LAW FOR THE IDIOTS: Day 19 (Obsession)

Sabi nila there’s a thin line between love and obsession.  Kasi nga naman when we fall in love we do things which we don’t normally do.  The moment you wake up, siya ang unang sumasagi sa isipan mo.  Before you sleep at night, siya din ang huling naiisip mo.  We do crazy things kumbaga.  And we have to admit that what we feel towards that person, we also want it to be reciprocated somehow.  “Sana ganun din niya ako kamahal,” “Sana naiisip din niya ako,” “Sana mapansin din niya ako.” 

Pero paano kung hindi?  Paano kung hindi niya kayang ibalik yung pagmamahal at atensyong ibinibigay mo sa kanya?  Ang masakit nun, paano kung hindi ka niya gusto? 

Dito nanganganib pumasok yung salitang obsession.  Nakakabaliw.  Di ka mapakali.  Dapat alam mo lahat sa kanya.  Dapat updated ka sa mga nangyayari sa kanya.  Dapat mapasaiyo siya.  Kung hindi rin lang naman kayo magkakatuluyan, might as well di siya mapunta sa iba. 

Nakakatakot. 

And from there kung anu-ano na ang maglalaro sa utak mo.  Most of which are already beyond the ambit of what is right.  At doon nga, nakakagawa na ang isang taong obsess ng krimen. 

Criminal obsessions ang topic natin ngayon.  Eto yung samu’t saring krimen na nagagawa ng isang taong obsess.  Nagsisimula sa simpleng curiosity na nauwi sa stalking at sa kalaunan, sa mas malalang krimen. 

To make the discussion lighter and easier to comprehend, i-pattern natin sa isang pangyayari para magkaroon tayo ng example sa Obsession.

 

STALKING 

Here’s AAA, a fifteen (15) year old minor na babae.  Active siya sa social media particularly sa Facebook.  Merong isang page doon na member siya.  The purpose of that group is for these young people to meet other young people.  Of course, to follow na lang ang eyeball or meet-up kung sakaling may mapusuan siya at pumayag din naman yung isa. 

Now, sa social media such as Facebook, kapag careless ka sa privacy mo madaling magkaroon ng access ang ibang tao sa account mo kahit wala siya sa friend list mo.  Lalo na kung very active ka sa pag che-check-in sa isang app na magsasabi sa lahat ng makakabasa sa account mo kung nasaan ka at anong oras ka nandoon sa lugar na iyon. 

So ganun nga ang style ni AAA.  Natural, dahil bata pa, careless din at walang pakialam sa privacy niya.  Unknowingly, isa pala dun sa member sa group na kinabibilangan ni AAA ay nakunsunadahan siya.  Pero itong guy na ito has not yet revealed or introduced himself to AAA.  Ang ginagawa lang niya ay uma-access sa account ni AAA para mabasa ang status nito.  Ang kaso, itong si AAA ay sobrang sipag mag post ng status update sa FB.  Ayan, nababasa si stalker.  Ang masama nito, nagche-check-in din siya from time to time dun sa app na magsasabi kung nasaan ka.  Lalong yari kasi kabisado na ngayon ni stalker ang ruta ni AAA from Mondays to Fridays.  

Lahat ng pictures nakikita sa kanya kasi walang prohibition sa setting ni AAA na di pwedeng i-access or ma-view ang mga photos niya ng ibang tao.  Ang ginagawa ni stalker, sine-save niya ang mga photos ni AAA at ginawang personal collection. 

Ngayon, alam na lahat ni stalker ang tungkol kay AAA.  Alam na niya na kabe-break lang ng dalaga sa bf niya.  Alam na niya saan umuuwi ang dalaga at kung anong oras.  Pati school and sinu-sino ang mga katropa niya, kabisado na rin ni stalker.

 

Okay, stop muna tayo dito.  May mali na ba sa ginagawa ni stalker?  Ang sabi lang naman ina-access lang niya ang FB account ni AAA.  Ang sabi lang naman kino-kolekta niya ang mga photos nito.  May violation na ba si stalker?

 

  • It will not come within the purview of illegal access under sa Cyber Crime Law (RA 10175). Kasi ang illegal access sa batas na ito is defined as, “access to the whole or any part of a computer system without right”.  By making your profile accessible in public, walang violation si stalker dito.  Kasi si AAA mismo ang nagbigay ng authority para ma-veiw ang account niya ng iba kahit wala sa friend list niya.  Kung gusto niyang gawing private iyon, dapat ay ni-restrict niya sa setting para walang ibang makaka-access. 
  • Sa VAWC (RA 9262) naman kasi, isa sa punishable acts ng psychological violence ang stalking. Unfortunately hindi mag-aapply kay AAA and stalker ito kasi wala silang “dating” or even “sexual relationship” base dun sa kwento pa natin. 

 

VOYEURISM

 

Ayan na.  Alam na ni stalker saan nakatira si AAA.  Malapit lang pala.  Isang sakay lang pala ng jeep.  Ang ginawa ni stalker, pinuntahan niya ang lugar kung saan nakatira si AAA.  Since alam na niya what time umuuwi si AAA, nakapa niya saan ang bahay nito.  Di nagtagal, alam na ni stalker saan ang bahay ni AAA pati na rin saan ang kwarto nito. 

Unknown to AAA, nagmamatyag lang pala sa gilid si stalker.  Nasa labas lang pala ng kwarto niya.  Pinapanuod bawat kilos nito.  At tuwing nagbibihis siya galing paligo, kinukuhanan na pala siya nito ng litrato ng palihim, lalo na ang maseselang bahagi ng pagkababae niya.

 

Stop uli tayo dito.  May violation na ba si stalker?

 

  • Mukhang meron nang nilabag na batas si stalker dito. At ito ay walang iba kundi iyong RA 9995 (Anti-Photo And Video Voyeurism Act of 2009).  Isa kasi sa mga prohibited acts under the law of voyeurism ang: 

“x x x to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy.” 

 

RAPE 

Tuloy ang kwento. 

Ready na ngayon si stalker.  Nagcreate ito ngayon ng isang bogus account at naglagay ng fake photo para lumibel sa edad at hitsura ng lalaking mahuhulog si AAA.  To make it believable, ang daming friends din ni stalker pero lahat iyon ay fake accounts. 

Nagparamdam na ngayon si stalker.  Nag introduce kay AAA.  In-accept naman ng dalaga ang friend request nito hanggang sa naging madalas ang private chat ng dalawa.  Eh itong si AAA, madaling mauto; nagpaligaw at sinagot si stalker kahit di pa talaga sila nagkikita.  Nung sigurado na si stalker na hawak na niya si AAA, nakipag set siya ng meeting dito.  Doon agad diretso sa tahimik at malamig na lugar.  

Alam mo na kung saan iyon. 

Ang usapan nila mauuna si stalker at ite-text kay AAA ang room number.  Sunod naman itong si babae.  Pagdating niya doon sa room nagulat siya kasi ang layo ng hitsura ni stalker dun sa profile pic niya at iba pang pics niya sa FB.  Lalong ang layo ng edad ni stalker kasi ang pagkakaalam ni AAA, kasing edad lang niya ito pero ang nakita niya ay halos tatay na niya. 

Pero di na nakapalag si AAA kasi tinutukan na siya ng patalim ni stalker.  At doon nga ay naisagawa ni stalker ang panghahalay kay AAA.  Ang masama nito, habang hinahalay siya ni stalker, vini-video pa ito. 

Sa takot ni AAA, at dahil may banta sa kanya si stalker na ipapakalat sa FB ang nasabing video, di na nagawang magsumbong ni AAA. 

 

Stop uli tayo dito.  Any violation of the law committed by stalker?

 

  • Klaro meron na tayong isang rape case which is punishable under our Revised Penal Code (Art. 266). Kasi dito, the stalker had carnal knowledge with AAA by using force, threat or intimidation. 
  • Bukod dito, stalker once again violated RA 9995 (Anti-Photo And Video Voyeurism Act of 2009), this time based on the following ground: 

“To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity x x x”

 

The opinion of some is that the boyfriend who recorded his sexual act with his girlfriend for collection purposes cannot be prosecuted under this act.  But take note of the circumstances in the case of AAA and the stalker.  Ang purpose ng recording is not for personal or private collection but as a means of blackmailing AAA so that she will not report to the authorities the rape incident. 

  • Other than that, babalik uli tayo sa provision ng RA 9262. Pwede na ba sila sa “dating” or “sexual relation” para mag apply sa kanila ang nasabing batas?  This is still debatable.  

Kasi ang meaning ng “dating relation” sa RA 9262 ay “wherein the parties live as husband and wife without the benefit of marriage or are romantically involved over time and on a continuing basis during the course of the relationship.  A casual acquaintance or ordinary socialization between two individuals in a business or social context is not a dating relationship.” 

Pwedeng pumasok sa “romantically involved over time and on a continuing basis” eh.  Pero at the same time, pwedeng i-argue ni stalker na hindi applicable sa kanila yun at i-deny ang relationship nila. 

Pag dating naman sa meaning ng “sexual relation” ang sabi ng RA 9262, eto daw yung “single sexual act which may or may not result in the bearing of the common child.”  Ikaw na mag-isip kung sa palagay mo mahuhulog sila sa sexual relation. 

Ngayon naman, isa sa sexual violence na kino-condemn ng RA 9262 ay ang rape, sexual harassment, at acts causing or attempting to cause the victim to engage in any sexual activity by force, threat of force, physical or other harm or threat of physical or other harm or coercion.

 

  • Since minor si AAA, maaagrevate yan pag pasok ngayon ng RA 7610 or Child Abuse Law natin.

 

Sa Sec. 5 kasi ng nasabing batas pinaparusahan ang child prostitution and other sexual abuse.  Sa other sexual abuse papasok yung “children who, x x x due to the coercion or influence of any adult, x x x indulge in sexual intercourse”. 

 

Ang kaso ni AAA ay ilan lang sa halimbawa ng criminal obsession.  Kumbaga hindi na nakuntento na by mere lewd thoughts ang stalker.  In-execute na niya thru series of acts ang lewd thoughts na naglalaro sa isipan niya. 

As a general rule, a mere thought to commit a crime is not punishable unless the law otherwise provides.  Pero oras na i-execute mo ang “thoughts” mong iyan, you become liable for your acts. 

On the other hand, in order to prevent yourself from being a victim of criminal obsession, be sure that you are not prone to stalking.  Gaano kadaming information ba ang ibibigay mo sa publiko patungkol sa’yo?  Hanggang saan ang limit na gusto mong ipaalam?  The more you expose your privacy to the public, the more chances you become a helpless prey to ruthless predators. 

Isa pa, anong extent pwede mo pagkatiwalaan ang isang “stranger”?

 

You decide your own fate. 

 

PHOTO CREDIT: http://www.tylershields.com/2010/03/05/obsession/obsession

 

 

11 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 19 (Obsession)

  1. salamat sir sa magandang information na ito,
    balak ko sana gumawa din ng isang artikulo maari ko po bang gamitin na batayan itong sulatin na ito . Slamat po in advance

    • Hello Kelvin. Sure, why not. PERO hindi ako SIR, hahahaha. Certified girl ako. Feel free kasi based on research and work in my profession being a lawyer naman yung mga nasusulat ko sa Law For The idiots na blogs. You can likewise scan other law topics if you want. Or kung medyo about relationship ang topic mo, try scanning “Eat My Cake” (pertains to friends with benefits affair), and the “Cheaters Club”.🙂

  2. hi Sir, este Mam pala.🙂

  3. Hi Batch ! nice article ^_^ nauubos ang 8 hours ko sa kakabasa haha curious lang tanong ko lang if ang stalking ba ay considered treat?

  4. Naka-private na po ang FB ko…Hehe! This is very informative. Thank you🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s