chubibo

Bumulong ka at sinabing ikaw ay nasiyahan.  “Ulitin natin ito.  Babalik muli ako at ako’y iyong hintayin.” 

Tara na.  Tayo nang bumaba.  Nauubos na ang oras.

paikot-ikot

paulit-ulit

nakakalito

nakakahilo

kaya naman…

unti-unti

kita’y pakakawalan

unti-unti

kita’y bibitiwan

 

sa muling pag-ikot

ng higanteng bilog

alalahanin mo nawa

na minsan ay nakasama mo ako

 

Kung mauulit pa ay di ko masasabi.  Sabi mo ay babalik ka muli.  Ngunit di ko masasagot kung sa iyong muling pagbalik ay mananatili akong naririto at sasamahan ka nang isa pang ulit. 

-BAD

CREDIT: Music (Wale ft. Tiara Thomas)
Uploader (Iggy Pink)