Law For The Idiots: Day 2 (Katarungan Pambarangay Law)

Image

Ang hirap naman kasi minsan, nagpapataasan lang ng ihi.

O, wag na kayong magalit kung 1 week interval ang Day 1 sa Day 2 ko.  Syempre kailangan ko magtrabaho sa totoong buhay para may pambili ako ng donat.  Suma-sideline pa akong drayber, nagsasayaw pa ako, namamalengke ng donat, sasayaw uli, magluluto ng breakfast at hapunan, maglilinis ng bahay, mag-iimagine ng donat.  Tapos darating si hubby at mamasahiin ko siya, tapos paghahain siya, tapos maghuhugas ng plato, tapos maliligo pa ako at magtatanggal ng libag.  Tapos sasayaw uli para may space sa tyan ko ang donat.  Tapos mag-aaral pa ako sa gabi para di ako mabokya kay judge kinabukasan.  Tapos minsan may raket pa akong pagme-make-up na di naman ako babayaran ng cash at isang kahon lang ng Dunkin Donuts ang iaabot sa akin.  Tapos mag-iimbento ako ng report sa boss ko at palalabasin na I’m very busy para oorder sya ng donat para sa’kin.

O diba, ikaw kaya. 

Nag-try akong kumuha ng topic na medyo exciting other than donat pero feeling ko ay di mage-gets ng madla so no choice ako kundi palitan na lang ng mas magaan na topic. 

Eto talaga, ewan ko lang kung di pa kayo makarelate dito.  Kasi dito sa topic na ito, walang exemption.  Applicable sa lahat, mayaman man o mahirap, edukado man o hindi.  Ano pa, e di yung tinatawag nilang Katarungan Pambarangay Law.  So ang ginawa ko, kumuha lang ako ng maliit na topic sa batas na ito na mapapakinabangan natin.  Para sa dagdag kaalaman, pwede ninyong i-google ang Revised Katarungan Pambarangay Law.

Napansin ba nyo minsan pag nagfile kayo ng kaso sa piskalya dinidismiss kasi di daw dumaan sa barangay?  O di kaya ay may alitan at demandahan sa pagitan ng mga myembro ng pamilya sabay biglang dinismiss ng korte kasi daw di dumaan sa barangay?

Ngayon, ang tanong, anu-ano ba ang mga kasong dapat ay pinadadaan muna sa barangay para ayusin at pag hindi naayos ay saka isasampa sa Office of the City Prosecutor or sa korte?

GENERAL RULE: Lahat ng alitan sa pagitan ng mga naninirahan sa parehong barangay o munisipyo.

MALIBAN LANG SA MGA SUMUSUNOD (meaning, itong mga babanggitin sa ibaba ay di na padadaanin pa sa barangay at ididiretso na ang demanda sa korte or any administrative bodies):

 

1.  kung saan ang isa sa mga partido ay ang gobyerno, subdivision o instrumentality nito;

2.         kung saan ang isa sa mga partido ay public officer o empleyado ng gobyerno at ang reklamo ay patungkol sa performance or official functions nito;

3.         kung ang alitan ay tungkol sa real properties (gaya ng lupa) na makikita sa magkaibang syudad at munisipyo, maliban na lang kung ang parehong partido ay magkakasundo na idulog na nga lang ang problema nila sa isang Lupon;

4.         reklamo ng o laban sa korporasyon, partnerships or juridical entities kasi nga indibidwal lang ang pwedeng maging party sa isang Barangay conciliation proceedings mapa-complainant pa ito o respondent (in other words, dapat tao at di kumpanya ang magkalaban);

5.         alitan sa pagitan ng mga partido na nakatira sa mga barangay ng magkaibang cities or municipalities, maliban lang kung ang kani-kanilang barangay ay magkaratig at magdedecide ang parehong partido na idulog sa isang Lupon ang kanilang problema;

6.         mga paglabag sa batas na may kaukulang parusa (maximum penalty) na pagkakulong na HIHIGIT PA sa 1 taon OR multa na HIHIGIT PA sa Php5,000.00;

7.         mga paglabag na kung saan ay wala naman talagang masasabing private offended party (example: obstruction of justice);

8.         disputes na nangangailangan ng mabilisang legal action para maiwasan ang injustice, gaya ng mga ito

a.        criminal cases na kung saan ang akusado ay naka detain or under police custody [see Sec. 412(b)(1), Revised Katarungang Pambarangay Law];

b.        Petitions for habeas corpus by: (i) a person illegally deprived of his rightful custody over another or (ii) a person illegally deprived of or on acting in his behalf;

c.         actions na may kasamang provisional remedies gaya ng preliminary injunction, attachment, delivery of personal property and support during the pendency of the action (technical na ito, pabayaan mo na si atty.)

d.        actions which may be barred by the Statute of Limitations (technical din ito)

 

9.         Any class of disputes which the President may determine in the interest of justice or upon the recommendation of the Secretary of Justice;

10.       where the dispute arises from the Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) [Secs. 46 & 47, R.A. 6657]

11.       labor disputes or controversies: employee vs employer (see Montoya vs. Escayo, 171 SCRA 442; Art. 226, Labor Code, as amended, which grants original and exclusive jurisdiction over conciliation and mediation disputes, grievances or problems to certain offices of the Department of Labor and Employment);

12.       actions to annul judgment upon a compromise which may be filed directly in court (Sanchez vs Judge Tupaz, 158 SCRA 459).

 

So sabihin na nating na-iimbyerna ka na talaga sa kapit-bahay mo at gusto mo na siya ihabla.  Feeling mo naman ay okay na ang complaint mo at ilang beses mo na ito nabasa kaya pina-print mo na agad sa computer shop sa kanto.  Dahil excited ka nga, nakaayos na rin lahat ng ebidensya mo.  Pero, naku, i-dobol check mo muna kung dapat mo ba idaan sa barangay iyan ha.  Kasi kung hindi ka naman pasok sa exemptions, meaning, required na isampa muna sa barangay yan.

Daming cheche-bureche no?  Bakit pa idadaan sa barangay e pwede namang iderecho naman yan.

Sobrang dami na kasi ng mga kaso ang hinahawakan ng Office of the City Prosecutor at ng mga korte.  Karamihan dyan, malicious naman talaga at walang bearing.  Yung tipo ng mga kaso na alam naman natin na later on e ididismiss din pag sumampa na sa korte pero pinagpilitan mo pa rin isampa para lang pang harass sa kapit-bahay mong nakakaimbyerna.

Idagdag mo pa dyan yung mga kasong pwede naman palang i-settle kasi papayag din naman si complainant.  E kung magsesettle lang din naman kayo, dito na natin sa baba pag-usapan.  Wag na nating patagalin.  Para naman stress-free kayong lahat diba.

So sa barangay level pa lang, sasalain na natin yan.  Although walang ruling power whatsoever gaya ng sa korte ang Lupon, pero at least, ita-try nilang pag-usapan na lamang yan at wag ng ituloy.  Sila ang tatayong referee.  Baka nga naman at that early stage e magising kayo sa katotohanan na umaabot ng higit pa sa isang taon ang demandahan at totoong magastos ito.  E kung makulit ka pa at gusto mo may private lawyer ka, so magbabayad ka ng abogado.  Di naman libre serbisyo nun kahit pa petiks-petiks lang ang kaso mo.  Baka nga naman kasi madala ka sa lambing ng “I am sorry,” at patawarin mo na ang kalaban mo. 

Pag successful ang usapin sa barangay, hindi lang naman oras ninyo ang na-save.  Pati oras ng husgado.  At sa halip na makadagdag at makaagaw pa sa oras ng husgado ang maliit na alitan ninyo, napupunta iyon sa mahahalaga at mabibigat na kaso, kumbaga natutuunan ito ng husto.  Dahil din nasala na sa ibaba ang maliliit na alitang pambarangay, hindi na masyadong dinadagsa ng mga kasong ito ang court dockets.  Lumuluwag.  Bumibilis ang takbo ng hustisya.  At thanks to you, diba?

Pero gaya nga ng sinabi ko sa itaas, referee lang ang Lupon.  Kung ayaw magkasundo ang parehong panig, wala rin naman talagang magagawa sila.  Mag-iissue na lang ang Lupon ng Certification To File Action.  Once na matanggap mo iyon (complainant),pwede mo ng isampa either sa court or sa Office of the City Prosecutor ang habla mo, depende kung anong uri ng kaso ba ito. 

Syempre, wag mong kakalimutang i-attach ang binigay sa iyo na Certification To File Action kasi pruweba or evidence mo iyon na pinadaan mo nga sa Barangay muna ang kaso mo.  Otherwise, madidismisan ka due to non-compliance with condition precedent, and that is, filing the complaint first before the Barangay.

Sinimplihan ko muna ang topic ngayon in preparation for Day 3. Pramis, may sampol ng kwento sa ikatlong araw.

INYO RING BISITAHIN:  ANG INTRODUCTION

Sources: 

  • Revised Katarungan Pambarangay Law under R.A. 7160 (otherwise known as the Local Governemnt Code of 1991, effective on January 1, 1992 and repealed by P.D. 1508)
  • Administrative Circular No. 14-93
  • Away ng kapit-bahay namin kaninang umaga lang kung saan muntik na ako tamaan ng hagisan-bote nila

 Credit for the photo: 

http://www.dipolognon.com/links/PressFreedomEditorialCartoon102005.JPG

 

8 thoughts on “Law For The Idiots: Day 2 (Katarungan Pambarangay Law)

  1. i am back again…wow na educate ako…

  2. its me again i am back cirke….dmi mo plng gngwa buti my oras kpa sa donut…..

  3. ahaha, nice post. gusto ko ang wentong donut. at ang dami nga ng hazards ng iyong propesyon, kapatid. mantakin mo, may pagsasayaw, pagmamasahe, bukod sa pag-aalis ng libag para presentable sa customer (haha) at may kliyente pa, on the side, hakhak.😉

    makulit pa rin ang mga hirit. gusto ko ‘yong, “At thanks to you, di ba?” hahaha. sya, Lupon-Lupon muna, pag may time, charot!😉

  4. Pingback: thelovelybiatch | LAW FOR THE IDIOTS: Day 5 (Small Claims)

  5. Atty gusto ko po sana huminge ng advice about s nangyari sakin pinag tripan po kme ng mga kapitbahay nmin n umiinom marami sila tapus 2 lang kme binugbog po kme pagkatapus nun cla po ang nag dimanda kc my nasugatan s kanila at sinabe sinaksak ko dw po. 09065221386 yan po number ko sana matulungan nyo po ako salamat po. Gumagalang aldrin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s