Dear Ex

 

Dear Ex

 

Ang ganda ko na ngayon. 

Long hair na ako at laging bagong rebond.  Kulay red na rin ang buhok ko.  Di gaya nung dati na maitim siya at wavey.    Wala na siyang lisa at amoy Palmolive na —yung kulay pink ha.  Wala na rin siyang split ends.  Expensive na siya ngayon tingnan.

Maputi na rin ako.  Pinag-ipunan ko talaga ang bote ng glutathione.  Nilalaklak ko siya na parang mani lang.  At wala akong pakialam kahit tamaan pa ang atay ko basta pumuti lang ako (kasi alam kong mahilig ka sa mga chicks na maputi).

Ang sexy ko na rin ngayon.  May b**bs na ako.  Nagsale kasi yung derma sa kanto.  Nilagyan nila ng gelatin kaya umaalog-alog.  Next pay day ilong naman ang pag-iipunan ko.  Oo, marami na akong pera at buti nga sa’yo kasi di kita pauutangin kahit gumiling ka pa sa harap ko.  Di mo na ako maaakit.  Madami na akong boys at kabilang dun yung poging Hapon na regular sa club.  Ako kaya ang peborit nun.

Wala na rin yung mga balahibo ko sa hita at kilikili.  Pina-ahit ko na ng bonggang bongga.  Maglaway ka ngayon pero di mo madidilaan ito. 

Mabango na rin ako ngayon.  Nag shift na ako from Charmis.  Imforted na ang pabango ko.  Yung buy 1 take 1 sa 168, third floor sa gilid ng elevator malapit sa food court.  Susyal na ako at marunong na ako mag inglesh (“Did you walk or did you run?  Of course, did you walk!”)

Ang ganda na ng balakang ko ngayon.  Gumana na sa wakas ang ilang taong pag-inom ko ng Diane.  Sayang, magugustuhan mo ang bago kong hubog mamatay man ang ka-live in mo ngayon.  Pero manigas ka dahil hindi na talaga kita papatulan.  Iniinggit na lang kita.

Makinis na rin ang mukha ko.  Wala na yung mga uka na nilalagyan mo pa ng langgam na pula kapag natutulog ako.  Mahihiya ka na tumabi sa akin.

Ex, namimiss naman kita impeyrnes.  Pero iba na ngayon ang taste ko at ayaw ko na sa amoy araw.  Sensitive na kasi ang pang-amoy ko pati na rin ang skin ko lalo na sa mga mukhang kabayo.  Sayang, kung boypren pa kita malamang pinagawan na kita ng pustiso para hindi ka na nila lolokohing kabayo at ako ang kutsero.

Ex, nag move on na rin ako.  Okay lang kung pinagpalit mo ako kay Duday.  Balita ko kasi ay losyang na siya at apat na ang sus*.  Buti nga sa’yo.

 

 Ang nakadila ngayon,

 BOGART. 

 

P.S.

Oo nga pala.  Kung hahanapin mo ako sa Kulasisi, just look for Kim.  That’s my new name.

 

 

14 thoughts on “Dear Ex

  1. Lintik yan si Bogart pala ang nagsulat! Hahahaha

  2. Ang dami naming tawa dito, mga 1,348. Sana’t magtuloy-tuloy ang kaligayahan ni “Bogart”.😉

  3. Hihi… Kainggit sya. Sya na… Timang ka, batch.😉

  4. ikaw na ang may ex. mustasa?

  5. paki bigay nga number ni bogart ng ma text..nice one for this😉

  6. pakilala mo nga sa kin si Bogart🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s