LAW FOR THE IDIOTS: Day 23 (Suicide)

Based in the 2012 research by Varnik, P., there are 800,000 to a million people worldwide die by suicide each year. Dahil dito, ito daw ang pang sampu sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng tao sa buong mundo.

Ayon naman sa naisulat ni Bartolote JM, Fleischmnn noong 2002, naglalaro sa 10 to 20 million non-fatal attempted suicides taon-taon ang naitalang kaso sa buong mundo.

Based on the research conducted by the World Health Organization, somebody is committing suicide every 40 seconds.

Ang Japan ang isa sa pinakamataas na rate ng suicide dito sa Asia kaya naman nilalaan talaga ng gobyerno nila ang buwan ng Setyembre bilang suicide awareness month.

Di rin naman nagpahuli ang Pilipinas dahil dito lamang sa bansa natin ay lumalabas na simula noong taong 1984 to 2005 ang suicide rate at tumaas mula 0.46 to seven out of every 200,000 men; at from 0.24 ay tumaas ito sa dalawa for every 200,000 women (Philippines Star).
Ayon sa pagsasaliksik ng WHO, ang pinakamalakas na risk factor sa pagpapatiwakal ay mga mental disorders gaya ng mga sumusunod:

1. alcoholism
2. depression
3. personality disorder or schizophrenia
4. physical illness such as neurological disorders, cancer and HIV infection
Kung mapapansin ninyo, isa sa pinakamalaking posyento sa mga pangunahing mental disorders na nagiging dahilan ng pagpapatiwakal ang DEPRESSION. Pasok dito ang pagkasawi sa pag-ibig bilang unang factor at pumapangalawa naman ang kawalan ng pag-ibig o “lack of love”. Patunay lamang ito na ang tao ay naghahangad talaga na mahalin ng taong minamahal nila o di kaya naman ay makahanap ng taong magmamahal sa kanila.

Noong 2011, sa panayam ng ABS-CBN kay Marriage and Family Counselor Maribel Dionisio of Love Institute Philippines, lumalabas sa kanilang pag-aaral na LOVE ang pangunahing rason para sa suicide dito sa Pilipinas.

Ayon sa eksperto, “love may be the first thing that a person considers when entering a relationship, but it is also the number one reason why one commits suicide.”

Dagdag pa niya, kung ang nangunguna sa mga rason ng pagpapatiwakal ang LOVE, pumapangalawa naman ang kawalan ng LOVE. Aniya, “It’s about the lack of love, either from a special friend or from the family –or too much of it –that a person feels bad. Teens are at a higher risk for suicide since they are still maturing.”

May mga bansa na tinuturing na isang krimen ang pagpapatiwakal. Pero di kalaunan, karamihan sa mga Western countries started to decriminalized suicide. Sa India, halimbawa, isang krimen ang pagpapatiwakal kaya ang mga naiwang kamag-anak ng taong na dedo dahil sa suicide ay maaaring humarap sa kaso for failure to render aid in an emergency.

Dito sa Pilipinas, walang krimen ang magpaparusa sa isang taong nagpatiwakal o nagtangkang magpatiwakal. Sa title ng Crimes Against Persons natin sa ating Revised Penal Code, wala doong magsasabi nag kapag nagpatiwakal ka at nabuhay ka ay kakasuhan ka.

PERO kung may madadamay na ibang tao dahil sa pagpapatiwakal mo, ayan, kung mabubuhay ka siguradong you will be liable for whatever injury is inflicted to the third person.

Halimbawa, sawi sa pag-ibig itong si A. Sa forth floor ng mall ay tumalon siya. Ang kaso, pagtalon niya ay nabagsakan niya si B na ikinamatay naman agad nito. At dahil di sa semento bumagsak si A, nabuhay ito ay nagtamo lamang ng galos. Based on this example, A will be charged for Homicide for the death of B.

So magtataka ka. Bakit mo kakasuhan si A e di naman niya sinadya ang pagkamatay ni B. Wala namang intensyong mapatay ni A si B. As a matter of fact, si A nga ang dapat magpapakamatay at nagkataon lamang na nasa baba si B.

Alam nyo kasi, dalawang uri ang manner ng pagcommit ng krimen dito sa atin. Ang una ay by means of deceit (dolo) at ang pangalawa ay by means of fault (culpa).

Pag sinabi natin sa criminal law na “by means of fault (culpa)”, ito ay when a wrongful act results from imprudence, negligence, lack of foresight, or lack of skill”.

Kumbaga you are not only liable for the direct acts you committed but also to the result of your acts regardless of whether the result is not what you intend it to be.

Balik uli tayo sa usapang pagpapatiwakal. Malinaw na wala tayong crime punishing a person for committing suicide. PERO sa Crimes Against Person, kinakasuhan ang taong tutulong doon sa taong nagpatiwakal.

Gulat ka? Kala mo walang ganyang krimen? Makikita yan sa Article 253 ng Revised Penal Code natin. Ang parusa dito sa taong tutulong sa pagpapatiwakal ay prision mayo (6 yrs and 1 day to 12 years)r. Kung ang pagtulong niya ay mageextend to the point na siya mismo ang papatay, that person shall suffer the penalty of reclusion temporal (12 yrs and 1 day to 20 years). Kung sakali namang hindi mamatay yung taong nag commit ng suicide, arresto mayor in its medium and maximum period (2 months and 1 day to 6 months) ang parusa.

When we say “giving assistance to suicide”, eto yung pagbigay ng kahit na anong uri ng tulong gaya ng, halimbawa, ikaw ang magpo-provide ng baril, ikaw bibili ng zonrox na lalaklakin, ikaw ang magtatali sa magbibigti…yung mga ganung halimbawa ng mga tulong.

Kung yung taong tutulong ang mismong papatay doon sa gusting mag suicide ang parusa ay katumbas ng parusa para sa homicide.

PERO kung yung taong nagsuicide ay nag survive because of medical attention, walang pwedeng ikaso sa kanya. Unfortunately, dun sa tumulong, pwede siyang kasuhan ng frustrated homicide as the case may be.

Komplikado, di ba? Either kikitilin mo na nga ang buhay mo nandamay ka pa OR tumulong ka na nga lang nadawit ka pa.

One thought on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 23 (Suicide)

  1. ang pag ibig nga naman. naman. naman.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s