LAW FOR THE IDIOTS: Day 21 (Who Has The Better Right?)

Ilan na bang topic dito sa Law For The Idiots natin ang natackle natin about illicit affairs? Ang dami na. Di ko na ata mabilang. Siguro kasi doon naman talaga umiiot mostly ang topic about Sex, Love and Relationship. Kung walang panggulo wala naman talagang pag-uusapan. Mga tip tip lang siguro mangyayari sa usapan dito sa site ko. Paano ngayon natin iinject ang legalities, di ba?

Syempre pag may illicit affair, di pahuhuli ang topic about the legal wife vs the mistress or the legal husband vs the choi. Pero gasgas na ang adultery at concubinage. Ni di nga natin sila ginawang topic sa Law For The Idiots. If ever, encompassing lang ang discussion sa kanila kasi kailangan at related sa topic.

Move on tayo ngayon sa aftermath na (maiba naman).

Tapos na tayo sa “taguan” stage. Tapos na rin tayo sa “suspicion” stage. Nalakdawan na rin natin ang “hulian” stage. Nilagpasan na rin natin ang “denial” stage. Natural, ipagpalagay na rin nating natapos na tayo sa “encounter” at “bakbakan” stage.

In other words, finally, nalagpasan natin yung makapanindig balahibong stages ng agawan-pusong laro.

Eto na ngayon ang siste: paano kung halimbawa namatay yung taong pinag-aagawan ninyo? Oo, andun na tayo sa magpatawaran na tayo dahil tapos na ang lahat. Kalimutan na natin yung ginawa niya kasi kinuha na siya ni Lord e.

Pero for the mean time, who has the better right over the body of the deceased husband? Si legal wife ba na pinakasalan sa simbahan at nirerecognize di lamang ng society natin kundi pati na rin ng batas? Or si mistress na siyang nag-alaga at kasakasama ni deceased husband hanggang sa huling hibla ng hininga niya?

Ang hirap ano? Sinong kakampihan mo nga naman diyan. Yung isa, pagpalagay na natin na papel at basbas lang ng simbahan ang nag-uugnay sa kanila. Pero hiwalay na sila eh. “Mag move-on na tayo. Wala na yung feelings ko for you dati. Patay na yung flame na nagpapainit sa pagsasama natin. Nilamigan na ako. Tinabangan na ako. At higit sa lahat, may iba na akong mahal and sad to say, hindi ikaw iyon”.

Eto naman yung isa, katwiran niya ay nagmahal lang daw siya. Pinaglaban lang naman niya yung sa tingin niya ay dapat sa kanya (take note: tingin lang niya). Kung ayaw naman sa kanya she’s willing to let go, pero hindi e. Nagmamahalan sila. Higit sa lahat, ang trophy na hawak niya ay siya ang pinili at sinamahan. “Ako ang nag-alaga. Nang magkasakit yan, ako ang nasa tabi niya. Asan kayo? Wala. Kasi you condemned him because of our love for each other. Ako lang ang natira sa tabi niya at wala ng iba pa”.

Ang kaso, nadedo si boylet. Paano ngayon yan? Sino maglilibing? Saan ililibing? Sino sa kanila ang may “last say”? Bad trip no? Kumbaga up to the last drop of blood bakbakan pa rin.

STOP muna tayo. May iinject lang tayong konting pointers.

We have to take note that as a general rule we don’t recognize common law relationships in the country. Sa ibang bansa, oo (pero just the same, may qualification pa). But not here in our country. However, this kind of set-up is unavoidable to the point that the partners usually raise and produce common properties. Sa hatian ng properties meron tayong batas dyan.

Ang nirerecognize na property relation between live-in partners ay between a man and a woman who are capacitated to marry each other. Walang legal impediment sa kanila. Hindi sila kasal pareho at nasa legal age din sila. Di rin sila magkamag-anak. As in, anytime pwede silang ikasal at walang magkakaproblema. Iyang ganyang klaseng live-in relationship ang pwede lang siguro i-recognize sa bansa natin. Basta yung walang legal impediment between the man and the woman lang.

Pero gaya nga ng nabanggit natin kanina, hindi maiiwasan ang pagsasama ng isang lalaki at babae at ang isa sa kanila (or pareho sila) ay may tinatawag na legal impediment, the most common of which is kasal na sila sa iba.

Iba ang rule kung may legal impediment which is applicable sa topic natin ngayon. Kung may legal impediment at nagsama sila ganito ang magiging hatian ng kita nila o naipundar na properties kung meron man:

1. only the properties acquired by both of the parties through their actual joint contribution of money, property, or industry shall be owned by them in common in proportion to their respective contributions (Art. 148, Family Code). Parang co-ownership ang dating nila with respect dun sa properties acquired by them;
2. in the absence of proof to the contrary, their contributions and corresponding shares are presumed to be equal. The same rule and presumption shall apply in joint deposits of money and evidences of credit (id);
3. if one of the parties is validly married to another, his or her share in the co-ownership shall accrue to the absolute community or conjugal partnership existing in such valid marriage (id.);
4. if the party who acted in bad faith is not validly married to another, his or her share shall be forfeited in this manner: “when only one of the parties to a void marriage is in good faith, the share of the party in bad faith in the co-ownership shall be forfeited in favour of their common children. In case of default of or waiver by any or all of the common children or their descendants, each vacant share shall belong to the respective surviving descendants. In the absence of descendants, such share shall belong to the innocent party. In all cases, the forfeiture shall take place upon termination of the cohabitation (id).

Ang haba ng patalastas no? Background natin muna yan just in case maglaro sa utak ninyo paano ang hatian ng property sa set-up ng live-in partners kung isa or pareho silang kasal sa iba. Yung enumeration sa itaas ang susundin natin base sa provisions ng Family Code.

Balik tayo sa original problem natin.

Paano nga kung namatay si boylet at parehong si legal wife at si mistress ang maghabol ng karapatan sa pagpapalibing? Sino ang may last say?

By culture, pag pumanaw ang isang kapamilya, papatawarin at papatawarin yan sa mga naging pagkukulang at pagkakasala niya ng buong pamilya. Nangingibabaw yung compassion and forgiveness. Eh eto na nga, willing na ngang patawarin ng legal family. Sila na daw magpapalibing. Forgive and forget. Ang kaso si mistress nag-insist. Keso daw siya ang nag-aruga up to the last minute. In other words, siya ang magpapalibing.

As a general rule ang sabi sa provision ng Civil Code natin with respect sa funeral, ang will ng decedent ang pagbibigyan. May habilin ba siya kung saan niya gusto mailibing? May kanta ba siyang gustong patugtugin sa lamay niya? Bulaklak ba o balloons sa burol? Yung ganyang mga usapin ba.

Pero ang problema dito sa kwentong ito may dalawang babae na nag-aagawan sa labi ng yumaong lalaki. Pareho silang nagsasabi na keso daw sa ganito ganyan nais mailibing ni lalaki base sa habilin sa kanila noong ito ay nabubuhay pa.

Ang isa ay nagke-claim na mas may karapatan daw siya dahil legal silang kasal at siya ang dapat tawaging asawa. Ang isa naman ay nagsasabi na siya ang kasama sa matagal na panahon at tinuring na totoong asawa na siyang nag-aruga hanggang sa huling hibla ng hininga nito.

Ang kwentong ito ay di nalalayo sa kwento ng isang abogado na may kinasamang dalawang babae. Ganito kasi yan:

Si attorney ay kinasal kay Rosario at nagkaroon sila ng mga anak. Pero gaya ng ilan, ang pagsasama nila ay tumabang at nanlamig. Naghiwalay ang dalawa in other words. Eventually niligawan ni attorney ang kliyente niyang si Fe. Sinagot siya and later on they decided to live together as husband and wife.

After 30 years, namatay si attorney because of acute emphysema. At that time wala si Rosario (yung legal family) kasi nasa United States ito kasama ang mga anak nila ni attorney. Syempre, dahil wala ang legal family, itong si Fe na ang nagmaniobra ng burol hanggang sa pagpapalibing.

By the time na nalaman ng legal family ang nangyari kay attorney, kumontak agad sila sa Pilipinas para malaman ang whereabouts. Nakiusap si Rosario at ang mga anak nito kay Fe na i-extend naman ang pagpapalibing kay attorney para naman makapunta sila.

Unfotunately hindi sila pinagbigyan ni Fe at pinalibing as scheduled si attorney dun sa mosoleo ng family ni Fe sa Manila Memorial Park.

Nagalit si legal wife. “Teka nga, bakit ka ba nakikialam? Sinong may sabi sayo na dyan mo ipalibing si attorney sa mosoleo ng pamilya mo eh kabit ka lang? Echosera ka, ni di mo man lang kami hinintay? Feelingera ka!”

Syempre, defensive si Fe. “Anong kabit? E mas naging asawa nga ako kesa sayo. Ako ang tinuring na parang tunay na asawa at hindi ikaw. Kasal lang ang meron kayo pero other than that ako ang gumanap ng role and obligations mo bilang may-bahay niya”.

O ngayon, san ba tingin ninyo mauuwi ang tarayan? E di sa demandahan as usual.

Nagdemanda ngayon si legal wife against kay mistress with a prayer for actual, moral and exemplary damages plus attorney’s fees. Hiniling din ni legal wife na i-exhume ang labi ni attorney at i-transfer sa family plot nila sa Holy Cross Memorial Cemetery sa Novaliches, Quezon City.

Nag counter ngayon si mistress. Ang sabi niya 20 years na naman silang hiwalay ni attorney nang ligawan siya nito. Throughout the time na magkasama sila nito siya ang pinakilalang asawa sa mga kaibigan at katrabaho ni attorney. Although live-in nga lang sila inamin ni Fe na hindi naman kinalimutan ni attorney ang obligasyon nito sa mga anak niya kay legal wife. Sinabi pa ni mistress na unlike ni legal wife, she took good care of attorney and paid for his medical expenses when he got seriously ill. Idinagadag pa niya na despite knowing that attorney was in a coma and dying, legal wife still left for the United States. Ang sabi pa ni Fe, ang last wish talaga ni attorney ay ang mailibing siya sa mosoleo ng pamilya nina Fe. Ang sabi pa niya, kung tutuusin ay nagsuffer siya ng damages sa pagdemanda sa kanya ni legal wife kaya dapat lang na bigyan siya ng moral and exemplary damages plus attorney’s fees.

Eto ngayon ang issue: sino nga ba sa kanilang dalawa ang may better right sa labi ni attorney?

Eto ang sabi ng Supreme Court:

Tingnan ninyo ang Section 1103 ng Revised Administrative Code. Ang sabi dun,

“Section 1103. Persons charged with the duty of burial. –The immediate duty of burying the body of a deceased person, regardless of the ultimate liability for the expense thereof, shall devolve upon the persons herein below specified:

(a) If the deceased was a married man or woman, the duty of the burial shall devolve upon the surviving spouse if he or she possesses sufficient means to pay the necessary expenses;”

Based from the above law, it is obvious that the right and duty to make funeral arrangements belong to the members of the family to the exclusion of one’s common law partner.

Sinabi dito na ang isang lalaki at babae na hindi kasal at nagsama bilang mag-asawa for how many years and represent themselves to the public as husband and wife in the community where they live may be considered legally married. Kaya lang eto ang catch doon: applicable lang yan sa common law jurisdictions at hindi dito sa Pilipinas.

Although ang ganitong set-up naman daw talaga ay nangyayari sa society natin at di malayong makapagpundar nga sila ng properties and interests which is governed by our law, nirerequire na ang partnership na ito ay between a man and a woman living together who are not incapacitated to contract marriage. Sila yung binabanggit natin kanina na walang legal impediment dapat. Anytime pwede silang ikasal kasi walang sabit, kumbaga.

Eh kaso sa kwentong ito, may legal impediment nga. Kasal yung isa sa kanila.

So sa hinaba-haba ng sinabi ng Korte Suprema, ang gist lang ng desisyon sa kasong iyon ay mas may legal right to make funeral arrangement pa din si legal wife (Rosario). Whether we like it or not, siya pa din ang tinuturing ng batas natin na “surviving legal wife” of attorney. The fact na naghiwalay sila at si legal wife ay nanirahan sa United States malayo kay attorney has no controlling significance. Wala naman kasing basehan para sabihin na winave ni Rosario ang karapatan niya being the legal wife to make funeral arrangement whether impliedly or expressly.

Ang karapatan ng isang legal na asawa para gumawa ng funeral arrangements, gaya ng ibang karapatan, ay hindi pwedeng ikonsiderang winave or ni-renounce except upon clear and satisfactory proof of conduct showing that the said person is indeed freely and voluntarily intends to wave that right.

Alam naman daw ng Korte Suprema na nagkaroon talaga ng lamat sa relasyon ni attorney at ng legal na pamilya nito (pati na rin sa mga anak nila at di lang kay legal wife) noong nabubuhay pa siya. Pero nirerecognize ng Korte na ang human compassion ay nagbubukas ng pagpapatawad oras na ang isang kapamilya ay pumanaw.

Kung tutuusin nga naman nang malaman ng legal family ang pagpanaw ni attorney ay kara-kara nga naman silang kumontak dito sa Pinas at nakiusap talaga sila kay Fe na kung maaari ay idelay ang pagpapalibing kay attorney para nga naman makaabot sila. Yun nga lang, hindi sila pinagbigyan ni Fe.

Ang iniinsist ni Fe kasi ay dapat pagbigyan ang hiling ni attorney na dun siya ilibing sa mosoleo ng pamilya ni Fe sa Manila Memorial Park. Respeto naman daw para sa huling hiling ng pumanaw.

Ano daw ba ang pruweba niya na iyon nga ang nais ni attorney. Wala. As in walang kasulatan para dyan.

Eto naman si Rosario, hindi naman daw talaga iyon ang gustong mangyari ni attorney dahil noon pa man ay nais nitong ilibing isya sa binili nilang family plot sa Holy Cross. Tanong ni Fe, bakit nasa kasulatan din ba yan ha? Ang sagot, wala. Wala din.

So paano yan? Dalawang babaeng nagke-claim na may karapatan sa banggkay ni lalaki. Dalawang babaeng nagke-claim na ang intention ni lalaki ay ilibing siya sa ganito sa ganyan. Pero parehong babaeng wala namang mapakitang concrete evidence na iyon nga ang totoong nais ni yumaong lalaki.

Considering this ambiguity, it is the law that supplies the presumption as to his true intent. Unfortunately walang presumption dito in favour of Fe porke’t matagal silang nagsama ni attorney; porke’t siya ang totoong nag-aruga kay attorney; porke’t up to the last minute ay siya ang umalalay at gumastos para kay attorney. Kung meron man siguro para kay Fe, simpatiya na lamang siguro. Dapat lang naman, in fairness, kasi di biro din ang mga sakripisyo niya para dun kay attorney.

But just the same, hindi rin naman daw porket wala si Rosario nang mamatay ang kanyang asawa ay wine-wave na niya ang karapatan niya bilang asawa para ilibing ito. Sa presumption ng batas, nasa panig pa rin ni Rosario ang karapatang ito regardless of whether wala siya sa tabi ni attorney nang pumanaw ito. Hindi ito sufficient ground para sabihing wineyv na ni Rosario ang right niya. Wala din naming naipakitang tinatanggalan ni attorney si Rosario sa karapatan nito.

Should there be any doubt as to the true intent of the deceased, the law favors the legitimate family.

Assuming for the sake of argument na meron ngang iniwan na will si attorney na nasasabi na dun siya sa mosoleo ng pamilya nina Fe ilibing, still hindi pwede payagan ng batas natin ito kasi si Fe ay hindi kabilang doon sa mga listahan ng tinatawag na legally preferred, kahit na sabihin pa natin na ang intension ni Fe ay kapuri-puri. Hindi rin sapat na dahilan daw ang 30 years na pagkakahiwalay ni attorney kay Rosario.

2 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 21 (Who Has The Better Right?)

  1. I have a suggestion.gawa ka atty ng article about self defense sa loob ng pamamahay.like pag may intruder. Excessive force against a robber inside your home is punishable by law?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s