Nagmamadali Ang Maynila

Image

Pakikibaka, pakikipagsapalaran, pakikisalamuha…lahat ng iyan ay parang isang mahabang byahe sa maingay, marumi, makulay at masayang syiudad ng Maynila.  May ilang makikisabay subalit hindi lahat ay sasamahan ka hanggang sa huli.  May bababa at iiwan ka.  Ngunit meron din namang panibagong sasakay para punuin ang binakanteng upuan.  At mula nga rito ay muling magpapatuloy ang byahe ng pakikisalamuha.

Huwag kang paakit sa makikinang na ilaw ng Mabini.  Hindi lahat ng kumikinang ay daan patungo sa iyong pangarap.  Karamihan dyan ay mapaglinlang at mapagkunwari.  Aakitin ka hanggang sa tangayin sa iyo ang natitira mong dangal.

Mahaba at makipot ang byahe patungong Quiapo.  Hindi mo kailangang daanan ang bawat kanto at silipin ang bawat eskinita.  May tamang bus stop at jeepney stop lamang na para sa iyo kaya mainam na alam mo kung hanggang saan lamang ang byahe mo.  Alamin ang patutunguhan.  Mahirap maligaw dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon bumalik at magsimula muli sa kanyang masalimuot na pagbyahe.

Huwag kang aanga-anga sa Escolta.  Madaling makatunog ang mandurugas sa mga dayo at walang alam.  Walang biktima kung wala naman talagang nagpapabiktima.  Ang buwitre ay sumasalakay pag nabigyan ng tamang pagkakataon at madalas ay patraydor.

Sa pagtahak mo sa maingay na Binondo, huwag kalimutang ang bawat ngiting nasasalubong ay may tagong pait na kinikimkim.  Wala namang mawawala sa iyo kung magpapahiram ka ng kapirasong ngiti.

Sa bawat desisyon na iyong gagawin alalahanin na hindi lahat ng daan ay two-way.  Isang pagkakamali lamang ay maaaring ikaligaw mo sa masalimuot na kalsada ng syiudad.  Masarap magmasid sa maganda, maingay at makulay na Maynila.  Ngunit gaya ng anumang uri ng pakikisalamuha ng buhay ito ay may nagbabadyang panganib sa bawat kantong iyong daraanan.

Siguro nga ay para rin itong isang sugal.  Maaaring ikapanalo mo at pwede rin namang ikatalo.  Ang mahalaga ay alam mo kung paano ito laruin at kung kailan dapat ihinto ang laban.  Sabi nga nila, hindi lahat ng byahe ng buhay ay para sa iyo.  May tamang dyip, may tamang lugar ng pagsakay at may tamang babaan.  Kung minsan pinipilit nating makarating ng España gayung ang bayad natin ay hanggang Kalaw lamang.  Ang masakit ay kung ang buong akala mo ay papunta ka ng España gayung ang sinakyan mo pala ay byaheng Sta. Cruz.

Tuluy-tuloy lang ang byahe.  Huwag hihinto ng matagal.  Hihinto at may bababa, pero meron at meron ding sasakay para samahan ka.  At kung sakaling sa kalagitnaan ng byahe ay mapansin mong mag-isa ka na lamang, huwag mangamba.  Ang mahalaga ay ang makarating ka sa iyong patutunguhan nang hindi pinagsisisihan ang bawat kanto at eskinitang nadaraanan.

Walang puwang sa mundo ng pakikipagsapalaran ang mahihina ang loob at takot sumugal sa buhay.  Ang pakikisalamuha ng buhay ay walang katapusan…

dahil nagmamadali ang Maynila.

29 thoughts on “Nagmamadali Ang Maynila

  1. ang husay! ang galing nangpagkakagawa… nawa’y hindi mainip ang maynila sa paghintay.. ehehehe

  2. Minsan tatanggapin nila ang bayad mong Espana kahit Sta Cruz ang byahe nila. Saka lang nila sasabihin na mali ang iyong nasakyan sa Lawton.

  3. Bakit namiss ko ito? Kaiikot ko pa lang naman sa Maynila, hehehehe. gud am

  4. wow tma ka gnun ang manila,at makaka relate ang mga mkkbsa

  5. nku nka relate tlga

  6. wahh manila. every time na dumadalaw o napadpad ako dyan ibang-iba talaga ang pakiramdam ko. parang gusto ko laging i-blog o kunan ng litrato ang mga nakikita ko.

  7. salute! iba ka talaga biatch :p

  8. “Sabi nga nila, hindi lahat ng byahe ng buhay ay para sa iyo. May tamang dyip, may tamang lugar ng pagsakay at may tamang babaan.”😉

  9. aleng streetsmart sa maynila, hoy…🙂 ba’t di ka reply sa comment ko above, ha? hihi. lemme say this is one of your best paintings errr, composition. rume-realism ang lola, yehey… di nga, maganda…

    eniwey, hiwey, asan na po ang pang-guest post ninyong akda, miss? saka, dahil nagandahan ako rito, ta’s inisnab mo pa comment ko, hakhak, hwag ka magulat isang araw, gawan ko ‘to ng tit-for-tat, ha? maynila, from the point of view ng nabano sa Quiapo, naipit sa Sta. Cruz at nainitan ng uber sa Espana, haha. ta’s pagdating sa Dapitan, ala nang pambili ng decor o maski kakanin man lang, hakhak.😉

    • hello San!

      actually sinisimulan ko na yung request mo, english post sya. sorry sorry…medyo nawindang kasi ako dito sa office. mag eemail nga din ako syo dapat kagabi kaso nakatulog ako sa sobrang pagod.

  10. aba, e, siyempre. gusto ko ang uncut version, sister, yong kasama ang grimes, sweat and pati na slime, ahaha. email-e…

    btw, panoorin mo Maynila sa Kuko ng Liwanag. or, Manila After Dark na movie. may remake din si Papa Piolo niyan, Maynila ang title – medyo iba ang character nya ro’n, interesting. yon lang, sabi nya, yon ang movie na pinroduce nyang di sya kumita maski piso, hahaha.

    oks ang English na post. gusto ko yong may touch na parang Pero Di Ko Yon Sasabihin sa Kanya and I will Tell you Why. O, ha?😉 bukas or sa weekend na lang reply mo sa email, it’s alrighty…

    ako man, gusto ko sanang gumawa ng post re:EDSA sa english but can’t seem to gather the time and energy for it, kainaman na… regards sa yo and hubby…🙂

  11. madalos ba talaga ang takbo ng buhay sa maynila? hmmm.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s