Kelan Ka Ba Mag-Aasawa?

lady wine

 

Sabi nila ay tinatamasa na raw natin ngayon ang bunga ng pagsusumikap ng mga kababaihan noong dekada ’70 para magkaroon ng tinatawag nilang equality among sexes.  Ibig sabihin ay may patas na pagtingin na ang mga kababaihan sa mga kalalakihan ngayon kumpara nga naman noong 19kopong-kopong.  Patas na karapatang pantao, bumoto, pumili ng bokasyon at propesyon, at makilala sa larangan ng anumang uri ng paligsahan.  Pati nga bokasyon na noon ay nakalaan lamang sa  mga lalaki ay pinasok na rin ng mga babae.

Subalit hanggang sa ngayon ay may stigma pa rin sa lipunan na di mabago-bago.  Ito ay ang pagtatalaga ng boundary kung kelan ba dapat lumugar na sa tahimik ang isang babae.  Scientifically speaking, may basehan nga naman dahil may expiration date kung kelan pwedeng magdalang-tao ang isang babae.  Bale ba naman kasi ang pagkakaroon ng anak ang siyang sentro ng pag-aasawa base na rin sa ating Saligang Batas.

Pag tuntong ng isang babae sa trenta, lahat na ng mga mata ay nakatuon sa kanya at minamarkahan siya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa.

Baka pangit at walang manligaw.  Baka di pa sawa sa pagiging dalaga.  Ah, di na yan magkaka-anak kasi matanda na.  Manang kasi kaya di pansinin.  Ang taba-taba naman kasi kaya di kaakit-akit.  And the line goes on…

Kabwisit lang kung minsan di ba?

Kumpara mo nga naman sa mga lalaking nasa trenta na pero binata pa, ibang red alert ang pinapasan ng lipunan sa isang babae kapag siya itong wala pang asawa.  Minsan nga kahit na may nobyo naman siya pero di pa rin nagpapakasal maririnig pa rin ang bulungan na di naman yan pakakasalan at pinatatanda na lang yan ng lalaki.

Sila ang mga thirty-something na kababaihan na in denial na matandang dalaga na sila.  Katwiran nga naman nila, thirty is the new twenty ―maipilit lang na di dapat pa maging applicable sa kanila ang pressure ng pag-aasawa.  Kaya ang counting period ng pagiging matandang dalaga ay dapat magsimula lamang daw pagtuntong nila ng kwarenta.

They are single, yet successful in their own field.  Pero sa totoo lang, masaya ba sila sa tagumpay na tinatamasa nila gayung mag-isa lang sila sa buhay?  Pag-uuwi silang pagod, may sasalubong ba sa kanila?  Pag malakas ang buhos ng ulan, may susundo ba sa kanila?  Pag nilalagnat sila o masama ang pakiramdam, may mag-aalaga ba sa kanila?

Their plight might be the same as yours.  Hindi lang natin alam.  Madalas kasi mas pinipili na lang natin wag na lang pag-usapan ang ganitong issue kasi napapahiya tayo.

Siguro nga it depends on how the pressure of society affects you.  How would you cope up with that?  Malamang sasabihin mo bata ka pa at nasa line of twenty ka pa lang.  Saka mo na lang poproblemahin ang pagiging single pag malapit ka na sa dead-end.  Ang hindi mo alam, dyan din sila nagsimula hanggang sa di nila napansing trenta mahigit na sila at ang lalaking hinihintay nila ay nagpakasal na pala sa iba five years ago pa.

Gaano nga ba ka-big deal ang pag-aasawa sa tamang edad para sa isang babae?  Mababawasan ba ang kalidad ng pagkatao niya base sa singsing na isusuot niya sa daliri?  O, sapat bang pakasal na lang sila sa kahit na sinong available masabi lang na na-beat nila ang dead end?

Kung tutuusin ay di pares ang lipunan.  Mas matindi ang pressure na binibigay nila sa babaeng nakatuntong na ng trenta kesa sa lalaking kasing edad nila.  Ang trato ng lipunan ay nauubos na ang oras ng babae pag nasa dead-end na siya ng kalendaryo.  Pero bakit nga ba naman walang ganitong bearing pag lalaki ang single at thirty?

So tell me: KELAN KA BA TALAGA MAG-AASAWA?

 

photo credit: pinkillustration.wordpress.com

 

4 thoughts on “Kelan Ka Ba Mag-Aasawa?

  1. Mahusay na pag-aanalisa tungkol sa paksang ito. Ako nasa 25 pa lang ata ay sinasabihan na kung kailan mag-aasawa at napagkamamalan pa akong tomboy ha. wala lang BF, hanap ko na agad ng GF? hehehe

    Impokrita naman ako kung sasabihin ko kung hindi ako naapektuhan o di ko naiisip ang mga opinyon nila. tintanggap ko yung payo (like saan puwede at paano). Personally, maapektuhan ka lalo kung ikaw mismo parang gusto mo na rin e. Pero kung tingin mo tsika lang nila yung mga pressure, medyo deadmahin mo na lang. Mag-aaswa ako kung kailan nandyan na sya at gustong-gusto namin pareho. Hindi ko alam kung hahanapinn ko o hihintayin ko pa pero kapag nandyan na sya. I rather stay single than be in miserable and loveless relationship. I am already in a point of my life na more or less, I know already what’s my definition of happiness, success, and real love na labas sa tsika ng iba. Kahit sabihin natin yung expiration ng bahay bata… Ang sarap magpalaki ng bata na alam mong mabibigyan mo ng kumpletong pagmamahal (kahit yun lang muna) at pamilya. 😉

    • medaling sahinin yan, kaya naman kasi ang iba pumapasok sa ganyan dahil ayaw lang nila mapag isipan na ganon sila o ganyan sila, tandaan, ikaw mismo ang nakakaalam sa sarili mo kung ano ang nararapat sa iyo at hindi ang iba, bilang isang lalake tungkulin ko na igapang ko sa pamilya ko sa ano mang bagay na maglalagay sa kanila sa maayos na sitwasyon kaya hanggang sa ngayon sa edad na 35 hindi pa ako nag aasawa kasi hindi ako handa totally financially and emotionally . huwag mag asawa dahil lamang sa sulsol ng iba….

  2. medaling sabihn ngunit mahirap na kung nandoon ka na, yan ang din ang tanong sa akin ng karamihan, bilang isang lalake, hanggang ngayon wala pa akong girlfriend (di ako bakla) at wala pa akong balak mag asawa dahil personally, di pa ako handa, financially,problemado pa tapos emotionally nakakahiya man sabihin ngunit till today naka tira pa rin ako sa magulang ko, so ano ang dapat gawin …. kung pumasok ako sa pagpapamilya dahil lamang sa tugon o sulsol ng mga tao sa paligid ko, para na ring ipinakita mo na kontrolado ka nila kaya sa bandang huli ikaw ang talo, pangawala tao ang palalakihin mo hindi aso o pusa na ok lang yan pangatlo kaya naman kasi ang iba nag aasawa dahil na rin sa ego at ayaw masabihan ng iba. tandaan 100 million na ang population natin ditto sa Pilipinas, kung problema ka sa pera at hindi ka pa handa dapat huwag ka munang pumasok sa pag aaasawa bago ka maging dag dag problema sa bayan!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s