LAW FOR THE IDIOTS: Day 5 (Small Claims)

Ay sorry naman, ngayon na lang natin uli nasimulan ang Law for the Idiots.  Medyo na-busy ako sa mga bagay-bagay.  Pero ang mahalaga, tuloy-tuloy ang kwentuhan.

Image

TADAAAAN!!!! Bawal dito si atorni.

At dahil may utang ako sa’yo, good news naman ang para sa Day 5 natin.  Oo, good news siya in a sense na pwede ka ng magdemanda ng mabilis, mura at hindi kailangan ng abogado; kasi nga, bawal sa Small Claims mag-appear si atorni, unless si atorni ang isa sa mga parties.  Take note: bawal lang mag-appear, bawal din mag enter ng appearance.  Pero hindi ka pinipigilang magpa-assist o magpatulong sa abogado.

Oo nga pala.  Nakalimutan ko.  Dito sa Small Claims, ang amount involve should not exceed *Php200,000.00.  Yan ang dahilan kung bakit small claims ang tawag sa kanya.  Pag lumagpas ka sa amount na iyan, hindi na small claims yan.  Balik ka sa normal na kasuhan kung saan kailangan mo na si atorni.

Ang kagandahan dito sa procedure para sa Small Claims, hindi gaano ka-technical gaya ng totoong bakbakan ng ibang kaso kasi nga mga ordinaryong tao lang ang nag aappear dito at walang abogadong kasama.  Pinapaliwanag din ng maige ni Judge sa unang hearing pa lang kung paano ang magiging proceeding at informal ang usapan, again, kasi nga ay walang abogado.  Para naman hindi ka ma-intimidate diba.  Mga tao kasi masinghot lang ang amoy ng korte nagpa-panic na.

Ready-made na rin ang mga pleadings na kailangan ng magkabilang partido.  So hindi ka na mahihirapan sa pag prepare ng pleading mo (pleading ang term na ginagamit para sa mga initial documents o papel na fina-file sa korte gaya ng complaint, etc.).  Sa bawat jurisdiction ay may designated na Small Claims court.  Kumbaga, eto yung mga courts na humahawak ng small claims cases.  Pwede kayong pumunta sa husgadong ito at humingi ng mga forms.  Fill in the blanks lang.  Simplified lang ang lahat.  Talagang dinisenyo ang ganitong uri ng proceeding para sa mga taong masa.  Wag kang mag-alala kasi pwede kang magtanog tungkol sa proceeding ng small claims at sa mga uri ng forms na kailangan mo dun mismo sa Clerk of Court nila or any court personnel.  Sasagutin din naman nila ang mga queries mo.  But be sure na naka-ready ang mga ebidensya mo ha.  Yung mga documentary evidence, lalo na, gaya ng demand letter, certification to file action coming from the barangay, contracts at kung anu-ano pa.  Ikakabit mo na rin kasi iyan sa form para sa reklamo mo.

Ganito yan, kasi nga ready-made na ang form at fill in the blanks lang ito, natural, marami ka pang kwento na gustong sabihin pero di mo magagawa.  In other words, limitado lang ang masasabi mo.  Kung gusto mo, pwede kang gumawa ng affidavit kung saan mo ikukwento ang mga gusto mo pang sabihin at ito ay magiging bahagi ng iyong mga ebidensya.  But be sure na based on your own personal knowledge ang ilalagay mo sa affidavit mo.  Di pwedeng base sa narinig mo lang or ni-relay sa iyo ni neighbor.  Hearsay ang tawag dun, yari ka kay Judge.  Pwede mo ring gawan ng affidavit ang witness mo and this will form part of your evidence as well.

So anu-anong uri ba ng kaso ang pwedeng mahulog sa Small Claims?  Eto o:

a)  purely civil in nature where the claim or relief prayed for by the plaintiff (naghabla) is solely for payment or reimbursement of sum of money; and

b)  the civil aspect of criminal actions, either filed before the institution of the criminal action, or reserved upon the filing of the criminal action in court, pursuant to Rule 111 of the Revised Rules of Criminal Procedure.

Medyo na-windang ka ba?  O sige, eto ang mga examples ng mga uri ng kasong covered ng Small claims:

a)  mga utang na nagmula sa

  1. contract of lease
  2. contract of loan
  3. contract of services
  4. contract of sale
  5. contract of mortgage

b)  damages dahil sa

  1. fault or negligence
  2. quasi-contract
  3. contract

c)   the enforcement of a barangay amicable settlement or an arbitration award involving a money claim covered by this Rule pursuant to Sec. 417 of Republic Act 7160, otherwise known as the Local Government Code of 1991.

Ganito example sa letter c: halimbawa may utang sa’yo kapit-bahay mo ng P50,000.00.  Ang ginawa mo, dinala mo muna ang reklamo sa barangay.  May discussion tayo tungkol dito sa Katarungan Pambarangay sa DAY 2 natin.  Bisitahin mo para medyo ma-recall mo.  Ngayon, nagkasundo kayo sa barangay pa lang.  Sabi ni neighbor babayaran ka daw niya pero para maluwag sa kanya, humingi siya ng term.  P10,000.00 down payment niya ora mismo tapos next month and thereafter, bibigyan ka niya ng tig P5,000.00 kada kinsenas hanggang sa ma-fully paid niya ang kabuuan ng utang.  Pumayag ka naman kesa sa wala di ba?  So ang ginawa ng barangay, nagprepare sila ng kasunduan ninyo ni neighbor.  Tapos pinapirma kayo.  Ayan, so okay na.  Ang kaso, lumipas ang higit sa anim na buwan hindi ka na binalikan ni neighbor para sa monthly payment niyang P5,000.00.  So ang gagawin mo, pwede mong ipa-execute sa court and Kasunduan ninyo (read RA 7160 for further discussion) or mag file ng collection case against kay neighbor.  Yan, yang claim mong iyan ay pwedeng mahulog sa letter C na example at pwede mong ihabla si neighbor under ng Small Claims.  Actually magandang topic din ito pero mahaba-haba at may qualifications pa.  Hindi ko na sinama dito kasi pampagulo lang at di kakayanin ng powers mo.

Proceeding

O, kung sakali naman na ikaw ang ihabla at makatanggap ka ng Summons at bigyan ka ng 10 days within which to file your Response, wag mo naman itong isnabin ha.  Kasi nga, from the day na tinaggap mo ang Summons (kalakip ang kopya ng habla at ebidensya laban sayo, plus form mo para sa iyong Response), bibilang ang 10 day period para sagutin ito.  Please take note that the 10 day period is NON-EXTENDIBLE.  Pag di mo sinagot within that period, magdedesisyon ang korte base sa habla ng kalaban mo at ebidensyang ikinabit niya dito.  More likely, alam na, talo ka.  Unless na sablay talaga ang ebidensyang kinabit ng kalaban mo, e di swerte mo!

Effect of failure to appear

Wag mo rin isnabin kung sakaling makatanggap ka ng order requiring you to appear in court for the hearing.  Kahit sabihin pa nating Small Claims lang ito, pwede ka pa rin ma-technical.  Yun nga, isa na dito ang di mo pag appear sa korte for your hearing.  Eto lang naman ang magiging epekto ng pag isnab mo sa order para sumipot sa hearing:

  1. Kung ikaw ang plaintiff (nagreklamo) ang hindi mo pagsipot sa hearing ay pwedeng maging dahilan para i-dismiss ng korte ang habla mo without prejudice (pag sinabing without prejudice ibig sabihin maaari mo pa naman isampa uli ang habla mo; yun nga lang, back to zero ka).
  2. Para naman dun sa defendant (inireklamo) na nag-appear, entitled siya sa judgment ng kanyang permissive counterclaim, yun ay kung meron siya.
  3. Kung ikaw naman ang defendant at ikaw ang di sumipot sa hearing, ang epekto nito ay parang di ka rin nag file ng iyong Response.  In other words, ide-decide ang kaso base sa habla at ebidensya lamang ng plaintiff.  Yari ka.

Enchende?

O, maikli muna.  Pero importante yan para sa’yo ha.  Isip pa ako ano naman ang maganda para sa Day 6.  Gagawin kong exciting at medyo siryoso para mabuhayan naman tayong lahat ng dugo.  Abangan mo.

WRITER’S NOTE: In 2015, the Supreme Court proposes amendment in the Small Claim rules by increasing the amount to Php200,000.00 which will take effect on 01 February 2016 (see A.M. 08-8-7-SC).

Source:    

A.M. No. 08-8-7-SC (The Rule of Procedure for Small Claims Cases)

Miguel vs Montanez, G.R. No. 191336, 25 January 2012

Kapeng Mainit

Photo credit:

http://www.jantoo.com/cartoons/keywords/small-claims-court

IYO RING BISITAHIN:  ANG INTRODUCTION

2 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 5 (Small Claims)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s