

Totoo pala ang sabi nila, “bilog ang mundo.”

 

 

DISCLAIMER: video and music used are not mine.  Credit belongs to the artists and uploader appearing in the link.

Ano’ng Meron Sa Paa Ng Lalaki Sa Elevator?

Hello ka-blogs.  Tapos na dapat ang kwento ng “Walang Multo”.  Tinuldukan ko na iyon.  Pero tao lang ako at madaling ma-bribe (hehehehe).  Ayan, may isang reader na nahuli ang kiliti ko at na-bribe ako sabihin ko lang ano ang nakita ng babae sa paa ng lalaki na sumabay sa kanya sa loob ng elevator.

Ganito, eto ay hindi kadugsong ng “Walang Multo.”  Maliwanag na tayo dyan ha?  Ayoko na kasing galawin pag tapos na ang kwento.  Kumbaga, lalabas lang na ie-elaborate ko ang kwento at ipapaliwanag ang ibang bahagi ng mumu post ko dito sa blog na ito.  Okay na tayo dyan.

Inuulit ko.  Ang “Walang Multo” ay kathang isip lamang.  Kung papansinin ninyo ang isa sa mga tags, mababasa ninyo ang salitang FICTION.

Kung matatandaan ninyo, sinabi ng therapist sa bidang babae na ang pagkakaroon ng “third eye” ay isang gift,nasa iyo na lamang kung tatanggapin mo ito o hindi.  Minsan ay lumalapit ang mga kaluluwa dahil humihingi daw sila ng tulong at alam nila sinu-sino ang nakakaramdam at nakakakita sa kanila.

Sa kwento ng “Walang Multo”, pinaliwanag na ng bidang babae na kinagagalitan siya simula bata pa lang sa tuwing magsusumbong siya na may kakaibang nakikita.  Eto yung punto na di accepted ang pagkakaroon ng third eye lalo na sa religious and conservative families.  Sa ibang tao, this is merely a product of having a playful and strong imagination and that there is no truth whatsoever to the existence of that thing referred to as third eye.

Eto yung catch doon.  Being a reader, you will be guessing kung fiction nga ba ang kwento o totoong nangyari kasi nga may bahaging sinabi ng babaeng bida na sinaksak na sa kokote niyang walang multo at kathang isip lamang ang mga iyon bunga ng malilikot na imahinasyon ng tao. 

 

Be the better judge.

 

Ano nga ba ang nakita ng babae sa paa ng lalaki sa loob ng elevator?  Bakit natakot siya sa lalaki gayung magandang lalaki naman ito at maayos ang pananamit (maliban na lamang sa ilang ulit niyang nakita ang lalaki sa ibang floors ng building)?

Ganito.  Normal ang lalaki sa paningin ng babae.  Binata.  Magandang lalaki kung tutuusin.  May katangkaran.  Maayos ang pananamit at naka pang-opisina gaya niya.  Kung maharot ka pa nga ay baka iinvite mo pa ito sa loob ng elevator lalo na at kayo na lang dalawa dun sa loob sa alanganing oras na iyon.

Nakatingin at nakangiti sa kanya ang lalaki.  Pero ni “ha” ni “ho” ay di makapagsalita ang lalaki.  The only thing he can do is to smile.  Parang iyon lang ang mechanical act na kaya niyang gawin.  He looked so much alive pero bakit parang di humihinga?  Di mo nararamdaman ang hanging lumalabas sa ilong o sa bibig nito?  Di gumagalaw ang dibdib na palatandaang lumalanghap at nage-exhale ito ng hangin?

The last ditch for her is to check the feet of the young man. 

As can be recalled, di sinabi directly ng therapist sa bidang babae ano ang makikita niya sa paa.  Actually it was more of a premonition because the therapist can read (nag ba-body scrub sila di ba? Kaya di maiwasang mahawakan ng therapist ang kamay ng babaeng bida at nabasa niya ng di sinadaya ano ang mangyayari dito).

Ano ang meron sa paa?  Dito natapos ang kwento ng “Walang Multo.”  Di na ikinuwento.  Di na rin natin alam ano ang nangyari sa bidang babae except for the fact that after a week, bumalik siya sa establishment at tinukso ng receptionist kasi nga ay nahagip daw ng cctv nila na may binatang nakapasan sa likuran niya.  The binata being referred to by the receptionist fits perfectly the description of the male ghost she encountered at the elevator.

Ano ang nakita ng bidang babae sa paa ng lalaki sa loob ng elevator?

 

Wala.  Walang meron sa paa.  Wala siyang nakita sa paa ng lalaki…

 

…Kasi walang paa ang lalaki.

 

 

Writer’s Note: 

 

Normal na tao ang tingin ng bidang babae sa lalaki so she assumed na, since he was wearing a pair of black slacks, merong paa –merong sapatos.  But she was wrong.

 

Walang paa ang lalaki.

 

 

 

 

Walang Multo!

7:15 in the evening.  Friday.  August 2013

Ang bigat ng pakiramdam ko.  Ang sama ng loob ko.  Namatay ang pinaka importanteng testigo sa kasong hinahawakan ko bago pa man siya makapagbigay ng testimonya sa korte.  Yung tipong ang testimonya lamang niya ang magbibigay linaw sa magulong kasong iyon at magpapapanalo sana sa amin. Malala na kasi ang sakit ng matandang lalaki.  Araw-araw ay nag shi-shrink siya.  Binubuhat na lang siya kasi kalansay na ito halos.  Bawal masagi at pumapalayaw talaga ng sigaw sa sobrang sakit.  Tipong sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay biglang pipikit at aakalain mo talagang patay na siya yun pala ay napapa-idlip lang.  Alam naman niyang mamamatay na siya at bibilang na lamang ng araw.  

Ginawa naman namin ang lahat. Nagfile kami ng motion para makapag deposition ang matandang lalaki. Eto yung i-aadvance ang testimonya ng witness kahit wala pa kami sa trial para lamang ma-preserve ang testimonya nya. Eto rin yung pinapayagan ng husgadong sa labas ng korte gawin ang pagkuha ng testimonya ng witness gaya halimbawa sa bahay ng matandang lalaki (dahil nga di na siya maaaring ilabas at maselan na ang kondisyon).

Pero dineny iyon ng husgado due to technicality daw. Nak ng p*#$5a! E kung tutuusin nga ay di na kailangan ng intervention ng husgado sa deposition dahil na-file na ang Answer ng lahat ng mga kalaban! Mere notice will suffice!!! Isa pa, sa limang kalaban ko, isa lang (utang na loob IISA LANG) ang nag-oppose! Pu^&*@+&*>?<<!!!

Di pa rin ako tumigil.  Likas kasing makulit ako.  Nagpa-reconsider ako.  Sabi ko, payagan na ninyong makapagdeposition yan.  Kasi magkaiba naman ang “taking” of deposition sa “use” of deposition.  E di saka kami magbakbakan sa “use” of deposition!  Please naman.  Mamamatay na talaga ang witness namin baka di na iyon makapagtestigo.  Please pretty please!

Pina-set ko agad ang hearing ng reconsideration ko at nilagyan pa ng pagkalaki-laking URGENT at binanggit na posibleng di na abutin pa ng bukas ang matandang lalaki.

Alam mo ang ginawa?  Inisod lang naman ng husgado ang petsa ng hearing sa mas malayong araw!  PAKING TAPE TALAGA!!!  Ayun!  Patay ang witness!  Di na nakapagtestigo.  Abot pa sana siya e.  Kundi lang…

Kaya sa sama ng loob ko, di muna ako dumiretso sa bahay pag-uwi noong gabing iyon.  Alam mo yun?  Parang pinagsakluban ka ng langit at lupa.  Napagod talaga ako.  But that’s life.  Bawal mapikon.  Ang mapikon, may disbarment kinabukasan.  Nak ng…!

“Good evening ma’am,” bati sa akin ng guard sa lobby ng hotel.

Nginitian ko siya at wala ng iba pang sinabi.  Wala ako sa mood.  Nilapag ko ang bag ko sa maliit na mesa at saka ito binuksan para ma-inspect niya.

“Ma’am, straight body!  Nakukuba ka!”

“Huh?”

“Mag straight body ka ho at kubang-kuba ka.”

Ang gulo nya.  Paano ako naging kubang-kuba?  Pero nag straight body nga ako at saka sumakay sa escalator.  Pagdating sa second floor, lumipat naman ako sa elevator. 

Bumukas ang pinto.  Walang tao.  Pinindot ko ang 6.  Usually ay sa digital na number sa itaas ng mga buttons ako tumitingin pero sa sandaling iyon ay napapaling ang mga malilikot kong mata sa salamin sa loob ng elevator.  HEEEEY…!  Bakit nakukuba ako?!

Muli, tumindig ako ng tuwid.  Nag straight body.  Siguro masyado akong affected at depressed.  Bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang entrance ng mataong establishment na paborito ko.  Hinanap ko agad si Ate Susan.  Siya kasi ang nag ba-body scrub sa akin.  Minsan ay may libre pa akong masarap na masahe sa kanya at milk bath kasi nga ay peborit daw niya ako.

Nang makita niya ako ay tuwang-tuwa siya at sasalubungin sana ako ng yakap.  Pero biglang nanlaki ang mga mata niya at ang tuwa ay biglang napalitan ng takot.  Di na niya tinuloy ang pagyakap sana sa akin.

Anong meron ba sa Byernes ng gabing iyon and people are starting to act weird?  Ako na lang ang yumakap sa kanya.  Pero pansin ko ang pamimilog ng mga mata niya habang pasulyap-sulyap siya sa likuran ko.  Ako man ay napalingon sa likuran.  Baka ‘kako may tao sa likod.  Wala naman akong nakita so far.

Nagtuloy na kami sa kwartong naka-assign kay Ate Susan.  Doon yun sa pinakadulong bahagi ng establishment nila.  Peborit ko ang area na yon kasi nga di matao.  Tahimik.  Makakatulog ka talaga.

Dim light lang sa loob.  Mabango ang scent at relaxing habang may tugtog na very soothing.  Nilapag ko ang bag ko at kinuha ang nakahandang tuwalya.  Pero nanatiling nasa gilid lang si Ate Susan at tipong ayaw lumapit sa akin.

“Torni buksan natin ang ilaw para maliwanag?”

“No need ‘teh.  Tutulog din kasi ako.”

 “S-sigurado po kayo?”

 Nginitian ko lang siya at saka tinulak ang sliding door ng cr sa loob ng maliit na silid na iyon.  Bago pumasok sa cr ay nilingon ko pa siya.

“Tahimik ka ata ngayon.  Nag-away na naman ba kayo ng asawa mo?”

“H-hindi torni…”

“Naninibago kasi ako sa’yo…” Pumasok na ako sa loob ng cr.  “Sigurado ka teh wala kang problema?”

“W-wala torni.”

“Sige teh, puntahan mo muna ibang clients mo.  Maghubad muna ako.”

“Hindi po!  Sasamahan kita dito!”

“Wow.  Ang sweet.  Ano’ng meron?” biro ko pa sa kanya.

“Di kita iiwan ngayong gabi.”

Napatawa na ako.  “Ikaw ha.  Baka natotomboy ka na sa akin.  Sige na.  Mas komportable akong naghuhubad mag-isa kesa naman inaantay mo ako dito.”

“S-sigurado po kayo?”

Nag-aalangan man siya, lumabas na rin ito ng kwarto.  As in, yung karipas.  Weird.  Sinara ko uli ang sliding door at sinimulang magtanggal ng damit.  Naiwan na nga akong mag-isa sa kwartong iyon.  Paminsan-minsan ay napapa “sigh” na lang ako tuwing naaalala ang nangyari sa kaso ko.  Nauubos na ata ang dugo ko.

Ngunit maya-maya lang ay bigla kong narinig na marahang bumukas muli ang pinto ng kwarto.

“Ate?”

Walang sumagot.

“Ate Susan?  Ikaw ba yang pumasok?”

Walang sumagot.

Nagkibit-balikat na lamang ako at saka kinuha ang tuwalya na itinapis ko naman sa aking katawan.  Inayos ko na rin ang mga pinaghubaran ko. 

Walang anu-ano’y narinig kong may humimig.  Boses…boses…boses lalaki?  Hmmm…bakit lalaki?  Malamig.  Malungkot.  Mapait.  Pero di ko maintindihan anong klaseng kanta.  First time ko lang ata narinig ang kantang yon, pramis.  May limang segundo marahil akong napahinto para lamang kilatisin kung ano ang sinasabi ng kanta.  Pero di ko maintindihan.  Ang labo talaga.  Para kasing nakakakilabot yung kanta.  Bakit iyon ang pinatutugtog nila?  Parang di relaxing ang music.  At bakit lalaki ang kumakanta?  Usually instrumental lang e.  Tumaas tuloy ang balahibo ko.

Tiniklop ko ang pinaghubaran ko at sinuot ang naka handang tsinelas sa gilid ng cr.  Pero napahinto ako nang mapansing unti-unting tinutulak pabukas ang sliding door ng cr.  May tao! 

kriiik…kriiik…

“Ate…?” marahan ang tanong ko.

Walang sumagot.  Pero patuloy ang unti-unting pagtulak sa sliding door. Lumalakas ang tibok ng puso ko.  Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili na di ako natatakot. 

kriiik…kriiik…

“Ate San…?  Ikaw ba yan?”

kriiik…kriiik…

Napalulon ako habang nakatitig sa sliding door.  Ano’ng gagawin ko?  Walang lock yon!  Kinuha ko ang vase na display sa loob ng cr.  Lumapit ako ng dahan-dahan.  Bawal matakot, madidiskaril lang ako.  Oo, alam kong may cctv ang establishment na iyon.  Pero ayokong sumugal.  Naninigurado lang. Bale ba naman sa propesyon kong ito, sa amin binubuhos ng kalaban ng kliyente namin ang matindi nilang galit.  Hindi kaya sinusundan na naman ako nung…

May uwang na ang pinto dahil nga sa unti-unting pagbukas nito.  Sisilip muna ako.  Napalulon uli ako.  Bawal kabahan.  Naka-focus ang mga mata ko sa uwang.  Ang totoo’y nanginginig ang mga tuhod ko.  Palapit ako ng palapit sa uwang nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto at siyang pasok ni Ate Susan.

“TORNI!  Ano’ng sinisilip mo dyan?”

Di na ako nagsalita.  Napatawa na lang ako.  Stupida.  Ano nga ba ang sinisilip ko?  Binalik ko ang vase.  Naparanoid na naman ako.  Siguro nga ay panahon na para magshift ako sa corporate practice at iwan ang criminal tutal ay panlalaki naman daw talaga yon. 

Dali-dali akong lumabas ng cr at di na sa kanya kinuwento ang nangyari.  Humiga na ako at tinaggal ni ate ang tuwalya ko.  Di na siya wirdo gaya kanina.  Mas mukhang magaan na ang mukha niya.  Pero pansin kong gumagala ang mga mata niya sa maliit na silid na iyon.  Wala na rin iyong kumakantang lalaki.  Tahimik na ang buong silid.  Buti naman at pinatay na nila ang tugtog.  Di naman kasi relaxing; nakakatakot pa kaya!

Gaya ng dati, di ako nakatulog.  Kinuwentohan na naman kasi niya ako.  Oo lang ako ng oo sa mga pinagsasabi niya.  Hanggang sa nagkwento nga siya sa akin na may kakayahan siyang makakita ng ibang nilalang na di nakikita ng ibang tao.  Paliwanag niya ay namana niya iyon sa kanyang yumaong ama.  Gift daw iyon.  Minsan nga daw ay may kakayahan siyang magbasa ng palad ng iba pero di na daw niya ginagawa kasi may hinihinging kapalit.  At ang kapalit ay masakit.  Kaya para maka-iwas, di na siya nagbabasa pero ang kakayahan niyang makakita ay nananatiling malakas pa rin.  Inulit niya: gift daw iyon.  Nasa iyo na lamang daw kung tatanggapin mo o hindi.

Doon nga ay napakwento na ako sa kanya.  Ang sabi ko, simula bata ay nakakakita na ako.  Pero sa tuwing magsusumbong ako sa tatay ko ay pinagagalitan ako.  Di daw totoo ang nakikita ko.  Malawak lang daw sadya ang imagination ko.  Pero pinagdidikdikan ni tatay sa akin na wala raw multo.  Kathang isip lang daw iyon.

Di umimik si ate.  Kaya nagpatuloy lang ako sa kwento ko.  Binaggit ko na sa kanya na ngayong nagtatrabaho na ako ay pasulpot-sulpot na lang.  Parang seasonal.  Minsan ayaw kong magpapakuha ng litrato na may tatamaang salamin.  Kasi paglabas ng picture, may nakasilip sa salaming nakuha sa larawan.

“Ako torni naniniwala sa’yo.”

“Ay talaga?  Buti naman.  At least di mo iisiping weird ako o nababaliw.”

Huminto siya at tiningnan ako.  Tapos ay saka pinagpatuloy ang scrub.  “Kasi torni may bantay ka.”

“Talaga?” walang kwenta kong tanong (di pa kasi nag sink-in sa akin ang ibig niyang sabihin).

“May bantay ka ngayon.”

“Huh?”

“Oo.”

“Asan?!”

Lumingon si ate sa gilid, doon sa madilim na parte ng kwarto, at saka nginuso.  “Ayun.  Nakatayo,” pabulong niyang sagot sa akin na halatang natatakot.

Pero wala akong nakita.  Di ako kinakabahan pero kapansin-pansin ang pagtaas ng mga balahibo ko.  Di na ako nagsalita.  Ayoko ng tanungin ano ang hitsura ng nakita niya.  Matanda ba o bata.  Babae ba o lalaki.  Masama ba o mabuti.  Itim o puti.  Di pa rin nag sink-in sa akin masyado ang pinupunto niya.  Bakit ba iyon ang pinag-usapan namin?

Sa wakas ay tumahimik si ate.  Nakakatulog na ako nang biglang magsalita na naman ito.

“Basta torni, kahit ano’ng mangyari…”

“What?”

“Wag mong kakausapin.”

“Ano’ng pinagsasabi mo ba dyan?”

“Basta.  Wag mong kakausapin.  Kung anong maririnig mo, pag may tumawag, wag kang sasagot.  Wag kang lilingon.”

“Ate…”

“Torni.  Iwasan mong mag-isa sa elevator.”

“Di ko masasabi yan.  Nasa 20th floor ang office ko.  At araw-araw, gabi-gabi, gumagamit ako ng elevator,” paliwanag ko sa kanya. Pero sa oras na iyon ay nakakaramdam na ako ng hilakbot.

“Kung sakaling mag-isa ka at biglang may sasakay, tingnan mo ang paa.”

“Bakit?  Ano’ng meron sa paa?”

“Malalaman mo din.  Alam kong kaya mong malaman.  Pag naramdaman mo iyon, lumabas ka ng elevator.  Mag-antay ka na lang ng panibago.”

“Ate…”

“Lumalapit sila kasi may gustong sabihin sa’yo.  Humihingi ng tulong.”

“Tama na teh.  Magagalit na ako sa’yo.”

And she finally shut her mouth up.  For the remaining 30 minutes ay nakatulog ako sa wakas.  Kasi nga di na siya nagkwento.  Tutal naman ay nasabi na niya ang dapat niyang sabihin.  Nang magshower ako ay di siya lumabas ng kwarto.  Binantayan niya talaga ako kahit di ko naman hiniling.  Di ko na rin siya sinita.

Palabas na ako at papunta na sa sasakyan nang biglang mag ring ang telepono ko.  Si bossing.  Bumalik daw ako sa office at ang records ng isang client ay naiwan niya.  Magkita daw kami bukas ng umaga at iabot ko daw sa kanya.  Pasensya na daw talaga.  Iba na daw kasi ang tumatanda at lalong nagiging ulyanin.  Ililibre na lang daw niya ako ng almusal.  Dun sa peborit ko.

Aangal ba ako e boss ko iyon?  Alas nueve na ng gabi pero wala akong nagawa kundi bumalik sa opisina.  Pagdating sa building ay wala na ang receptionist.  Guard na lang ang nagbabantay.  Bumukas ang elevator at saka ako pumasok.  Nagbilang pa ako hanggang sampu bago isara ang pinto at baka sakaling may humabol papasok.  Wala na.  Okay, go.

 

G.  3.  4.  5.

 

Bumukas ang pinto.  Parking ang 5th floor.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

6.  7.  8.

 

Bumukas uli ang pinto.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

9

 

Bumukas uli ang pinto.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

10

 

Bumukas uli ang pinto.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

11

 

Bumukas uli ang pinto.  Walang tao.  Sinara ko uli.  Anak ng p$@$^*&!  Sino bang naglaro ng elevator at halos lahat ata ng floor ay pinagpipindot?!

 

12

 

Bumukas uli.  Pero may lalaki ng nakatayo.  Binata sa tingin ko.  May katangkaran.  May hitsura.  Maganda ang pangangatawan.  Naka puting polo shirt at black slacks.  Isa siguro sa mga nag-oopisina doon.  Nag OT sa tingin ko. 

Ngumiti ako, “UP?”

Di sumagot ang lalaki.  Nakangiti lang siya at nakatingin sa akin.

“UP?” ulit ko.

Di uli siya sumagot.  Sinara ko na ang pinto.  Feeling ko ay pababa siya.  Natural, pababa na yon dapat sa ganung oras.

 

14

 

Huminto uli ang elevator.  Bumukas.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

15

 

Bumukas uli…at nakita ko ang lalaki sa 12th floor na nakatayo sa aking harapan!  Nakatitig siya sa akin at nakangiti!  Taranta kong pinagpipindot ang CLOSE button!

 

CLOSE.

 

16

 

Bumukas uli.  At andoon uli ang lalaki!  Nanigas ako sa pagkakatayo ko nang dahan-dahan siyang lumapit at pumasok sa loob.  Doon ay naalala ko si Ate Susan.  

“Torni.  Iwasan mong mag-isa sa elevator.”

Sh*+!  Pasara na ang elevator.  Labas!  Bilis!  Labas ka na!  Pero di ko magawa!  Utang na loob, gusto kong lumabas!  Pero di ako makakilos!  Tumabi sa akin ang lalaki!  Unti-unting sumasara na ang pinto ng elevator.

Ang paa!  Tingnan mo ang paa!

Dahan-dahan akong yumuko at halos mapa-iyak sa takot, tikom na tikom ang mga kamao para pigilan ang panginginig ng buong katawan.  Mula sa pagkakatitig sa aking paa ay ginalaw ko ang aking mga mata patungo sa paa ng lalaki.

Ang paa!  Tingnan mo ang paa!

Lord please!  Di ako makagalaw!  Dahan-dahan ay nakarating ang mga mata ko sa kinatatayuan niya at sinilip ang paa…

 

 

 

 

 

Joke lang yan.  Naniwala ka naman.  Ayan o.  Sabi ng title “WALANG MULTO.”

 

 

Writer’s Note:  After a week ay bumalik muli ako sa establishment.  Kinantsawan ako ng receptionist.  Sino daw yung binatang nakapasan sa likuran ko nang pumasok ako noong Byernes ng gabi.  Nahagip daw sa CCTV.

 

 

Joke ulit yan.  Hehehehe…walang multo diba?

 

 

Swatch

Tititig na lamang ba sa kawalan at magtatanong kung bakit?  O hahayaan na lamang ang lahat ay maging bahagi na lamang ng nakaraang nakatakdang kalimutan?

Wala na siya.  O, wala na siya…subalit ang kalimutan siya’y di niya magawa-gawa.  Magpapatuloy na lamang sa buhay at magsisimula muli kung saan naputol ang lahat.  Magsisimula muli at ngayo’y pilit na kikilalanin ang mailap na sarili.  Magsisimula muli.  Pangako, magsisimula muli…

Nangakong sa araw na iyon ay haharapin ang lahat.  Makulimlim man ang panahon at nagbabadya ng unos, ang lahat ng ito’y nawalan na ng saysay sa kanya.   Ang mahalaga’y ipagpapatuloy niya kung ano ang iniwan at pilit noong tinutuldukan.   Titindig ng buong kisig, bitbit ang tikas na tumatatak sa kanya kasama na rin ang ngiting magdidiktang walang nadaramang pait na inililihim.  Siya’y haharap sa kanilang lahat na animo’y walang nadaramang pagkabigo.

At nang siya nga’y dumating tumindig silang lahat at saka nagkamayan at nagpalitan ng kamustahan.  At mula nga rito ay nagsimula na ang mahaba’t nakakabagot na pulong.  Sa halip na magpahinga  matapos ang buong araw na pagkayod, heto’t pilit pinapatay ang oras sa mga pulong na wala naman siya talagang pakialam.  Kung sa paraang iyon ay pansamantala niyang makalimutan siya, kahit araw-arawin pang gawin ay di siya magrereklamo at aangal.

Ngunit kung anong init ng diskusyon sa loob ng kapehan ay siya namang lamig ng klima sa labas kasabay ang nakababahalang pagpatak ng ulan.  Banayad at tahimik.  Ngunit may kakaibang ingay na hatid na pilit tumatawag sa kanyang atensyon para siya’y lumingon.

At habang siya’y nagmamatigas ay tila lalong kinakalabit ito ng bawat patak ng ulang nagsasabing, “lumingon man lang sana siya sa huling pagkakataon.”

Di man lang natinag at di man lang nagawang lumingon.  Ang kasagutan sa mga naiwang tanong, ayon at naghihintay lamang kung siya sana ay lilingon.  Nagpupumiglas at nagmamatigas.  Ngunit paano makapagsisimula muli kung hindi man lang mabibigyan ng huling sagot ang mga kinimkim na tanong?

Nag-alburoto at nabagot, hayan ang ulan at lalo siyang kinakatok!  Isang huling tawag at kung siya’y di tutugon, mababago ang istorya ng nakalilok na katapusan.  Sa bagay ay siya naman talaga ang didikta kung paano uukitin ang magiging huling bahagi ng kanyang kwento.

Sa wakas ay tumugon sa pakiusap at siya’y napalingon na nga.  At sa makulimlim na labas ay kanya siyang naaninagan at agad napahinto.  Siya nga ba iyon?  Kumurap at pumikit ng madiin at nang muling tumingin ay mukha pa rin niya ang naaninagan.  Sa puntong iyon ay wala siyang ibang nakikita maliban sa pamilyar na mukhang iyon sa ilalim ng ulan; ang mukhang iyon na may hawak-hawak na itim na payong habang nag-aabang ng masasakyan.  Siya at siya lamang.  Wala ng iba pa.  Hindi siya maaaring magkamali.  Wari’y nakisabay ang dikta ng panahon, tila huminto ang pag-ikot ng kanyang orasan para magparaya sa maikling sandaling hindi na uli mauulit.  Mula sa kanyang kinauupuan ay walang sabi-sabi siyang tumindig at naglakad palabas habang habol-tingin ang kanyang mga kasamahan na nagtataka kung ano ang nangyari at siya’y biglang umalis.

Siya’y naglakad palabas na di alintana ang mga mausisang tingin sa kanyang paligid.  Siya’y naglakad palabas na di malinaw kung ano ang susunod na gagawin.  Siya’y naglakad palabas na walang kasiguraduhan ano ang mangyayari.  Siya’y naglakad palabas na di nga alam bakit pa ba niya kailangan itong gawin.  Siya’y naglakad palabas at hinubad ang nagkukubling pagkatao at nagpakabasa sa ilalim ng ulan upang salubungin siya sa gitna ng daan.

Nang magtagpo sa gitna ay kapwa nangusap at nagtanong ang mga mata.  Magkahalong pananabik at hinanakit nang sila’y muling magkita sa huling pagkakataon.  Tila may mataas na pader na pumagitna sa kanilang dalawa.  Ngunit ang malakas na tibok ng kanilang dibdib ay dinig na dinig ano pa mang taas ng pader na sa kanila’y humarang.  Hahawakan ba niya ang kanyang mga kamay?  Siya ba’y dapat kamustahin pa niya?  Ano ang dapat gawin at idikta nawa ng langit ngayon din!

Pinuno ng mga tahimik na pagtititigan ang mga tanong nilang kapwa kinimkim at inakalang di na masasagot kailanman.  Bukod tanging silang dalawa lamang ang nakakarinig at nakakaunawa kung “ano” at “bakit”, kung “saan” at “paano”.  At kung ano man iyon ay di na mahalaga.  Dahil sila lamang dalawa ang nakakarinig at lubos na nakakaunawa.  Sila lamang at wala ng iba pa…oo, sila lamang…mga kasagutan sa mga huling tanong na iniwan.

Ang pader sa pagitan nila ay tuluyan na ngang nagiba.

At mula nga rito’y unti-unting inangat ni lalaki ang mukha ni babae at marahang inilapat ang kanyang mga labi at dinama ang malambot at mapupula nitong mga labi na para bang sila lang ang tao sa paligid.  Ang itim na payong ay tuluyan na ngang nakawala at tinangay ng hangin palayo sa dalawa.  At habang sapo ng kamay ni lalaki ang batok ni babae at ang isa naman ay sa pisngi nito, bahagyang kinagat ni babae ang babang labi ni lalaki…kagat na di magmamarka ngunit di rin kakalimutan.  Iyon na nga at saka humigpit ang yakap ni lalaki na para bang ayaw na siyang pakawalan at nagtunggali ang kanilang mga nag-iinit na halik sa kalagitnaan ng malamig na ulan.

 

Ang pag-iibigan kung minsan ay di nagwawakas sa isang paalam lamang.  Ngunit mainam na tuldukan upang magparaya sa kung ano ang nakatakda.

Sapagkat…

 

“Ano nga ang sabi

ang dakilang aral?

Ang magmahal

ay para sa hangal.

 

“Ang umasa ng kapalit

para lang sa iilan.

Hindi patas ang laban

kaya nga, may digmaan.

 

“Tinanong sa sarili

ang umasa ay anong silbi?

Babalik ba ang dati

ang doon ay paparini?

 

“Itataboy na lang ng hangin

mga lungkot at panimdim

Tatanungin ang buwan

kung tunay ang damdamin.

 

“Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong…”

Writer’s note:  Ang Swatch ay inspired sa tula ni Sasalingawit na pinamagatang Sa Sangandaan Ng Buhay.”  Ang Sangandaan ay kumitil sa imahinasyon ng may akda kaya minarapat nitong dugsungan ang kwento sa likod ng tula ni San.  At sa kwentong ito, tinapos at tinuldukan ang mga naiwang katanungan.  Ngunit kung ano ang kasagutan sa mga iniwang tanong, bukod tanging ang lalaki at babae lamang sa istorya ang lubos na nakakaalam.

During the late 1990s to early 2000, naglabas ng TV ad ang Swatch sa Pinas kung saan ay ipinakitang nagkatitigan ang isang teenager na lalaki at babae.  It was more of a love at first sight para sa kanila.  Naglakad papalapit sa isa’t isa and when they were finally close to each other, they kissed long and deep, not minding the hot stares of the public.  Guts.  Aggressiveness.  Impulsiveness.  And simply in-love.

Indeed, we do crazy things when we fall in-love.  But sometimes, there are certain things that are better left unsaid. IT IS FELT.

DISCLAIMER:  I do not own the music or the video.  Credit is given to the artists, composer, producer and uploader appearing in the link.

Criminal

He had lunch with his sleek client.  It was a light conversation indeed with gentle laughs over silly jokes which until now he could not find the rumor with.  But for the sake of satisfying his client who paid for the food, yes, he laughed with the dullest joke he’d ever heard.

He took a bite at his chicken sandwich and asked out of thin air.  “So, did you do it?”

He munched and felt the mustard on his tongue and enjoyed the cracking of the crunchy croissant.  The roast chicken was so tasty that he almost forgot where he was.

But wait a minute, did his client answer his question?  Hell, he missed that part.

Instead he saw his client removed his stare and looked somewhere else with a surreptitious grin escaping from his lips.  Then the client looked back at him again and made another stupid joke.  Of course, the lawyer laughed.  He was obliged until the roast chicken sandwich was done.

But in between their conversation, the lawyer asked again.  “Did you touch her?  The girl?  I mean, um, d-did y-you?”

And the client’s broad grin stopped and he looked straight into the lawyer’s eyes.  His eyes narrowed as unspeakable words travelled fast from his evil grin to the latter’s terrified eyes.  The lawyer stopped chewing his food and almost choked as he tried damn hard to swallow what remained in his mouth.  He felt the shiver down to his spine and became immobilized in an instant.  The client did not answer the lawyer’s question just the same.  But his grin…and, oh, his stare…cold and distant…the lawyer was left completely puzzled.  It was like a confession to him.  Is he actually seeing it?  Was it real?

The lawyer slowly put his sandwich down and gulped the remaining juice in his glass.  The conversation continued but his questions were left unanswered.  The chatting became incessant but his mind was not following.

This is no game at all.  And for the first time, he looked into the eyes of a criminal.  No, this is no game at all.

He’s dead.

Note: No privilege communication was broken.  This is purely a work of fiction.

Dark Justice

Image

The clock struck 9 in the evening.  Stores closing down, lights being turned off.  Only one store remained well lighted as the stout security guard, armed with an empty pistol, was glued heavily to his seat.

He was watching him.

But an old lady fond of that guard brought him dinner; homemade spaghetti and a slice of birthday cake.  His eyes glowed in excitement and uttered his profuse thanks to the old lady.  And the moment she left, he dived on the meal like a hungry savage.

The stout guard’s last meal.

And he was watching him.

There, hidden in the dark and damp alley he patiently waited as he lighted his third cigarette.

And he was watching him.

Finally, the guard’s last bite on his cake.  But as a sign of a satisfying free meal, the guard instead cussed into thin air.  A boy riding on a bicycle passed by but he spit, cursed and scared the lad with his useless pistol.  The boy dashed off, leaving the stout man shouting, “Nobody messes with me!”

And the guard slumped to his chair, dozed off to sleep and snored like shit.

But he was watching him.

He puffed the last smoke, dropped the cigarette buff, and stomped it flat on the ground.  He brought out his silencer and attached it to the barrel of his pistol.  It was time.

Slowly he emerged from the dark.  The unnoticed footsteps strode on the ground, leaving a warning for a dreaded treachery. Finally, he stopped right in front of the snoring stout guard.

And without any word, he pointed his gun to the pig’s open stinking mouth and fired the single bullet.

BANG!

don’t be fooled By what you seE.  words are spears, dangerous as charcoals of hell.  hidden meanings thrust deep Withing the lines will strike you down when you Are least expecting it.  fool, when Retaliation comes, dark justicE will haunt you down.  FOOL.

Nginitian Niya Ako

Napadpad ako sa kabilang dako ng mundo na hindi ko kilala.  Inakala kong sa lugar na iyon ko masusumpungan ang katahimikan at kapayapaang umuhaw sa akin.  Isinaisang tabi ko ang nakaraang sumusunod sa yapak ng aking bangungot.  Ang maruming hanging nilalanghap ko sa pang araw-araw ay napalitan doon ng sariwa.  Ang mga nagtataasang gusali ng iniwan kong syudad ay makakapal at naglalakihang mga puno naman ang katapat sa lugar na iyon.  Lubak-lubak man ang kalsada at liblib man ang patutunguhan, alam ko, ito ang kailangan ko.

Nagmasid ako nang maige sa aking kapaligiran at napailing.  Iba’t ibang kulay, iba’t ibang hinahangad, iba’t ibang direksyon ngunit may iisang hangarin ang bawat damdamin; ang manatili’t makipaghalubilo sa kakaibang daigdig na iyon.  Hindi yata ako makakatagal sa ganoong katahimik at liblib na lugar.  Masyadong tago.  Misteryoso ang buhay at tila hindi pwedeng pakialaman.  Hinahanap-hanap ko pa rin ang ingay ng Maynila, ang marumi nitong hangin, ang magulo at mapanganib nitong kapaligiran.  Tatlong araw lamang marahil ang ilalagi ko sa lugar na iyon at babalik na ako ng Maynila.  Sapat na ang ilang araw na iyon na ilagi ko para mapagbigyan ang naghihimutok na damdamin.  Sandali lamang, ika nito.

Alas kwatro ng hapon.  Nakaka-inip!  Wala pa halos isang buong araw ang inilalagi ko sa lugar na iyon, pakiramdam ko ay umabot na ako ng isang taon.  Bumaba ako ng kwarto upang hanapin ang tiya.  Wala.  Marahil ay nasa kabilang bahay at nakikipag kwentuhan na naman doon sa madaldal na Aling Pasing.  Hinanap ko ang Kuya Bert.  Wala rin.  Siguro ay kasama na naman ng mga kabarkada sa kabilang bakod.

Naglakad-lakad ako at nagmasid.  Hmmmm….ganito pala dito.  Maingay minsan.  Magulo din minsan.  At pagkatapos ng parinigan ay kanya-kanyang balik sa kani-kanilang lungga upang lumikha ng kani-kanilang bagong obra.  Nakakatuwa at interesante silang pagmasdam.  Tao din sila gaya ng mga taga syudad.  May damdamin.  Ganito pala ang daigdig sa labas ng Maynila—ang daigdig na bukod-tanging ang mga naninirahan rito lamang ang nakakaalam.  Sa kabila ng lahat ay tila may bato-balaning mapang-akit ang daigdig na iyon na humihila sa akin para manatili at wag na munang umalis.  Dito daw ako nababagay at sa mundong iyon ay hindi ko na kailangang magkunwari at magkaila.

Tatlong pirasong sigarilyo ang naubos ko sa pagmamasid na iyon.  Bakit nga naman hindi.  Nakakapawi rin naman ng damdamin.  Ang problema ko ngayon ay kapag naamoy ako ng tiya.  Sa tanda kong ito ay kayang-kaya pa rin niyang kurutin ako sa singit.

Palubog na ang araw nang ako ay makabalik mula sa aking pangangapit-bahay.  Dumiretso ako sa poso sa likod bahay upang magmumog.  Nakikinita ko na kasi ang hitsura ng tiya kapag naamoy niya akong amoy sigarilyo.

Ngunit napatuon ang paningin ko sa lalaking nagsisibak ng kahoy sa tapat ng isa pang bahay.  Sa wari ko’y di kami nagkakalayo ng edad.  Tiningnan niya ako.  Matagal.  At doon nga ay nakaramdam ako ng kuryente.  Ewan ko ba pero hindi ko magawang tanggalin din ang pagkakatitig ko sa kanya gaya ng pagkakapako ng paningin niya sa akin.  Malayo man siya ng may ilang dipa’y naaaninag ko pa rin ang mga magaganda nitong mata.

Nginitian niya ako.  Hindi siya naghintay ng kapalit subalit iniukol niya ang napakatamis na ngiting iyon para lamang sa akin.  Sino nga bang mag-aakala na kayang pakalmahin ng isang ngiti lamang ang naghihimutok na damdamin?

Sino kaya siya?  Subalit ang pangyayaring iyon ay hindi na muli nasundan.  Mabilis na tumakbo ang oras.  Araw-araw ay lagi akong nagpupunta sa may likod-bahay at nagbabakasakaling makikita ko muli ang lalaking iyon.  Subalit araw-araw ay bigo ako.

Kung gaano kabilis ang pagsikat at paglubog ng araw at paglitaw ng mga bituin at buwan kung gabi ay siya ring bilis nang pagkalma ng aking kalooban na noong araw ng aking pagdating ay nagpupumiglas na kumawala.  Salamat naman at payapa na ang lahat.

Ang lalaking iyon na may pinakamatamis na ngiting nakita ko ang nagsilbing inspirasyon sa uhaw kong kalooban.  Sayang nga lamang at hindi kami nagkakilala.  Ngunit minabuti ko na rin ang magkaganon sa pangambang muli akong masaktan kung sa kanya ako’y mapa-ibig.

Isang gabi ay bigla akong niyakad ni Kuya Bert sa sayawan.  Sumama daw ako at tiyak marami ang makikipag sayaw.  Ipakikilala daw niya ako.  “Daw.”  Sabagay ay wala namang mawawala sa akin.  Isa pa ay ayaw ko rin namang matengga sa bahay ng tiya.  At pagkarating ko nga sa sayawan ay tatlo agad ang aking naging kasayaw.  Sunud-sunod.

Pagkatapos ng ikatlong sayaw ay naupo ako sa tabi ng isang babae.  Tahimik at walang kibo.  Walang kasayaw.  Sa isip-isip ko ay sana sa susunod na sayaw ay may lumapit naman sa kanya.

Ilang minuto rin kaming nakaupo na walang kibuan, walang imikan.  Hanggang sa matanaw ko ang isang lalaki na nakatingin sa aming direksyon.  Noong una’y hindi ko siya maaninagan.  Ngunit nang pagmasdan ko ito at makitang nginingitian niya ako’y biglang bumilis ang kabog ng aking dibdib.

Siya nga!  Siya nga ang lalaking nakita ko sa poso.  Biruin mo nga naman, sinong mag-aakalang dito ko lang sa sayawan siya muling makikita?

Doon ko lamang naramdaman ang panlalamig ng aking katawan.  Para ngayon akong basang sisiw na hindi mapakali sa aking kinauupuan.  Nanatiling nakapako sa akin ang kanyang paningin.  At lalong kumabog ang aking dibdib nang makita kong palapit na siya sa akin.

Aalukin niya ako ng sayaw!  Sigurado ako.  Makikipag sayaw siya sa akin.  Nakakatawa pero, totoo!  Para akong trese anyos na ngayon lamang nakaramdam nang kilig sa katawan.  Ano nga ba ang dapat kong gawin?  Mabango pa ba ako?  Hindi pa ba ako masyadong pawisan?  Hayan na siya at papalapit na sa akin suot ang magandang ngiting ukol lamang para sa akin.  Ayan na siya!  Teka, maganda pa ba…

Lumapit siya at inialok ang kamay sa babaeng katabi ko.  Hindi pala ako ang nginingitian.  Hindi pala ako ang nilapitan.  Ang ngiting iyon ay para pala sa babaeng katabi ko.  At gaya nang mabilis na pagtama nang mabangis na kidlat ay siya ring bilis nang pagbago ng aking nararamdamang kanina’y anong saya.  Nanlumo ako.

Nahihiyang tumayo ang babae at sumama sa lalaki.  Pakiramdam ko ay huminto ang ikot ng mundo.  Ayokong tingnan sila.  Pero para ko nang nakikinita ang mga ngiting iyon ng babaeng kanyang kasayaw.  Siguro’y anong saya niya ngayon.

Sayang.  Ang mga ngiting iyon ay pahiram lamang pala sa akin.  Dahil may tunay pala itong pinaglalaanan.

Hinding-hindi ko kakalimutan ang tagpong iyon na una kaming nagkita kung saan ay nginitian niya ako.

The Candlestick Lady

Image

Magkalinawan tayo ng maige rito ha: hindi ako ang babaeng iyan. Napakiusapan ko lang siyang magmodel sa akin. Ako ang photographer at make-up artist, hehe.

She woke up in the middle of the night when she heard a faint sound coming somewhere in her bedroom.  She blinked her eyes twice, just to make sure she was actually awake.  She drew a deep breath…no,  it’s not real.  It’s just part of her dream, a terrifying nightmare that haunted her down for several nights already.

Erk…eerk…!

There it goes again!  And the pounding of her heart increased as she felt her body starting to shiver from an odd coldness which engulfed her body suddenly.  For a momentary period, she stopped breathing just to get a grip of where that sound might be coming from.

Tik.  Tok.  Tik.  Tok.

And she let out a gratifying sigh of relief.  Nah!  It was just the tickling of the clock.  There was nobody there in her room except herself.  And she felt stupid scaring herself at the witching hour.  She closed her eyes tightly until she could almost feel a liquid damping her eyes.  Strange.  This was just so strange.  Everything started to be strange…after the accident.

She shifted her weight to the other side of her bed and was about to close her eyes again when she thought she caught a glimpse of a woman staring at her outside the window.  For a brief spell, she froze and couldn’t move although a part of her was dictating her to take a second glance.  No way.  She couldn’t look up. She was starting to feel the shiver in her body and the hairs on her nape starting to rise.

She’s here…she’s actually here in her room!  She found her!  The candlestick lady who has been following her around since Friday noon after the accident!  She clutched tightly her grip on her quilt and inhaled deeply, filling her lungs with air in anticipation of a great scream.  She would wake up Mom and Dad and Kim and Alex with her loud scream and bring them all running to her room and find this scary looking old woman wearing a strange foul smelling black dress with matching black veil and holding a candlestick whose fire has never gone out.  They will see for themselves this creepy old creature tormenting her night and day and she would no longer burden herself explaining about the old lady and make herself sound innately insane.  She counted: one…two…three!!!

And she made a great yelp, bringing herself to sit on her bed and screamed her heart out!  She kept on screaming and screaming…!  But wait.  There was no sound.  What’s going on?

She tried again and screamed the shit out of her but nothing came out!  She tried again desperately.  Nothing!  WHAT THE HELL IS GOING ON?!

She wanted to cry but couldn’t bring out the tears down to her eyes.  This was just so strange.  And yet she could feel the lump forming in her throat.  She was trembling but curiosity overtook her and challenged her to check if the old lady was still standing outside her window.

Slowly…slowly.  She could hear the crackling sound of her own neck as her guts slowly made her to turn and check again her window.

Erk…eerk…!

That sound again!  But there was no turning back now.

Erk…eerk…errk!

Her black eyes grew big in terror as she faced the old lady with a candlestick watching her intently from the window wearing an evil grin crossing her creased face.

Erk…eerk…!

She shook her head in terror, trying to wake herself up from this endless nightmare.  She pounded the sides of her head with her clutched fists, hoping it would help bring her back to reality.  No, no, no!

And then there was silence.  The creepy sound was gone.  The only sound now that she could hear was the pounding of her agitated heart.  She opened her eyes slowly.  It’s gone.  Finally.  She turned her gaze on her window and found the old lady still there, facing her eye to eye!  The lady was twitching her head left and right as she examined her head carefully, leaving a creepy cracking sound with each twitch!  The old lady was watching her intently.  And then she grinned at her! Fuck!

“Sshiiellaaa…,” the old lady called her in a hoarse voice.

Her jaw dropped in extreme fear.  She knew her name!  Shiela wanted to run away screaming but couldn’t bring her body to move.  And her panic suddenly came to her senses.

Erk…eerk…eek!  She watched in horror as the creased, crooked, old and dirty fingers lift the window pane.  Then the old hag brought her left foot inside.  Then her right.  Then her left arm.  Then her right arm with candlestick.  The old hag suddenly stopped and stared at her and grinned.

Run!  Damn, run for your life!  Her mind was screaming delirious but her body wouldn’t move.

Erk…eerrkk…!  And the old hag brought her crooked body inside and she was now completely in Shiela’s room!

“Hellllooo….Sshiielllaaa!  Rremmmemberrr…mmmeee?”  And the old lady made a creepy giggling sound as she slowly moved herself toward the poor terror-stricken Shiela.

And as the old lady slowly approached her with her ghastly evil grin, Shiela finally found her feet and hurriedly dashed off from her bed, out of her room and ran as fast as she could to her parents’ room.

HELP!  Mom…!  Dad…!  Help meeee…!

She was panting and scared as hell but upon reaching her parents’ room she stopped dead on her track when she found them both awake and sitting on the bed’s edge.  Mom was crying so hard as Dad stroke down gently her back, pacifying and calming her.  And such scene made her forget about the old lady with a candlestick.

“I never told her I loved her, Bob,” she said between sobs.

“It’s okay, Ellen.  She’s in a better place now.  We still have our two lovely kids to look for.”

Two?  Two kids?  What were they talking about? Didn’t tell her she loved her?  Was there anything wrong with Kim?  Did something bad happen to little Kimmy?  For Pete’s sake what happened to Kim?!

“The doctors said it’s drugs and alcohol that killed her.  She went blank before the car crashed,” Mom sobbed unstoppable as Dad hushed her like a baby.

“I have never been a good mother to her, Bob,” and Mom finally gave in as the sobbing turned into throbbing.  Shiela watched confusingly as her dad, too, buried his head down to his palms and wept profusely.  She inched further towards them.  Car crashed?  Drugs?  Alcohol?

“My baby’s now gone!  Bob, she’s gone!  SHIELA’S NOW DEAD!”

And Shiela just stood there, frozen and shocked.  DEAD?!  This couldn’t be true.  Her hands grasped her hair and pulled it painfully but she couldn’t feel it.  Dead?  Car Crashed?  NNOOO…!!!

Erk…errk…!

Shiela stopped.  She’s here.  God, she’s here and no one, not even one, can save her!

“Sshhiielllaaa…!”

She turned around from where the hoarse voice was coming from and became dead pale upon seeing the old lady with candlestick standing right in front of her, grinning.  Her old body smelled like a burnt carcass as Shiela caught a glimpse of a crawling maggot at the corner of the old lady’s chopped and dry lips.  Slowly, the old hag let out her stinking burned tongue, reached for the maggot and slurped the poor creeping creature into her mouth and gulped in satisfaction.

Then the old lady grinned back at her and grabbed Shiela’s hand unexpectedly.

“T-time t-tooo gg-go, Ss-shiellaa.”  And the old lady’s eyes narrowed and darkened. “YOU’RE.  MINE.  NOW!”

And without any word, the old lady dragged her into the darkness.

“NNOOOO…!”