LAW FOR THE IDIOTS: Day 12 (Seduction of Minor)

cool-couples-silhouette

Wala namang masamang magmahal. Sino nga ba naman sa atin ang hindi. Minsan lang na may darating na taong magpapakilig sa iyo. Enjoy the moment, ika nga. Kasi nga naman hindi lahat ng tao kaya kang pakiligin.

Pero kelan nga ba nagiging mali ang pagmamahal? O sige na, given na dito ang pakikipagrelasyon dun sa mga taong may asawa na. PERIOD.

But aside from entering into an affair with a married man or woman, isa sa mga nagiging mainit na issue ay ang pakikipag relasyon sa mas bata sa iyo, kesijora pang boylet or girlet yan. Okay lang kung May-November affair. Who cares? Pero pag pumataol ka sa isang menor de edad, ayan, mukhang magkakaproblema tayo dyan nang todo-todo.

Kasi nga naman dahil menor de edad yan, ang presumption ay wala pa siya sa tamang edad at posisyon para makapag desisyon tungkol sa isang siryosong relasyon. Kumbaga, parang madali pang mauto si nene at si toto because of lack of experience. Minsan naman, naaakit sila sa material na bagay na kayang ibigay nang mas nakakatandang ka-relasyon. In this kind of set-up, nagiging vigilant ang State in protecting the minor. “Parens patrea” ika nga (pwede paki-google na lang ang meaning?).

Teka, linawin ko. Hindi yung relasyon with a minor ang kinakastigo ng batas natin, kundi iyong pakikipagtalik dun sa menor de edad na ka-relasyong babae. Tatlong crimes ang papasok ngayon dito sa discussion natin sa Law For The Idiots. Ang Qualified Seduction, Simple Seduction at Acts of Lasciviousness With The Consent Of The Offended Party.

Pagsinabing SEDUCTION, eto yung pang-aakit sa isang babae na makipag engage sa isang unlawful sexual intercourse by promise of marriage or other means of persuasion without the use of force (Reyes).

Importanteng ang pagtatahalik diyan sa babae ay walang force, threat, intimidation or that the woman would be deprived of reason or otherwise unconscious. Kung hindi, RAPE yan. Mga elements kasi ng RAPE ang mga nabanggit ko.

A. QUALIFIED SEDUCTION seduction of a virgin over 12 years of age and under 18 years of age.

Let’s divide the offender here into two (2) groups.

I. public authority II. brother or ascendant of the girl
priest
house servant
domestic
guardian
teacher
any person entrusted with education or custody of the woman

Please take note na yung babae ay dapat above 12 years old. Kasi kung below 12 yan, kahit may consent pa iyan ng mga magulang, that’s automatically RAPE. Oo nga pala, yung domestic dyan sa listing sa group I pertains dun sa mga taong nakakasama mo under the same roof like boarders (sa mga bed spacers), friends and other relatives na nakikitira sa inyo. Pagdating sa group II, kamag-anak yan ng girl na nakakatanda sa kanya like kuya, tatay, lolo, tito and the likes. Basta pataas ang linya ng relationship.

Ayan. from there makikita natin na may 2 classes of Qualified Seduction at sila ang:

(a) seduction of a virgin over 12 but below 18 years of age
(b) seduction of a sister or descendant regardless of her age

When we speak of VIRGIN, hindi iyan yung material o literal word for virgin. Of course, given na yan kung virgin sa totoong buhay yung girl. Pero it pertains as well to “good reputation”. Sabi nga ni Pareng Reyes sa libro niyang Book II ng Criminal Law, “virginity is presumed if the woman is unmarried and of good reputation.”

If the woman is above 18 years old, there is no crime at all as long as in their sexual intercourse there is no force, threat, intimidation or that the woman is deprived of reason or otherwise unconscious. Pag merong elements ng force, threat, etc., RAPE yan. Remember?

Tatandaan lang natin lagi ang apat (4) na elements ng Qualified Seduction, which are:

1. offended party is a virgin (which is presumed kung single siya at may magandang reputasyon);
2. she must be over 12 and under 18 years of age
3. offender had sexual intercourse with her
4. there is ABUSE of AUTHORITY, CONFIDENCE, or RELATIONSHIP on the part of the offender

Dito sa Qualified Seduction, ang sexual intercourse ay dapat may penetration. Kumbaga dapat naka home base. Kung first base, second base at third base lang iyan, ibang crime yan at hindi Qualified Seduction; and that is Act of Lasciviousness With The Consent of the Offended Party. Dapat pumasok sa main event ang lampungan at hindi hanggang landian portion lang.

Kung tutuusin, hindi naman punishable ang pakikipag relasyon dun sa babae eh. Nagiging crime lang siya kung ikaw mismong nakipag relasyon sa kanya ay any of those mentioned in the enumeration kasi nagkakaroon ng ABUSE of AUTHORITY, CONFIDENCE at RELATIONSHIP. Yung character ng karelasyong lalaki is taken into account because he committed it in excess of power or abuse of confidence of which he availed of.

Kahit sabihin pa nating may consent ng babae iyan, and worst, kahit pa pumayag at may basbas pa ng magulang, it will still fall under Qualified Seduction kasi ang importante nga dito yung tinatawag nating abuse of authority, confidence and relationship.

B. SIMPLE SEDUCTION seduction of a woman who is:
a. single, or
b. widow of good reputation

over 12 years of age but under 18 years of age committed by means of DECEIT.

Eto ngayon ang mga elements for Simple Seduction:
1. offended party is above 12 but below 18 years of age
2. she must be of good reputation (single or widow)
3. offender had sexual intercourse with her
4. it is committed by DECEIT

Again, there is no crime if the girl is already above 18 years of age even if deceit is employed for purposes of having sexual intercourse with her. As long as there is no element of force, threat, intimidation, or that she is deprived of reason of otherwise unconscious during the sexual intercourse. Or else, papasok ka sa crime of RAPE which is sobrang tindi ng penalty. Yari ka.

It is not essential in Simple Seduction that the woman is literally a virgin. All that is necessary is that she is a woman of good reputation (remember, a widow may be a victim here).

Isang commentator ng criminal law ang nagsabi na kahit ang isang rape victim ay pwede pa ring maging victim dito sa Simple Seduction. Kasi nga naman, ang pagiging isang biktima nila nang isang karumaldumal na krimen will not strip them of being a woman of good reputation. Makes sense naman, di ba?

Now please take note of the element of DECEIT in this crime. Yung deceit na tinutukoy dito pertains to unfulfilled promise of marriage. Sana if you have time, bisitahin mo uli yung discussion natin sa BREACH OF PROMISE OF MARRIAGE. Yung example nga lang natin dun walang criminal aspect kasi nga lagpas na sa 18 yung babae.

Sabi din, it must be the promise of marriage which should be the inducement for having sexual intercourse with the man by the woman. Natatandaan mo? Kasi kung mutual desire ang sexual intercourse at dala lang ng lust ang pagtatalik ninyo, hindi yan pwedeng pumasok sa Simple Seduction. Mas lalong walang Simple Seduction kung ang lalaking nangako sa’yo nang kasal ay kasal na sa iba (see U.S. vs Sarmiento).

Naku eto ang matindi. Sabi din ni Pareng Reyes sa libro niya, kung ang deceit na tinutukoy mo girl kaya napapayag ka niyang makipagtalik sa kanya ay dahil nangako siyang bibigyan ka niya nang maraming alahas, hindi yan Simple Seduction. Kasi it only proves that you are not a woman of good reputation. Pokpok ka! (joke lang ha)

So bakit nga ba pinaparusahan ang pakikipagtalik mo sa isang babae (12-18) after mong mangakong pakakasalan mo siya? Hiramin natin ang sabi ng Supreme Court sa kaso ng People vs Iman, eto o:

“It is not the illicit intercourse, but to punish the seducer who, by means of promise of marriage, destroys the chastity of an unmarried female of previous chaste and character, and who thus draws her aside from the path of virtue and rectitude and then fails and refuses to fulfill his promise, a character despicable in the eyes of every decent, honorable man.”

Again, kung walang penetration sa landian portion nila at lewd design lang, the crime would be ACTS OF LASCIVIOUSNESS WITH THE CONSENT OF THE OFFENDED PARTY under Article 339 of the Revised Penal Code.

So ano nga ba itong ACTS OF LASCIVIOUSNESS WITH THE CONSENT OF THE OFFENDED PARTY? Ganito yan para madali mong maintindihan. Parang “almost Qualified Seduction” or “almost Simple Seduction”. “ALMOST” kasi hindi totally naka homerun. Hehehe…okay ba?

Dito sa crimes ng Qualified at Simple Seduction, it is more than the sexual intercourse or breach of promise of marriage ang pinaparusahan. Pero higit sa lahat, pinaparusahan dito yung ideya nang panloloko, pang-iinduce at abuse of authority, confidence and relationship doon sa babae.

Bigyan kita ng sample case ha. Pero dito sa case na ito, child abuse ang kinaso sa lalaki. Eto:

17 years old at that time si girl. Kolehiyala sa isang exclusive school for girls somewhere in Makati (yup, sila yung “let’s make tusok-tusok the fishball).

Eto naman si lalaki, 28 years old at prof ni girl sa Philosophy II class niya.

Isang araw habang nagla-lunch si girl at ang mga ka-tropa niya, lumapit sa kanila sa sir at naki-join sa umpukan nila. Sabi pa nga niya, “Just call me Mike”, sabay abot sa mga chicks ng organizer niya so they can list down their names and contact numbers.

After sometime, nagkukwentuhan na naman si girl at ang mga ka-tropa niya tungkol sa Kama Sutra. Biglang singit ni Mike, wala daw yun kumpara sa collection niya ng mga XXX rated films. Nagulat na lang ang mga babae kasi biglang naglecture at nagdemonstrate si Mike tungkol sa mga sexual acts na na-experienced na niya. So from there, he invited the group to view his collection.

Para di ma-offend si Mike, sumama ang mga girls at sumakay sila sa kotse nito. Dinala sila ni Mike sa Anito Lodge sa Harison sa may bandang Pasay. Nag check-in sila sa “calesa room.” Pagdating nila dun, na-disappoint pa si girl kasi wala naman daw video cassette player o di kaya ay X-rated show sa closed circuit television. Paano nga naman daw sila manunuod ng bold diba?

Nag suggest ngayon si Mike na mag “cuddle” na lang daw sila. Pero di sila pumayag kaya hinayaan na lang daw sila nito.

From there, sinimulan ni Mike ligawan si girl. Tintetext, tinatawagan, pine-page (may pager pa noon). Magsisimula sa innocent talks ang pag-uusap nila pero laging nauuwi sa usapang sex.

Since galing sa broken family si girl, unti-unti siyang nahulog kay Mike dahil na din sa special attention na binibigay niya kay girl. Si Mike din daw kasi ang first guy na nanligaw sa kanya (ako nga elementary, shhhh….). So from MU naging sweethearts na sila.

After a few months, Mike invited her for some private talk. Pumayag naman si girl. Ayun. Nadala siya sa Queensland Lodge. At first, mega tanggi pa si girl kasi usapn daw nila sa debut pa nila gagawin ang jerjer.

Napikon si Mike. Alam naman daw niya na need niya ang jerjer. Kung di daw ibibigay ni girl, might as well mag break na sila. Ayun, taranta si girl. Napapayag din. In other words, nagjerjer nga sila.

The following school year nakipag break na si girl kay Mike. Na-discover kasi niya na di lang pala siya ang girlet nito. Madami pala sila. Bukod pa yung girls na sinu-subject ni Mike ng sexual harassment.

Nalaman ngayon ni mother. Syempre, nagalit si mother at nireklamo si Mike sa school. Nagfile din si mother ng criminal case against kay Mike sa Office of the City Prosecutor sa Pasay City.

As usual ang depensa ni Mike ay alibi at denial. Di daw siya ang kasama ni girl sa motel kasi nga magkakasama nila ng mga katropa niya. Kahit itanong mo pa daw sa mga tropaks niya. Totoo, nagjerjer sila. Pero 19 at that time si girl. Nangyari lang ang jerjer episodes noong gf na niya si girl, and that is, when she was already 19. So 19 na si girl noon, anong problema ninyo?

Nonetheless, kinonvict pa rin si Mike ng court. Inapila ni Mike sa CA. But just the same, na-sustain ang conviction niya. Akyat siya ngayon sa Supreme Court. Kaso, sinustain ng SC ang conviction pa rin niya. Eto ang maganda sa sinabi ng SC:

“A child cannot give consent to a contract under our civil laws”. Eto daw ang dahilan bakit prone sa panloloko at pang-uuto ang mga bata kasi nga hindi sila capable na maintindihan at malaman fully ang nature at import ng kanilang actions. Obligado ngayon ang State na i-minimize ang risk ng harm sa kanila kasi nga they, being minors, are unable to take care of themselves fully.

Ang sabi pa ng SC, “Those of tender years deserve the State’s protection.”

“A child is presumed by law to be incapable of giving rational consent to any lascivious act or sexual intercourse.”

SOURCES:
• Articles 337, 338 and 339 of the Revised Penal Code of the Philippines
• US vs Sarmiento, 27 Phil. 121
• People vs Iman, 62 Phil. 92
• Malto vs People, G.R. No. 164733, 21 September 2007
• Fundamentals of Criminal Law Review by Dean Antonio L. Gregorio (9th Ed.)
• The Revised Penal Code Book II by Luis B. Reyes (14th Ed.)

Photo Credit: http://twithtally.blogspot.com/2013_08_01_archive.html

8 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 12 (Seduction of Minor)

  1. *cue in Anak by Freddie Aguilar*

    “Noong isilang ka sa mundong ito
    Laking tuwa ng magulang mo…”

  2. Predator pala tong si Mike a. May kinalagyan tuloy sya. Hehehe.

  3. Pingback: thelovelybiatch | LAW FOR THE IDIOTS: Day 13 (Tsansing)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s