LAUNCHING AD -TATLUMPOT TATLO

GERTRUDE SHEEVAH HANNAH MARY. The pastor’s daughter. A certified virgin. A no-boyfriend-since-birth kind of virgin. A whore-like virgin. The curious virgin. The kind of virgin who is always looking forward to her supposed first bed experience.

But her not-so ordinary boring life turned to a twisted fate when she surprisingly found herself involved in the investigation of a suicide-turned-murder case of a suspected drug pusher detained at Manila City Jail.

Will she be able to pull her life back to normal now that the drug syndicate is after her?

This fast pacing heart racing novel will make you think twice and doubt whether the dictates of society’s concept of “good” and “holy” are just mere illusions designed to suit the majority’s pleasure.

Advertisements

LAW FOR THE IDIOTS: DAY 31 (ELECTION SERVICE REFORM ACT)

ESRA1

“ESRA” ang shortcut sa bagong batas natin na R.A. 10756. Sabi kasi sa batas na ito, di na daw mandatory sa mga public school teachers ang pagse-serve as members of the Electoral Board. Sabi din sa batas na ito, pwede na mag-apply as members of the Electoral Board ang mga private citizens. At higit sa lahat, sabi sa batas na ito ay mas mataas na daw ang benepisyong matatanggap ng mga members of the Electoral Board. Hindi lang iyon, kung dati ay walang legal assistance na ibinibigay ang COMELEC tuwing nadedemanda ang mga teachers natin pag election ngayon ay meron na under ESRA!

Pero teka. Di ibig sabihin ay automatic na pwedeng mag-apply agad ang mga private citizens as members. Di rin kaya i-accommodate lahat ng public school teachers na gustong magserve. Di yon pwede. Dapat may sistema. Otherwise dudumugin ang mga Offices of the Election Officers ng COMELEC sa buong Pilipinas.

Ganito yon, ang priority pa rin ay ang mga public school teachers. PERIOD. Ang kondisyon nga lamang ay dapat WILLING, AVAILABLE and QUALIFIED SILA. Self-explanatory na ang “willing” at “available”. Magkakatalo na lang tayo kung “qualified” ba sila.

Dapat pasok sila sa mga sumusunod:

  1. good moral character and irreproachable reputation
  2. known integrity and competence
  3. registered voter
  4. never been convicted of any crime with 6 months imprisonment OR has no pending Information filed against him for election offense
  5. able to speak and write English, Filipino or the local dialect (Section 6, Comelec Resolution No. 10194)

Kung ang public school teacher at WILLING, AVAILABLE at QUALIFIED base sa mga nabanggit sa itaas, maaari siyang magpalista sa highest DepEd official nila sa city, municipality or district. Ang highest DepEd official nila ang mag veverify kung yung mga nagpalista ba ay talagang WILLING, AVAILABLE at QUALIFIED. Baka kasi mamaya kamag-anak pala ni titser ang isa sa mga members of the Electoral Board o di kaya ay isa sa mga kandidato. Bawal kasi yon. DISQUALIFICATION yon. Si highest DepEd official ngayon ang magsa-submit ng listahan ng mga napili niyang public school teachers kay Election Officer (EO) ng lugar nila.

Ngayon, pwede kasi na dahil sa dami ng public school teachers na nagpalista kay highest DepEd official ay di lahat maa-accommodate. May certain limit lang kasi depende sa dami ng kailangan ng presinto kung saan maa-assign ang teacher.

So paano ngayon kung halimbawa ako si public school teacher at di ako nakasama sa listahan ni DepEd? Simple lang yan. Didirekta ako kay EO para sa kanya ako direkta magpalista, yun nga lang, as substitute.

Take note na ang listahan ni DepEd ay recommendatory lang. Pagdating kasi kay EO ay ive-verify uli ni EO yung mga nakalista. Pwede siya magtanggal dun kung sa tingnin niya ay disqualified ito.

So ayan na. May final list na si EO ng mga members ng Electoral Boards. Ang gagawin niya ay ipapaskil niya ito sa bulletin board sa loob ng limang araw. Kung may gustong magprotesta, dapat ay gawin na niya iyon sa loob ng tatlong araw mula ng ipaskil ang listahan.

Oopps…! Di pwedeng verbal na reklamo. Dapat ay in writing ang opposition tapos ifa-file niya iyon kay EO. Pero teka lang, bago mo iyan i-file kay EO dapat ay pinadalhan mo na ng kopya ang nirereklamo mo. Copy furnished dapat yung titser na nireklamo mo. Pag kasi nakita ni EO na di mo pala pinadalhan ng kopya ang nirereklamo mo ay ire-receive lang niya ang opposition mo pero di niya ito aaktuhan.

Ipagpalagay na natin na napadalhan mo na ng kopya ang nirereklamo. Ang gagawin naman ni EO ay magpapadala siya ng notice doon sa taong nirereklamo para sagutin niya ang paratang sa loob ng 2 araw. NON-EXTENDIBLE ang 2 days. Ibig sabihin, ke sagutin mo ke hindi, tuloy ang proseso sa opposition.

Eto namang nireklamo, oras na sumagot siya in writing dapat ay copy furnished din ang complainant. Otherwise, di iko-consider ni EO ang sagot niya. Para patas di ba?

So eto na nga. Kunwari nakapag-file ang nirereklamo ng sagot niya sa loob ng 2 days at copy furnished ang complainant. Ang gagawin ni EO ay magtatakda siya ng araw, oras at lugar para magkaroon ng evaluation para sa complaint. Kahit di dumating ang complainant or yung nireklamo ay itutuloy pa din ni EO ang evaluation. Kailangan ay maresolba at maglabas ng resolution si EO sa loob ng 7 days simula ng i-file ang complaint.

Ayan na. May final list na tayo ng mga public school teachers na magiging members ng Electoral Board.

Ang tanong, kelan papasok ang private citizens? Akala ko ba sabi sa ESRA pwede ng mag-apply ang mga private citizens?

Sa ngayon ay puputulin muna natin ang uspaan natin kasi mahaba na. Isusunod na lang natin ang topic na iyan next week.

[TO BE CONTINUED]

Tatlumpo’t Tatlo at Kalahati

COMING IN YOUR FAVORITE BOOKSTORES THIS DECEMBER!

33

PROLOGUE

Sa isang sulok ng madilim at mainit na kwartong iyon nakasalampak ang lalaki.  Halos maligo na ito sa sariling pawis at nagmamantika pa ang madulas na balat.  Pagal ang kanyang paghinga at mistulang kinakapos ng hangin. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at tila ‘di siya mapakali sa walang kadahilanan.

Nauuhaw siya kahit bundat na ang kanyang tiyan sa kakainom ng tubig.  Walang katapusang uhaw.

Wala siyang pakialam.  Malalim na ang gabi ngunit dilat na dilat pa din ang mga namumulang mata nito.  Pangalawang gabi na niya ito na walang tulog pero alerto pa rin ang utak niya.  Konting kaluskos sa labas ng bahay ay natataranta ito’t inaakalang nire-raid na sila ng mga pulis o di kaya ay ng mga taga PDEA.  Mabilis ang tibok ng kanyang puso na akala mo ay kagagaling lang niya sa limang kilometrong takbo.

Nagsisiksikan sa maliit na kwartong iyon ang limang kasamahan niya, dalawa rito ay minor de edad na babaeng nasa dise-syete, dise-otso lang ang gulang.  Nagpumilit sumama ang dalawa sa kanilang session kahit walang ambag na pera.  Puri na lamang daw ang kapalit.  Sino ba naman ang hindi papayag sa palit-puri?  Ganyan naman talaga kapag nalulong ka sa masamang bisyo sa murang edad kung saan wala kang pang sustento sa sariling bisyo.  Kung hindi mo nanakawan ang sariling magulang, kahit puri ay ibibigay makaraos lang ang nangangatal na katawan at nababaliw na utak.

Naka-kubabaw ang isang may edad na lalaki sa isa sa mga babae.  Kinakabayo niya ito doon sa isang mapanghing sulok habang bangag na bangag pa ang kawawang pobre.  Ang isa naman sa mga babae ay nakikihati sa tuter ng kasama niyang mas bata-batang lalaki.

Kanina lang ay nagturok siya at hinihintay ang epektong idudulot nito sa kanyang utak nang maisipan niyang saidin ang tirang puting kristal.  Kakaiba kasi ang tama kapag pinagsabay ang shabu at vallum.

Tinitigan niya ang ginawang bangka na nakapatong sa mesa.  Lumapit siya sa mesa at saka naupo.  Isinaksak niya ang nirolyong needle sa lighter.  Suminghot-singhot pa ang lalaki bago sinindihan ang lighter.  Nagliwanag ang needle na nakapasak dito at saka ini-adjust ang apoy sa lighter.  Nang makuha ang tamang timpla ng apoy ay saka niya ini-sterilize ang bangka.  Pagkatapos noon ay saka niya kinuha ang isang sachet ng puting kristal na nakapatong rin sa mesa.

Dahan-dahan niyang ibinuhos ang puting kristal sa bagong sterilize na bangka.  Kinuha ng lalaki ang tuter at inilagay ito sa kanyang bibig.  Sinindihan uli ng lalaki ang lighter at itinutok ang needle sa bangka.  Pagkatapos nga ay ipinaandar nito ang lighter sa bangka.  Umusok ang puting kristal habang natutunaw.  At gamit ang tuter, hinigop ng lalaki ang usok.  Pagkalunok nito ay sabay singhot para siguradong di lalabas ang usok sa ilong.

Aahhh…!

 Halos sumabog ang kanyang dibdib sa hapdi na umaakyat sa kanyang ulo.  Ngunit kakaibang tama ang hatid nito nang mahimasmasan naman siya.  Kakaibang sensasyon ang dulot nito sa kanyang utak.  Di niya maipaliwanag.  Pakiramdam niya ay siya ang pinakamalakas na lalaki sa balat ng lupa.  Magaan ang kanyang katawan at anumang oras ay maaari na siyang lumipad sa ibabaw ng bubong patungo sa dakong paroroon.

Sumandal siya saglit sa pader na yari sa plywood at ipinikit ang mga mata.  Pakiwari niya ay umiikot ang kanyang mundo.  Kahit nakapikit ay nakatatak sa utak niya ang galaw ng mga kasama.  Hayon ang matandang Inggo, kinakabayo pa rin ang isa sa mga babae.  Si Elmer, bangag habang tinitipa ang gitarang kulang-kulang ang kwerdas.  At ang isang dalagang di man lang niya naitanong ang pangalan?

Dumilat ang lalaki sa pagkakapikit.  Nakita niya ang dalagang sumisinghot pa rin sa tuter sa kabilang mesa.

Tumayo ang lalaki at naglakad papalapit sa babae.  Hinatak niya ito patayo.

“Teka!  Di pa ako tapos!” protesta ng babae.

“Mamaya na yan.  Halika dito!”

“Teka sabi!”

Pero walang nagawa ang babae habang kinakaladkad siya ng lalaki dahil ‘di hamak namang mas malakas ang katawan nito kumpara sa kanya.  Sa sulok kung saan nakalatag ang isang luma’t sira-sirang kutson itinulak ng lalaki ang babae.  Nagpaubaya na lang ang babaeng lango sa droga habang inaalis ng lalaki ang maong shorts nito pati ang kanyang panty.  Itinapon ng lalaki sa sahig ang salawal ng babae at saka nagmamadaling hinubad naman nito ang suot niyang pantalon bago kinubabawan ang babae.

 

El Niño

Image result for dried plant

Nakatingala at naghihintay.

Wala pa rin siya.

Napapapikit na lang at tikom ang natutuyong lalamunan.

Pagal sa paghinga at umaasang

madadampian muli ang natutuyong balat

at bubuhayin ang nalalantang damdamin.

 

Ang tagal naman.

Nakakainip.

Nakakabagot!

Nauuhaw na sa’yo.

Init na init.

Matagal pa ba?

 

Magsasayaw sa ilalim ng araw

at aasang didinggin ng langit ang huling hiling.

Batid naman na ito’y parating

ngunit ang paghihintay sa kung kalian

ay tunay namang nakamamatay.

 

Di na mapakali.

Tunay namang nakakainip.

Init na init.

Uhaw na uhaw na rin.

Naglalagkit sa ilalim ng araw,

hanggang kelan pa ba maghihintay?

 

Pabuhusin na ang ulang iyan

pagkat ako’y tigang na sa ilalim ng mabagsik na araw!

 

damong ligaw

ISANG GABING MALIMLIM

Image result for falling star

Nakita kita isang gabing malimlim

Nakatingala sa langit, binibilang ang mga bituin

Ako’y napangiti at pinagmasdan ka ng lihim

Hiniling na ako naman ay iyong lingunin kahit saglit

 

Hanggang isang bulalakaw ang biglang napadaan

Iyong hinabol para lang sa isang walang saysay na hiling

Ako’y nakaramdam ng inggit

pagkat mas maliwanag naman ako

di hamak na mas matingkad sa iyong bulalakaw

ngunit di mo nagawa man lang lingunin

 

Bakit kailangang sa kanya ka pa humiling

gayung kaya kong ibigay ang lahat ng iyong nais?

Bakit siya pa ang hanap, liwanag ko ba’y di sasapat?

Ako’y naririto lang at naghihintay

Kung sana lang ay iyong alam

 

Nakita kitang nalungkot nang mawala ang bulalakaw

Di kita iniwan, tanaw-tanaw ka habang hinihiling ako’y iyong mapansin

Ngunit tumindig ka sa iyong pinagkakaupuan

Naglakad palayo nang di man lang ako nililingon

LAW FOR THE IDIOTS: Day 30 (Detained Persons)

art-125a

photo credit: dollar bill

Ang blog post na ito ay tugon sa request ng isa sa mga commenters natin.  Limang articles ng Revised Penal Code (RPC) ang gusto sana niya ipa-cover pero iisa-isahin natin sila dahil mahina ang kalaban.  Kung susumahin, ang limang articles na ni-request ni Mr. Commenter ay covered ng tinatawag nating mga “Crimes Against the Fundamental Laws of the State”.  Pasok dito ang arbitrary detention at iba pang krimen na ang sangkot ay mga officials gaya ng mga pulis.

Simulan natin sa Article 125 o ang “Delay in the delivery of detained persons to the proper judicial authorities.

Please do note of the term delivery of detained persons.  Ibig sabihin, sila iyong mga taong inaresto na walang warrant (magkakaroon tayo ng separate discussion for warrantless arrest).

Pero pwede naman na hilingan ng detained person na magkaroon ng preliminary investigation instead of inquest proceeding.  Yun nga lang, kailangan niyang pumirma ng waiver (Sec. 10, DOJ Circular No. 61, s. 1993).

Bigyan ko kayo ng sinario: halimbawa, nahuli ka without warrant for illegal possession of firearms ng mga pulis.  Pagkahuli sa’yo ay dinetain ka agad sa police station.  Sa pagkakataong ito ay dapat ipaalam sa iyo ang dahilan bakit ka dine-detain.  At kung sakasakaling mag-request ka na makipag-usap sa iyong abogado ay dapat din payagan ka anumang oras.

Eto ngayon ang siste.  Ang sabi sa batas, simula sa oras na idetain ka ay dapat dalhin ka sa “proper judicial authorities”.  May oras kung gaano katagal ka lang pwede nila i-detain.  Kung hindi ka nila madala sa “proper judicial authorities” dapat ay pakawalan ka nila kung hindi ay magiging liable sila under Article 125.

So ilang oras ka lang ba nila dapat i-detain?

Sabi sa Article 125, magdidipende sa krimeng nagawa ang tagal ng pagkaka-detain.  Eto sila:

light penalty (arresto menor, public censure)                 12 hours
correctional penalties (prision correccional, arresto mayor, suspension, destierro)  

18 hours

afflictive or capital penalties (capital punishment: death; afflictive penalties: reclusion perpetua, reclusion temporal, perpetual or temporary absolute disqualification, perpetual or temporary special disqualification, prision mayor)  

36 hours

Nalula ka ba sa mala-Español na terms?  O, eto ang duration niya para di ka na mahirapan:

PENALTY                             DURATION

Arresto menor 1 day to 30 days
Arresto mayor 1 month 1 day to 6 months
Prision correccional 6 months and 1 day to 6 years
Prision mayor 6 years and 1 day to 12 years
Reclusion temporal 12 years and 1 day to 20 years
Reclusion perpetual 20 years and 1 day to 30 years

Eto ngayon ang tanong: sino ba ang tinatawag na “proper judicial authorities”?  Dapat ba sa judge lang na may jurisdiction sa kaso mo?  Eh kung sa fiscal kaya?

Ang sabi ng Supreme Court sa kaso ng Sayo vs The Chief of Police (G.R. No. L-2128 [12 May 1948]), ang fiscal daw ay di kabilang sa tinatawag na “judicial authority”.  Dun mo dalhin sa judge kasi siya ang judicial authority.  Pero noon yun.

Kung titingnan mo, ang kaso ni Sayo ay nangyari noon pang 1940s.  Wala pang inquest proceeding.  Ang inquest proceeding ay ang hearing sa harap ng fiscal para sa mga warrantless arrest.  Parang preliminary investigation din siya.  Ang pagkakaiba nga lang sa inquest na-arresto na yung tao ng walang warrant at mas mabilis ang proseso ng inquest kumpara sa preliminary investigation.

Para sa mas defined na kahulugan ng “inquest”, pinaliwanag ito ng Circular No. 61, s. 1993 ng DOJ as ―

“Inquest is an informal and summary investigation conducted by a public prosecutor in criminal cases involving persons arrested and detained without the benefit of a warrant of arrest issued by the court for the purpose of determining whether or not said persons should remain under custody and correspondingly be charged in court.”

Balik tayo kay Sayo.  So ayun na nga, noong panahon niya di pa nasusulat ang rules para sa inquest proceeding.  Di pa ito uso.  Isa pa, noong panahon ni Sayo magkaiba pa ang rules pagdating sa delivery of persons without warrant sa Maynila kumpara sa mga probinsya.  Wag na natin i-elaborate yun kasi magiging komplikado lang para sa ilan sa inyo.

Segue muna tayo sa kaso ni Agbay vs Ombudsman (G.R. No. 134503, 02 July 1999).  Sa kaso kasing iyon dinemanda nila ang arresting officers kasi lumagpas sila sa oras na dapat lang i-detain ang isang tao.  Dapat daw ay dinala nila agad sa trial court kasi yung judge sa RTC ang proper judicial authority.  Ang nangyari kasi sa kaso ni Agbay, dun dinala ng mga arresting officer si Agbay sa Municipal Circuit Judge para dun gawin ang investigation kung dapat nga bang sampahan ng criminal Information ito sa RTC.  Pumalag ang abogado ni Agbay kasi daw hindi ang filing sa MCTC ang magpapa-interrupt sa pagtakbo ng period na binanggit sa Art. 125.  Kasi nga daw ang purpose ng hearing lang dun sa MCTC ay parang preliminary investigation lang kung dapat bang kasuhan sa RTC si Agbay.  Ang filing daw sa  RTC ang magpapa-interrupt ng running ng period.  So dahil dyan, lagpas na sa period na binanggit sa Art. 125 ang pagkaka-detain kay Agbay.

Pero sabi ng Supreme Court, mali daw sina Agbay.  Kasi nga daw ang salitang “judicial authority” under Art. 125 ay nangangahulugang “the courts of justices or judges of said courts vested with judicial power to order the temporary detention or confinement of a person charged with having committed a public offense”, at kasama dito kahit inferior courts that may be established by law.  Hindi necessary dun mismo sa court na may jurisdiction na dinggin ang kaso ng detainee.

Eto pa ang huling hirit kina Agbay, ang sabi ng Supreme Court: “this Court even made a pronouncement that the delivery of a detained person ‘is a legal one and consists in making a charge or filing a complaint against the prisoner with the proper justice of the peace or judge of Court of First Instance in provinces, and in filing by the city fiscal of an information with the corresponding city courts after an investigation if the evidence against said person warrants.”

Makikita natin dyan ngayon na ang salitang “delivery” is not necessarily actual physical delivery of the detained person.  Pero dapat merong complaint na nai-file.  Makokonsidera na duly complied ng public official ang Art. 125 kung maisampa nila ang complaint sa proper judicial authority.  Pwedeng sa korte (kasi may mga first level courts na nagco-conduct ng preliminary investigation) at pwede ring sa prosecutor.  Although technically di judicial authority ang prosecutor but for purposes of Art. 125, he is considered as one.