Hayop

Naalala ko ang preaching ng Sr. Pastor namin sa simbahan.  Ang sabi niya,  “Ang taong likas na mabuti ay mabuti rin sa hayop.  Paano ka magiging mabuting tao kung sa isang uri nga ng buhay na mas mababa sa iyo ay di mo magawang maging mabuti?”

Tapos biglang tinapakan ni bitch sister ang paa ko sabay bulong sa akin, “P@ksy#t...ako ata pinariringgan ni pastor a!  Kulang na lang sabihing sa impyerno ako pupunta pag natigok ako”.

Dugsong pa ng Sr. Pastor, “The profile of serial killers include being rude to animals.  They enjoy torturing them before killing them…”

This time, tinadyakan na ako ni bitch sister.  “Ikaw na ‘yan.  Serial killer daw e.  Ikaw na talaga yon!” 

“Wag kang mag-alala,” kampanteng sagot ko sa kanya.  “Ikaw unang papatayin ko pagkatapos ng service.  Huhugutin ko bituka mo at isasabit ko sa gate.”

Effective.  Pramis.  For the first time, tumahimik din ang bruha at natapos namin ang service ng di na ako iniistorbo.

I don’t believe that being kind to animals will get you to heaven.  But I subscribed to the belief that being kind to them is a manifestation of man’s love for God.  I never bother to buy expensive cats and dogs worth thousands of pesos which will require me to keep up with their obligatory high maintenance lifestyle.

Instead, I adopt stray cats and dogs.  They are the ones who need the warmth of my home and there was this strange feeling that I am somewhat obliged to feed and take care of them.  As a matter of fact, I am scared of seeing stray animals wandering in the streets for fear that they might be hit by speeding vehicles.  I have witnessed this scene several times and damn, it haunted me day and night for the nth time than I could recall.

Oo, maawain nga ako sa hayop.  Pero di sa tao.  Parang noong dati, nakarinig na lang ako ng malakas na ngiyaw ng alaga kong pusa.  Syempre, takbo ako at to the rescue.  Nadatnan kong di mautal sa katatawa sa gilid ng kusina sina bitch sister at bitch cousin habang may hawak silang takuri na umuusok-usok pa.  Nanggagalaiti ako sa galit at tinanong anong ginawa nila sa pusa ko.  Di naman nila ako sinagot.  Gusto daw kasi nila i-test kung totoong anim ang buhay ng pusa.  Wag daw akong OA at konting patak lang naman daw.

Ah, oo.  Mababait na mga babae talaga sila.  Sa sobrang bait sana kunin na sila ni Lord.

Di pa natapos dun.  Pursigido talaga ang mga bruha sa experiment nila.  Nang marinig ko ang palayaw ng mingming ko isang umaga, tatakbo na naman ako sa likod ng bahay at saktong nadatnan na naman sina bitch sister at bitch cousin na wina-washing machine si mingming!  “Hoy!  Mga h@%8p kayo!”  Sabay patay ng washing machine at kuha sa mingming ko na mabilis naman tumalon papalayo sa sobrang takot.

Sinita ko ang dalawang bruha na tuwang-tuwa sa accomplishment nila.  Wag na daw ako magalit.  Tinutulungan lang daw nila akong paliguan si mingming ko.  Pasalamat pa nga daw ako at nag-ambagan pa silang dalawa para bumili ng Downy.  Mas mabango na tuloy ngayon ang alaga ko.  Nang pagalitan ko sila, dito na nila ako siningil.  Reimburse ko daw sila sa pinambili nila ng Tide at Downy.  Balato na daw nila sa akin ang time and effort na ginawa nila sa paglalaba pagpapaligong ginawa nila sa pusa ko.

Tapos noong isang araw naman ng Sabado nasalubong ko si bitch sister palabas ng gate at may dalang sako.  Nanigas siya nang makita ako kaya tinanong ko kung ano ang laman ng sako.  Biglang ngumisi ang bruha.  Basura daw sa kwarto niya.  Itatapon lang daw niya sa Phase 2.  Kako, “Bakit sa phase 2 mo pa itatapon?  Ang layo kaya nun.”  Sinagot lang ako ng bruha na para daw siguradong di na niya makikita ang basura.  Ang kaso, biglang gumalaw ang sako.  Nang hablutin ko nakita ko ang tatlong kuting ko.

Tiningnan ko siya ng masama at magsasalita na sana nang biglang ngumisi ang bruha sabay sigaw, SURPRISE!”

Wala.  Wala na talaga silang pag-asa.  Ang dami pa nilang ginawa sa mga alagang aso’t pusa ko.  Pero tuwing sinusumbong ko ang mga ito ay lagi naman nilang depensa na animal lovers daw sila.  Extreme lang daw sila minsan makipag laro sa mga ito.

Pero sabi nga nila, what goes around comes around.  Eto na ngayon ang kwento:

Niregaluhan si bitch sister ng fiancé niya ng alagang tuta.  Yung alanganing askal alanganing may lahi (hmmm…sige na nga, askal talaga tawag dun).  Maliit lang yung tuta, cute sana kaya lang mukhang matamlay.  May sakit na rin.  Pero nakita ko kung paano inalagaan ni bitch sister ang tuta.  Yun nga lang, parang lumalala ang sakit habang tumatagal.  Nagiging matamlay na yung tuta at dumarami pa ang garapata.  Yung tipong mas maraming garapata na kesa sa balat.  Yucky na talaga.  Parang di effective yung resetang gamot ng beterinaryo.  Pero mahal na mahal pa rin ni bitch sister iyon.  Araw-araw, oras-oras kinukutuhan, inaalagaan, ginagamot at laging nililinis kasi umaasa siyang tatagal pa ang buhay ng tuta.  Sa isip-isip ko, bibilang na lang ako ng araw at matitigok na rin iyon.

Eto ngayon si mother (bawal tawaging bitch).  Matagal na siyang nag-iinit sa tuta.  Kadiri na daw talaga.  Nakakasuka.  Isang araw ay maagang pumasok si bitch sister sa opisina.  Dali-daling nilagay ni mother (oops! bawal tawaging bitch) sa karton ang tuta at pinadala sa plantsadora namin at may mahigpit na bilin, “Whatever you see, whatever you hear, when you leave, you leave it here!”  Pagkatapos ay tinext niya si bitch sister:

“I’m really sorry.  Patay na si puppy mo.  Nilibing na rin namin.  Wag ka ng mag-alala.  Ituturo na lang namin mamaya ang pinaglibingan sa iyo pag-uwi mo para madalaw mo.  Nakakaawa naman siya talaga.  Buti tapos na paghihirap niya.  God is really good.”

Mangiyak-ngiyak si artistang bruhang sister pagdating niya.  Nilagyan pa ng bulaklak ng gumamela ang spot kung saan “daw” nakalibing si puppy niya.  Habang mega emote si bitch sister, naninigas naman sa isang sulok si mother (bawal uli tawaging bitch).  Mahirap na ata mabuko kay bitch sister, ibang klase pa naman yun kung maghumirintado.

Nang mapansin ko ito, napangiti ako at tinanong si mother (bawal talagang tawaging bitch). “Ma, any parting words for the deceased?  Any last word?”

“A….e….m-may h-he rest in peace.  God is really good.”

Wala lang.  Kwentong kahayupan lang.  Di naman siguro mahalaga ano ang preference mo sa alaga or kung totally ay di mo sila trip.  Konting malasakit lang.  Yung tipong kung di mo kayang mag-alaga or mag-ampon, at least malasakit meron.  Malaking bagay na iyon.  Pramis, malayo na ang mararating ng konting malasakit mo para sa kanila.

DISCLAIMER:

Hindi akin ang video.  Credito para sa uploader at mga bumubuo ng docu na makikita sa link.

Writer’s Note:  Buhay pa rin si puppy ni bitch sister hanggang ngayon.  Isa na siyang ganap na doggie.  At balita ko, mas mataba pa siya sa alagang aso sa bahay.  Pero balak ko siyang dalhin sa wedding ni bitch sister at ilantad na iyon ang yumaong puppy na binigay sa kanya ni fiancé.  Wala lang.  Pambasag trip lang sa wedding.

NB:  Believe me, no animal cruelty was made.  There were, however, exaggerations in the story which the writer purposely made either symbolic or part of a particular event or fact that she wished to stress.