Law For The Idiots: Day 4, part I (Estafa [Swindling])

estafa

Naku ha.  Kung maka-estafa ka akala mo naman alam mo ibig sabihin nun.  O sige nga, define estafa (swindling)?

Malay ko rin.  Ang alam ko nag cutting na naman ako sa klase noong ito ang topic.  E kasi naman, 3 pages lang ang nabasa ko kinagabihan tapos ang trip ng prof ko isang tao lang ang tatawagin niya for recitation.  Kaya kung 3 hours ang klase namin sa criminal law that means 3 hours din nakatayo at mukhang tanga sira na nagrerecite ang estudyante.  Subukan mo ngayon i-convert ang 3 pages into 3 hours!  Ano ako, bale?  Tapos sisigawan ako ni sir at sasabihin:

“Miss!  How can you become a lawyer?!  It’s either you are absent or you’re present nga pero nagmumuni-muni ka naman sa tapat ng bintana!  Magbasa ka!  Wala sa bintana ang sagot!  Inaantay mo bang dumaan ang crush mo?!  Mag-asawa ka na lang at wag ka ng mag-abogasya!  Anak ng pitumpo’t pitong pating!”

Di ako pam pers honor.  Ako nga yung tipong napunta sa Section 1 not because of high academic grades pero kasi ang dami kong extracurricular activities.  Counted din kaya yon!  Pero at least alam ko pag sinabing estafa o swindling, eto yung panggagantso.  Oo, eto yung paboritong past time ng mga mandurugas.  Pero alam nyo ba na may iba’t ibang mukha ang estafa?

Sa Chapter 6 ng Revised Penal Code nakahilera lahat ng uri ng panggagantso kaya nga ang title nito ay “Swindling And Other Deceits”.  Articles 315 to 318 ang coverage niya.  Pero ang pinaka mukha ng estafa mismo ay nasa Article 315 of the Revised Penal Code.  Gaya ng dati, hindi lahat ikukuwento ko sa   inyo.  Di na tayo lalayo and we will just focus on Article 315.

Naku, tingnan ninyo ng maige ang iba’t ibang mukha ng estafa ha.  Palagay ko may iba sa inyong guilty, pramis.

Para di kayo malito, we will divide estafa into Groups 1, 2, and 3.

4 thoughts on “Law For The Idiots: Day 4, part I (Estafa [Swindling])

  1. feeling ko totoo ito,

    “Miss! How can you become a lawyer?! It’s either you are absent or you’re present nga pero nagmumuni-muni ka naman sa tapat ng bintana! Magbasa ka! Wala sa bintana ang sagot! Inaantay mo bang dumaan ang crush mo?! Mag-asawa ka na lang at wag ka ng mag-abogasya! Anak ng pitumpo’t pitong pating!”

    feeling lang. hihihi.

  2. Ask ko lang po kung ano ang kaparusahan pag na guil
    ty ka sa kasong simple seduction?

  3. Sir ask ko lang po kung ano ang kaparusahan pag na guilty ka sa kasalanang simple seduction?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s