Ano’ng Meron Sa Paa Ng Lalaki Sa Elevator?

Hello ka-blogs.  Tapos na dapat ang kwento ng “Walang Multo”.  Tinuldukan ko na iyon.  Pero tao lang ako at madaling ma-bribe (hehehehe).  Ayan, may isang reader na nahuli ang kiliti ko at na-bribe ako sabihin ko lang ano ang nakita ng babae sa paa ng lalaki na sumabay sa kanya sa loob ng elevator.

Ganito, eto ay hindi kadugsong ng “Walang Multo.”  Maliwanag na tayo dyan ha?  Ayoko na kasing galawin pag tapos na ang kwento.  Kumbaga, lalabas lang na ie-elaborate ko ang kwento at ipapaliwanag ang ibang bahagi ng mumu post ko dito sa blog na ito.  Okay na tayo dyan.

Inuulit ko.  Ang “Walang Multo” ay kathang isip lamang.  Kung papansinin ninyo ang isa sa mga tags, mababasa ninyo ang salitang FICTION.

Kung matatandaan ninyo, sinabi ng therapist sa bidang babae na ang pagkakaroon ng “third eye” ay isang gift,nasa iyo na lamang kung tatanggapin mo ito o hindi.  Minsan ay lumalapit ang mga kaluluwa dahil humihingi daw sila ng tulong at alam nila sinu-sino ang nakakaramdam at nakakakita sa kanila.

Sa kwento ng “Walang Multo”, pinaliwanag na ng bidang babae na kinagagalitan siya simula bata pa lang sa tuwing magsusumbong siya na may kakaibang nakikita.  Eto yung punto na di accepted ang pagkakaroon ng third eye lalo na sa religious and conservative families.  Sa ibang tao, this is merely a product of having a playful and strong imagination and that there is no truth whatsoever to the existence of that thing referred to as third eye.

Eto yung catch doon.  Being a reader, you will be guessing kung fiction nga ba ang kwento o totoong nangyari kasi nga may bahaging sinabi ng babaeng bida na sinaksak na sa kokote niyang walang multo at kathang isip lamang ang mga iyon bunga ng malilikot na imahinasyon ng tao. 

 

Be the better judge.

 

Ano nga ba ang nakita ng babae sa paa ng lalaki sa loob ng elevator?  Bakit natakot siya sa lalaki gayung magandang lalaki naman ito at maayos ang pananamit (maliban na lamang sa ilang ulit niyang nakita ang lalaki sa ibang floors ng building)?

Ganito.  Normal ang lalaki sa paningin ng babae.  Binata.  Magandang lalaki kung tutuusin.  May katangkaran.  Maayos ang pananamit at naka pang-opisina gaya niya.  Kung maharot ka pa nga ay baka iinvite mo pa ito sa loob ng elevator lalo na at kayo na lang dalawa dun sa loob sa alanganing oras na iyon.

Nakatingin at nakangiti sa kanya ang lalaki.  Pero ni “ha” ni “ho” ay di makapagsalita ang lalaki.  The only thing he can do is to smile.  Parang iyon lang ang mechanical act na kaya niyang gawin.  He looked so much alive pero bakit parang di humihinga?  Di mo nararamdaman ang hanging lumalabas sa ilong o sa bibig nito?  Di gumagalaw ang dibdib na palatandaang lumalanghap at nage-exhale ito ng hangin?

The last ditch for her is to check the feet of the young man. 

As can be recalled, di sinabi directly ng therapist sa bidang babae ano ang makikita niya sa paa.  Actually it was more of a premonition because the therapist can read (nag ba-body scrub sila di ba? Kaya di maiwasang mahawakan ng therapist ang kamay ng babaeng bida at nabasa niya ng di sinadaya ano ang mangyayari dito).

Ano ang meron sa paa?  Dito natapos ang kwento ng “Walang Multo.”  Di na ikinuwento.  Di na rin natin alam ano ang nangyari sa bidang babae except for the fact that after a week, bumalik siya sa establishment at tinukso ng receptionist kasi nga ay nahagip daw ng cctv nila na may binatang nakapasan sa likuran niya.  The binata being referred to by the receptionist fits perfectly the description of the male ghost she encountered at the elevator.

Ano ang nakita ng bidang babae sa paa ng lalaki sa loob ng elevator?

 

Wala.  Walang meron sa paa.  Wala siyang nakita sa paa ng lalaki…

 

…Kasi walang paa ang lalaki.

 

 

Writer’s Note: 

 

Normal na tao ang tingin ng bidang babae sa lalaki so she assumed na, since he was wearing a pair of black slacks, merong paa –merong sapatos.  But she was wrong.

 

Walang paa ang lalaki.

 

 

 

 

11 thoughts on “Ano’ng Meron Sa Paa Ng Lalaki Sa Elevator?

  1. ineng, mukhang paa ng turkey (ano nga turkey sa tagalog?) ang paa ng lalaki sa may pinto ng elevator. ay, ang turkey ata, term pag luto na. alam ko, iba ang tawag pag buhay pa and uncooked ang fowl na ‘to, haha. basta, may pagka-gano’n ang paa nya, tamo…

    oy, bru, kung sa makati at ortigas, tatlong klase lang usual na hugis ng leather shoes ng kalalakihan – pinakauso ang elongated na patusok. try mo tingnan sa umaga, hihihi.😉 saka, ano, malabong makita naked, bare na paa ng nasabing lalaki. chances are, naka-shoes sya… generally, di pinapapasok ng building ang nakaapak lang. mame-memohan si manong gwardya pag me nakalusot na apak, errr, multo, haha.

    ‘indi ako nakumbinsi sa conclusion, hoho. mas gusto ko previous narrative. pero, pwede pa tong sundan. try mo gawa ng sequel, dali.😉

    • HAHAHAHAHA! Pwede na yan, masaya naman sya. E sa walang paa e, what to do? At higit sa lahat, mas masaya ako at napadala na sa opisina ko ang cronuts at eclaire. ang palaman daw ay sa october pa ang dating (yahooo!!!!). Grabe, panira sa dyieta talaga. Di na nga ako mag ho-horror.

      Ay kung gagawan natin ng katugsong pwedeng ibang setting? Kasi 3-4x a week ako nandun sa establishment napapadayo HAHAHAHAHAHA…! Naku, San, yari talaga ako. heheheheh

      Hey, sana okay na kayo ha? At sana di na babahain sa susunod na darating na bagyo. Sana medyo mild na lang.

      • ay, kainis, may cronuts at eclaire ang blogger, naman… at iba pa sa palaman, tamo? ikaw na ang nobelistang may fans, kainis…😉

        ay, di ka naman madalas magpa-spa, hano? oo, pwede yang elevator series, pwede… hahaha.

        hay, naku, tupsy-turvy pa ang buhay at bahay kong ewan. and i’ve been gone away the last four days, kapatid. may bus lag pa me, hihihi.

        nakow, keep your fingers crossed. marami pang putik-putik sa ‘min. at mukhang may kasunod pa ang bagyuhan, patatawarin…🙂 oh, well… teynks, dear.

  2. WAH! bakit ako napadpad dito ngayong 2AM na! kaasar! babawi ako sayo!

  3. ay gwapo nga pro momo nman syang jeje auk0ng mka kita ng gwapong momo jeje

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s