Swatch

Tititig na lamang ba sa kawalan at magtatanong kung bakit?  O hahayaan na lamang ang lahat ay maging bahagi na lamang ng nakaraang nakatakdang kalimutan?

Wala na siya.  O, wala na siya…subalit ang kalimutan siya’y di niya magawa-gawa.  Magpapatuloy na lamang sa buhay at magsisimula muli kung saan naputol ang lahat.  Magsisimula muli at ngayo’y pilit na kikilalanin ang mailap na sarili.  Magsisimula muli.  Pangako, magsisimula muli…

Nangakong sa araw na iyon ay haharapin ang lahat.  Makulimlim man ang panahon at nagbabadya ng unos, ang lahat ng ito’y nawalan na ng saysay sa kanya.   Ang mahalaga’y ipagpapatuloy niya kung ano ang iniwan at pilit noong tinutuldukan.   Titindig ng buong kisig, bitbit ang tikas na tumatatak sa kanya kasama na rin ang ngiting magdidiktang walang nadaramang pait na inililihim.  Siya’y haharap sa kanilang lahat na animo’y walang nadaramang pagkabigo.

At nang siya nga’y dumating tumindig silang lahat at saka nagkamayan at nagpalitan ng kamustahan.  At mula nga rito ay nagsimula na ang mahaba’t nakakabagot na pulong.  Sa halip na magpahinga  matapos ang buong araw na pagkayod, heto’t pilit pinapatay ang oras sa mga pulong na wala naman siya talagang pakialam.  Kung sa paraang iyon ay pansamantala niyang makalimutan siya, kahit araw-arawin pang gawin ay di siya magrereklamo at aangal.

Ngunit kung anong init ng diskusyon sa loob ng kapehan ay siya namang lamig ng klima sa labas kasabay ang nakababahalang pagpatak ng ulan.  Banayad at tahimik.  Ngunit may kakaibang ingay na hatid na pilit tumatawag sa kanyang atensyon para siya’y lumingon.

At habang siya’y nagmamatigas ay tila lalong kinakalabit ito ng bawat patak ng ulang nagsasabing, “lumingon man lang sana siya sa huling pagkakataon.”

Di man lang natinag at di man lang nagawang lumingon.  Ang kasagutan sa mga naiwang tanong, ayon at naghihintay lamang kung siya sana ay lilingon.  Nagpupumiglas at nagmamatigas.  Ngunit paano makapagsisimula muli kung hindi man lang mabibigyan ng huling sagot ang mga kinimkim na tanong?

Nag-alburoto at nabagot, hayan ang ulan at lalo siyang kinakatok!  Isang huling tawag at kung siya’y di tutugon, mababago ang istorya ng nakalilok na katapusan.  Sa bagay ay siya naman talaga ang didikta kung paano uukitin ang magiging huling bahagi ng kanyang kwento.

Sa wakas ay tumugon sa pakiusap at siya’y napalingon na nga.  At sa makulimlim na labas ay kanya siyang naaninagan at agad napahinto.  Siya nga ba iyon?  Kumurap at pumikit ng madiin at nang muling tumingin ay mukha pa rin niya ang naaninagan.  Sa puntong iyon ay wala siyang ibang nakikita maliban sa pamilyar na mukhang iyon sa ilalim ng ulan; ang mukhang iyon na may hawak-hawak na itim na payong habang nag-aabang ng masasakyan.  Siya at siya lamang.  Wala ng iba pa.  Hindi siya maaaring magkamali.  Wari’y nakisabay ang dikta ng panahon, tila huminto ang pag-ikot ng kanyang orasan para magparaya sa maikling sandaling hindi na uli mauulit.  Mula sa kanyang kinauupuan ay walang sabi-sabi siyang tumindig at naglakad palabas habang habol-tingin ang kanyang mga kasamahan na nagtataka kung ano ang nangyari at siya’y biglang umalis.

Siya’y naglakad palabas na di alintana ang mga mausisang tingin sa kanyang paligid.  Siya’y naglakad palabas na di malinaw kung ano ang susunod na gagawin.  Siya’y naglakad palabas na walang kasiguraduhan ano ang mangyayari.  Siya’y naglakad palabas na di nga alam bakit pa ba niya kailangan itong gawin.  Siya’y naglakad palabas at hinubad ang nagkukubling pagkatao at nagpakabasa sa ilalim ng ulan upang salubungin siya sa gitna ng daan.

Nang magtagpo sa gitna ay kapwa nangusap at nagtanong ang mga mata.  Magkahalong pananabik at hinanakit nang sila’y muling magkita sa huling pagkakataon.  Tila may mataas na pader na pumagitna sa kanilang dalawa.  Ngunit ang malakas na tibok ng kanilang dibdib ay dinig na dinig ano pa mang taas ng pader na sa kanila’y humarang.  Hahawakan ba niya ang kanyang mga kamay?  Siya ba’y dapat kamustahin pa niya?  Ano ang dapat gawin at idikta nawa ng langit ngayon din!

Pinuno ng mga tahimik na pagtititigan ang mga tanong nilang kapwa kinimkim at inakalang di na masasagot kailanman.  Bukod tanging silang dalawa lamang ang nakakarinig at nakakaunawa kung “ano” at “bakit”, kung “saan” at “paano”.  At kung ano man iyon ay di na mahalaga.  Dahil sila lamang dalawa ang nakakarinig at lubos na nakakaunawa.  Sila lamang at wala ng iba pa…oo, sila lamang…mga kasagutan sa mga huling tanong na iniwan.

Ang pader sa pagitan nila ay tuluyan na ngang nagiba.

At mula nga rito’y unti-unting inangat ni lalaki ang mukha ni babae at marahang inilapat ang kanyang mga labi at dinama ang malambot at mapupula nitong mga labi na para bang sila lang ang tao sa paligid.  Ang itim na payong ay tuluyan na ngang nakawala at tinangay ng hangin palayo sa dalawa.  At habang sapo ng kamay ni lalaki ang batok ni babae at ang isa naman ay sa pisngi nito, bahagyang kinagat ni babae ang babang labi ni lalaki…kagat na di magmamarka ngunit di rin kakalimutan.  Iyon na nga at saka humigpit ang yakap ni lalaki na para bang ayaw na siyang pakawalan at nagtunggali ang kanilang mga nag-iinit na halik sa kalagitnaan ng malamig na ulan.

 

Ang pag-iibigan kung minsan ay di nagwawakas sa isang paalam lamang.  Ngunit mainam na tuldukan upang magparaya sa kung ano ang nakatakda.

Sapagkat…

 

“Ano nga ang sabi

ang dakilang aral?

Ang magmahal

ay para sa hangal.

 

“Ang umasa ng kapalit

para lang sa iilan.

Hindi patas ang laban

kaya nga, may digmaan.

 

“Tinanong sa sarili

ang umasa ay anong silbi?

Babalik ba ang dati

ang doon ay paparini?

 

“Itataboy na lang ng hangin

mga lungkot at panimdim

Tatanungin ang buwan

kung tunay ang damdamin.

 

“Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong…”

Writer’s note:  Ang Swatch ay inspired sa tula ni Sasalingawit na pinamagatang Sa Sangandaan Ng Buhay.”  Ang Sangandaan ay kumitil sa imahinasyon ng may akda kaya minarapat nitong dugsungan ang kwento sa likod ng tula ni San.  At sa kwentong ito, tinapos at tinuldukan ang mga naiwang katanungan.  Ngunit kung ano ang kasagutan sa mga iniwang tanong, bukod tanging ang lalaki at babae lamang sa istorya ang lubos na nakakaalam.

During the late 1990s to early 2000, naglabas ng TV ad ang Swatch sa Pinas kung saan ay ipinakitang nagkatitigan ang isang teenager na lalaki at babae.  It was more of a love at first sight para sa kanila.  Naglakad papalapit sa isa’t isa and when they were finally close to each other, they kissed long and deep, not minding the hot stares of the public.  Guts.  Aggressiveness.  Impulsiveness.  And simply in-love.

Indeed, we do crazy things when we fall in-love.  But sometimes, there are certain things that are better left unsaid. IT IS FELT.

DISCLAIMER:  I do not own the music or the video.  Credit is given to the artists, composer, producer and uploader appearing in the link.

25 thoughts on “Swatch

  1. hmmm.. pwede.. and i love this
    ” Indeed, we do crazy things when we fall in-love. But sometimes, there are certain things that are better left unsaid. IT IS FELT.”

    but what’s the difference between love and lust?

    • Tama, ano nga ba…but i do believe that there’s no hard and fast rule in determining the distinction between the two since it will always boils down with how we perceive and experience it. I can lay a hundred convincing distinctions and yet disagreed by one person. As for me, i will never love the person i lust (if there is any) since flesh comes first without regard to emotion. And there’s no way for me to “lust” the man I love (hubby) because i will always value the emotion, lust excluded. I don’t do “sex”. I “make love”.
      Shocks. Ma-censored na tyo hahahahaha! Gandang gabi syo.

  2. Hayyy, pag-ibig…

    • O ayan, sino sa atin ngayon ang mabilis sa alas kwatro pag lablab post? hahahaha?! O ano, pwede na ba ako magnakaw ng siling labuyo sa bakuran mo? (*wink)

      • hahaha…i-post mo ‘yan! hahaha😉
        hindi mo na kelangan magnakaw, sige pitas lang

        At sakto lang na lumabas ito sa feed ko kaya nabasa ko agad bilang nag-aabang ng bago mong post haha😛

  3. it is FELT….hayyy Pag-ibig, why do you have to be complicated…eh FOUR letter word ka lang naman😦

  4. hello, biatch… musta po? isa kang romantic, kapatid. patatawarin…😉 kamuntik ka na sigurong nag-end up na single, ahaha.😉

    ganire, serendipity stories are usually open-ended. kaya serendepity, dear.., mananatili silang magagandang alaala, tanging ang kasali sa istorya ang naglalagay ng conclusions sa tuwing inaalaala nila, hakhak.

    aminin mo na, for all your katapangans sa blog posts, marami ka pa ring pinanood at pinapanood na chick flicks. alin-alin ang mga ‘yon, aber? hope things are well, regards…😉

    • Hello San! Kamustasa?! Oo, tama ka. Babae pa din ako hihihi. Matagal-tagal na din akong di nakakapanood. Nahilig ako sa criminal minds at walking dead. Parehong di romance ang theme. Pero recently may napapanood akong maganda (although not every night). Yung “missing you”? Tragic nga lang daw ang storya hihihi

      • ayos naman, teynks. e, sa romantic nga, what to do,eh?😉

        medyo a month na ata meng di rin nagnonood ng TV, hihi. nakaka-snatch ng evening news, pag minsan. or, ilang shows sa cable. btw, nakanood na yata me ng ilang episodes ng criminal minds… however, aalamin pa lang ano yaang missing you. in english, dear, or tagalog? series? ^^

        keep well, biatch… have a good weekend.🙂

      • Hello San! Korean mini-series. Sa channel 2 (at nag promote?!), hihihihi. Although may nabili na si younger sister na cd i still prefer watching it sa tv para may inaabangan.

  5. parang true story lang…

    • Hey pot. Kathang isip lang siya but I’ll definitely take your comment as a compliment. Oo nga pala, ang kontrata na 70/30 ay naka ready na at waiting for your signature na lang para ipagkatiwala mo ang career mo sa akin, hihihihi

      • hala.. kala ko talaga totoo.. pramis.. ikaw na!!

        saan ba ako pipirma? may sarili ba akong bodyguards? sasakyan? masahista? manghihilot? magbobote? manikurista? pedikurista? mangungulot? mandarambong? pwede bang isama sa kontrata ko yan, manedyer?

      • pag pinirmahan mo ang kontratang 70/30, yan ang first project mo, pramis. pili ka ng leading lady na gusto mo.

        pribileheyo ba kamo? meron kang libreng notaryo sa loob ng dalawang taon (pwera lang mga conveyances), pyansador, fixer sa city hall, isang garapong alige at sampung pisong sampaloc candy na de takal. okay na ba yun?

        the rest of the privileges will be discussed to you thoroughly upon signing of the contract. Take note that signing of the same is tantamount to your voluntary submission to the jurisdiction of the courts of the Philippines. Violation of any of the clause on your part will held you civilly liable in the form of damages to ME. As in, pera again. ME. Babayaran mo ako. Bukod sa 70% ko sa kita mo, enchende? harharhar…

  6. i am back curt again wow obra nakkapukaw ng damdamin parang relo tlag na sumasalamin sa totoong oras ng tao..

  7. its me curt again..ibang klase my pinag huhugutan tlaga..dpat my book kna pero stil i love iu obra the barbedal…kc nkkpukaw ng damdamin

  8. haha, alam ko yong feeling na may DVD na pirated copy na pero nagkukumahog pa rin, sa TV abutan si series, hahaha. medyo matagal na meng di nood ng telenobela sa TV, biatch… di ako masyadong maasahan, unless may housemate na gabi-gabi talagang inaabangan si palabas, hihi… nakikinood lang, usually. minsan, weekend, nag-d-dvd. lately, di halos… ^^

    antay ko pala ang obra mo re: tag-ulan, hihi. regards po…🙂

    • naku, teka. medyo windang utak ko. di ko marecall, im really sorry. gusto mo ba gawan kita ng about tag-ulan? syempre papayag ako kasi malakas ka sa’kin. ano ba gusto mo? (a) romantic; (b) malungkot/makapagdamdamin; or (c) medyo bastos? hehehehe. pramis, anong gusto mo dyan?

      • ay, may napanood kami dati sa TV (and dvd later) na koreanobelang kakadrama – Stairway to Heaven? basta, parang gano’n ang title. luma na ‘to pero ito yata ang pinaka-moving na Koreanobelang napanood, hihi. heart rending na sa heart rending, hakhak.

        aba, bahala ka… ano ba ang tag-ulan para sa iyo? ha? ha? ha?😉
        kaway-kaway, biatch…

      • Hehehehe…ako’y masaya pag umuulan. Sige, sige. Dedicated syo. Ako bahala ha, sabi mo yan. Hihihihi. Bubulagain na lang kita. Parang…..SURPRISE!

  9. Thank you for creating on this subject with this kind of flair. You are creating within this area is fantastic and interesting. I’ll share with my husband.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s