Spade

nag-aabang sa takipsilim
pagkat magpapakita muli ang minimithi
sampong taong tagong lihim
nasaan ka’t magpakita na sa akin?

sa halip ay isang matalim na punyal
ang biglaang patraidor na itinarak
nilingon kung sino ang Hudas
si minimithi pala at wala ng iba pa!

O bakit, BAKIT IKAW?!
ano ang aking naging sala?
ito ba ang kabayaran
at kapalit sa aking katapatan?

O makapangyarihang langit
paliparin ang naglalagitgit na galit!
sampung taon mula ngayon
ako ay iyong ipaghiganti!

o malamlam na lawa
ibaon sa ilalim ang lihim na luha!
tahimik mo itong padaluyin kung maaari
hanggang ang sakit ay tuluyang mailibing!

ikaw, O IKAW!
traidor at WALANG PINAGKAIBA!
ano ang naging sala sa iyo
para kitilin ako ng ganito?

hanggang dito na lang ang pagal na paghinga
pagkat ako’y kinitil ng walang saysay
gula-gulanit na bangkang papel
di ko na magagawang angkinin

paalam…
paalam…
paalam…
paalam sa iyo o aking minimithi…

(nakita mo din ba ang tanong?)
(nahanap mo na ba ang sagot?)

WRITER’S NOTE: Spade in a deck of playing cards is associated with fighting, destiny and DEATH.

4 thoughts on “Spade

  1. O makapangyarihang langit
    paliparin ang naglalagitgit na galit!
    sampung taon mula ngayon
    ako ay iyong ipaghiganti!

    o malamlam na lawa
    ibaon sa ilalim ang lihim na luha!
    tahimik mo itong padaluyin kung maaari
    hanggang ang sakit ay tuluyang mailibing!

    – parang ‘diwatang nagalit at isinusumpa ang taga lupang taksil’ ang peg mo dito ah bwahahahah

    • hahahaha….kunwari lang yan para ma-justify yung galit ng isang betrayed lover na ang pumatay sa kanya mismo eh yung lover niya. sagwa naman kasi kung after the killing ang sasabihin niya, “i will miss you papi, miss mo din ako?” hahahaha! parang yung sa writing contest lang.

      ay kaya ganyan kasi siguro matatapos na mamayang gabi ang The Legal Wife at mag-iimbento na naman ako ng bago mong pangalan sa katauhan ni Bea😛

  2. Magandang love song din to a. Hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s