Silang Mga Feelingero

kung maka "sorry" akala mo ganun-ganun lang yon

kung maka “sorry” akala mo ganun-ganun lang yon

Sikat daw sila.  Heartthrob daw.  Kilabot ng campus pa.  Sila na!  Lahat na pinakyaw.  Mga campus crush daw e.  Yun tipong kapag niligawan o pinansin ka nila akala mo utang na loob mo pa ‘yon sa kanila.  Pag nilingon ka nila at nginitian, naku day, huminga ka ng malalim at baka sakaling masinghot mo ang hininga nila.  As if you owe to them their existence and without them life would just be as boring and dull.

Tapos napansin ka nga niya.  Syempre ang courtship isang araw lang at baka makawala pa.  Dream come true na kaya yan.  Ayan na nga, naging kayo.  As usual, feeling niya tinutupad niya ang pangarap mo.  Malaki pa sa balloon ang ulo.  Pag di ka sinipot sa date, he doesn’t owe you any explanation.  Pag nadiscover mong may iba pa other than you, wag kang magalit kasi yung ‘other’ daw ang lumalapit.  Sa’yo pagagawa ang assignment niya habang siya naman ang gumagawa ng assignment ─ng the ‘other’.

Then the last ditch came.  You gave up and broke up with him.  Pero since gusto mo pa rin siya at umaaasa ka pang hahabulin at susuyuin ka niya, sinabi mo na you’re breaking up with him through a text message.  Last minute na nga lang ng love story ninyo nagpa cute ka pa.  Ayan, tumunog nga ang cel mo at nag reply agad siya.  Talon naman ng isang dipa ang puso mo at nangangarap kang mag so-sorry siya sa’yo at susuyuin ka kaya excited mong binuksan ang message niya.  Sabay eto lang pala ang reply niya:

“K”

 

Saan ka pa?  E di ngawa ka ngayon.  Wala e.  Na-inlab ka sa feelingero.  They say that was the price you pay when a plain Jane falls in love with a campus crush. 

Move on ngayon ang peg mo.  Sabi kasi nila the best revenge you can get is to be the bitter better person.  Pero nakikita mo siya may kasamang iba.  Mas maganda.  Mas sexy.  Lamang sayo ng 10 points.  Tapos ang masakit nun wala ka man lang pang counter.  Kahit mag spaghetti strap ka at umikot sa buong campus ay walang pumansin sa’yo kasi bumabakas sa mukha mo ang pagiging bitter.

No choice ka ngayon.  Move on.  Pero mas madali daw mag move on kapag may kapalit.  Ang kaso, wala kang mahanap na kapalit kasi siya talaga gusto mo.  Lahat na ata ng senti songs sa radio pinakinggan mo at ninamnam na akala mo naman ay sinulat talaga ang mga iyon para sa iyo.

Di naman talaga madali ‘yon.  Di biro rin naman ang pinagsamahan ninyo.  Minahal mo din naman yung tao.  Pero ganun din kaya siya sa’yo?  Siyempre, kikibit-balikat ka na lang kasi right from the start hindi balanse ang relasyon ninyo; mas mabigat ang sa iyo at napakagaan lang ng sa kanya.  Konsolasyon mo na lang ang paniwalain ang sarili mo na kahit papaano naman siguro siniryoso at minahal ka rin niya.  Pero siguro lang ‘yon at walang bearing.

Pero ten years after, iba na ang kwento.  Hindi na ikaw ang dating ikaw.  Hindi mo na rin naisip kung asan na kaya siya at ano na ang nangyari sa kanya.  Ni pagsagi nga sa isip kung kumusta na kaya siya ay di mo na magawa.  Kasi busy ka na.  Kasi nga ibang-iba ka na.  Then you will go back to what transpired ten years ago.  Buti na lang di kayo nagkatuluyan.  Buti na lang nag break kayo.  Buti na lang at tinigil mo ang kahibangan mo.  Wala kang ibang masabi kundi…buti na lang

Pero dahil ikaw naman ang sikat ngayon sa batch ninyo, biglang may nag come-back.  Biglang may nabuhay na patay at kinontak ka sa facebook.

“Kumusta?  You look more beautiful now.  May bf ka na?”

Siguro if you receive that same message ten years ago, maglulumpasay ka kasi at that time patay na patay ka pa sa kanya.  But that was ten years ago and things are never the same again.

The message came just too late.  Just too late.

Kasi wala ka ng feelings.  Kasi isa na lamang siya ngayong insignificant moron.  Kasi ni katiting na kilig ay wala na at ang mga ala-alang meron ka, kung meron man, ay asiwa na lamang. 

“I want to see you personally so I can say how sorry I am.”

F*<& you.  E di mo na nga siya kilala ngayon.  Sasayangin mo pa ba oras mo para sa kanya? 

 

So to be polite, sinagot mo naman siya, “Ikaw, you look different.  Di nga kita nakilala.”

“Ganun ba?  Habulin pa rin ako ng chicks.  Dami pa rin nagkakagusto sa akin.  Yung isang engineer nga na babae na foreigner nakakatawa pag nagpapa-cute sa akin.  Araw-araw dinadalhan ako ng prutas. hahahahaha.”

F*<& you again.  Hanggang ngayon feelingero ka pa rin.  Kung meron mang di naka move-on sa kuwento, baka silang mga feelingero.  Akala ata ten years ago pa rin ang kuwento.  Akala ata ikaw pa rin ang nireplayan ng “K” noong nakipag break ka ten years ako.  Akala ata magkakandarapa ka pa rin sa kanya gaya noong ten years ago.

“But, kidding aside.  I’m really sorry.  For ten whole years, I couldn’t get rid of you in my mind.  I’m really sorry for hurting you.”

The message should have been sent ten years ago to at least appease and leave you with dignity.  But the only message you got from that same asshole was a plain “K”, making you feel how unimportant you were and dishing you out was as easy as ABC.

No, it will never be the same again.  The “sorry” should have been uttered ten years ago right where and when it was proper.  The “sorry” should have been uttered when it would mean something; when it would touch something; when it could have change everything.

But ten years ago is now history.

At silang mga feelingero ay mananatiling nabubuhay sa ilusyon na sila pa rin ang sikat at habulin.  Mapag-iiwanan na nga lang sila pero ang pagiging feelingero pa rin nila ang mananatiling huling alas nila.

E di ibigay mo na kung iyan naman ang ikasasaya nila.  Wala namang mawawala.  Ang mahalaga, sa iyo ang huling alas.

Totoo pala ang sabi nila, “bilog ang mundo.”

 

 

DISCLAIMER: video and music used are not mine.  Credit belongs to the artists and uploader appearing in the link.

20 thoughts on “Silang Mga Feelingero

  1. I like your form of writing, atty. France!
    A big hook-uppercut for the feelingero!😄
    K na k!

    • hey! are you back? kelan tayo magkikita 3? natatawa ako syo, i’ve heard about the St. Lukes guy. di ko alam kung sasabunutan kita. i think he’s hot! what’s wrong with you?! hahahaha

      • I’m back. Busy lang sa projects. Sino St. Lukes guy? Baka yung FEU. Naku, hindi lang siya mukhang tatay- tatay na nga. Di ako naghahanap. Wag nyo na lang ako hanapan at i-reto ni Fr. Carlo.😉

  2. ahaha, mahusay kang magsulat, ‘neng…eh, pag bata pa, biktimahin sadya ng mga gwapo, as in… yun lang, marami rin ang gwapo na nga, pero feelingero pa… what to do?😉

    • thanks thanks, coming from you, pumapalakpak tenga ko. oo nga, napapahilig sa gwapo pag highschool and college days. bat kaya no? e ang mga gwapo noon lumalaki ang tyan ngayon tapos di na wafu, parang nalolosyang na. waaaahhhhhahahaha

      • ahihi, siyempre, sila ang pansinin. at tayo ay mga tao lamang – vulnerable at nangangarap, hakhak. anyway, mid to late 20s na nadidiskubre, may “inner beuty” rin ang mga boys, whehe. at yon pala importante, ahihi.

        true, ang mga mukha at katawang sinasamba ko no’ng early college days, nakita muli 10 to 12 years later – di na wafu. may double chin na, medyo yong description mo, hahaha.😉 ang sama… ^^

  3. btw, wala ka namang angsts, hano? anlagay, di ka naman bitter, kapatid? hala, lumabas ka lang sa kanto, karaming wapo, as in…yun lang, wapo lang, hihi…😉

    • Ay, wala naman po. Sadyang wala pang bumabati sakin na ma-lelevel ko na gwapo. Ang papangit. Kung hindi man, bading naman pala. Hahaha! Mg feelingero pag maglalakad ako sa daan, babatiin ka at tila kala mo kung sinong gwapo.

      • ang papangit talaga ng description e, no? ay, disagree me dyaan… maraming wapo, if you’d observe keenly from time to time, kapatid, hihi. pag bati-bati lang naman, pag di ka pirming nakasimangot, babatiin ka ng mga gwapo, ngingitian… (iba pa yong if they’d go furher to get to know you, ahaha).

        ksp kaya ang marami sa gwapings? yong totoong goodlooking, ha? thing is, marami sa ngayon, mapoporma lang at metrosexual (ma-gel at ma-kwelyo, hihi), but not stunningly, kakilig-tingnan na wapo. haha, baka kung ano na masabi ko, i’ll stop here.🙂 hellow…

  4. i am back cirke….uy grabe bytheway bkit kya gnun pagnkta ntin un naksma ntin kmusta lng pwedeng sbhin…

  5. hmmm, 10 pts ba talaga agad ang lamang, pede bang 5 pts muna, or 2 pts.😛 , nakiki-usyoso lang ulit.🙂

  6. kakatuwa🙂

    nakakarelate ang isa pang plane Jane haha….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s