SEBEN PIPTI (Estribo Gang)

“Lagro!  Lagro!  Byaheng Lagro tayo diyan!”

Ako na lang daw ang inaantay at lalarga na.  Pumasok na daw ako nang makaalis na.  Sumilip ako pero mukhang pang waluhan lamang.  Pero sabi ng mamang drayber ay kaya pa ang isa.  Maaari pa raw sumabit at kasyang-kasya pa, ika niya.

Umisod-isod.  Umisod kayo ng kaunti.  Isod pa kayo dyan ng kaunti at di ako kakasya sa kapirasong upuan.  Gusto ko nang makaalis.  Gusto ko rin makaupo.  Gusto ko rin makarating hanggang Lagro tangan-tangan ang seben pipting pamasahe.  Pagkakasyahin kung maaari, pipiliting makarating sa dulo ng iyong byahe.

Pero nang makaupo, ako’y tila nahuhulog.  Magkukunwari na lang na kasyang-kasya ako.  Magpapanggap na kampante sa pagkakaupo.  Dinungaw ang drayber, wala naman ata siyang pakialam.  Kayang-kaya ko ito, magtitiis hanggang makarating sa dulo.  Sayang ang seben pipti.  Kesa naman bumaba pa ako at makipagsiksikan na naman ng panibago.  Baka ang susunod na dyip ay di na pumayag sa pamasaheng seben pipting papuntang Lagro.

Ako’y saglit na napa-isip; bakit nga ba nagawang ipagsiksikan gayung puno na ang laman?  Lalarga na nga lang at lahat-lahat, heto’t humabol pa at nakipagsiksikan.  Eto lamang ba ang byahe na nakatakda para sa akin?  O baka naman naaari ako sa kabila at doon na lang kaya lumipat?

At nang magsimulang umandar ay di ko na rin kinaya.  Ako’y nahuhulog, mistulang lugi sa iniabot kong pamasahe.  Ang masakit ay wala naman siyang pakialam basta’t kampante ang byahe para sa kanya at bayad ako kahit seben pipit lamang ang naiabot hanggang Lagro.  Upong pang seben pipti ay naging upong pang por pipti.  Ako’y nangangalay din naman, napapagod at pinagpapawisan, nagnanais na makaupo rin ng maayos gaya ng iba.    

Gusto ko sanang makarating hanggang dulo.  Maaari bang ang seben pipti kong dala ay umabot hanggang sa pinakamalayo mong byahe?  Kaya kong mangalay ng ilang oras, abutin man ng trapik sa kalagitnaan.  Siguro naman ay may bababa rin maya-maya lang at ako’y makakaupo rin ng maayos gaya nila.

Pero tatlumpong minuto na nga ang biniyahe, ni isa ay walang gumagalaw.  Ako daw ang huling sumabit, ako daw ang dapat magtiis.

Nakakahinayang ang binayad ko kung bababa pa ako.  Pero sulit ba ang pagkakaupo sa seben pipting iniabot ko?

Ako’y bababa na nga lang at sasakay sa mas maluwag na byahe patungong Lagro.  Ipara mo na lang kaya mamang drayber at ako ay bababa na lang.  Itabi mo at doon na lang ako sa may kanto. Iyo na ang seben pipti, di na ako magrereklamo.  Salamat sa byahe, kahit papaano’y ako naman ay nakakalahati.  Salamat sa kapirasong upuan na ikaw lang naman ata ang natuwa sa kita.

Pamasaheng seben pipti ay di sapat para umabot hanggang sa dulo.  Ano mang nais kong pagtiisan ang kapirasong upuan, ako’y nangangalay at napapagod din naman.  Kasalanan kong ipagpilitang paabutin hanggang dulo ang minimum kong pamasahe.  Kaya nararapat lamang na ako’y bumaba na kung saan lang kayang maabot ng iniabot kong pamasahe.  Tatandaan ko na lamang mula ngayon na ang saktong pamasaheng ibinayad ay may katumbas lamang na layo ng byaheng mapupuntahan.

 

Pasasaan nga ba ang tungo?

Bakit nga ba nakisabay pa ako?

Puno na at lalakad na nga lang

humabol pa at nakipagsiksikan.

Para mama! 

Ako’y bababa na

Seben pipting pamasahe

Hanggang dito lang talaga ang kaya.

 

 

HINTAYIN LYRICS

 

Allegory is a literary device in which characters or events in a literary, visual, or musical art form represent or symbolize ideas and concepts. Allegory has been used widely throughout the histories of all forms of art; a major reason for this is its immense power to illustrate complex ideas and concepts in ways that are easily digestible and tangible to its viewers, readers, or listeners. An allegory conveys its hidden message through symbolic figures, actions, imagery, and/or events. Allegory is generally treated as a figure ofrhetoric; a rhetorical allegory is a demonstrative form of representation conveying meaning other than the words that are spoken. 

 

CREDIT: Kley (music/vid); HomeworkzVideos (video upload); Lyrics (songlyrics)

SOURCE: http://en.wikipedia.org/wiki/Allegory

8 thoughts on “SEBEN PIPTI (Estribo Gang)

  1. i am back cirke again… wow ang lalim i miss you

  2. paumanhin, pero parang usaping PUSO talaga itong katha na ito. feeling ko lang ha.

  3. ahihi, usapang honesty ire, kainaman na…three options, kapatid —

    1. wan tu tri…. hehehe – na-try mo na? mahirap gawin, pag sa jeep depot sasakay.

    2. seben pipti… eyt pesos na po minimum, hakhak. sige na nga, kunwari, 7.50 pa. pero, por dyos, maunlad na swindling ang minimum fare bayad pag end to end na byahe… kamuntik nang na-chieve ng bida sa istorya, harhar…

    3. fair fare – minimum bayaran if minimum layo ng byahe. max kung sa dulo ng byahe, ahaha. nakakasama ito ng loob pag siksikan o salbahe mag-drive ang tsuper. worse, kung siksikan na, tapos, inaalog pang parang duhat mga pasahero dahil pagkabait mag-drive ng tsuper, haha.

    buhay pasahero, oo… mag-bus ka na lang kaya? or, taxi? maigi pa, sariling sasakyan. ikaw ang tsuper, ikaw rin tatanggap ng reklamo mula sa pasahero (sariling saksakan ng reklamador). whehe….kaway-kaway, biatch…😉

    • Hello San!
      Actually di nga ako sure kung magkano minimum na ngayon pero pinanindigan ko na lang ang seben pipti kasi sagwa kung ang title ko ay EYT or EYT PESOS hahahaha…

      Oo madugas nga ang pasahero. Alam naman niyang kulang pamasahe niya, aasa pa siya sa pinakadulong byahe. Baka gusto makatipid kaya ganun. Thinking na makakaisa nga naman siya dahil pumayag na isakay siya kahit kulang pamasahe, nagtyaga kahit hirap sa pagkakaupo.

      Syempre, ano bang pakialam ng driver sa kanya e importante ang bayad niya? Kung tutuusin ay di na dapat siya kasama sa bilang, pero dahil pareho silang tuso, o hayan, sige, magsiksikan kayo.

      At the end of the day, sinong nahirapan? E di ang tusong pasahero. Bababa ka sa kalagitnaan ng byahe, naibayad mo na ang pamasahe. pag pumara ka ng panibagong dyip, natural sisingilin ka ng minimum to maximum fare. e di dumoble pa nabayad mo!

      • hellow… maganda nga title, lalo pa yong parenthetical. gusto ko usually yong touch na gano’n sa pagsusulat mo. pop pero so right on, haha…🙂

        so, bale, this is a case na both sila, me balak mang-isa sa isa’t isa, hahaha. and the driver won, hakhak…

        nonetheless, natuwa pa rin me that you toured us inside the madugas na pasahero’s head. galing…🙂

        kaway-kaway… me utang pa me sa yow…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s