LAW FOR THE IDIOTS: Day 8 (Violence Against Women and Children)

Image

Since women’s month ngayon, i-set aside muna natin ang topic regarding annulment and declaration of nullity of marriage.  Punta tayo sa medyo exciting na topic for girls: ang tinatawag nilang VAWC (R.A. 9262).  Sorry boys, move over.  Saka na kayo bumida pag boy’s month naman. 

Pero this article is not intended to isolate boys, really.  As a matter of fact, it would be helpful on their part since they will likewise be informed ano ba ang dapat nilang iwasan at hindi gawin. 

Ngayon, ang VAWC ay applicable para sa kababaihan in general.  Kesihorang kasal ka, kabit, girlfriend, or even if you are only on a dating status o yung tinatawag nilang UR (unlabeled relationship).  Syempre, para din ito sa mga bata o mga menor de edad.  Pero dahil nga women’s month ngayon, i-sentro natin ang usaping ito sa mga kababaihan.  

Huwag na natin i-disect ang bawat provisions ha.  Matatagalan kasi tayo.  Baka antukin din kayo.  Dun na tayo pumunta agad sa mga provisions na karaniwang nagiging ugat din ng kasuhan. 

Madali lang ang illustration natin.  Ang kinds of VICTIM ay ide-divide natin into 2 groups.  Victim A at Victim B.  So sinu-sino ba sila?  Eto:

  • VICTIM A

(i)                 Wife

(ii)               Former wife

(iii)              Woman who had or has sexual relationship

[take note: hindi basta gf lang dito o karelasyon; dapat may sexual relationship]

[take note ulit: pwede kahit isang beses lang ang sexual act nila dito, ke nabuntis or hindi]

(iv)            Woman with whom he has or had dating relationship

[isa pang take note: eto yung sitwasyon na yung parties ay nagsasama bilang mag-asawa ng di naman kasal o di kaya ay romantically involved during the course of the relationship; hindi kasama dito ang casual acquaintance or ordinary socialization lang in a business or social context]

(v)              Woman with whom he has a common child

  • VICTIM B

(i)                 Child of the woman whether legitimate or illegitimate [must be 18 years old and below]

[take note: pwede naming above 18 as long as the child is unable to fully take care of himself/herself from abuse, neglect, cruelty, exploitation or discrimination because of a physical or mental disability or condition. 

Mamaya ko na sasabihin sinu-sino naman ang pwedeng offender under this VAWC ha.  So sa ngayon, anu-ano nga ba ang coverage ng term na “violence” na tinutukoy?  Eto o: 

a)        physical violence

b)        sexual violence

c)        psychological violence

d)        economic abuse

[The list is not exclusive]

All around na bugbugan yan.  Bubog sa katawan, sa utak, sa emosyon at higit sa lahat (at favorite ko) sa bulsa (syempre pano ang shopping ko at maintenance di ba?).

Solb na tayo sa “physical violence”.  Madali ng intindihin yan.  Ang kaso mo, may mga complainants naman na inaabuso ang particular act na ito.  Mantakin mo maitulak ka lang reklamo na agad.  Masagi ng konti, angal kaagad.  Kara-kara kung makakuha ng medical certificate para nga daw may ebidensya daw.  So sabi ng mga lalaki, paano kung aksidente lang ang pagkakatulak or pagkakasagi dahil sa taas ng emosyon sa kalagitnaan ng pagtatalo?  Ibig bang sabihin reklamo na agad?  Di ko sasagutin yan dahil baka makakuha ka pa ng clue.  

Pansinin mo ang “sexual violence” as a form of abuse.  This can be committed not only against the woman pero pati dun sa bata ha.  Kasama sa abuse na ito ang mga sumusunod:

a)        rape, sexual harassment, acts of lasciviousness, treating a woman or her child as a sex object, making demeaning and sexually suggestive remarks, physically attacking the sexual parts of the victim’s body, forcing her/him (“him” kasi pwedeng gawin ito sa bata at ang bata ay di limited sa babaeng bata lamang) to watch obscene publications and indecent shows or forcing the woman or her child to do indecent acts and/or make films thereof, forcing the wife and mistress/lover to live in the conjugal home or sleep together in the same room with the abuser;

b)        acts causing or attempting to cause the victim to engage in any sexual activity by force, threat of force, physical or other harm or threat of physical or other harm or coercion; and

c)        prostituting the woman or child. 

Pero walang higit na lalawak pagdating sa “psychological violence” dahil nasasakop nito ang emotion at mental.  Halimbawa, intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse and mental infidelity.  You name it.  Papasok yan dyan, panigurado.

Pati stalking papasok dito sa psychological violence kasi pinapraning mo siya!  Pasok din dito ang pag aallow ng abuser sa victim na panuorin kung paano abusuhin ni abuser physically, sexually or psychologically ang isang myembro ng pamilya ni victim.  Pati pagpapanuod sa kanya ng porn (in whatever form).  At alam mo rin ba na kahit pagpapanuod sa victim kung paano abusuhin ang isang alagang hayop ay pasok dito?  Sabi ko sa’yo e, malawak ang coverage nito.  Kasi nga, pinapraning mo siya!  Oo nga pala.  Pati deprivation of the right to custody and/or visitation of common children sa babaeng biktima ay pasok dito by express provision of Section 3, of R.A 9262.

Punta naman tayo sa “economic abuse”.  Eto ang mga covered acts niya ha.  Just the same, hindi ito limitado.  Eto:

  1. withdrawal of financial support or preventing the victim from engaging in any legitimate profession, occupation, business or activity, except in cases wherein the other spouse/partner objects on valid, serious and moral grounds as defined in Article 73 of the Family Code;

            Taym pers.  Isingit nga natin si Article 73 of the Family Code.  Ang sabi daw:

Art. 73. Either spouse may exercise any legitimate profession, occupation, business or activity without the consent of the other. The latter may object only on valid, serious, and moral grounds.

In case of disagreement, the court shall decide whether or not:

(1) The objection is proper; and

(2) Benefit has occurred to the family prior to the objection or thereafter. If the benefit accrued prior to the objection, the resulting obligation shall be enforced against the separate property of the spouse who has not obtained consent.

The foregoing provisions shall not prejudice the rights of creditors who acted in good faith. 

 

  2.   deprivation or threat of deprivation of financial resources and the right to the use and enjoyment of the conjugal, community or property owned in common;

  3.   destroying household property;

  4.   controlling the victim’s own money or properties or solely controlling the conjugal money or properties. 

Oopppsss…!  Kung babasahin mo ang kabuuan ng Section 3 (a)(d) under “economic abuse” and sabi ng batas ay “acts that make or attempt to make a woman financially dependent”.  Ang ibig bang sabihin niyan ang economic abuse enumerated above shall be applicable only to those women who are financially or economically dependent on their husbands or partners?  Ano sa palagay mo?  

Eto ngayon ang exciting part.  Kanina sa umpisa, sadyang nilakdawan ko kung sinu-sino ba ang pwedeng tawaging offender under R.A 9262.  Natural, isang malutong na sagot ang ibibigay nating lahat: 

EH DI MGA LALAKI!

 

Syempre, palakpakan ang girls.  Tama ka naman eh.  Definition pa lang ng victims obviously dapat lalaki ang offender.  Yan ay kung conservative ang thinking mo.  Pero kung radical ka, magdadalawang isip ka eh.  Kasi sa ngayon, pwede sigurong galing sa third sex ang partner.  If you could recall, di naman limited lang sa husbands ang pwedeng violator dito, kundi pati partner with whom the woman has or had a sexual or dating relationship.  Ano ngayon sa palagay mo?

Kasi sabi sa provision ng batas, “any act or a series of acts committed by any person x x x”.  Hindi particularly sinabing “by a man”.  Although consistent ang gamit ng “he” or “his”, still, these are debatable lalo na sa gender sensitivity issue concerning third sex.  (Ayan na nga ba ang sinasabi ko e…pampagulo talaga ang mga abugado)

Oo nga pala. Material dito sa batas na ito na ang “offender” must have or had a relationship with the woman or child’s mother in order for the offender to be liable.  Otherwise, he can be prosecuted for other special law gaya ng Anti-Trafficking of Persons (R.A. 9208) or even Child Abuse (R.A. 7610).

Solb na tayo sa husband, boyfriend or partner ha.  So ang concern natin ngayon, sila lang ba?  Wala na bang iba talaga?  Final answer na ba talaga yan?  E paano yung sa kaso halimbawa ng psychological abuse, dahil iniwan sila ni lalaki at sumama kay kabitchingching?  Si lalaki lang ba pwede idemanda under VAWC?  Eh paano kung bad trip talaga sila kay kabitchingching kasi siya pa ngayon ang mayabang at matapang?  Sa lagay ba nun e kakaltusan na lang ba si kabitchingching pag nasalubong at si lalaki lang ang idedemanda sa VAWC?  Eh di si kabitchingching naman ngayon ang magdedemanda sa’yo at sasabihing physical injuries yon o di kaya ay unjust vexation!  Kabwisit ano?

Madali lang yan.  Eh di isama mo siya sa demanda as co-conspirator!

Natural, taas kilay mo.  Pwede bang isama siya sa kaso eh lalaki nga lang sabi ang violator?  Ano’ng co-conspirator pinagsasabi mo dyan!

Ganito kasi yan.

Sabi kasi sa Section 47 ng RA 9262, pwedeng gamitin ang ibang provisions ng Revised Penal Code sa VAWC para i-supply ang ibang kakulangan ng nasabing batas (VAWC).  Ngayon, pagdating mo naman sa Revised Penal Code, ang sabi niya, as a general rule, hindi mag-aapply ang provisions ng Revised Penal Code sa special laws (gaya ng VAWC) UNLESS yung special law mismo ang magsasabi specifically na pwedeng mag-apply ang ibang provisions ng RPC.  O, eh pano yan si VAWC na mismo ang nagsabi na pwede nga.

So okay na tayo dyan.  Pwede daw mag-apply ang ibang provisions ng RPC sa VAWC.  Oh, eh ano ulit ngayon?

Tingnan mo ha.  Sa VAWC, walang provision tungkol sa conspirators.  As in, kung sino lang daw ang partner, husband, lover or ex, siya lang daw ang kakasuhan.  Malinaw yan sa VAWC.  Ang kaso mo, ang RPC, meron siyang provision for conspiracy o di kaya ay conspirator.  Alam mo ba yung conspirator?  In a simplified explanation, ibig sabihin niyan ay “kasabwat”.  So since pinayagan ng VAWC na mag-apply sa kanya ang ibang provision ni RPC, pwedeng magkaroon din daw ng sabwatan sa cases under VAWC.

Iyan kasi ang sinabi sa kaso ng Go-Tan vs. Tan et al.  Eto ang sabi ng Supreme Court:

“With more reason, therefore, the principle of conspiracy under Article 8 of the RPC may be applied suppletorily to R.A. No. 9262 because of the express provision of Section 47 that the RPC shall be supplementary to said law.  Thus, general provisions of the RPC, which by their nature, are necessarily applicable, may be applied suppletorily.

 

“Thus, the principle of conspiracy may be applied to R.A. No. 9262.  For once conspiracy of action in concert to achieve a criminal design is shown, the act of one is the act of all the conspirators, and the precise extent or modality of participation of each of them becomes secondary, since all the conspirators are principals.”

 

Di na ako magsasalita pa.  Nararamdaman ko ang mga ngiti ng mga kababaihan.  Sabi nila, “vengeance is mine!” 

Joke lang.

HAPPY WOMEN’S MONTH!

 

Sources:

  • R.A No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004)
  • Revised Penal Code of the Philippines, Section 8
  • Revised Penal Code o the Philippines, Section 10
  • Article 73, Family Code of the Philippines
  • Go-Tan vs Tan, et al. (G.R. No. 168852, 20 September 2008)

Inyo ring basahing: ANG INTRODUCTION

10 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 8 (Violence Against Women and Children)

  1. “Sorry boys, move over. Saka na kayo bumida pag boy’s month naman. ”

    – meron bang boy’s month? *nagtataka*

    – napaka informative haha although wala naman akong balak kasuhan sa ngayon nakakatulong na malaman ang ganito haha. atlit🙂

  2. Pano po kaya kung nasaktan yung asawa dahil sa higpit ng yakap? O di kaya ay nabingi dahil sa pagsigaw ng “I love you”? E kung napaso po sa init ng pagmamahal? Makakasuhan pa din po ba under ng VAWC? Maraming salamat po.

    BTW, may problema yata sa link sa inyong Gravatar profile.😉

  3. Pingback: thelovelybiatch | LAW FOR THE IDIOTS: Day 11 (Battered Wife Syndrome)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s