LAW FOR THE IDIOTS: Day 20 (Love Triangle)

Ayoko ng may kaagaw. Period, no erase. Pero kung di naman ganun ka-importante yung tao or in other words pa-tweetums lang ang feelings ko for him, wala akong pakialam kahit ilan pa kaagaw ko sa kanya.

Weird no? Sabi nila iba’t iba daw kasi ang mode of reaction ng mga tao with respect sa affection and our respective experiences and environment play vital roles on how we handle and give back affection.

Ako kasi sadyang laking syudad. Busy ang buong paligid. Laging nagmamadali lahat. Walang oras masyado mag pa-cute, ganun na din siguro sa pag-iyak pag naha-heartbreak. Pero chika lang yon. No matter how tough or rough a person is, maglulumpasay at maglulumpasay pa rin yan oras na maagaw ang taong mahal niya (syempre chika pa rin yan).

Lalo na siguro kung di naman kagwapuhan o kagandahan ang naging karibal mo.

Love rivalry and tawag ng ilan dyan. But we prefer to call this scenario as LOVE TRIANGLE. We fight for our love unless the latter wants us to give up the fight. Pero sadyang may mga praning na kahit harapan na sinasabi sa kanila na ayaw na nila at may iba na silang mahal, sige pa rin at ayaw maniwala. Nagbababad lang sa “denial stage”, ika nga. Masokista naman ang tawag ng iba.

Yung iba kasi may basis naman sila for holding on. Kasal kayo eh. Sabi ng simbahan, “what God put together, let no man put asunder”. Tapos may mga bata pang involve. Paano sila? Ang siste ba sarili lamang ng mga matatanda ang iisipin?

Regardless of what we term this kind of scenario or emotion, whether we categorize this as plain stupidity or transparency, it boils down to the evident truth that those people tend to cross the boundary.

Ano’ng ibig natin sabihin?

Sabi nga nasa denial stage ka pa. Tapos biglang masasalubong mo yung dalawa na magkasama at sweet na sweet. Ano ngayon ang gagawin mo?

Civil lang. Well, dapat lang. Pero para sa ilan, dito na yung puntong sinasabi ko kanina na nagko-cross na ng boundary. Sumusugod sila. Pag nahagip si karibal, sasaktan ng todo-todo. Tutal ay pinamukha na sa’yo na malabo ka ng balikan, pwes maihambalos man lang ang pagmumukha ni karibal sa pader. Makaganti ka lang kahit isa.

Sa tindi ng galit madalas talaga hindi na natin naiisip ang consequence ng ginagawa natin. Saka na lang magsi-sink in sa kokote natin when the damage is done.

Etong ganitong scenario ay very common at hindi malayong mangyari sa ating lahat. Pero how we react to this kind of situation varies, ika nga.

Mas mabuti siguro alamin natin anu-ano yung iba’t ibang klaseng posibleng eksena na mangyayari once na hindi natin na-kontrol ang emosyon natin at nakasugod-sugod tayo nang di oras. OR, on a different note, paano din naman kung halimbawa tayo yung sinugod.

Mas mainam kung hahatiin natin sa dalawa. Yung isa, may legal ties ka sa karelasyong nangaliwa (meaning, legal kang asawa); at yung pangalawa naman ay walang legal ties (meaning kabit ka lang or isama na rin natin pati gf-bf relationship).

Punta muna tayo sa may legal ties.

Natatandaan ba ninyo yung kwento ng isang abogado na pinasundan ang asawa niya at kalaguyo nito sa isang motel sa Pasig?

Sa kwentong iyon, babae ang nangabit. Pwede niyang kasuhan ang asawa niya ng adultery (punishable under Art. 333 of RPC), pati na rin yung lalaki nito.

In the crime of ADULTERY, we must take note of three (3) important elements; meaning, pag wala ang isa sa kanila hindi magpa-prosper ang demanda mo for adultery. So anu-ano nga ba ito?

1. That the woman is married
2. That she had sexual intercourse with a man not her husband
3. That as regards the man with whom she had sexual intercourse, he must know her to be married.

Kasal ba yung babae sa kwento? CHECK! May sexual intercourse ba? Ipagpalagay na natin kunwari nahuli sa akto, so isang malaking CHECK uli! E si number 2 alam ba na kasal na pala si babae? Ayan, stop tayo dito.

Eto kasing element No. 3 madalas nagkakatalo-talo. Nagiging depensa ito ng kalaguyong lalaki na keso naman daw hindi niya alam na kasal na pala si babae dahil nang ligawan niya ito, ang pakilala sa kanya ay dalaga pa daw siya.

In some cases, sinasabi pa ni lalaki na pick-up boy daw siya at bayaran. So in other words, wala siyang ka- idea idea na may asawa pala yung customer niya dahil all the while ang alam daw niya ay matandang dalaga lang ito na gustong may makasama.

Well, depensa na lang nila yon. It’s up to the court who will try and hear their case to appreciate their respective testimonies pati na rin yung weigh ng evidence na ipapakita nila to substantiate and support their claims.

BUT it will never stop the Prosecutor’s Office from filing the appropriate criminal case against them. Kasi nga, during the preliminary investigation or inquest (in case of warrantless arrest), probable cause lang ang hinahanap. Dun na kayo sa korte magbakbakan ng mga testimonya at ebidensya ninyo. Dun na rin ninyo tirahin kung mahina o walang bearing ang ebidensya ng kalaban ninyo.

Kung halimbawa naman lalaki ang may kalaguyo, CONCUBINAGE (punishable under Art. 334 of the RPC) ang kinakaso sa asawang lalaki at sa kalaguyong babae nito. Eto naman ang mga elements nito:

1. That the man must be married.
2. That he committed any of the following acts:
(i) keeping a mistress in the conjugal dwelling;
(ii) having sexual intercourse under scandalous circumstances with a woman who is not his wife;
(iii) cohabitating with her in any other place.
3. That as regards the woman she must know him to be married.

Ayan, isang aspeto lang iyan ha. Pero paano kung halimbawa na-caught in the act mo is misis or si mister?

Dito papasok yung tinatawag nating DEATH OR PHYSICAL INJURIES INFLICTED UNDER EXCEPTIONAL CIRCUMSTANCES (Art. 247 of the RPC [see also our discussion on DAY 14).

Eto yung weird article under the chapter ng Crimes Against Persons ng RPC; kasi nga walang pangalan ng crime. Instead, it provides for a defense which the accused must prove in order to acquit him or her. Parang self-defense pero ibang uri siya.

Dito, naaktuhan mo ang asawa mo at kalaguyo nito sa tinatawag nating “main event”. Applicable ito both for the husband and wife. Unlike sa concubinage or adultery na magka-iba ang crime na isasampa mo depende kung sino ang nagkasala.

Sa eksena dito, either mapatay mo or masaktan mo yung asawa mo at kalaguyo nito or either sa kanilang dalawa ang mapatay mo or masaktan mo.

Alam naman natin na kulong ang parusa pag napatay mo yan o di kaya ay nakapag-inflict ka sa mga iyan ng physical injuries. But what makes this crime exceptional? You see, may nasaktan, may napatay. Pero walang makukulong. Ang parusa lang dito ay yung tinatawag nating DESTIERRO. Ibig sabihin ng DESTIERRO, hindi sila papayagang makapasok sa lugar o mga lugar na babanggitin sa sintensya nila o di kaya ay within sa radius specified sa sentence nila which shall not be more than 250 and not less than 25 kilometers from the place designated.

Stop muna tayo dito.

Balikan natin yung kwento ng caught-in-the-act sa Pasig. Doon, pinamanmanan ni mister muna si misis at si Number 2 sa isang private investigator kaya nga natunton nila ang dalawa sa isang motel.

Kung halimbawa (which in reality ay hindi naman nangyari) ay masaktan ni mister ang dalawa dahil naaktuhan niya ang mga ito or in worst case, mapatay, hindi siya magbebenefit sa Article 247 or yung DEATH UNDER EXCEPTIONAL CIRCUMSTANCES. Alam mo kung bakit? Wala na kasi yung element of surprise. Alam na niya eh. Planado na niya. So kung masasaktan niya or mapapatay, baka makasuhan pa siya ng murder/parricide or frustrated murder/parricide as the case may be. Yun nga lang, pwedeng ma-mitigate ang penalty dahil sa passion or obfuscation.

Ang mga nabanggit natin sa itaas ay ilan lang sa mga possibilities na maaaring ma-engkwentro natin sa LOVE RIVALRY when there exist legal ties among two of those involved in the love triangle.

Dahil medyo mahaba-habang discussion ito at sandamukal ang possibilities pa meron tayo, iwan na natin ang para sa legal ties at mag jump na tayo dun sa cases kung halimbawa naman ay walang legal ties. Again, papasok dito kaso ng mga maglive-in partner, illicit relationships, pati na rin dun sa gf-bf relationship pa lang.

Bakit walang legal ties? Kasi walang kasal. Hindi mag-aapply dito yung mga scenario na nabanggit natin sa itaas. Mas lalong hindi sila magbebenefit dun sa DEATH OR PHYSICAL INJURIES INFLICTED UNDER EXCEPTIONAL CIRCUMSTANCES. Ibig sabihin, kung masaktan nila or mapatay ang ka-relasyon at kalaguyo nito, either frustrated murder/homicide or murder/homicide proper mismo ang ikakaso sa iyo (depende sa circumstances kasi pwede ring physical injuries lang ang ikaso naman sa’yo).

Bigyan ko kayo ng example ha. Recently kasi ay may napanood ako sa isang local tv station about sa isang lalaki na binuhusan ng ex gf niya ng asido sa mukha at pinagpapalo ito.

Base dun sa kwento, obyus na selos at galit ang nagtulak kay ex gf para gawin iyon kay lalaki dahil feeling nito ay niloko at pinaglaruan lang siya.

Ang siste, tinawagan ni ex gf si lalaki para puntahan siya nito sa clinic na prinagtatrabahuan niya. Pagdating ni lalaki doon, binuhusan siya ni ex ng asido sa mukha at saka siya pinagpapalo. Ang masakit nun, pati yung isa pang ka-trabaho ni ex ay nakitulong sa pagpalo kay lalaki.

Dahil lumabas na pinagplanuhan ni ex gf ang ginawa nito kay lalaki, FRUSTRATED MURDER ang ikinaso sa kanya.

We have to take note please that what was portrayed in the local television about the story of the male victim (Raymund Rodriguez) pertains only to the version of the victim. Hindi nagbigay ng kanyang version ang akusadong si ex gf. Sa ngayon ay dinidinig pa rin ng husgado ang kasong ito.

Bugso ng damdamin, ika nga. Tapos pag andyan na ang realidad na malaking problema pala ang pinasok mo dahil dyan sa tinatawag mong bugso ng damdamin, saka lang magsi-sink in sa’yo na napaka walang kwenta pala ng ginawa mo.

Simple lang iyan, kung ayaw na sa’yo bakit mo pagpipilitan ang sarili mo? Kung gaganti ka, justified ba? Worth it ba?

Eto pa ang common problems that may arise in cases of love triangle. Common ito sa mga babae.

Naglalakad ka sa mall, nasalubong mo si bf na may kasamang iba. Syempre, nagngingitngit ka sa galit at mega sugod ka. Sa halip na si boylet ang una mong hinagip, si karibal na girl ang pinag-initan mo. Sinabunutan mo, sinaktan mo, pinagmumura mo to the max hanggang sa nakuha mo ang atensyon ng buong mall. Nakatakbo si karibal na girl pero nahagip mo pa din. Not contented with inflicting physical pain to the girl, hinubaran mo. You stripped her naked in front of the by-standers who were either busy watching the scene or recording the scene in their mobile phones.

Justified ba ang ginawa ni karelasyong babae? Regardless of how we want to sympathize with her, walang justification talaga for physically injuring the third party and worst, from humiliating her in front of the crowd. Ang traumatic dyan ay hindi yung puntong binugbog mo siya kundi yung any minute from that, pagpipyestahan ang video niya sa social media. Habang-buhay na humiliation yan on the part of the third party.

Sinaktan mo iyan. Oras na magpa-medical yan, PHYSICAL INJURIES ang ikakaso sa’yo. Depende pa sa period of healing, maaaring SLIGHT PHYSICAL INJURIES, LESS SERIOUS PHYSICAL INJURIES or even SERIOUS PHYSICAL INJURIES ang haharapin mo. You slandered her when you stripped her naked in public. Mahina na ang SLANDER BY DEED DYAN. Pinagmumura mo siya at ininsulto sa publiko, may ORAL DEFAMATION ka. At higit sa lahat, sa suma-total na pinaggagawa m okay 3rd party, malamang ay magkaso siya sa’yo for DAMAGES.

Please don’t get the inculcated view that I am for the 3rd party. Nope. Pero we are giving you a wider perspective ano ang pwedeng mangyari sa ganitong eksena. Again, “ANONG MAAARING MANGYARI SA MGA GANITONG EKSENA”.

Ikaw na nanakit, maidedemanda mo ba sila ng CONCUBINAGE or ADULTERY? Syempre hindi. Hindi ka naman kasal dun sa isang party eh.

But you are not left with any remedy. The emotional and psychological scars are already there. If you are on either DATING or SEXUAL relationship with the man, you can file a case against him for Violation of RA 9626 (please see DAY 8 and DAY 11). Kung may link or proof ka na kasabwat dito si 3rd party sa emotional trauma that you are going through, you can include her as conspirator (Lim ve Lim et al., case [2008]).

Pero you have to show proof that you are indeed suffering from psychological violence. One way of proving it is through a clinical evaluation of a psychologist. Wag naman yung mere allegation lang. Otherwise aabusuhin na nang lahat ng mga babaeng iniwan ng kanilang respective partners ang provision ng RA 9262, particularly on psychological violence.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s