LAW FOR THE IDIOTS: Day 13 (Tsansing)

photo

Kapag nga naman tinawag nang pangangailangan ng laman, walang sinisinong biktima, walang pinipiling oras at wala ring pinipiling lugar. Kumbaga kung saan abutan, doon na gagawa ng paraan para, um, yon…mairaos.

Pero dito magkakaroon tayo ng distinction. May motibo ba gawan ng kahalayan ang biktima? O sadyang nakatuwaan lang na ikinainis at kinabastos ng biktima?

Tsansing para sa ilan ang tawag daw dyan (tama ba spelling?). Pero kelan ba nagiging simpleng tsansing lang at kelan naman nagiging preparatory sa RAPE ang tsansing?

Dalawang uri ng krimen ang pwedeng ma-involve sa salitang tsansing. Eto ang UNJUST VEXATION at ACTS OF LASCIVIOUSNESS.

Punta muna tayo sa una.

UNJUST VEXATION. Ano mang bagay na ikinairita, ikinainis, ikinagalit o ikinabwisit ng biktima, unjust vexation ang hulog. Kung hindi ito mahuhulog sa ano mang uri ng krimen, malalaglag siya sa tinatawag nating unjust vexation. Masyadong broad ito to include any human conduct which, although not productive of some physical or material harm, would unjustifiably annoy or irritate an innocent person. Na-annoy ka ba? Na-irita ka ba? Pwes, unjust vexation yan.

Walang specific crime para sa pananantsing, kung tutuusin. Pero kung ikakairita, ikakagalit, ikakabastos ito ng biktima, sa unjust vexation ang hulog nito.

Bigyan kita ng sample para ma-picture mo.

Noong college ako may kabarkada akong babae. Matapang na ale. Street smart. Palaban. At higit sa lahat, single.

Isang umaga nag-aantay siya ng jeep sa Quezon City Hall para mag report sa PIA kung saan kami nag o-OJT. Tamang-tama, may nagtitinda ng piña. So bili naman ang bruha at sabay papak habang pumapara ng jeep.

Prenteng-prenteng umupo ang bruha habang pinapapak ang piña. Maya-maya, may binatang sumakay at tumabi sa kanya. Gwapo. Makinis. Malinis. Mukhang papuntang opisina. At higit sa lahat, ang bango-bango!

Ayan na. Tinitigan nang husto ng bruha. Kasi nga naman baka iyon na ang moment na hinihintay niya para ma-meet yung lalaking pagsusukuan niya ng Bataan. Eto na yung kinukwento niyang mala-nobelang meet up ng soon-to-be boyfriend niya.

Siguro nakaramdam yung binata na tinititigan siya ng bruha. So tiningnan niya si friend. Sabay…wala lang. Dead ma. Di ata type ni guy si girl, kaya sabay talikod sa kanya ng lalaki.

Pero ang di alam ng binata, wrong move siya dito. Dahil pagtalikod niya na-expose sa paningin ng bruha ang makinis, maputi at mabangong batok nito.

Nganga ang bruha. Namuo ang mga laway sa magkabilang panga. Ewan daw ba niya pero parang gayuma na hinila siya palapit sa batok ng binata. Dapat daw ay aamuyin lang niya. Kaso di niya alam anong pumasok sa utak niya at nilabas din niya pati dila niya!

“Put*ng **a!” sigaw ng binata.

Tulala si friend. Nag panic! Kasi lahat nagtinginan sa kanila. Pati jeep huminto!

“Kadiri ka!” galit na bulalas ng lalaki habang pinupunasan ang basang batok. “PULIS! PULISSSS…!”

Namutla si friend! Kasi doon sa pinaghintuan ng jeep ay may mamang pulis na nakatambay.

“Anong problema dito?” tanong ni mamang pulis nang makalapit sa kanila.

“Eto kasing babaeng ito!” sabay turo sa namumutlang bruha.

“Miss ano bang ginawa mo?”

Nanginginig si friend, “Officer, inamoy ko lang naman ang batok niya eh.”

“Anong amoy?! Dinilaan mo ako!”

Di alam ni mamang pulis kung matatawa or maaawa sa bruha kasi gusto talaga siyang jombagin ng lalaki. Buti na lang kanyo at napansin niyang may hawak na plastik ng piña ang bruha.

“Eh boss, mukhang naglilihi. Nakatuwaan ka ata. Pagbigyan mo na.” Sabay paling ni mamang pulis sa bruha. “O ikaw miss, mag sorry ka na.”

“I’m sorry sir…”

“Bwisit,” sabay talikod ng nakabusangot na binata.

Tsansing daw yan, kantsaw sa bruha ng buong tropa. Pramis, gusto lang daw niyang amuyin kung totoong mabango nga ang batok niya. Di daw niya talaga namalayang nilabas pala niya ang dila niya.

Stop ngayon tayo dito.

Napansin mo? Walang motibo si bruha na gawan talaga ng any lustful move si lalaki. Kahit pa sabihin nating nadilaan niya ang batok. Broad day light yan ha at ginawa in public place. Pero dahil ikinainis, ikinabastos at ikinairita ng lalaki ang pandidila ng babae sa batok niya, pwedeng pumasok ito sa crime na UNJUST VEXATION. Kahit sabihin pa nating merong slight na pagnanasa ang babae. But just the same, unjust vexation pa rin iyan.

Eto naman ang isa:

ACTS OF LASCIVIOUSNESS. Ang tawag sa pangalawang crime natin ngayon ay ACTS OF LASCIVIOUSNESS. Eto yung mas malala kasi preparatory na ito sa crime of RAPE. Yung mga circumstances present sa RAPE ay necessarily present dito sa Acts of Lasciviousness. Kumbaga kung nagkaroon lang ng sexual intercourse, rape na ang crime. May lewd design dito o yung pagnanasa ng laman na tinatawag.

Hindi na ito simpleng pang-iirita or pang-aannoy dun sa victim dahil mas nakakatakot na ito. Pwede nang tumuloy sa rape kung may pagkakataon.

Take note that in this crime (acts of lasciviousness), present ang mga sumusunod:
• through force, threat or intimidation
• when the offended party is deprived of reason or otherwise unconscious
• by means of fraudulent machination or grave abuse of authority
• when the offended party is under twelve (12) years of age or is demented, even though none of the circumstances above be present

O TEKA HA. Linawin ko. May pagkakaiba ang ACTS OF LASCIVIOUSNESS sa ATTEMPTED RAPE. Kung ang purpose talaga ng offender is ma-jerjer talaga ang victim, ATTEMPTED RAPE na iyan. Pero kung wala naman at sadyang manyakis lang siya, ACTS OF LASCIVIOUSNESS yan.

Ang ACTS OF LASCIVIOUSNESS ay pwedeng gawin mapa lalaki man o babae. Unlike ng ACTS OF LASCIVIOUSNESS WITH THE CONSENT OF THE OFFENDED PARTY na necessary na babae lang yung victim. Remember yung topic natin sa DAY 12?

Eto bigyan kita ng sample ha:

Merong isang 15 years old na dalagita na dinala sa presinto kasi iniimbestigahan ito sa kasong pagnanakaw ng kwintas ng isa pang babae. So, ayun na nga, dinala ang dalaga sa presinto. Kasama niya ang nanay niya pero pinaiwan ito sa labas at pinapasok ang dalaga sa isang kwarto na walang bintana kasama si PO3 (si PO3 ang nag-iimbestiga).

Doon sa maliit na kwartong iyon ay pilit pinaaamin ang dalaga ni PO3 na siya ang nagnakaw ng kwintas. Hindi daw talaga siya, sabi ng dalaga. Tinutukan siya ngayon ni PO3 ng baril sa sintido sabay tulak sa kanya gamit nito kaya tumama ang ulo niya sa pader. Natural! Kahit sino manginginig sa takot kung tututukan ng baril! Eto pa kayang dalagita?

Tinanong siya, “Ninakaw mo ba ang kwintas?”

“Hindi po,” sagot niya.

Ang ginawa ni PO3, kumuha siya ng electric wire sa drawer, ininsert sa male plug sa isang socket. Sinabihan siya ni mamang pulis na ilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa at saka kinuryente ang mga daliri ng dalaga.

This time, tinanong na naman siya ni PO3 kung siya ang nagnakaw ng kwintas. Sinabi ulit ng dalaga na hindi nga raw talaga siya ang nagnakaw.

Nang hindi mapaamin ang dalaga, tinanong siya ni PO3, “Dalaga ka na ba?” Sabay segue ng mama, “Single din ako.”

Pagkatapos nga ay sinimulan ni PO3 na paghahawakan sa maseselang bahagi ang dalaga pati na sa dibdib nito, sa puson at sa private parts. Pinaghahalikan din daw ang dalaga sa pisngi. Nanlaban ang dalaga sa pulis pero, syempre, nagprevail sa kanyang sexual advances ang mamang pulis. Siguro nasa loob sila ng kwartong iyon ng mahigit sa isang oras. So imagine mo kung anong pasakit yung abutin ka ng ganung katagal sa loob!

O, pagkatapos nun, lumabas nga sila ng maliit na kwartong iyon sabay announce ni PO3 sa complainant na si Aileen na umamin na daw ang dalaga na siya ang nagnakaw ng kwintas niya. Lumabas ng kwartong namumutla ang dalaga at iyak ng iyak. Gulo-gulo din ang buhok nito at basa ang damit. May kapansin-pansing pasa din ito sa noo.

Pinayagan ng mga pulis na makauwi ang dalaga at ang nanay nito sa kondisyong babayaran nila ang halaga ng ninakaw na kwintas kay Aileen. Dahil sa kondisyon ng dalaga, dumiretso ang mag-ina kaagad sa ospital at pina-examine ito sa Medical Clinic of St. Luke. Binigyan din ng tranquilizer ang dalaga para mapakalma ito dahil sobra ang panginginig nito at mautal-utal sa pagsasalita na halos di maintindihan ang sinasabi. Nung umpisa pa nga ay di maintindihan ng doctor ang sinasabi ng dalaga. Pero nang kumalma na ito ay saka lang niya sinabi na kinuryente siya ni PO3 and was sexually molested by him.

Eto ang lumabas sa medical examination ng dalaga:

1. Slight contusion over occiput region.
2. Slight contusion over center area of forehead.
3. Multiple slight contusions of fingers of bilateral hands.
4. Multiple slight contusions of bilateral breast areas.
5. Slight body tremors.

Diagnosis: Slight Physical Injuries

Dahil dito, kinasuhan si PO3 ng Acts of Lasciviousness.

In the long run, GUILTY ang hatol sa kanya ng korte. Apila naman si mamang pulis sa Court of Appeals. Pero pagdating niya dun, sinustain ng CA ang findings ng lower court.

Not contented, takbo naman siya ngayon at nag-apila sa Supreme Court. Nagkamali daw ang CA sa pag affirm ng conviction niya sa kasong Acts of Lasciviousness. Inaamin naman daw niya na pinaghahawaka niya ang dalaga, pero tsansing lang daw yun. At yung pananantsing niya ay hindi nangangahulugan ng acts of “pagnanasa” (lewdness). At most, dapat i-convict lang daw siya sa crime ng Unjust Vexation kasi simpleng tsansing lang yun. Isa pa, habang pinaghahawakan naman daw niya yung dalaga e tinatakpan naman daw nito yung mga maseselang bahagi ng katawan niya so di totally na-tsansingan ni mamang pulis. Higit sa lahat, hindi daw pinahihintulutang ng pulis station ang penetration ng mga krimeng kagaya ng acts of lasciviousness.

Sabi ng SC, “ah mali ka dyan.”

Para ma-convict ang isang akusado sa acts of lasciviousness dapat dw ay present ang mga essential elements na ito, gaya ng: (1) that the offender omits any act of lasciviousness or lewdness; and (2) that it is done under any of the following circumstances: (a) by using force or intimidation; (b) when the offended woman is deprived of reason or otherwise unconscious; or (c) when the offended party is under 12 years of age.

Ano ba yung salitang “LEWD”? Sa salitang kanto eto kasi yung “manyak” moves eh; pagnanasa, kumbaga. Pero eto, hiramin natin yung meaning na sinabi ng SC sa kasong ito:

“The term ‘lewd’ is commonly defined as something indecent or obscene; it is characterized by or intended to excite crude sexual desire. That an accused is entertaining a lewd or unchaste design is necessarily a mental process the existence of which can be inferred by overt acts carrying out such intention, i.e., by conduct that can only be interpreted as lewd or lascivious.”

Mahirap naman daw talaga mag lay down ng rule specifically establishing what conduct is lewd. So dahil state of mind siya, at di natin mabasa ano ang nasa utak ng gumagawa ng lewdness na ito or nung “manyak” acts, ang titingnan dito eh yung circumstances present nung ginawa niya ang “manyak” moves. Mahirap daw kasi talaga i-draw ang demarcation line between dun sa “manyak” moves sa amorous advances ng isang mangingibig.

Sabi ng SC, “Ah, dito sa kaso mo PO3, hindi lang yan simpleng Unjust Vexation. Kasi ang purpose mo ay hindi naman talaga para i-annoy or i-irritate ang dalaga para umamin siya sa kasong pagnanakaw. Kasi kung pag-amin lang ang pakay mo, magagawa mo na iyon nung kuryentihin mo siya e! Kaso hindi eh. Intention mo talagang i-gratify ang sexual desires mo”.

Mantakin mo nga naman paghahalikan mo yung dalaga, lamutakin mo yung eng-eng niya, paghahawakan mo yung *toot *toot niya. Kundangan ba naman na ang intention mo talaga e pawiin ang salacious desire mo.

Alam mo kung saan si mamang pulis kinakitaan ng lewd design? Eto ay nung tanungin pa niya yung biktima na, “Dalaga ka na ba?” sabay segue niya ng “Single din ako eh,” habang pinaghahawakan niya yung dalaga. So lewd acts na iyon eh, o yung tinatawag nating “manyak” moves. O, bukod pa daw nagmash potato pa si PO3 tapos may “may I touch yours” pa at paghalik-halik sa pisngi. O diba? Hindi yan simpleng Unjust Vexation lang.

Sabi pa ng SC, “O eh ano ngayon kung kinokover naman daw ni dalaga ang dibdib niya habang ina-attempt ni PO3 tsansingan siya sa dibdib?” The fact is, he succeeded in his mash potato attempt kasi nga lumabas sa medico legal ni girl na sa breat areas nito ay may multiple slight contusions. Ibig sabihin, gigil na gigil na pagmamash potato ang ginawa mo PO3.

Ayan, pasok din dito yung circumstances ng rape ha gaya ng force at intimidation. Obyus naman sa kung anong ginawa ni PO3 sa dalaga doon sa loob ng maliit na kwarto.

Sabi pa ni PO3 imposible naman daw na pagnasahan niya yung dalaga e nasa loob sila ng presinto at hindi iyon tinotolerate sa kanilang police station. Isa pa, bukod sa araw iyon, yung nanay ng dalaga e andun lang sa labas ng kwarto!

Sabi ng SC sa kanya, “alam mo mamang pulis, pagtinamaan ka ng libog, walang pinipiling oras at lugar yan. E di ba kayo lang dalawa ang nasa loob ng maliit na kwartong iyon?” So more likely nga naman maisakatuparan ni PO3 ang kanyang manyak moves.

Ayan, sustain ang conviction ni PO3.

SOURCES:

Article 287 of the Revised Penal Code
Article 336 of the Revised Penal Code
The Revised Penal Code, Book II by Justice Edilberto Sandoval
People vs Gozum, 54 O.G. 7412
Sombilon, Jr. vs People, G.R. No. 175528, 30 September 2009

14 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 13 (Tsansing)

  1. Good post and such a strong blog entry! I am well-informed. Humanda sila sa ‘kin!

    How about if mga kanto or tambay calls out street names on you? Wherein one should find it as a compliment but, thereby, offensive for the woman? Any article or act that covers that scenario?

    • same thing sis, if it annoys, vex or irritates you, you can sue for unjust vexation. are you back in Manila? when’s our coffee date? I haven’t seen him around these past few days

      • Noted with thanks! Mostly, annoying pero I just ignore na lang their cat calls or whatever that is.

        Not yet and most likely, I’ll be back to Manila this weekend.
        Lumipas na bday ni bes. Any plans you have in mind?🙂

      • Ayaw gumana ng brain cells ko. Actually he wants the 3 of us to go out although he did not give a definite date. Let’s just surprise him (before he leaves for a vacation anyway di niya ito mababasa, shhhh….)

      • I know he’s leaving for abroad?
        yes, sshhhh! Haha! But, how can we surprise him kaya?
        Haha

  2. tahimik na lang muna ako. (muna lang)

  3. hoy Nicole…hehehe….sa dinami dami ng sinulat mo ang talagang napansin ko ay yung babaeng kumakain ng pinya….hahahaah…napaka rare ata ng kasong ito bwahahahha

    • shhhh….wag kang maingay monica. blogger yung babae. PATAY KA! ISUSUMBONG KITA AT AKIN NA LANG SI KOYA PAG WALA KA NA! (charot)

      • oh may ghad haha. makikita nya ba ako dito? hala magtatago muna me…cge sayo na si KOYA hahahah….tulungan mo na rin kami sa annulment namin para sayong sayo na sya bwaahahhaha

  4. Ang mas nakakaintriga e kung bakit nairita si lalaki nung nadilaan sya sa batok nung babaeng may pinya. Hmmm…. Hindi siguro pinatikim yung pinya…. Hmmm…

  5. omaygash! ganun pala un🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s