LAW FOR THE IDIOTS: Day 11 (Battered Wife Syndrome)

butter-sculptures46_995792c
Note: While new in Philippine jurisprudence, the concept has been recognized in foreign jurisdictions as a form of self-defense or, at the least, incomplete self-defense. By appreciating evidence that a victim or defendant is afflicted with the syndrome, foreign courts convey their “understanding of the justifiably fearful state of mind of a person who has been cyclically abused and controlled over a period of time (see: sources).

Ang topic natin ngayon sa Law for the Idiots ay related sa dalawang past topics na natin; ang Violence Against Women at Self-Defense. Hiniwalay ko talaga ang topic na ito para hindi masyadong broad ang coverage ng ibang subjects.

Di naman bago ang eksena dito. Baka nga sa community ninyo, merong ganito. Bukod sa paboritong eksena sa radio at telebisyon, paboritong topic din ito ng mga mahahadera at chismosa mong kapit-bahay.

Typical scenario lang. Eto si babae. Alam nating lahat na sa araw-araw na ginawa ng Diyos, bugbog sarado siya kay mister. Pero tuwing nakiki-alam ang ilan at sasabihing iwan na lang ang abusadong lalaki sasabihin niyang, “mahal ko kasi siya e.” Letchugas na pagmamahal na iyan. Just the same, pare-pareho tayong hihirit at pamumukha sa kanya na di na iyon tama. Pero ang sasabihin lang niya ay, “magbabago pa siya.” Anak lang ng krema de pruta di ba.

Pero totoo naman. Nagtataka tayo bakit ba nila pinipilit na manatili sa ganoong klaseng abusive relationship. Is it because these women think that no other man will love them the way their man loves them? Is it companionship and fear of being alone? Sustenance, perhaps? We can never tell. But as far as our legal system is concern, it becomes a dangerous pattern.

Please don’t get me wrong. Hindi ako feminist. It just so happen na yung mga topic na sinusulat ko dito ay same topic na sinusuggest sa isang raket ko. Syempre para isahan na lang diba. Gumawa ako ng script ko doon e di might as well i-convert ko na din as blog. Baka mag-alboroto na ang boys. Yaan nyo, bawi tayo next time. Isip tayo ng maganda na makakabawi kayo ng todo-todo.

Syempre, dahil blog ko ito bawal ang epal. Wag nyong gawing source ito kasi nga ang Law For The Idiots is designed only for the understanding of the layman o yung walang ka-background-background sa batas. We will refrain from using technical terms and will explain the subject matter in such a way that the layman can easily digest. Hindi ito para sa mga “uber” talino at nagpapanggap na matalino.

Madalas mo na sigurong marinig ang battered wife syndrome ano. Naku, bopols ka pag sinabi mong eto yung mga wife na pinapahiran ng butter at pag naubos ang butter ay margarine naman tapos sa huli ay bubudburan pa ng sugar. Parang ensaymada lang sa bekeri diba.

Pwera biro, eto sila o:

Battered Wife Syndrome-this refers to a scientifically defined pattern of psychological and behavioral symptoms found in women living in battering relationships as a result of cumulative abuse.

Okay ba? Kinuha ko definition nyan sa RA 9262 o yung batas natin para sa VAWC.
Mahalaga ang pag-aaral patungkol sa battered wife syndrome. Kasi nga natatanggal o di kaya ay nababawasan ang criminal liability ng babaeng akusado once na mapatunayang meron siya nito.

Remember justifying circumstances which we tackled in DAY 1? Dito papasok yung SELF-DEFENSE.

Kung hindi man totally matanggal, at least nababawasan ang criminal liability. Pero gaya ng ibang justifying circumstances na meron tayo under the Revised Penal Code kung saan walang criminal at civil liability ang akusado, kailangang dumaan sa butas ng karayom ang akusadong babae na nagke-claim ng battered wife syndrome.
Yung tinatawag natin na “burden of proof” ay nasa kanya. Kumbaga, nababaligtad. Gaito kasi yan, sa criminal cases ang may “burden of proof” na patunayan na guilty beyond reasonable doubt ang akusado ay nasa prosekyusyon o dun sa humahabla. Pero once na mag claim na ng justifying circumstnace kagaya ng battered wife syndrome or self-defense, mababaligtad. Ikaw na nagke-claim ng self-defense ang may “burden of proof” na ngayon para patunayan na applicable sa’yo ito at dapat ay mapawalang sala ka.

So bakit nga ba nababaligtad o nashi-shift ang burden ng pagpapatunay? We must not forget na may napatay pa rin sa kwento, may nasaktan pa rin sa kwento. At iyon nga ang batterer o yung abusive partner. Kahit gaano pa kawalang hiya ang lalaking iyan, wag natin kakaligtaan na mahalaga pa rin ang buhay ng tao. That’s the reason bakit hindi ganoon kadali patunayan ang self-defense, lalo na itong BWS (battered wife syndrome). Kung hindi siya papasok sa de-kahong elements ng syndrome na ito, kailangan niyang pagdusahan ang penalty para sa nasabing krimen. Para sa kaalaman nating lahat, bago lang sa atin ang BWS na ito, lalo na sa pag-invoke nito sa korte as a defense.

Battered woman -eto iyong babaeng paulit-ulit na nagiging subject sa ano mang uri ng mapang-ahas na pag-uugali, physical man o psychological, ng isang karelasyong lalaki para mapilit siya na gawin ang isang bagay na gustong ipagawa sa kanya na walang paki-alam o pakundangan sa karapatan ng nasabing babae.
Kapag sinabing battered woman, kasama dito ang legal na asawa or kahit na sinong babae na nasa isang uri ng intimate relationship doon sa mapang-abusong karelasyong lalaki.

Pero bago ma-classify na battered woman, ang couple ay dapat dumaan o dumadaan sa tinatawag na “battering cycle” at least twice. Kahit na sinong babae ay pwedeng na-involve sa isang abusive relationship with a man once. Pero kung mananatili pa rin siya sa ganung klaseng relasyon at mauulit ang pang-aabuso, ayan, ang tawag na sa kanya ay “battered woman”.

So nakita mo? Dapat at least twice na mauulit yung cycle ng abuse at mananatili pa rin siya sa relasyong iyon in order for her to be categorized as a battered woman. Kung once lang yan, out na yan sa kwento at di na yan case ng battered wife.

Sabi nila palatandaan daw na battered woman ang isang babae ang mga sumusunod:
 pagkakaroon ng low self-esteem,
 traditional na belief sa role ng kababaihan
 emotionally dependent sila sa dominant na karelasyong lalaki.
 May tendency din daw sila na akuin ang responsibilidad sa mga actions ng mapang-abusong karelasyong lalaki (sinisisi ang sarili)
 (At take note ha) meron din silang false hopes na mag-iimprove pa ang karelasyon nila.

Pamilyar ba? Ilan lang yan sa mga signs na nabanggit. Maaari pang madagdagan depende sa kumporme.
Sabi nila, the battered woman syndrome is characterized by the so-called “cycle of violence”. Itong cycle of violence ay may three (3) phases: (1) the tension-building phase; (2) the acute battering incident; and (3) the tranquil, loving [or at least, nonviolent] phase.

Bored ka na ba? Teka, importante kasi ang tatlong yan. Malalaman mo mamaya kung bakit. Ganito, try ko i-explain ng pinaka simple ha.

Sa tension-building phase, minor battering lang. Papetiks-petiks lang. Pwedeng verbal o di kaya ay slight physical abuse or kahit na anong abusive behavior. Sa stage na ito, tina-try pa ni babae na paamuhin o pakalmahin si lalaki. Siguro ang appropriate term for you is “awatin”. So inaawat or pina-pacify niya si lalaki through a show of kind, nurturing behavior. O di kaya, by simply staying out of his way. Pero ang totoo hinahayaan na niya na abusuhin na siya. Yun nga lang, para sa kanya, minor lang naman daw iyon. Para kay babae, pinipilit lang niyang huwag mag escalate o lumala ang violent behavior ni lalaki.

In one case, sinabi na itong technique na ina-adopt ni babae is usually unsuccessful kasi mas lalong lumalala ang verbal and/or physical abuse ng partner niya. Ang sabi pa, “each partner senses the imminent loss of control and the growing tension and despair. Exhausted from the persistent stress, the battered woman soon withdraws emotionally. But the more she becomes emotionally unavailable, the more the batterer becomes angry, oppressive and abusive”. Hanggang sa nagiging out of control na nga at nagiging acute battering incident na.

So dun na tayo ngayon papasok sa pangalawang phase o yung tinatawag nilang acute battering incident. This is characterized by brutality, destructiveness and sometimes, death. The battered woman deems this incident as unpredictable, yet also inevitable. Kagulo na dito ng katakot-takot. Wala ng control dito si babae at yung batterer na lang ang pwedeng tumapos ng violence. The batterer is always much stronger physically, and she knows from her past painful experience that it is futile to fight back. Dahil nga this phase is said to be savage and out of control, minsan pati nga bystanders o yung mga “usi”, pati na rin yung mga umaawat, natatamaan o nadadamay.

Ang final phase natin ng cycle of violence ay nagsisimula pag natapos na ang acute battering incident. Eto na yung tinatawag nilang tranquil period. Lalambingin na ni batterer si babae kasi alam niya na nagawan niya ito ng mali. Susuyuin, mag sosorry, tapos syempre mangangako na hindi na niya uulitin kuno. Pero ang totoo…neknek mo. Syempre on the part of the woman, papaniwalain niya ang sarili niya na hindi na nga mauulit ang ginawa sa kanya ng batterer (oo nga pala, batterer ang tawag natin dun sa abusive male partner ha). Papaniwalain ni babae ang sarili niya na magbabago na talaga si lalaki at pramis na katakot-takot yan; na babalik si lalaki sa pagiging “good, gentle and caring man” na unang minahal niya. Pero, again, neknek mo.

O ayan. Hiningal ka ba sa 3 phases? Dapat kumpleto yan. Bawal magkulang. Bawal ang short-cut. Pero ang higit sa lahat, dapat mauulit ang cycle na iyan. As much as possible, twice. Di pwedeng isang beses lang daw. Otherwise, hindi ka battered wife. Kalokohan diba? Parang sinabi sa’yong pabugbog ka muna ulit para makaligtas ka. Joke lang. Pero di nga, yun kasi ang concept nun e. Despite the fact na violent ang relationship nyo, you still managed to stay. Again, dapat may repetition ng 3 phases. Cycle, ika nga.

Idagdag ko na rin dito ang sinabi ng Supreme Court sa isang kaso. Ang sabi: “A battered woman usually believes that she is the sole anchor of the emotional stability of the batterer. Sensing his isolation and despair, she feels responsible for his well-being. The truth, though, is that the chances of his reforming, or seeking or receiving professional help, are very slim, especially if she remains with him. Generally, only after she leaves him does he seek professional help as a way of getting her back. Yet it is in this phase of remorseful reconciliation that she is most thoroughly tormented psychologically.
“In this phase, she and her batterer are indeed emotionally dependent on each other -she for his nurturing behavior, he for her forgiveness. Underneath this miserable cycle of ‘tension, violence and forgiveness,’ each partner may believe that it is better to die than be separated. Neither one may really feel independent, capable of functioning without the other.”

So feeling nila partner sila, ganun. Isang taga-bugbog, isang punching bag ika nga.
Since ang battered wife syndrome is actually a state of mind, dapat patunayan ito. Hindi pwedeng basta kung sinu-sino lang ang witness mong pwedeng tumestigo na may battered wife syndrome ka. Dapat expert witness na may kakayahang mag examine sa pasyente and mag evaluate na ang behavior nga niya ang tutugma sa tinatawag nating “battered wife syndrome”. Pwedeng psychiatrist or any specialist who is qualified to testify on this matter. Pero please lang! Huwag ang kapit-bahay mong tsismosa!

Alam mo ba kung bakit pinilit kong ipaliwanag sa’yo ang three (3) phases? Kasi in most cases, yung unang phase lang ang napapatunayan nila. Naliligtaan na yung dalawa. And worse, kung sakali mang makumpleto ang 3 phases, nalilimutan nila na after ma-complete ang 3 phases na ito, dapat ay maulit uli ang 3 phases. Otherwise, di mo pwedeng ipagpilitan na may battered wife syndrome sya. Kaya nga cycle eh di ba?

Eh teka, what’s the big deal ba kung may battered wife syndrome siya or wala?
Ganito kasi yan. In most cases ng mga battered wife, pumipitik talaga sila. Syempre lahat naman tayo may certain level of patience and control. Sila umaabot na sa sukdulan at lumalaban na sa batterer. In worse cases, napapatay nila ang batterer.

Kung mapapatunayang may battered wife syndrome ang akusado, natatanggal ang criminal liability niya or nababawasan ang criminal liability. Parang pinapasok nila as self-defense.

Eto, may kwento ako sa’yo.

Typical girl boy na nagka-inlaban. Nauwi sa kasalan kahit na may tumututol. Gaya ng sa iba, first few years ay maayos naman ang pagsasama. Pero eventually, nagbago din. Nagkalatak. Inamag. Kinalawang. Lumabas ang mga totoong kulay.

Eto si lalaki. Pag nalalasing, nanggugulpi ng misis. Naging sugarol na rin. Tapos pinagtataguan pa ng sahod si misis. Nagkaroon sila ni misis ng dalawang supling. Buntis naa sa ika-tatlo nila si misis pero ganun pa rin ang eksena. Gulpi sarado si misis, lalo na pag nalalasing si mister. Ilang beses na nagtangkang umalis at hiwalayan ni misis si lalaki pero kung hindi siya pinagbabantaan ni lalaki, tatakbo si lalaki sa mga byenan niya para sunduin at suyuin si misis. Magbabago na daw siya, pramis.

Syempre, sino bang babae ang di lalambot ang puso pag sinuyo na di ba? Gaya ng dati, sama ulit si misis. Tapos pag nalasing uli si lalaki, ayan, nakikita na ng mga kapit-bahay na halos patayin sa sakal ni lalaki si babae sa bintana. Take note: 8 months preggy na si misis dito ha.

Pero kwento lang iyan ni babae. Sabi naman ng partido ni lalaki, si babae daw ang bayolente. Nagger pa. Siya nga daw ang sumusugod kay lalaki. Bantay sarado pa ito lalo na pag araw ng sahod.

So ganito ang nangyari. Pay-day yon. Instead na umuwi agad si lalaki, nagpunta muna sila ng kaibigan niya sa sabungan para magsugal. O, pagkatapos nun, para kumpletos rekados, tumoma pa sila. Tig dalawang bote daw ng beer.
Sabay ng umuwi ang magkaibigan. Nang makarating sila sa bahay ni lalaki, wala doon si misis kasi nga hinahanap daw siya nito. Yari na. Nakatunog na yung kaibigan so batse kaagad siya. Mahirap na madawit sa away. Pero yung kaibigan, naglaro pa ng masiao hanggang 9 p.m. Di na napansin ng kaibigan kung dumating na ba si misis. Basta nung pauwi na siya ng gabi galing sugal at mapadaan sa bahay nina lalaki, narinig niya si misis na nagsabi ng,
“Di ako magdadalawang isip patayin ka!”

Sabay sagot naman ni lalaki ng, “Bakit mo ako papatayin gayung inosente ako?”

Iyon na ang huling araw na nakita ng kaibigang buhay si lalaki.

Kinabukasan ay umalis si misis kasama ang dalawang anak nila. Pinagbilin pa niya sa kapit-bahay na tingnan ang mga alagang baboy niya kasi nga ay pupunta daw siya muna ng Cebu para magpa check-up. Bukod dun, kinausap din niya si neighbor na ipagbenta ang motorsiklo nila.

Three (3) days after huling nakita si lalaki, umalma na ang mga kapit-bahay kasi nga may masamang amoy na nanggagaling sa bahay ng mga ito. Dahil nga naka-lock ang bahay at ilang araw ng di umuuwi si babae kasama ang mga anak nitong maliliit, napilitang buksan sapilitan ng magkakapit-bahay ang bahay nila.

Ayan na, dun na bumungad sa kanila ang naaagnas na bangkay ni lalaki. Naka-brief lang ito at nakatalukbong ng kumot. May sugat ito sa likod ng ulo. Sabi pa nga sa description, halos lumuwa na ang mata nito at lumawit ang dila.
Sa gilid ng aparador nakita ang isang tubo ng bakal na malamang ay ginamit sa pagpatay sa lalaki.

Walang ibang suspect kundi si babae. Kinasuhan ngayon siya. No problem, siya naman daw talaga ang pumatay kay lalaki. Ganito daw kasi ang nangyari:

Noong pay-day, nag-alala siya kasi di pa rin dumarating ang asawa niya. Hinanap niya. Kaso nga ay di niya nakita ito. Nang makauwi siya ng bahay, doon na niya nadatnang lasing na lasing si lalaki. Ang kaso, ito pa daw ang nagalit at tinalakan daw siya ng husto kasi bakit pa daw siya sinundan nito. Hinamon pa nga daw siya ni lalaki ng away. Di na lang daw ito pinansin ni babae si lalaki. Instead, tinulungan na lang niya ang mga bata na gumawa ng kanilang assignments.

So nabad trip talaga si lalaki. Pinatay niya ang ilaw tapos pinutol niya ang antenna ng tv para walang makapanuod. Sabi ni babae, aatakihin siya ni lalaki nang mga sandaling iyon kaya nagtatakbo siya papunta sa kwarto nila. Ang kaso ay nahagip siya ni lalaki at ipinihit siya paharap sa kanya (o di ba parang electric fan lang, napipihit). Natumba siya sa gilid ng kama at nagsisigaw ng saklolo.

Dead-ma naman si lalaki. Umalis. Iniwan siya. Ang ginawa ni babae, habang wala si lalaki, niligpit niya lahat ng gamit ni lalaki. Pinag-impake niya para lumayas na ito. So nang bumalik si lalaki at nakitang naka-impake ang mga gamit niya, naghumirintado ito. Nahagip niya si babae at kinaladkad ito. Take note, sa leeg ang hawak niya ha! Sabay sabi ni lalaki na, “Dapat nga mamatay ka na para wala ng magbunganga!”

Alam ni babae na may nakatagong baril sa aparador pero nakakandado iyon at walang susi si lalaki. Pero naglabas si lalaki ng 3 inch blade cutter sa wallet nito. Kaya ang ginawa niya, hinampas niya ng tubo ang kamay ni lalaki kaya nabitiwan nito ang hawak na blade. Hinampas pa ng isang ulit ni babae si lalaki ng tubo sa batok nito nang makita niyang pupulutin ni lalaki ang blade. Nagtatakbo ngayon si babae pabalik sa kwarto nila.

Yun nga lang. Dahil pasugod uli si lalaki, mapilitan siyang buksan ang aparador, kunin ang baril at patayin si lalaki.

Eto ngayon ang ruling ng husgado: sabi ng RTC, di pwedeng self-defense yan eh. Mas pinaniwalaan ng korte yung version ng prosecution na pinatay si lalaki sa kwarto habang natutulog (di nga ba at naka brief pa ito nang makita ang bangkay niya). May treachery. Pinatay siya ni babae nang walang kalaban-laban habang natutulog. Capital penalty daw dapat ang para kay babae.

Dahil capital offense ang hinatol kay babae, na-elevate sa Supreme Court ang kaso niya by way of automatic review.
Eto ngayon ang sabi ng Supreme Court:

Self-defense at defense sa unborn child sa sinapupunan ni babae ang pinagtuunan ng pansin ng kampo ni babae. Ganito, once na nag claim ka ng justifying circumstance like self-defense, this must be proved by clear and convincing evidence. Inamin mo na na napatay mo eh. Yun nga lang, justified ang ginawa mong pag patay. Pwes nasa iyo ngayon ang burden of proof para patunayang justified nga ang pagpatay mo. Nagshift sa’yo ngayon. Ikaw ngayon ang may burden na magpatunay in clear and convincing evidence na justified nga ang ginawa mong pagpatay.
Makes sense di ba?

Sabi ng SC, sinubukan nilang busisiin ang mga ebidensya para sa claim ni babae na meron siyang BWS dahil sa paulit-ulit na pang-aabusong ginawa sa kanya ni lalaki over a long period of time. Ang kaso wala daw sufficient evidence para sa ganitong conclusion. Wala din silang nakitang sapat na ebidensya para ma-confirm ang essential characteristics ng BWS.
Ang problema daw kasi, hindi napatunayan ng defense na nag-exist ang 3 “cycles of violence” sa kaso ni babae. Oo na, meron ngang acute battering incidents. No doubt about that. As a matter of fact, napatunayan ng husto ni babae yung presence ng tension-building phase. Detalyado siya dito. Kaso, a single incident does not prove the existence of the syndrome. In other words, hindi niya napatunayan na may iba pang battering episode na nangyari noong nakaraan at nagdaan siya sa similar pattern.

Pa’no nagsimula ang tension? How did she respond to the minor abuses ni lalaki? What means did she employ to try to prevent the situation from developing into the next stage, which is, the more violent stage?

Wala eh. Kinapos. Hindi saktong napatunayan lahat ng anggulo. Kumbaga, kapiraso lang. Tagpi lang. Binitin mo kami eh. Ano bang narandaman mo? Ano bang saloobin mo? Naramdaman mo bang ikaw ang nagtrigger bakit ka niya sinasaktan? Ano?! MAGSALITA KA! Kaso wala eh. Hanggang dun lang ang kwentong ibinigay niya. Mahalaga pa naman yung feelings and thoughts niya pati testimony on past abuses.

(Note: Sayang. Sa trial court kasi hindi ni-raise ng kampo ni babae ang defense ng “battered woman syndrome”. Sa taas na lang nila ito nabanggit e. Sana doon pa lang sa trial court eto na ang ginamit nilang depensa. Pero nag focus kasi ang kampo ni babae more on self-defense.)

SOURCE:

 R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children)
 Article 11, Revised Penal Code of the Philippines
 People of the Philippines vs Genosa (G.R. No. 135981, 15 January 2004)
 (See Ibn-Tamas v. US,477 A.2d 626, 1979 DC App. LEXIS 457; McLuckie v. Abbott, 337 F.3d 1193; 2003 US App. LEXIS 15240; DePetris v. Kuykendall, 239 F.3d 1057; 2001 US App. LEXIS 1062; State v. Kelley, 478 A.2d 364 (1984); McMaugh v. State, 612 A.2d 725 (RI 1992); State v. Frost, 577 A.2d 1282 (NJ Super. Ct. App. Div. 1990); State v. Gallegos, 719 P.2d 1268 (NM Ct. App. 1986); R. v. Lavallee (1990) 1 SCR; Reilly v. The Queen, (1984) 2 SCR 396.).
 (Symposium on Domestic Violence. Article: “Providing Legal Protection for Battered Women: An Analysis of State Statutes and Case Law,” LEXSEE 21 Hofstra L. Rev. 801 (Summer 1993), 1161.)

PHOTO CREDIT: http://www.telegraph.co.uk/news/newstopics/howaboutthat/3043175/Butter-sculptor-keeps-it-cool.html

9 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 11 (Battered Wife Syndrome)

  1. Meron kaming kilalang babae na sobrang sama ng ugali e sarap gulpihin. Nasapok one day ng asawa so base dito e hindi nya magagamit ang BWS kasi one time lang naman e. Tsaka masama ugali nya. Hehehe. Salamat sa post!😉

  2. pero sipag ng nag-type nito, bangkahahaba.

  3. gud day po.. pwede po ba ako mgtanong.. salamat po.😔

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s