LAW FOR THE IDIOTS: Day 22 (Bigamy)

Basic lang naman ang dapat maintindihan natin dito. Being a Christian nation, we practice monogamy. Isa lang ang legal na kapareha mo dapat. Isa lang ang pakakasalan mo dapat. Til death do us ‘part ang drama unless for certain circumstances, napapaikli ang life span ng marriage life, such as annulment or declaration of nullity of marriage or even death of either spouse.

Please take note that we also recognize the customs and traditions of our Muslim brothers and sisters. Under Shari’a law kasi allowed ang lalaki mag-asawa ng higit sa isa. Allowed din ang divorce sa kanila. Gayumpaman, may circumstances bago sila makapang-asawa ng higit sa isa at bago din sila makapag-avail ng divorce. May batas sila for that.

Hihimay-himayin natin ‘yan.

Punta muna tayo sa pinaka basic: sabi ko nga kanina, hindi tayo pwedeng magpakasal ng higit sa isa.  Otherwise pwede tayong kasuhan  ng bigamy which is criminal in nature. Para may idea ka, public crime ito. Ibig sabihin kahit mga awtoridad pwedeng magsampa ng kaso sa’yo unlike adultery and concubinage na private crimes kung saan yung offended spouse lang ang pwedeng magsampa ng kaso.  The rest ay wala ng K magsampa ng kaso.

SIDE NOTE: Ang bigamous marriage nga pala ay pwedeng ground for Declaration of Nullity of Marriage. Unlike sa psychological incapacity as a ground na kailangan pa ng clinical findings/evaluation ng isang psychologist, dito sa bigamous marriage ay hindi na.  Ang kailangan mo lang maipakita ay dalawang marriage certificate: isa sa first marriage ng offending spouse at ang pangalawa ay ang marriage certificate mo with the offending spouse.

Sa ngayon, di natin pag-uusapan ang bigamous marriage as a ground for declaration of nullity of marriage.  Kundi, pag-uusapan natin ang bigamy as a crime punishable under the Revised Penal Code.

Article 349 of our Revised Penal Code aptly provides that:

“Art. 349. Bigamy. –The penalty of prision mayor shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”

Wag kang mag-alala kasi ang duration lang naman ng prision mayor ay six (6) years and one (1) day to twelve (12) years.  Sandali lang yan. Paggising mo laya ka na.

Hindi pwede na basta ia-assume mo lang na null and void ang kasal mo.  Dapat ay may final judgment and court declaring that your first marriage is null and void. Kahit pa sabihin natin na klarong null and void ang kasal and there is no marriage to speak of. Nire-require ka pa rin ng batas na ipa-declare mo muna ang unang kasal as null and void.  Yung  iba naman ang ginagawa nila, in order to evade prosecution for bigamy, nagfa-file sila ng annulment.

Ganyan kasi ang nangyari sa kaso ng Teves versus People of the Philippines (G.R. No. 188775, August 24, 2011). Ganito ang kuwento nun:

Nagpakasal si Teves kay Thelma noong 1992.  Pagkakasal nila, lumipad na agad pa-abroad si Thelma para magtrabaho. Umuuwi lang si Thelma sa Pinas for vacation. Ang kaso while on vacation noong 2002, nabalitaan ni Thelma na nagpakasal uli si Teves kay Editha noong 2001 pa.

Take note na ang Bigamy ay public crime. Anybody who has a knowledge of the crime can institute or file for a case. Kaya naman in this case, uncle ni Thelma ang nag file ng Bigamy against kay Teves noong 2006. So na-charge agad si Teves ng Bigamy; umakyat agad sa korte ang criminal Information.

Now habang dinidinig ang Bigamy case, siyang labas naman ng decision ng isang korte na dinedeclare ang kasal ni Teves with Thelma as null and void (2006) kasi daw si Thelma ay physically incapacitated to comply with her essential marital obligations.

However, a year after, lumabas naman ang desisyon ng korte sa Bigamy case at nahatulan si Teves na GUILTY.

So paano yan? Eh may ruling ang isang korte na pinawawalang bisa nito ang kasal nina Teves at Thelma? Dahil dineklara na ng ibang korte na null and void ang una niyang kasal, feeling ni Teves ay hindi siya dapat maging liable for Bigamy na kasalukuyan namang dinidinig sa ibang korte –iyan ang pinaglalaban ngayon ni Teves.  Gusto niyang i-dismiss ng korteng dumidinig sa criminal case ng bigamy ang kaso laban sa kanya kasi nga naman daw ay declared as annul na ang kasal niya kay Thelma.

Kaso ay di siya pinagbigyan ng korte na dumidinig sa kasong bigamy.

Umapila siya sa Court of Appeals.  Kaso, talo.  Umakyat hanggang Supreme Court.  Eto ngayon ang sabi ng SC:

“It is evident therefore that [T]eves has committed the crime charged. His contention that he cannot be charged with bigamy in view of the declaration of nullity of his first marriage is bereft of merit. The Family Code has settled once and for all the conflicting jurisprudence on the matter. A declaration of the absolute nullity of a marriage is now explicitly required either as a cause of action or a ground for defense. Where the absolute nullity of a previous marriage is sought to be invoked for purposes of contracting a second marriage, the sole basis acceptable in law for said projected marriage to be free from legal infirmity is a final judgment declaring the previous marriage void.”

Ang sabi pa, dapat daw hindi ina-assume ng parties na ang kasal nila ay void kahit na may basehan pang sabihing VOID on its face ang kasal nila. Dapat ay mag-secure daw muna sila ng judicial declaration of the nullity of their marriage bago dun sa unang kasal sila magpakasal sa iba. As a matter of fact, protection daw ito dun sa asawa na nagpakasal uli dahil naniniwala siyang walang bias ang unang kasal.

In numerous cases, ni-rerequire na mag-obtain muna ng final judgment declaring the marriage as null and void. Otherwise, the second marriage will be considered as a bigamous one.

Going back to Teves’ case: ang sabi niya, declared na naman na null and void ang kasal niya with Thelma. Bakit pa siya kinonvict for Bigamy? As a matter of fact, bago pa lumabas ang decision sa Bigamy case ay nauna nang lumabas ang decision declaring his first marriage as null and void. So technically, there is no bigamous marriage to speak of na daw.

Pero di pa rin siya pinaboran dyan.  Kasi nga naman na-file na ang complaint for Bigamy bago pa man na-declare as null and void ang kasal niya with Thelma. By that time, consummated na ang crime ng Bigamy. From the time na nagpakasal ka ulit sa iba nang hindi pa dine-declare na void ang unang kasal, nag commit ka agad ng crime ng Bigamy.

Kasi naman…

O ayan, kaya bago ka magpakasal uli sa iba, siguraduhin muna na dissolved na ang first marriage para di ka makasuhan ng bigamy.  Kahit pa sabihin nating may matibay na ground para ma-declare as null and void ang first marriage.  Hindi kasi basta-basta yan.  Remember that marriage is a special contract.  Being a special contract, it is not only the spouses who can do things in their own accord.  Nakiki-alam ang State sa kanilang affairs.  Hindi yan gaya ng ordinaryong kontrata na kapag ayaw na ng contracting parties ay pwede nila i-terminate ang contract nila anytime, anywhere.  May proseso, may specific grounds.  Kung di dadaan sa proseso at ang paghihiwalay ay di malalaglag sa anumang specific grounds na binigay ng batas, pwes, di pwedeng i-terminate ang contract.

Huwag basta-basta.  Hindi yung akala mong okay na eh totoong okay nga.  Maghirap mag-assume.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s