LAW FOR THE IDIOTS: Day 10 (Anti-Photo and Video Voyeurism)

Image

 

Oo na.  Nag-aalboroto na ang mga boys kasi feeling nila iniisa ko sila sa mga posts ko.  O eto, pramis di lang ito pambabae.  All around ito kasi kahit lalaki pwedeng maging biktima rin dito. 

BABALA:  May mga maseselan na bahagi dito depende sa level ng imagination at pag-unawa mo.  Pero susubukan natin i-divert into light discussion para di masagwa. 

Ano nga ba ang photo and video voyeurism? 

Simple lang: BOSO.  Oo, yung tipikal boso na nasa utak mo pero hi-tech at expanded version na.  In other words, eto na ngayon ang “modern boso”.  Eto yung pagkuha thru photo or video sa isang tao o grupo ng mga tao habang nagpeperform sila ng sexual act o di kaya ay similar activity.  Pasok din dito yung act na pagkuha ng image ng private area ng isang tao o grupo ng mga tao nang walang pahintulot nila.  Under this circumstance, dapat yung tao o grupo ng mga taong kinuhanan ng private area, are expecting privacy on their part.  At dahil hi-tech at expanded version ito ng boso, pasok din dito yung act of selling, copying, reproducing, broadcasting, sharing, showing or exhibiting the photo or video coverage or records of such sexual act or similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and similar means or device. 

Para madali natin pare-parehong maintindihan, we will break down the prohibited acts under this law into four (4).  Eto ngayon sila: 

  1. pagkuha ng litrato or video
  2. pag kopya or reproduce ng mga nabanggit na litrato or video
  3. pagbento o pamamahagi ng mga ito
  4. pagpublish o broadcast ng mga ito 

Ayos ba?  Bawat isa sa kanila ay separated acts.  So kung papakyawin mo ang apat na prohibited acts na iyan, alam na, e di apat ang na-commit mo.  O isa-isahin natin ha.

 

  • (a)  pagkuha ng litrato o video coverage sa isang tao o grupo ng mga tao habang nagpeperform siya/sila ng sexual act o mga kagayang activity; o di kaya naman ay pag capture ng image ng pribado niya or nilang katawan nang wala niya/nilang pahintulot. 

Dito sa (a), the person/s involved expect privacy.  Halimbawa, nakakita ka ng lalaking nagsasariling sikap sa kwarto niya.  Natuwa ka.  So ang ginawa mo kinuha mo ang celphone mo at vinideo mo.  Apparently, that guy is expecting privacy while doing his act.  He is not even aware that you are there peeping at his private deed.  Pero dahil kampon ka ng kuliti gang, di mo pa rin pinalagpas at binosohan mo pa rin by videoing the private act. 

Halimbawa uli, isang grupo na nagperform ng orgy.  First time mong nakakita at natuwa ka.  So ang ginawa mo, vinideo mo.  Katwiran mo, “eh ang dami nga nila e, wala naman sigurong masama. Okay lang siguro sa kanila.” Hoy, kahit ilan pa yan, private sexual act yan in which they demand privacy.  Kahit kumpulan pa iyan.  Yari ka, sige. 

Alam mo ba na pasok din dito yung pagkuha mo ng photo ng private area ng isang tao?  Yup, kahit nakatutok lang dun halimbawa sa deadly weapon niya at wala yung mukha pero sa deadly weapon niya naka tattoo ang complete name and contact number niya, yari ka pa rin.  Pasok din dito yung pagkuha ng boobs ng babae.  Pag boobs ang pinag-uusapan, babae lang ang victim dito.  Di na daw kasali ang boys. 

Sa apat na prohibited acts under the law on voyeurism, dito lang sa (a) nagiging punishable ang pagkuha ng larawan sa mga private parts ng isang tao o grupo ng mga tao. 

Eh paano kung halimbawa ang piniktyuran naman na maselang bahagi ng lalaki o babae ay may brief or panty namang suot?  Yup, pasok pa rin yan under (a).  Kasi nga sabi dito, “to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, pubic area, buttocks or female breast.  

O ayan, katatapos lang ng summer vacation.  Maraming naggagandahang katawan ang binandera ang sarili suot lang ang two-piece bikini o di kaya ay trunks.  Paano kung piktyuran mo sila dahil nagagandahan ka?  You consider it as art, as a mere appreciation of beauty.  Pero umalma yung isa.  Kakasuhan ka daw under this act. 

Oo nga naman.  Punishable na din kasi ang mere act of taking photos of the undergarment clad genitals.  Ang katwiran mo, wala kang masamang motibo.  But take note, this is a special penal law at hindi depensa ang “lack of criminal intent” kasi presumed na yan sa mga special laws.  So paano yan?  Ang hirap kasi baby pa lang ang batas na ito.  Wala pang nasasampolan ng Korte Suprema.  Although may mga nang-ahas ng magkasuhan under this law, still, di pa sila humahantong naman sa Supreme Court para gawing jurisprudence.  Pero eto ha, balikan mo ang original na wordings under (a): 

“ To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy.” 

Napansin mo ang sinabi sa huli?  Reasonable expectation of privacy daw.  If you are in a public beach or public pool, do you actually intend to have privacy of basking yourself under the sun wearing only that piece of garment? 

I’m leaving that question for you to ponder. 

 

  • (b)  Pag kopya o reproduce nang mga nasabing photo or video or pagrerecord ng sexual act at mga kagayang activity.

 

Let’s say trabaho mo talaga ang kumuha ng mga photos or videos.  Merong pagkakataon na tumatanggap ka ng mga explicit projects.  Sideline, kumbaga.  Kasi balita ko malaki daw kita dyan e.  Syempre, you expect payment for a job well done.  Dito sa (b) kahit pa may kapalit o wala ang ginawa mong pangongopya or pagrereproduce nang mga nasabing photo or video, pasok ka pa rin sa prohibited acts under RA No. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009). 

Please take note na immaterial kung may consent ang victim dito o wala.  Sa (a) lang material ang consent at hindi dito sa (b).  That means, kahit pa pumayag ang biktima na kunan mo siya or kahit alam niya na kinukunan mo siya, pasok ka pa rin dito. 

 

  • (c)  pagbebenta o pamamahagi nang mga nasabing photo or video o pagrerekord nang mga nasabing sexual act kahit pa original pa ito o reproduction na lang.

 

Wala akong example.  Naubusan ako ng creative juice.  Basta ganun din gaya ng sa (b).  Kahit may consent or wala ang victim, pasok ka pa rin sa (c).  Sa (a) lang material ang consent. 

 

  • (d)  to publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device.

 

Kaya kung ako sa’yo tigil-tigilan mo na yang pagshe-share ng mga scandal na napapanood mo sa facebook, youtube, etc.  Yun lang naman yon e.  Kung malinaw sayo ang sinabi ko, gets mo ang ibig sabihin ng letter (d). 

TAKE NOTE:  Ang mga prohibited acts under (b), (c), and (d) ay punishable under RA 9995 kahit pa nagbigay pahintulot ang tao/grupo ng mga taong kinukuhanan mo ng litrato or video.  Nagiging material lang ang consent pagdating sa (a). 

Alam mo ba na hindi lang tao ang pwedeng maging liable under this law?  Kahit pa corporate entities na ginagawang pagkakakitaan ang mga ganitong klaseng materials ay pwedeng kasuhan dito.  Bilang parusa, pwedeng marevoke ang kanilang lisensya or franchise.  Maaari ring kasuhan criminally ang mga corporate officers pati na rin ang editor and reporter (for print media as example), station manager, editor, and broadcaster (for broadcast media).  Kung alien ang offender natin, he or she might be subjected to deportation proceedings after niyang ma-serve ang kanyang sentensya at makapagbayad ng fine. 

Para sa mga indibidwal, ang parusa lang naman ay pagkakulong ng hindi bababa sa tatlong (3) taon at hindi rin naman hihigit sa pitong (7) taon.  Ooops…!  Bukod doon pwede ka ring pagbayarin ng fine na hindi bababa lang naman sa isang daang libong piso (Php100,000.00) at hindi hihigit sa limang daang libong piso (Php500,000.00). 

Kung ang offender naman natin ay public officer or employee or a professional, pwede rin silang kasuhan ng administratibo. 

By the way, gusto ko lang ipaalam sa iyo na may provision tayo sa Revised Penal Code natin na related dito sa Anti Voyeurism.  Ito ang Article 201.  Kanina sabi ko ang “motive” ay immaterial sa Anti Voyeurism kasi nga special penal law ito.  Material ang motive lang sa mga crimes under Revised Penal Code.  Isa yan sa pagkakaiba ng penal law sa mere special penal law.  Eto ang Article 201: 

Article 201. Immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows. –—The penalty of prision correccional or a fine ranging from six thousand to twelve thousand pesos, or both such imprisonment and fine, shall be imposed upon:

 

            (1)       those who shall publicly expound or proclaim doctrines openly contrary to public morals;

 

            (2)       [a]      the authors of obscene literature, published with their knowledge in any form; the editors publishing such literature; and the owners/operators of the establishment selling the same;

 

                        [b]      those who, in theaters, fairs, cinematographs or any other place, exhibit, indecent or immoral plays, scenes, acts or shows, whether live or in film, which are prescribed by virtue hereof, shall include those which: (1) glorify criminals or condone crimes; (2) serve no other purpose but to satisfy the market for violence, lust or pornography; (3) offend any race or religion; (4) tend to abet traffic in and use of prohibited drugs; and (5) are contrary to law, public order, morals, good customs, established policies, lawful orders, decrees and edicts;

 

            (3)       those who shall sell, give away or exhibit films, prints, engravings, sculpture or literature which are offensive to morals.

 

 See?  Related ano.  Kitams.  Nag-eevolve ang batas natin kumporme sa modern times.  Mantakin mong 1930s pang batas iyang indecent shows na iyan compared to the 2009 Anti Voyeurism law. 

SOURCE: 

  • R.A. No. 9995
  • Article 201, Revised Penal Code

 Photo Credit:  http://www.zerohedge.com/news/2013-11-01/china-slams-peeping-tom-america-trust-fiasco-america-eavesdropper

 

11 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 10 (Anti-Photo and Video Voyeurism)

  1. Hmmm. E pano po kung nagpunta kami ng beach tapos nag-selfie tapos shinare namin sa FB tapos may nakatuwad palang babae sa likod at madaming nakalabas at nagkataon kilala ng isang common FB friend tapos sinumbong at kinasuhan bigla ng ganito. Pasok pa din po ba kahit na hindi sya yung subject ng phtoto? Naghahanda lang po sa depensa (joke lang). Thank you.

  2. BOSO. hahaha

    tigil tigilan ang pagshashare ng scandal hahah. andaming pwedeng kasuhan😛

  3. totoo bang pag-namboso magkaka-kuliti, hehe, curious lang?

  4. Nice one! So it means criminal act pala yun pero curious lang atty. Bakit parang sa mahihirap na iiaapply ang batas. Nasaan n yung kaso ni hayden? Wally? At madami ang iba bakit walang nakukulong sa kanila. Haha wag mo na ako isama sawa na ako sa bilibid alam mo yan haha

    • hello mojo. yung kaso kasi nina hayden nangyari bago pa isa-batas ang anti-“boso” eh. with respect kay wally, malamang ang applicable sa kanya ay (a), ang kaso obviously with consent ng babae ang pagkuha. so ang tatanungin natin, sino ang gumawa ng (b), (c) at (d)? sila siguro ang dapat habulin. hindi ako updated sa kaso ng mga artista. meron namang nagkasuhan na pero nasa trial stage pa lang sila. sabi ko nga sa taas, di pa umaabot sila ng SC para gawing jurisprudence ang kaso nila.

      minsan talaga may feeling tayo na di patas ang batas at para lang daw sa mahirap. pero maniwala ka na may mga pagkakataon talaga na sadyang na-aapply sa lahat ang batas, mahirap man o mayaman, maganda man o pangit, sikat man o hindi, kaliwete man o kanan.

      ay, bakit naman sawa ka na sa bilibid? naku ang ganda kaya ng sunken garden dun. presko ang hangin. masarap maglaro ng softball. meron pa dung canteen masarap ang pancit as in, gate 5 ba tawag dun?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s