LAW FOR THE IDIOTS: Introduction

Image

Being an idiot is not an excuse

Naku kakainin ko ngayon yung sinabi ko noon na hinding-hindi ako magsusulat ng anumang patungkol sa propesyon ko.  Sabi ko pa noon ay ang ipo-post ko lang ay mga kalokohang malayo sa totoong buhay para maiba naman ang panlasa ko.

Pero since nirequest sa akin ito at madali akong i-bribe ng pagkain, pumayag na rin ako (para sa dakila kong reader, tuparin mo ang pagdedeliver ng donuts sa office ko with matching brewed coffee for 30 days).

Ganito, sa Law For The Idiots, susubukan natin ipaliwanag ang basics ng batas para sa layman.  O, baka naman siryosohin ninyo ang salitang idiot at murahin ninyo ako pabalik ha?  Ayan ay para lamang maging light ang discussion patungkol sa batas na tipong maiintindihan kahit ng tambay sa kanto.  Para hindi naman heavy at intimidating ang dating diba?

Hindi ito consultation.  No way.  Ang purpose lamang ng blog series na ito ay para mabigyan ng idea ang pangkaraniwang tao tungkol sa batas natin.  Birds eye view kumbaga.  At dahil para sa mga pangkaraniwang tao ito ang mga uri rin ng batas na tatalakayin dito ay iyong applicable lang din sa ating lahat.

Sususugin natin ang criminal law, civil, pwede rin annulment at legal separation (kasama na rin ang declaration of nullity of marriage).  Syempre, isasama na rin natin pati labor.  Ano pa ba…?  Sige isip lang kayo.  Pwede lang kayong magrequest thru email kung anong topic ba ang napupusuan ninyo but you can never ask for consultation except under certain circumstances which I might consider.

Inuulit ko: hindi ito consultation.  Ang remedy kasi sa batas natin ay nababago depende sa dagdag na facts na ilalagay mo sa kwento.  At nag-iingat ako ng maige sa bagay na ito.  So I would never do that kasi baka maiba ang remedy na dapat ay applicable para sa iyo just because you missed to divulge to me a pertinent information.  Magbigay ka ng problema sa sampung abogado at lalabas na meron ka pang labinlimang solusyon na maririnig.  Gets nyo?  Ang kukulit pa naman ng mga abogado, ayaw magpatalo (hihihihi).

Para mas magaan ang paliwanag ng mga batas, maglalakip din tayo paminsan-minsan ng mga actual cases decided by the Supreme Court.  Sila ang gagawin nating example at kung paano binigyan ng final say ng Korte Suprema ang sulinarining iyon. 

We will have a 20-day series under this blog.  Feel free to contact me thru email or make your comments below if there’s a particular topic you want to be discussed here.  It can be about self-defense, defense of a stranger, defense of a relative, absolutory cause, annulment vs legal separation, sexual harassment, perjury, Violence Against Women and Children (VAWC), oral defamation, ejectment, small claims and constructive dismissal.  Pati human trafficking kung gusto ninyo ay pwede rin.  We will be posting 20 topics only so I can move on with my other kalokohang posts.

For the mean time, let’s all enjoy the rain and sip a brewed coffee.

                                                                                            -iskaBITCHe

 Credit for the photo : http://heysko.com/funnypictures/0038.html

 

 

18 thoughts on “LAW FOR THE IDIOTS: Introduction

  1. nice one atty….😉

  2. 🙂 pede rin ba tungkol sa taxation?😛

  3. ANNULMENT! ANNULMENT!!!! hehehehehe

  4. ok sana yung annulment pero pang huli mo na yan bossing! yung damages muna o kaya about mana-mana (succession), hehe

  5. pede po deed of sale , transfer of title

  6. iska, eto po ang request ko..pasensiya na pangalawa ko na ito! hehe! paano po kung inilagay ka sa articles of incorporation bilang dummy owner ng isang kumpanya tapos ngkaroon ng kaso ito? ano po ang mga pananagutan? pwede po bang malusutan ito sa pamamagitan lamang ng pagsasabi ng totoong dummy owner lang ang taong iyon? ito po ay isang istorya ng pagsunod sa utos ng isang hamak na empleyado sa kanyang amo. salamat po!

  7. Pingback: thelovelybiatch | Law For The Idiots: Day 2 (Katarungan Pambarangay Law)

  8. Pingback: thelovelybiatch | Law For The Idiots: Day 3 (Legitime [partihan sa mana])

  9. Pingback: thelovelybiatch | Law For The Idiots: Day 4, Part II (Estafa [Swindling])

  10. Pingback: thelovelybiatch | LAW FOR THE IDIOTS: Day 5 (Small Claims)

  11. Pingback: thelovelybiatch | LAW FOR THE IDIOTS: Day 7.1 (Divorce by a foreign spouse)

  12. Pingback: thelovelybiatch | LAW FOR THE IDIOTS: Day 8 (Violence Against Women and Children)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s