LAW FOR THE IDIOTS: Day 7 (Legal Separation)

Image

Wala tayong divorce sa Pilipinas (although legal separation is also termed as “relative divorce”).  Palibhasa conservative tayong mga Pilipino, it is even embodied in our very own Constitution to strengthen family ties.  Naging pamantayan na sa pagkokonsidera ng pagdismiss ng legal separation, annulment or declaration of nullity ang sinasabi ng 1987 Constitution na “the State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic social institution.”

Eto ang dahilan kaya sa mga annulment, declaration of nullity and legal separation cases nakaantabay lagi ang Office of the Solicitor General (sila ang tumatayong abogado para sa State) kasi nga ang purpose nila ay panatilihing matibay at hindi magbuklod-buklod ang pamilya at para bantayan kung may collusion bang naganap sa pagitan ng mag-asawa.  So kahit na sabihin pa nating hindi magpakita ang respondent sa korte, andyan ang SolGen na tatayong “parang” kalaban ng petitioner.  Minsan naman ay dine-delegate ng SolGen ang authority to prosecute sa fiscal kaya instead na abogado from SolGen ang darating sa hearing, si fiscal na lang.  Si fiscal ang tatayong “parang” kalaban ng petitioner.  Isa rin sa trabaho ni fiscal ay ang masigurong hindi pinag-usapan o pinagkasunduan ng dating mag-asawa ang pagfa-file ng legal separation, annulment or declaration of nullity.  Kapag nadiscover na pinagkasunduan ang paghihiwalay, ayan, collusion yan.  So maaaring i-dismiss ang kaso.

Ganyan paano bigyan ng importansya ng ating Constitution at mga batas ang family.  Wag muna maghiwalay.  Kawawa ang mga bata.  Sila ang unang mga biktima, etsetera, etsetera.

Syempre, iiwan na natin ang kwentuhan tungkol dyan kasi aabante na tayo sa mas exciting na part.  Tatlo ito mga tsong: legal separation, annulment at declaration of nullity of marriage.  Lahat sila will affect the obligations and duties of spouses, pati na rin ang relationship nila.  Most of you might not be aware of the distinction between annulment and declaration of nullity of marriage.  Pag-uusapan din natin yan.  Pero isa-isa lang tayo ha.  Sasamantalahin ko ang pagkukwento sa inyo habang nakatalikod pa si bossing.

For Day 7, we will concentrate with Legal Separation alone.  Bago natin himay-himayin ang grounds for legal separation, mas mabuti siguro kung alam ninyo ano ang pinagkaiba nito sa annulment.  Ganito, sa annulment ang mga grounds ay existing na at the time of the celebration of marriage although kadalasan ay hindi aware ang napangasawa na nag eexist yung ground at the time na ikinasal sila.  Pero sa legal separation, nag eexist siya after na ng celebration ng marriage.  Sa annulment, nate-terminate ang marriage bond.  Pero hindi sa legal separation; yup, kasal pa din kayo.  Sa annulment, once na naging final na ang decision, hindi na pwedeng ma-set aside ang decision at marestore ang marital relation just in case, halimbawa, magka-inlaban uli ang mag-asawa.  Pero sa legal separation, marital relations can resume upon reconciliation.

Meron tayong 10 grounds for Legal Separation.  Eto sila:

  1. repeated physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child or a child of the petitioner;
  2. physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliation;
  3. attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or a child of the petitioner, to engage in prostitution, or connivance in such corruption or inducement;
  4. final judgment sentencing the respondent to imprisonment of more than six years, even if pardoned;
  5. drug addiction or habitual alcoholism of the respondent;
  6. lesbianism or homosexuality of the respondent;
  7. contracting by the respondent of a subsequent bigamous marriage, whether in the Philippines or abroad;
  8. sexual infidelity or perversion;
  9. attempt by the respondent against the life of the petitioner; or

10. abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.

 For purposes of the enumerated grounds above, the term “child” shall include a child by nature or by adoption.

 

Familiar ba sila?  Yup, legal separation lang ang pupwede sa kanila at hindi annulment gaya ng nasa isip mo.  Sayang ba, ika mo?  Pero wait ka na lang pag dumating tayo sa Day 8 or Day 9 dahil baka makita mo ang solusyon sa hinahanap mo.  Sabi ko nga, Legal Separation muna tayo.

Unlike annulment or declaration of nullity of marriage, legal separation does not affect the marital status.  Kasal pa din kayo.  Hindi niya sinisira ang marriage bond.  Si misis ka pa rin at si mister mo pa rin siya.  Ang pagkaka-iba nga lang ay pinapayagan kayong matulog sa magkaibang kama at tumira sa magkaibang bubong.  O teka, ang sabi matulog sa ibang kama hindi may ikama at lalong hindi rin may itira sa ibang bubong

Oo nga pala.  Yang sampung (10) grounds for legal separation ay EXCLUSIVE.  Di ka pwedeng magdagdag, di ka rin pwedeng mag-imbento.  Pag wala dyan ang case mo, hindi ka pwede mag-avail ng legal separation.   

Ang iba sa kanila ay self-explanatory na so we better skip the discussion.  Mahaba-haba rin yan kung iisa-isahin kasi natin.

 

Repeated physical violence or grossly abusive conduct

Take note: REPEATED and GROSS.  Kung gagawin mong ground for legal separation ang No. 1, hindi pupwede na minsan ka lang napagbuhatan ng kamay, sasabihin mo na agad na, “bingo, ground yan for legal separation!”  Kaya nga repeated kasi may element of frequency of inflicting physical violence.  Hindi pupwedeng minsan lang o aksidente.

Take note also: The term “child” in No. 1 pertains to the child of the petitioner (yung nagdemanda), o di kaya ay sa anak nilang pareho.  Kung halimbawa ang repeated physical violence ay ginagawa ng respondent (hinabla) sa anak ng respondent sa labas o di kaya ay sa anak ng respondent sa unang asawa, bilang petitioner hindi mo pwedeng gamitin ito as ground.  Kasi nga in a layman’s term, wala kang pakialam dahil hindi mo naman pala anak o di naman pala anak ninyo ang sinasaktan (pardon for the words “walang pakialam”). 

Pero teka, kahit na sabihin na patin na hindi palagi ang pananakit pero sobra o naging grabe naman ito, if it becomes gross pwede siyang pumasok sa grossly abusive conduct.  Ayan…pasok ka pa rin sa No. 1.

 

Corruption Or Inducement To Engage In Prostitution

Basic sa mga obligations and duties ng mga magulang ang pangalagaan ang kanilang mga anak.  So kung magulang mismo ang magtutulak sa kanyang anak para magbenta ng laman, o di kaya ay makikipagsabwatan para sa prostitusyon ng sarili niyang anak, nagiging ground ito para magsampa ang asawa ng legal separation.

Isa sa Civil Law authors (Melencio S. Sta. Maria) ang nagsabi na kahit emanciapated na ang anak pwede pa ring pumasok under this ground.

Siya nga pala, prostitution lang ang pinag-uusapan dito ha.  Kung hindi para sa prostitution, it will not fall under No. 3 kasi nga the grounds for Legal Separation is exclusive.  Isa pa, kahit attempt to engage or to corrupt the child into prostitution ay magfo-fall na agad under No. 3.  Hindi importante kung successful ba ang pambubugaw.

On another note, the child being referred here pertains only to the child of both petitioner and respondent or child of petitioner.  Gaya sa No. 1, kung anak ng respondent sa iba ang binubugaw niya for prostitution, hindi pwedeng ma-invoke ng petitioner iyon as ground for Legal Separation.

 

Final Judgment Involving More Than Six Years of Imprisonment

Ang saklap no?  Kinulong ka na nga tapos hihiwalayan ka pa ng asawa mo.  Pero, yup, ground siya for Legal Separation.  Wag kang mag-alala…legal separation lang naman pala e.  Hiwalay lang kayo bed and board hehehe.

Take note, ang sabi FINAL JUDGMENT.  So kung nililitis pa iyan, o di kaya ay naka-apila, or may pending pang Motion for Reconsideration, hindi pa yan FINAL JUDGMENT.  Nagiging final na lang iyan kung wala ng natitirang remedy para sa iyo.  As in, TAPOS NA.  Kasi nga hanggang hindi pa nagiging final ang isang kaso, the accused is still presumed innocent.

Take note also of the word imprisonment.  There are certain crimes na walang imprisonment kasi na penalty.  For one, meron tayong tinatawag na destierro.  Usually, eto ang parusang pinapataw dun sa babaeng napatunayang kumabit sa lalaking may asawa at kinasuhan sila ng concubinage.  Ibig sabihin ng destierro, eto yung pagbabawal sa kanya na tumira o makalapit within 25 kilometers radius dun sa bahay ng nagdemanda within a specified time.  So ayan, in order to avail of the ground under No. 4, dapat imprisonment ang naging hataw na parusa ha.

Same thing kung halimbawa the respondent spouse was found guilty beyond reasonable doubt of a crime and he was sentenced of four months of imprisonment.  Hindi pa rin pwede.  Kasi ang sabi ang parusang imprisonment should be more than six years.

 

Drug Addiction, Habitual Alcoholism, Lesbianism and Homosexuality

Later in Day 8, you will notice that drug addiction, habitual alcoholism, lesbianism and homosexuality are the same with the ground for annulment.  Ang pagkakaiba lang nila, itong mga ito constitute FRAUD that exist even prior to the celebration of marriage as a ground while dito sa legal separation, nag exist lang sila after na ng celebration ng marriage.

 

Sexual Infidelity or Perversion

Every sexual act sa ibang tao ng iyong asawa ay counted as ground for legal separation.  Yan ang sabi sa kaso ng People vs Zapata and Bondoc (88 Phil. 688 [1951]).  Sabi naman sa kaso ng Gandioco vs. Peñaranda (155 SCRA 725 [1989]), hindi na kailangan ng conviction sa concubinage para lang makapag file ka ng legal separation kasi preponderance of evidence lang ang kailangan para sa huli samantalanag proof beyond reasonable doubt naman ang sa concubinage dahil criminal in nature ito.  O, wag mo ng guluhin ang utak mo sa preponderance of evidence at proof beyond reasonable doubt.  Pabayaan mo na yan sa abogado.  Iyan kasi ang weight ng evidence na dapat patunayan sa korte so pabayaan na natin yan baka mabuwang-buwang ka pa.

 

Attempt On Life

In order to invoke this ground for legal separation, the attempt on the life must be clear or proceed from an evil design.  Baka at the fit of anger nasigawan ka niya at sinabing papatayin ka niya dahil nasa kalagitnaan kayo ng pagtatalo.  Pero ang totoo ay wala naman siya talagang planong patayin ka, maingay ka lang kasi kaya ayun…ay pag ganyan, hindi yan mag fo-fall under No. 9 ha.

One thing more, hindi rin yan magfo-fall under No. 9 kung yung asawa ay kumilos lang in self-defense or kung nahuli ka niyang may katalik na iba kaya ka napag buhatan ng kamay.  Hindi mo pwedeng iinvoke as ground yun for legal separation, talandi ka lang kasi.

 

Unjustified Abandonment

So iniwan ka ng asawa mo.  Let’s say may 1 year na na hindi ka inuuwian.  Justified na ba yan to constitute as a ground for legal separation?  Depende pa rin.  The abandonment must be UNjustified.  Pero kung ang dahilan kaya ka iniwan dahil ikaw ang may kalaguyo, ibang kwento yon. 

For this ground to prosper, hindi pwede na physical separation lang.  Dapat may intent to cease from performing marital relations, duties and rights.  Isa pa, dapat ang unjustified abandonment ay more than 1 year.  Otherwise, you cannot invoke No. 10 as a ground.

So paano nga ba masasabing may abandonment?  Kapag walang intention ng bumalik ang asawa sa kanilang bahay, it would suffice to constitute abandonment.  Sabi sa Article 101 ng Family Code, the spouse who has left the conjugal dwelling for a period of three months or has failed within the same period to give any information as to his or her whereabouts shall be prima facie presumed to have no intention of returning to the conjugal dwelling.

Teka nga pala.  Sabi sa kaso ng Dela Cruz vs. Dela Cruz (22 SCRA 333), ang abandonment dito ay hindi lang mere physical estrangement pero pati financial at moral desertion.  Dapat daw may absolute cessation of marital relations, duties, and rights with the intention of perpetual separation.

 

Yung ibang grounds nga pala self-explanatory na kaya skip na tayo dun ha.

 

PRESCRIPTION:

Kung mag sasampa ka ng legal separation, dapat gawin mo iyan within five (5) years from the time of the occurrence of the cause.  Take note: from the time of the occurrence.  HINDI from the time of the discovery.  Magkaiba po iyon.  So let’s say ang sexual infidelity ng asawa mo ay nangyari 6 years ago but you only discovered about it recently, ang bilang po ng 5 year prescription period ay from the time of occurrence which, in this case, is 6 years ago.  So wala na.  Kasi may limang taon ka lang e.  Kahit pa sabihin nating recently mo lang nadiscover yan.

 

DENIAL OF LEGAL SEPARATION

Merong anim (6) na dahilan under the Family Code para i-deny ang action for legal separation.

  1. where the aggrieved party has condoned the offense or act complained of;
  2. where the aggrieved party has consented to the commission of the offense or act complained of;
  3. where there is connivance between the parties in the commission of the offense or act constituting the ground for legal separation;
  4. where both parties have given ground for legal separation;
  5. where there is collusion between the parties to obtain the decree of legal separation; or
  6. where the action is barred by prescription (may 5 years ka lang para isampa ang legal separation from occurrence of the cause of action).

 Pero other than these 6, meron pang 2 additional.  Eto ay ang (1) reconciliation of the parties during the pendency of the action (Art. 66 par. 1, FC); at (2) death of either party during pendency of action (naku naman, obvious ba?!).

 

O eto ha.  The mere fact that you continued cohabitating with the guilty spouse despite your knowledge of his/her infidelity means that it is an implied condonation (Bugayong vs. Ginez, 100 Phil. 616 [1956]).

 

So ano nga ba ang effect ng legal separation?  Eto o:

1.  the spouses can live separately (Art. 63, FC)

2.  the properties shall be dissolved and liquidated, and the share of the guilty spouse shall be forfeited in favor of the common children, previous children, or innocent spouse [in order] (Art. 63. cf. Art 43, par. 2)

3.  custody of the minor children shall be awarded to the innocent spouse (Art. 63, FC, cf. Art. 213)

4.  guilty spouse shall be disqualified from inheriting from innocent spouse by intestate succession.  Kung may provision sa will (testamento) ng innocent spouse para kay guilty spouse, marerevoke yon by operation of law (Art. 64, FC)

5.  donations in favor of guilty spouse may be revoked (Art. 64, FC)

6.  innocent spouse may also revoke designation of guilty spouse as beneficiary in an insurance policy, kung meron, kahit pa nakalagay sa policy na irrevocable yon (Art. 64, FC, cf. PD 612, sec. 11)

7.  obligation for mutual support ceases, but the court may order the guilty spouse to support the innocent spouse (Art. 198, FC)

8.  the wife shall continue to use the surname of the husband even after the decree for legal separation (Art. 372, CC)

 

O, ang haba na.  Sa Word ko ay may 8 pages na siya.  Wag na muna ako magkuwento ha.  Next week may follow-up tayo.  Tungkol ito sa divorce at dun sa mga Filipino na nakapangasawa ng foreigner then later nag avail ng divorce sa ibang bansa.  Pramis, follow-up yan.  Iiklian ko lang at hindi ganito kahaba.

 

SOURCES:

Section 12, Article II, 1987 Constitution

Article 55, Family Code of the Philippines (E.O. No. 209)

Article 56, Family Code of the Philippines (E.O. No. 209)

Article 57, Family Code of the Philippines (E.O. No. 209)

Laperal vs Republic, 6 SCRA 357

Article 101, Family Code of the Philippines (E.O. No. 209)

Tenchavez vs. Escano, G.R. No. L-19671 (November 29, 1965)

Persons and Family Relations Law by Melencio S. Sta. Maria, Jr., 2010, 5th Ed.

 

Writer’s Note:  the words used in this text are carefully chosen to conform to the understanding of the layman.

 

INYO RING BASAHIN:  ANG INTRODUCTION

9 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Day 7 (Legal Separation)

  1. Magturo ka na sa law school….:)

  2. “talandi ka kasi.” ah, may gano’n? di naman, masyado, hihi.😉

    ala e, ang sinasabi baga rine, mahirap mag-dispose ng spouse? mas madali, kung papatayin na lang ta’s idi-dispose remains? hihi, peace.

    hellow, biatch.🙂

    • hahahaha! ayan ang tinatawag na cariño brutal. para daw sa buwan ng puso. Mabuhay ang mga talandi!

      • ay, bilib ako ro’n sa mga babaeng nakakarami ng asawa at binibigyan pa sila ng sustento matapos maghiwalay, pambihira. sila na… ^^

        on the other hand, meron naman, pagkakaraming babae – nambubugbog ang asawa, kung ilan ang kabit, di pa nagbibigay maski pambili ng bigas pero, ayaw hiwalayan… hindi lang sa wala silang pambayad sa abogado para sa legal na pag-aayos, kundi pinagtatakpan pa nila sa publikong “may depekto” ang esposo. i-dispose na lang kaya nila pag tulog? haha, tingin mo, atty?😉🙂

      • ever heard of the battered wife syndrome? hindi ito yung nilalagyan ng butter si wife ha o di kaya peanut batter (weeh). eto yung tipong parang psychological and behavioral pattern sa pag-uugali nung babae living in a battered or abusive relationship. parang gaya saexample mo, pinagtatakpan pa nila kahit grabe ang pambubugbog sa kanila. If you can remember San, dun sa DAY 1, nabanggit ko ang absolutory cause. Eto yung napatay na nila yung abusive spouse dahil di na kinaya ang physical beating. Nagiging depensa nila ito

  3. hey i am back cirke again…..
    noted ang mga lecture mo…… judge…..however papano ko ipplwanag sa mga pads ko yan dhil my sariling batas ang simbahan…anyway malaking edukasyon yan para sa mga my batas ng lansangan na ang pannwala bsta hiwalay ay pwede ng ikasal sa kama kahit walang basbas ng tamang batas na walang nilalabag sa pagsasama ng legal…..

  4. Dami kong natutunan… Dumugo lang ilong ko sa mga terminologies… Nice one manager!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s