pares

P&M_0074

Nasaan nga ba ang kapares
yaring suot-suot na singsing?
Nawala sa akin na parang bula
Ninakaw ng langit bigla-bigla

Walang pasubali
Walang pasintabi
O kapares na singsing
Saan nga ba kita hahanapin?

Hinalugbog ang kawalan
Baka sakaling matagpuan
O kapares na singsing
magpakita ka na sa akin!

Di mo pa ba nababatid
Ako’y di sin tatag gaya ng iniisip?
Lumuluha din gaya nila
Nangungulila tulad nino man

O kapares na singsing
sabihin ano ang dapat tupdin
Idikta ang bulong ng takda
pagkat ako’y lubos na nahihirapan

Bigyan linaw ang bawat patlang
Lagyan ng tuldok ang katapusan
Ako’y di makausad-usad
Nang walang mahagilap na sagot sa hinahanap

O hanging malamlam
Ako’y magpapahatid muli ng liham
Dalhin yaring munting lihim
Kung saan naroroon ang kapares na singsing

Hindi dito matatapos
ang tahimik na pag-agos
Hinding hindi ako mamamaalam…

…hindi ito ang huling paalam.

Sa huli ay magtatagpo rin ang magkapares na singsing.

DISCLAIMER: Music video used does not belong to the writer.

3 thoughts on “pares

  1. #boompares hehehe

    • speaking of pares, wala ba kayong blog sa pares? yung mura lang?😛

      • Yung pinaka-nasarapan kami na pares e yung sa NS Amoranto St. Pares Mami House yung katabi ng Noodle King. Yung nagdadala ng masarap na lasa e yung fried rice at medyo malitid yung laman (gusto ko kasi ganun e hehehe). Masarap din yung Buttered Chicken nila. Mura na masarap pa kaya halos puno parking palagi at standing ovation.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s