LAW FOR THE IDIOTS: DAy 24 (Sexual Harassment In The Work Place)

Republic Act No. 7877 ang batas natin para sa Anti Sexual Harassment. Bago ito maipasa, wala tayong batas na nagpaparusa sa sexual harassment. Nahuhulog siya sa ibang uri ng mga krimen gaya ng acts of lasciviousness, rape, grave threats at kung ano pa.

Tatlong scenarios ang covered ng batas na iyan at ito ang mga sumusunod: (i) work; (ii) education; at (iii) training.

Sabi sa nabanggit na batas, ang work, education or training-related sexual harassment ay ginagawa ng mga sumusunod:

a. employee
b. manager
c. supervisor
d. agent of the employer
e. teacher
f. instructor
g. professor
h. coach
i. trainor
j. or any other person

who, having authority or influence or moral ascendancy over another in a work or training or educational environment ay magdedemand, magrerequest o mag rerequire ng kahit na anong uri ng sexual favor kahit pa sabihing ang demand, request or requirement for submission ay tinaggap o pinagbigyan ng biktima. Silang mga nabanggit sa itaas ang maaaring mga offender for sexual harassment. In other words, yang sampung iyan ang pwedeng mga offenders.

Take note that the list is not exclusive because of the inclusion of “any other person”. Basta ang importante, ang offender ay may authority, influence or moral ascendancy sa biktima.

For the mean time, dun tayo sa work related sexual harassment magfo-focus.

May tatlong paraan kung paano naisasakatuparan ang work related sexual harassment. Eto sila:

(1) kung ang sexual favor ay nagiging condition para ma-hire sa trabaho o para ma-rehire ang biktima o para magtuluy-tuloy ang kanyang employment; o di kaya naman ay pagbigay sa biktima ng favorable compensation, terms, conditions, promotions, or privileges. Kasama din dito sa unang uri ng sexual harassment in work related cases ang sitwasyon na kapag di pumayag ang biktima na ibigay ang sexual favor na hinihiling sa kanya ng offender ay magreresulta iyon sa pag limita, pagsegregate or pag classify sa employee o biktima in a way na made-discriminate, made-deprive or made-diminish ang employment opportunities or in any other way that would otherwise adversely affect the said employee;

(2) ang mga nabanggit na acts ay mag i-impair ng mga karapatan o pribilehiyo ng employee/biktima under existing labor laws; or

(3) ang mga nabanggit na acts ay magreresulta sa intimidating, hostile, or offensive environment ng biktimang empleyado.
Ngayon ay alam na natin na sa sexual harassment, may demand, request, or requirement of a sexual favor. Pero we have to remember that those acts do not necessarily be articulated in a categorical oral or written statement.

It can be discerned from the acts of the offender. Halimbawa, holding and squeezing the female employee’s shoulders, running his fingers across her neck and tickling her ear, having inappropriate conversations with her, giving her money allegedly for school expenses with a promise of future privileges, and making statements with unmistakable sexual overtones. Lahat ng mga iyan ay mga unspoken request for sexual favor .

Hindi rin mahalaga na ang demand, request or requirement be made as a condition for continued employment or for promotion to a higher position. Sapat na na ang acts ng offender ay magreresulta sa pagkakaroon ng intimidating, hostile or offensive environment para sa biktimang empleyado.

Oo nga pala, alam mo rin ba na bukod sa pagsampa ng kasong criminal against sa offender ay binigyan din ng batas ng Sexual Harassment ang biktima ng option na magsampa ng kasong civil for damages? Ang saya lang di ba.

Maiba naman ako. Under the Sexual Harassment Law, the employer or head of office shall be solidarily liable for damages arising from the acts of sexual harassment committed in the employment. PERO magkakaroon lamang sila ng liability KUNG ang nasabing employer or head of office ay na-inform sa nasabing acts ng offender at kahit alam na niya ang pinaggagawa ng offender ay di pa rin niya ito inaksyonan.

• Kaya nga under our Anti-Sexual Harassment Law obligado ang mga opisina o kumpanya na magcreate ng rules and regulations pertaining sa mga reklamo ng sexual harassment in the work place.

Dapat nga pala nating tandaan na hindi porket may bad reputation ng biktima ay di na siya pwedeng maging biktima ng sexual harassment .

Eto ngayon ang pinaka masaya sa lahat. Sa kaso ng Aquino versus Acosta , sinabi ng Supreme Court na “a mere casual buss on the cheek is not a sexual conduct or favor and does not fall within the purview of sexual harassment under R.A. 7877.”

• May instances naman kasi na ang empleyado ang nangha-harass sa kanyang bossing at nagagamit ang batas ng Sexual Harassment para i-advance ang kanyang balakin.
Sample case: (Domingo vs Rayala)

Typical scenario sa opisina. May magandang secretary at may mahilig na bossing.

Sa umpisa, pabulung-bulong lang si sir. “Lot, gumaganda ka yata?”

Tapos hahawakan ni sir ang balikat ni girl sabay pisil sa mga ito habang nagta-type si girl sa dinidictate ni sir. Syempre, kinabahan na si girl kasi ito palang si sir e may background na; na kaya pala nagresign ang dating secretary ay dahil ginawan din ng kabulastugan.

So sa nakalipas na araw, inutusan na naman ni sir si girl sa sumunod sa kanya sa loob ng opisina nito. Pag pasok sa loob, sabi ni sir: “Lot, I like you a lot. Naiiba ka sa lahat.”

Dead ma si girl. Kaso biglang sumegue si sir, “May bf ka na ba?”

“Wala na po,” sagot ni girl.

“Nasaan na?”

Sagot uli si girl, “Nag-asawa na po.”

“Bakit di kayo nagkatuluyan?”

Sabi ni girl, “Nainip na po, sir.”

Eto ngayon ang sabi ni sir, “Pagkatapos mo sa kurso mo kumuha ka ng law at ako ang bahala syo habang ako pa ang Chairman.”

Pagkasabi ng ganito si sir ay kumuha siya ng tatlong libong piso sa Amerikana niya at ibinigay kay girl. Syempre, tumangging tanggapin ni girl kasi baka nga naman may kapalit. Kaso makulit si sir. Nag-insist. No choice si girl kaya kinuha na lang niya. Sa isip kasi niya baka ilipat siya sa ibang departamento o di kaya at tanggalin siya.

Pagkalipas na naman ng ilang araw, eto na, sabi ni sir, “Lot, my ka-live in ka ba?”

“Ay wala po, sir.”

“E bakit malaki ang balakang mo?”

So from there, medyo na-offend na si girl kaya ang sabi niya, “Kayo sir ha. Masama ang live-in.”

Panibagong araw na naman. Pinatawag na naman ni sir si girl sa loob ng opisina niya kasi may idi-dictate na naman. Habang naka-upo si girl, lumapit si sir sa likuran nito sabay hawak sa kaliwang balikat ni girl at saka ito pinisil sabay sabi, “San na ba tayo natapos?”

Dead ma si girl. Si sir naman palakad-lakad sa likuran habang nagdidikta. Huminto si sir at pagkatapos ay inilapag ang kanang kamay niya sa kanang balikat ni babae at pinisil-pisil ito. Pagkatapos ay pinagapang ni sir ang kamay niya sa kanang bahagi ng leeg ni babae paakyat hanggang kanang tenga at saka kiniliti si babae.

Dito nga ay pumalag na si girl at nagsabing, “Sir, ang kamay ninyo alisin nyo!”

Di na natapos ni girl ang ginagawa dahil sa takot at pagka-inis kay sir. Nagfile siya ng leave at kasunod nyon ang pagfile niya ng kasong Sexual Harassment against kay sir.

Ano sa palagay nyo? Guilty ba si sir ng sexual harassment?

Sa ordinaryong tingin, sasabihin nating guilty nga siya at papanigan si girl.

Pero matalino si sir e. Matalino din yung abogado niya. Eto ngayon ang depensa ni sir:

Hindi naman daw naipakita ni girl na may sexual favor, demand or request na hiningi si sir sa kanya in exchange for the continued employment or for promotion just as stated in the Anti-Sexual Harassment Law.

Isa pa, ang mga acts daw niya (sir) na nirereklamo ni girl, kung tutuusin, ay walang malisya. Kung malisyoso daw ang mga iyon para kay girl, well, imagination niya lang yan palibhasa ay malisyoso ang utak niya. Pero wala daw ibig sabihin yon, pramis. Di na daw niya problema kung ganun kababaw mag-isip si girl.

Bukod dito, kinuwestyon din si sir ang batas para sa sexual harassment.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s