blackMAGIC

 

“dahan-dahan, hinay hinay

ang mga paghiling gawing malumanay

upang ito’y di sumablay

at tuluyang mawalang saysay”

 

isang kumpas, bulong na matikas

naglalarong diwa

sa (mga) matang nakabukas

 

magmasid, mag-isip

damhin ng paunti-unti

ang matikas nga bang bulong

ang siya ring patibong?

 

magmasid, mag-isip

damhin ng paunti-unti

o baka ang siyang binubulong

ang takda sa guhit ng poon?

 

isa…

                nariyan na siya

dalawa…

                ako’y nangangapa

tatlo…

                ako’y tulungan mo

 

sambitin ang hiling

–hiling na kinikimkim

at hayaang maganap

ang takda sa magkadugsong na palad

 

“dahan-dahan, hinay hinay

ang paghiling gawing malumanay

upang ito’y di sumablay

at tuluyang mawalang saysay”

 

Writer’s Note: ang naka-slant na mga linya ay gawa at pag-aari ni 25pesocupnoodles

 

p.s. mainam na pakinggan rin ang mensahe ng kanta sa video

p.s.s. minsan ay may dalang mensahe ang bawat kumpas at pilantik

p.s.s.s. masarap magsolve ng riddle, kung nasaan ay malay ko