LAW FOR THE IDIOTS: Day 9 (Breach of Promise to Marry)

Image

Ang hirap kaya ipagpilitan ang sarili sa taong di ka na kayang mahalin

 

Excited ka kasi sa wakas ikakasal ka na.  Pinagpilitan mo talagang humabol sa kalendaryo.  Ready na ang lahat.  Nakapag down na kayo sa venue at reception.  Fully paid na rin kayo sa videographer and photographer.  At dahil kasal mo yan at gusto mong pulido ang lahat, kumuha ka pa ng wedding coordinator.  Magkano din yon di ba?  Tapos para sikat ka, kumuha ka ng acoustic band na haharana pa sa mga bisita mo during the reception.  May cocktail pa for the guests while waiting for you and your supposed spouse’s arrival.  O, magkano na kwenta mo?  Nasa kalahating milyon na rin di ba?  Wala pa diyan ang wedding gown ng mga ikakasal pati na rin ang sa mga abay.  Wala pa dyan ang singsing. 

Pero paano kung hindi nga matuloy ang kasalan?  Paano nga kung mag disappear bigla si bride or si groom?  Pwede mo bang idemanda?  Nakakahiya kaya ang ginawa sa’yo.  Ako man, malamang maghalo ang balat sa tinalupan.  Lintik lang ang walang ganti.  Planning stage pa lang nagkanda hirap-hirap ka na tapos iiwan ka pa sa ere on the day of the wedding itself!  Naka ready na ang buong community pati mga aso nila para sa reception sabay di ka sisiputin ng pakakasalan mo.  Di biro kaya ang gastos mo.  Ang problema pa dun, you have to pay the vendors in full ke natuloy pa ang kasal o hindi dahil na-book mo na sila for that particular day.  Wala tayong magagawa, ayan ang nakasaad daw sa kontrata ninyo e. 

Hindi nga?  Pwede ka bang magdemanda kung sakaling takbuhan ka ng taong pakakasalan mo?  Makaganti ka lang.  Kahit konti lang.  Bwisit siya. 

Sa totoo lang…HINDI.  Magngangawa ka dyan pero di mo pwedeng pilitin ang isang taong pakasalan at pakisamahan ka habam-buhay kung ayaw naman talaga.  Walang sapilitan.  Kung ayaw, ayaw! 

Pero ibang usapan nga naman kung meron na kayong mga preparation na ginawa.  Ibang usapan na kung na-order  na ninyo ang  bridal dress mo.  Ibang usapan kung fully paid na kayo sa venue.  Ibang usapan kung nakapag down na kayo sa caterer.  Ibang usapan nga naman iyan kung may mga nagastos na kayo’t lahat lahat sabay biglang maglalaho na lang siya ng parang bula at ikaw ang iiwan niya na haharap mag-isa sa kahihiyan. 

Kahit balibaliktarin mo ang Civil Code walang provision ang nagsasabing a person is answerable for breaching his or her promise to marry.  Period.  Solb na tayong lahat dyan.  Pero may dalawang provisions ng Civil Code akong gustong ipakita sa’yo.  Sila ang tinatawag na catch-all provisions ng Civil Code (kabilang dito ang Article 20).  Eto o: 

Article 19, New Civil Code of the Philippines: 

“Every person must, in the exercise of his rights and in the performance of his duties, act with justice, give everyone his dues, and observe honesty and good faith.”

Yang provision na iyan ang isa sa nagiging pamantayan to run for damages against a person.  Kita mo ha.  Sabi dyan sa itatas, oo nga at may karapatan ka…oo nga at may duty ka na sa palagay mo ay dapat mong gawin.  Pero sa pag invoke ng sinasabi mong karapatan mo o di kaya ng duty mo, dapat you act with justice, give everyone his dues and observe honesty and good faith.  Hindi porke’t sinabi mong may karapatan kang gawin ang isang bagay ay gagawin mo iyon ng karakara ng walang pakundangan sa karapatan naman ng iba.  Dapat per per para di unper. 

Eto pa ang isa: 

Article 21, New Civil Code of the Philippines: 

“Every person who willfully causes loss or injury to another in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for damages.”

Ayan, di ko na iyan kailangan ipaliwanag.  Malinaw na malinaw pa yan sa commercial ng Ginebra.  Kung willfull ang paggawa mo ng loss or injury sa ibang tao in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy, mananagot ka sa kanya sa pamamagitan ng damages. 

So nakita mo na?  General rule natin di ka talaga pwede magdemanda dahil lang hindi tinupad ng syota mo ang pangakong pakasalan ka. Neknek mo.  Pero may instances na pwede kang magdemanda, hindi dahil sa di ka nga niya pinakasalan, kundi para sa danyos dahil nga may mga preparations na kayo, may announcement na, at may mga nagastos na kayo. 

There is a thin line when a person becomes liable for damages in this kind of set-up ha.  Nag-iiba yan.  Sabi ko nga, kung ang basehan mo para idemanda siya ay dahil lang di niya tinupad ang pangakong kasal, di ka magwawagi.  Neknek mo pa rin.  Typical scenario na iyan ng pikot.  Pero kung may ibang motibo sa pagtakbo sa’yo and it was exercised in bad faith at may preparations na at iba pa, siguro that’s the time to sue your fiancé for damages. 

And what kind of damages? 

Eto, bigyan kita ng sample sa tatlong (3) love stories: 

  1. Wassmer vs Velez (G.R. No. L-20089, Dec. 26, 1964) 

Eto yung typical set-up ng example ko kanina.  Eto si boy at si girl, engaged to be married.  Na-announce na sa buong community.  Syempre, meron ng napagawang mga invitation cards.  Meron na ring gown si babae.  Pati mga abay, napagawan na rin ng gowns.  Two (2) days na lang kasi bago ang main event eh.  So we can assume lahat-lahat na almost settled and paid na.  Pati flowers, church and reception. 

Pero ganito ang siste.  Two days prior to the wedding, nagpadala ng telegram si lalaki kay babae.  Ang sabi: 

“Dear Bet 

“Will have to postpone wedding -my mother opposes it.  Am leaving on the Convair today.  Please do not ask too many people about the reason why -That would only create a scandal. 

                                                                   Paquing” 

Alam mo kahit sinong babaeng makatanggap ng ganyang telegram 2 days prior to her wedding ay talagang mapapraning!  E mama’s boy ka pala e!  Wala kang ba_ag!  Bwisit ka. 

Ang kaso mo, kinabukasan, or a day before the wedding day, nagpadala na naman ng telegram si lalaki kay babae.  Ang sabi:

 

“Nothing changed rest assured returning very soon apologize mama papa love. 

                                                                   Paquing” 

O di ba?  Mas fickle minded pa siya sa babae.  So no problem, tuloy ang kasalan.  Wag ng intindihin ang mga makapanindig-balahibong telegram.  

Araw ng kasal.  Walang Paquing na dumating.  Walang Paquing na narinig.  Asan si Paquing?  Di na nagparamdam si Paquing. 

Sa galit ni babae, nagdemanda siya kay lalaki for damages dahil sa ginawa niya.  Para sa mga nagastos, humingi si babae ng actual damages amounting to P2,000.00; para sa moral at exemplary damages, humingi si babae ng P25,000.00; at para sa attorney’s fees, P2,500.00 (teka, 1960s na kaso ito so malaki na ang P2,500.00). 

Nanalo si babae sa korte.  Binigay sa kanya ang mga prayer niya for damages.  Umangal si lalaki.  Ang laki kaya niyan.  Kaya ang ginawa niya at ng abogado niya, nagfile sila ng petition for relief from orders and judgment and proceedings and motion for new trial and reconsideration. 

Ang sabi ni lalaki, wala naman daw provision sa Civil Code that will make him answerable for breaching his promise to marry.  Sabi pa niya, may naging decision na nga daw dati ang Supreme Court na nagsasabi na ang mere breach of promise to marry ay hindi actionable or di pwedeng maging source ng demandahan.  Humirit pa siya, sabi niya kaya daw siya di nakasipot sa kasal ay dahil daw sa fortuitous event and/or circumstances beyond his control. 

Unfortunately hindi siya pinanigan ng Supreme Court.  Hindi in-apply sa kaso nila ang general rule na “mere breach of promise to marry is not actionable”.  Ang in-apply sa kanila ay yung EXCEPTION.  

Ang sabi ng SC, oo nga.  Wala ngang specific provision for breach of promise pero tingnan mo ang Article 21 ng Civil Code.  Look at the preparation.  Look at the expenses already incurred.  Surely this is not a case of mere breach of promise to marry.  To formally set a wedding and go through all the above-described preparation and publicity, only to walk out of it when the matrimony is about to be solemnized, is quite different.  This is palpably and unjustifiably contrary to good customs for which defendant must be answerable in damages in accordance with Article 21

Gets mo?  Merong award for actual damages dyan kasi nga may mga expenses na e.  Dun na nagtranscend ang moral and exemplary damages. 

Pero paano kung wala pang preparation at all?  Yun bang wala pang singkong duling na naibabayad sa mga vendors?  Pwede pa rin ba maghabla on damages?  

Eto o:

 

2)  Gashem Shookat Baksh vs CA (G.R. No. 97336, Feb. 19, 1993) 

Typical love story.  Maganda si babae.  22 years old.  Dalagang Pilipina.  Maganda ang reputasyon sa lipunan.  Eto naman si lalaki.  Isang Iranian national.  Exchange student at kumukuha ng medical course sa isang school sa Dagupan. 

Syempre, nagkagusto si lalaking Iranian sa dalagang Pilipina.  Lahat daw ay gagawin niya mapasagot lang si babae.  Maginoo, nirespeto si babae, mabait, maaasahan…lahat-lahat na!  Nanligaw siya kay babae.  At dahil mabait at gentleman naman itong si Iranian guy, unti-unti namang nagkagusto si babae.  Pero ang gusto kasi ni babae kung sino na yung magiging boyfriend niya yun na din ang pakakasalan niya sana.  No problem!  Handa daw siyang pakasalan ni Iranian.  

Dahil dyan, sinagot ni babae si lalaki.  To show his utter respect for her, pinuntahan pa ni lalaki ang parents ni babae.  Approve naman ang mga parents.  Sino ba naman ang hindi. 

Eto na.  Sabi ni lalaki kay babae, tutal naman daw ay magpapakasal din sila, mag live-in na sila.  Pumayag si babae.  Ganun din yung parents niya.  Sabagay naman daw ay nakatakdang ikasal din sila. 

Eto ang siste.  Syempre nagsasama na sila sa iisang bubong, alam naman na walang jerjer na magaganap.  So in other words, nag jejerjer na sila.  Ang problema after na nilang magjerjer, lumabas ang totoong kulay ni lalaki.  Andyan yung verbally i-abuse si babae.  Andyan din yung saktan din niya si babae physically to the point na may threat (tama ba spelling ko?) na rin na papatayin niya si babae.  

Isang beses na di na kinaya ni babae at nagtamo na siya ng sugat, dumiretso ito sa barangay at nireklamo na si lalaki kay Kapitan.  So pinagharap sila ngayon ni Kapitan.  Ang kaso, doon sa paghaharap nila, eto ang sinabi ni lalaki, 

“Anong kasal?  Neknek mo.  Kasal na ako sa iba.  Andun sa Bacolod.  Kaya umuwi ka na lang sa inyo!” 

Syempre nagpantig ang tenga ni babae.  Ah ganun.  Uwi pala ha…kasal na pala ha…walang kasalan pala ha…pwes sa galit ni babae, nagdemanda siya kay lalaki for damages sa ginawa nitong panlilinlang sa kanya.  Humingi siya ng danyos na umabot sa P45,000.00 plus attorney’s fees and costs. 

Pagdating sa korte, umalma si lalaki.  Ang sabi niya at ng abogado niya, “eh wala namang promise to marry ha!  Di rin totoo na hiningi ko basbas ng parents mo.  Ano ako, bale?  Wala ding maltreatment na nangyari.  Sinabihan ko lang naman si girl na wag ng pupunta sa apartment ko kasi nadiscover kong pinagnanakawan niya ako pati passport ko.  At dahil diyan, ikaw girl ang dapat pa ngang magbayad sa akin ng damages kasi hinatak mo ang pangalan ko sa walang kakwenta-kwentang kasong ito.  Tapos nagkaroon pa ako ng mental anxiety.  Tapos na-bismirched pa ang reputation ko.  Bad trip ka talaga.  O ngayon, bayaran mo ako ng P5,000.00 for miscellaneous expenses and P25,000.00 as moral damages.” 

But just the same, hindi in-apply ng Supreme Court sa kasong ito ang general rule that mere breach of promise to marry is not actionable.  Exemption pa rin ang pinairal ng Korte. Ang sabi, although as a general rule mere breach of promise to marry is not actionable, dito sa kasong ito, yung “promise to marry” mismo ni lalaki ang naging proximate cause para sagutin siya ni babae at mapapayag itong pakasal sa kanya.  Eto rin ang dahilan para pumayag si babae na makipag live-in sa kanya at eventually ay ibigay ang sarili kay lalaki which in fact, he succeeded in having sexual intercourse with her and that he had no intention of marrying her.  At dahil dyan, nagkaroon ng cause of action si girl under Article 21 of the Civil Code.  Not because of breach of promise to marry but because of fraud and deceit behind the promise to marry and the willful injury to her honor and reputation which followed thereafter

Take note:  essential na yung injury na ginawa was committed in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy.  The girl here surrendered her virginity, the cherished possession of every single Filipina, not because of lust but because of moral seduction. 

Take note uli: kung nagkataon na 18 below si girl, pwedeng kasuhan pa nga si Iranian guy criminally ng seduction.

 

Walang preparation pa ng kasal dyan ha.  Jerjer lang.  So in other words, pag ba may promise to marry at pumayag kang makipagjerjer kasi nagpromise naman siyang pakakasalan ka, actionable na iyon?  Eto ang susunod na kwento: 

 

3)  Constantino vs Mendez (G.R. No. 57227, May 14, 1992)

 

Classic na mala-telenovela story ito.  Waitress si girl.  Rich guy si boy.  Maganda si girl.  Gwapo si boy.  Mahirap si girl.  Mayaman si boy.  As a matter of fact, mayamang businessman si boy sa Davao.  The girl here by the way is 28 years old unlike the girl in our previous case who is only 22 years old. 

One time, nagpunta sa Manila si boy.  Pumasok siya sa restaurant kung saan nagtatrabaho bilang waitress si girl to dine.  But the moment he laid down his eyes on her, he became attracted to her.  Nagkapalitan ng contact numbers, nagkaroon ng ligawan. 

One time, niyaya ni guy si girl na mag date sila sa restaurant sa lobby ng hotel kung saan pansamantalang tumutuloy si boy.  Payag naman si girl.  Nagtapat si boy ng pagtingin kay girl at sinabi ni boy kay girl na kung sasagutin niya ito, handa daw niyang pakasalan ni girl.  Sabi ni girl, “give me some time to think about it.” 

Pagdating ng 11 o’clock, nagyaya na si girl umuwi.  Nagpapahatid na ito kay boy.  Pero bago ihatid si girl, niyaya muna ni boy si girl na umakyat sila sa taas sa room ni boy.  Doon nga ay inulit ni boy ang proposal to marry her.  So after nun, nagjerjer sila.  After ng jerjer saka inamin ni boy kay girl na married na siya but he’s planning to have his marriage annulled.  In that way, mapapakasalan na niya si girl.  So ayun, no problem pala eh.  Magpapa-annul naman pala eh.  Tuloy ang jerjer. 

Naulit ang jerjeran several times for how many months.  Every time na nasa Manila si boy, nagkikita sila ni girl at nag jejerjer.  Hanggang sa nabuntis si girl at ang tinuturong ama ay si boy.  Itinanggi ni boy na kanya ang bata.  Wala ding kasalang naganap eventually. 

Nagsampa si girl ng kaso sa korte at isa sa mga hiningi nga niya ay danyos because of breach of promise to marry. 

Actionable ba in this case ang breach of promise to marry? 

Unfortunately this time, the Supreme Court applied the general rule; that is, mere breach of promise to marry is not actionable.  Ang sabi pa, mere sexual intercourse is not by itself a basis for recovery.  Damages could only be awarded if sexual intercourse is not a product of voluntariness and mutual desire.  At that time na na-meet ni girl si boy she’s already 28 years old at aminado siyang attracted siya talaga kay boy.  In other words, yung attraction niya kay boy ang dahilan why she surrendered her virginity, not the promise to marry

Eto pa ang masaklap, sabi ng SC, kung totoong ininduced or dineceive siya ni boy sa pangakong kasal nito dapat daw sana ay pinutol na niya ang relasyon niya dito noong inamin nito sa kanya na kasal na ito sa iba.  Ang kaso, after na inamin ni boy na kasal na ito sa iba ay nagpatuloy pa rin sila sa jerjeran.  Ang sabi pa, “their repeated sexual intercourse only indicates that passion and not the alleged promise of marriage was the moving force that made her submit herself to Ivan.” 

 

Ayos ba?  O ano, papakasal ka pa rin ba?

8 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 9 (Breach of Promise to Marry)

  1. nag-liked ako sa photo ha, ‘di sa article, hihi. joke lang.

  2. Tingin ko tama ang spelling ng “threat”. So “mutual desire” pala yung lusot. San ba nakakabili nun? hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s