LAW FOR THE IDIOTS: Day 17 (Swindling A Minor and Other Deceits)

Mas maganda kung nabasa ninyo yung post ko sa law For The Idiots: Days 4 and 16. 

May apat (4) na elements tayong tatandaan dito sa swindling of a minor.  Ito ang mga sumusunod: 

  1. nag take advantage ang offender sa inexperience, emotion or feelings ng isang minor;
  2. ininduce o kinumbinse ng offender ang minor na: (i) mag-assume ng obligation; (ii)magbigay o magrelease; or (iii) mag-execute ng transfer of any property right;
  3. para ito sa pag-utang ng pera, credit or personal property; at
  4. ang transaksyong ito ay nakaagrabyado dun sa menor de edad.

 

  • EXAMPLE: Lumayas si A na isang menor de edad.  Syempre wala ng pera si A.  Ang ginawa niya sinangla niya kay B ang relo nito.  Ang usapan nila ay P2,000 ang sangla.  Binigyan ni B si A ng resibo for P2,000 pero nang ibigay na nito ang amount sa bata, P1,500 lang ang iniabot nito dito.  Hindi na pumalag yung bata kasi in dire need siya ng pera at takot siyang magprotesta sa matanda, yun nga, kay B. 

NOTE:  Dito sa example nating ito, actual proof of deceit is not essential because it is sufficient that B takes advantage of the inexperience or emotions of the minor, A. 

  • Hindi pwedeng ang object dito ay real property ha.  Kasi nga dahil menor de edad yan, walang authority para magconvey ng real property without judicial authority yan. 

 

Ang pinaka huling uri ng swindling natin ay makikita sa 318.  OTHER DECEITS kung tawagin ito. 

Itong OTHER DECEITS ay may dalawang uri: 

  1. by defrauding or damaging another by any other deceit not mentioned in the preceding articles (o yung hindi covered ng anumang uri ng swindling/estafa na na-tackle na natin); at
  2. by interpreting dreams, making forecasts, by telling fortunes, or by taking advantage of the credulity of the public in any other similar manner, for profit or gain
  • Itong 318 or OTHER DECEITS ang pinaka broad kasi lahat ng uri ng panloloko na hindi sasaklaw dun sa ibang estafa na napag-usapan natin, or from 315 to 317, mahuhulog dito sa 318.  Kaya nga hindi nila binigyan ng definite form eh para mahulog dito.  But just like any other forms of estafa, essential ang deceit dito.
  • Halimbawa, yung kunduktor nangolekta ng bayad dun sa pinaka malayong trip and yet ang ticket na binigay lang dun sa pasahero ay para sa pinaka malapit na trip, ayan, estafa under 318 daw iyan.  Kasi nga hindi mahuhulog sa anumang uri ng estafa ang panggagantsong ginawa ng kunduktor but still may deceit pa din.  Dito siya ngayon sa 318.
  • Isa ding example dito yung halimbawa magha-hire ka ng sasakyan tapos wala ka palang pambayad dun sa sasakyan.  Alam mong wala kang pera and yet you engaged the services of the common carrier.  Ayan, since di iyan magfo-fall sa ibang klaseng estafa, dito siya sa 318. 

Iba ito dun sa 2(e) ng 315.  Kasi particularly mentioned dun na food, beverages or accommodation yung tinutukoy dun. 

  • Isa pang example: Halimbawa namasukan si A na katulong kay B.  Wala pang isang lingo ay nagpa-advance na ito ng sahod kay B.  Nang makuha ni A ang advance niya hindi na ito nagpakita pa kay B.  

Ang ginawa ni A does not fall in any other kinds of estafa.  Pero may deceit.  May false pretense.  Dito siya ngayon malalaglag sa 318. 

  • Isa pang halimbawa: Itong si A naglagay ng pwesto sa Quiapo.  Hinikayat niyang magpahula si B sa kanya kasi gifted daw siya “kuno”.  Pero ang totoo, di naman talaga siya nakakahula.  Pagkatapos ng session siningil pa niya si B ng P500.  Yun daw ang bayad sa panghuhulang ginawa niya.

 

SAMPLE CASE:

(People vs Ganasi, C.A., 61 O.G. 3603)

 

Ganito kasi yan, itong si A ay nangutang kay B.  Para ma-secure yung utang niya, sinangla ni A ang lupa niya kay B (tawagin nating Lot 1 ito).  Pinakita ni A ang plan kay B at dun nga medyo naging interesado si B kasi patag yung lupa.  Para mas maganda, isinama pa ni A si B sa lupa niya for ocular inspection.  In other words, na-convince si B.  Bagay daw kasing gawing carpentry shop yung lugar.  So from there, nagkapirmahan sila ng Deed of Mortgage.  Ang kaso hindi nabayaran in due time ni A si B kaya A decided to sell the land to B instead.  No problem naman kay B kasi type niya yung lupa. After maayos and deed of sale dali-daling nagpunta Register of Deeds si B para maparehistro ang transfer of ownership.  Kaso when he arrived there, he was informed na hindi yung Lot 1 ang ibinenta ni A sa kanya kundi yung Lot 2 na pangit, hindi patag at maburol.  In other words, hindi magfi-fit ang Lot 2 dun sa plano ni B na tayuan ng carpentry shop.

 

Ayan, ang estafang ito daw ay magfo-fall under 318 kasi hindi ito mahuhulog sa kahit na anong uri ng estafa.

 

Hindi siya pwedeng mahulog 1(a) ng 315 (by altering the substance, quantity or quality of anything of value which the offender shall deliver by virtue of an obligation to do so, even though such obligation be based on immoral or illegal consideration).  Kasi daw wala namang alteration na naganap.  Isa pa, ang 1(a) is committed by unfaithfulness or abuse of confidence.

 

Now since hindi siya pwede sa 1(a) ng 315 or sa kahit na anong uri ng estafa or swindling, dito ngayon siya dapat mahulog sa 318.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s