Nakatingala at naghihintay.
Wala pa rin siya.
Napapapikit na lang at tikom ang natutuyong lalamunan.
Pagal sa paghinga at umaasang
madadampian muli ang natutuyong balat
at bubuhayin ang nalalantang damdamin.
Ang tagal naman.
Nakakainip.
Nakakabagot!
Nauuhaw na sa’yo.
Init na init.
Matagal pa ba?
Magsasayaw sa ilalim ng araw
at aasang didinggin ng langit ang huling hiling.
Batid naman na ito’y parating
ngunit ang paghihintay sa kung kalian
ay tunay namang nakamamatay.
Di na mapakali.
Tunay namang nakakainip.
Init na init.
Uhaw na uhaw na rin.
Naglalagkit sa ilalim ng araw,
hanggang kelan pa ba maghihintay?
Pabuhusin na ang ulang iyan
pagkat ako’y tigang na sa ilalim ng mabagsik na araw!
–damong ligaw