25 thoughts on “Law For The Idiots: Day 3 (Legitime [partihan sa mana])

  1. ‘neng, sa JCo na lang kita bili. may brewed coffee ro’n, tapos, may free na glazed donut. isang buo at wala kang kahati…😉 yon lang, parang isang tabo ang equivalent ng kape nila, gising ka pa till next day para i-ponder ang fate at hatian ng donut mong makulay, haha…

    may legitime-legitime ka ryan, hakhak. madugo, basta usapang hatian na, kapatid…:) btw, peyborit ko ang legally blonde, yung una, hehe.🙂

    i enjoyed reading your looong post, whehe.🙂

    • ay gusto ko yan San! By the way, ang pinam-bribe nga pala sa akin sa Walang Multo ay JCo din. Pambihira…mukhang P.G. lang ang peg ko hehehehe.

      hmmmm…alam mo ba na sa araw na ito ay 2x na may nagsabi sa akin ng “legally blonde”?

      ay thank you for appreciating this loooooong post (ang lungkot ng kanta mo dun sa post mo, kaiyak)

      • correction: hindi ako yung legally blonde, what I mean is, binanggit sa akin ang salitang “legally blonde”, yown

      • ay, masarap ‘yon. yong kulay green na donat ng JCo saka ‘yong pale yellow, yong may shredded something sa ibabaw. tamo, kumita ka na sa Walang Multo. ikaw na marunong mag-monetize (in kind pala, hehe)…

        ay, siyempre, aliw ang legally blonde… pati nga musicale no’n, pinanood namin, yong si Nikki Gil? oks naman, nakita namin si Papa Cesar Montano, haha. kasama pa nya no’n si wifey Sunshine (na parang masungit, hehe).

        ay, katyaga mo nga, as in. para kang gumagawa ng reviewer, hihi. teka, aling post ang malungkot music… saang post ka naiyak, ahaha….

  2. hmmm, dahil dito parang na temp ako ipaglaban ang rights ni Mama sa kanyang mana…hmmm. naku mahabang usapin kelangan may manlibre ng donut at kape.

  3. ay, di ko inisip, dear, na ikaw si legally blonde. basta naalala ko lang, dahil sa post mo. tsaka, fan me ni reese w… hmnn, likely, masipag at madiskarte ka ring lawyer (parang si legally blonde), pakiramdam ko lang, hihi…🙂

  4. Maraming Salamat nagkaroon po ako ng idea tungkol sa hatian ng mana! May itatanong din po sana ako, Kasal po ang aking mga magulang since 1991, naghiwalay sila noong taong 2004, walang naganap na annulment. Nung nalaman ng panganay na kapatid ng daddy ko na naghiwalay ang aking mga magulang, kinuha niya ang titulo ng aking ama, yung titulo na yun naka pangalan sa aking ama bago pa sila magpakasal ng aking nanay. Simula nun naghiwalay sila hindi na nakuha ng aking ama ang kanyang titulo sa kanyang kapatid na panganay, sinabi ng kanyang kapatid na bayaran muna daw ang kanyang utang, kaya nagulat ang aking ama na bigla sya nagkautang, sa mga lolo at lola ko humihingi ng pera ang aking ama na nagkataon na ang panganay niyang kapatid ang naghahawak ng pera ng kanilang mga magulang. Walang naganap na kasulatan o pirmahan sa utang na kanilang sinasabi. Halos kalahati ng titulo ng magkakapatid ay nasa kapatid nilang panganay. Kaya nun namatay ang aking ama taong 2011, pagkatapos ng libing ng aking ama ay sinabihan nila ako na huwag daw akong mag alala at ibibigay daw nila ang para sa akin, may kapatid nga po pala ako sa labas, kapatid ko sya sa ama, kung ano daw sakin ay ganun din daw ang hati sa aking kapatid sa ama sabi ng aking tiya na naghahawak ng titulo ng aking Ama, Kaya kami po ng aking ina ay humihingi po ng payo sa inyo kung sino po ba talaga ang may karapatan sa titulo ng ama ko? Maari po ba namin kunin yun titulo sa kanila? Paano po yun sinasabi nilang utang ng aking ama? Naway masagot niyo po ang aking katanungan. Godbless!

    • Hello Nikka! Maraming salamat sa pagbisita. Maraming tatamaang issue ang tanong mo sa itaas. Hindi ako nagbibigay ng advise dito mismo sa blog. Ano ba ang email add mo at dun ko na lang ipapadala? Para personal na matanggap mo ang sagot ko.😀

      Have a nice day!

  5. Hihintayin ko po ang advise na ibibigay na panigurado ay makakatulong sa amin! Godbless po!

  6. Magandang araw po Atty! Ako po yung Nikka, na humingi po ng advise dito nun May 9. Makikusap po sana kami ng aking ina kung maari po ba kami makipag usap o humingi po ng payo personally? kahit saglit lang po o kung maari po ba namin kayo puntahan sa inyong opisina? Alam ko pong busy kayo, pero kailangan na kailangan po kasi namin ng tulong mula sa legal expert at kayo po yun.Ako po ay umaasa sa inyong kasagutan. Godbless!

  7. nasiyahan poko ng husto sa mga payo nyo atty lumalakas po loob ko lumaban sa mga taong nangloko po sa karapatan ko sa benipisyo at karapatan kong anak na panganay ng namatay ko ama illigitimate poko atty matanong ko lang po atty bakit po sa insurance sa kumpanya ng ama ko namatay ay hindi poko binigyan ng karapatan kahit piso samantalang yung apat kopo kapatid sa ama puro illigitimate din nakakuwa po sila kulakulang 2million po ang sakit po 20 yrs poko lumaban sa kahirapan tapos po aug 20 2013 papo patay ama ko january ko lang po nalaman na patay na ama ko hindi po sinabi ng mga kapatid ko sa ama tapos wala poko nkuwa kahit piso sa insurance samantalang panganay poko anak tnx po godbless po

  8. Pingback: thelovelybiatch | LAW FOR THE IDIOTS: Day 25 (Disinheritance)

  9. Atty, pwede po ba itanong kung ang 1 sa kapatid ko eh malaki ang posyento nya sa nabiling lupa.
    Ang kwento po ay ganito:
    nung mamatay ang tatay namen, ginamit ang pera sa pagbenta ng lupa na namana pa nya sa magulang nya na pambili ng bahay at lupa, ang total na pera sa napagbentahan ay 2 milyon, para mabili ang lupa, nag ambag ang kuya ko ng 1.5milyon(sariling pera nya). may karapatan po ba ang kuya ko na ibenta yung bahay na nabili ng walang pahintulot sa nanay namen at sameng magkakapatid? at pano po ang hatian?

  10. hi po,
    pwd po ba un na ang illegitimate child ay mag hihintay lng kung magkano ang ibigay ng legitimate child?.kasi po 2 yung legitimate at ako lng po ang mag iisang anak sa labas.sabi ng mga tiyuhin ko na mag antay ako kung magkano ibibigay sa akin.pwd po ba un?..

    • Hello Cindy!

      Ang parte ng isang illegitimate child ay itinakda mismo ng batas natin. Karapatan mo yun. Pero dahil basic lang ang discussion tungkol sa partihan dyan, may mga “circumstances” tayo na dapat i-consider. For further queries, you may visit the Facebook page Red Shoe Publishing, and send us a private message there para mas ma-update kita.

      Please don’t forget to like Red Shoe Publishing. See you there!

  11. hi po atty tanung kulang po mag kano total amount na makukuha namin as illegitimate child ng papa namin 6 ang ligitimate child ng papa at buhay pa ang legal na asawa niya yung lupa minana ng papa sa lolo 2007400 ang halaga ng lupa

    • Hi Edgar! Ang share ng isang illegitimate ay kalahati ng share na makukuha ng isang legitimate. Ang sabi mo buhay pa ang papa mo. Wag nyo muna I-compute makukuha ninyo kasi sabi mo buhay pa ang papa nyo. More likely pwedeng may magbago pa. Magte-take effect ang “mana” once na mamatay ang “magpapamana”.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s