Sampol Ng ASTIG Na DISCLAIMER

Ako ay isang manunulat.  PERIOD.  Lumilikha ako ng samu’t saring kwento gamit ang aking imahinasyon at pandama.  Pinupulot ko ang mga katha tuwing umuulan, bilog ang buwan, sa loob ng jeepney, habang nagkakape sa Sulo Hotel, nakikipag kwentuhan sa Pan Pacific, sa labas ng simbahan o habang kumakain sa loob ng Jollibee.  Nagmamasid ako sa paligid at doon ko hinahabi ang kwentong nais kong isulat.  Labas dito ang personal kong buhay.  Isa akong pribadong tao at di ko balak magpakilala sa iyo.  PERIOD.  Masaya na akong nakikilala mo lamang ako sa pagkakilanlang iniwan ko sa iyo. 

Kung sakaling nahahalintulad sa tunay na pangyayari ang mga nasusulat dito, well, feeling mo lang yon. 

Pero salamat na rin at nadama mo ang panulat ko.  Salamat dahil napa-ibig kita sa mga kuwento ko.  Salamat at natakot ka sa mga babala ko.  Salamat at napaluha kita at kung minsan ay napatawa na rin.  Salamat at nagselos ka at nakadama na rin ng galit.  Ito ay patunay na isa nga akong manunulat.  Ito ang tunay na layunin ko: ang kumiliti ng iyong nahihimpil na imahinasyon.

Oo nga pala.  Mukhang na-misinterpret mo ang mga panulat ko at inakalang ang lablab posts ko ay para sa kanya.  Hayan, tinira mo ako nang husto sa blog site mo at nilinaw na ayaw mo “kuno” sa akin at wag na wag akong makikipag close sa iyo.  Haler!!!  Para namang ang laki ng inambag mo sa lipunan at parang kung magugustuhan mo ako ay aangat ang ekonomiya ng Pilipinas (sira ulo ka ba).

Ang mga posts ko ay produkto ng malikot kong imahinasyon at mapanuring kaisipan.  Hindi ito para sa kanya, excuse me.  Ano ako, bale?  Libre, ganun?  Ipo-post mo pa kung saan-saan ang pagkakilanlan ko at i-a-add sa facebook para gawing laughing stock ng audience mo.  Na-wrong number ka dito, teh.  Baka ibang blogger ang hinahanap mo, although pwedeng kasing ganda’t seksi ko, malamang hindi kasing lakas ng sex appeal ko ang kumag na yan.  At dahil dyan, MANGINIG KA NA.  Una ay wala akong pakialam sa buhay mo.  Pangalawa, di tayo lebel (alam mo ang ibig kong sabihin).  Pangatlo, di ko kayo kilala so in other words, YOU don’t exist to me.  Takot ka?  Good.

p.s.  Madali akong maghanap ng address para mapadalhan ang kaaway ng subpoena.  Gusto mo i-try?

p.s.s. Takot ka pa rin?  Sampol lang yan.  Di yan totoo.  Pero pwedeng gamitin as reference in the future, hihihihi.TONGUE

14 thoughts on “Sampol Ng ASTIG Na DISCLAIMER

  1. hello, biatch… natawa ako sa “good.” simple pero rock, ikaw na.🙂 at may pic pa sa huli, hahaha. kainaman ka… oy, may utang pa me sa ‘yow. hope you’re not too stressed lately, dear. hope you are kept and warm. ^^

  2. haha nag iisip tuloy ako ^_^ nung 4th year high school ka saan ka nakatambay hahahaha

  3. Pingback: sa mga ka-blogs na nang-ookray… | doon po sa amin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s