N.P.A. (No Permanent Address)

Image

Kapag nakatalikod na silang lahat saka ako bubwelo at tatakas. Kakaripas ako ng takbo at di nila ako mahahabol. Magtatago ako ng maige para di nila ako mahanap.

Tatakas ako.  Pupuslit ako at magtatago ─doon marahil sa malayong-malayo… doon sa lugar na ako lamang ang bukod tanging masusunod.  Iikot ang mundo sa aking mga palad at walang makakapigil dito.  Bawal ang makialam.  Wala ni isang sisita.  

 

Image

Liwanag lamang ang magsisilbi kong gabay sa aking pupuntahan at palatandaan naman upang makabalik ako sa aking pinagmulan.

Tatakas ako…doon sa malayong malayo.  Sisigaw ako ng malakas at walang magbabawal at sisita sa akin.  Makikipaglaro ako sa aking alingawngaw at makikipag habulan sa aninong ligaw.  Walang magsasabing isa akong baliw lalo na ang mga hangal na wala naman talagang alam.

 

Image

Dito sa lugar na ito, lahat ng gusto ko ay masusunod. Lahat ng nais kong gawin ay magagawa ko ng malaya. Eto ang mundo ko, ang sarili kong mundo, ang sarili kong bersyon ng kalayaan at kamulatan.

Tatakas ako.  Walang ibang makakahanap sa akin.  Tataguan ko silang lahat.  Hinding-hindi nila ako mahahanap.  Sisigaw ako hanggang gusto ko.  Tatalon ako ng pagkataas-taas.  Tatakbo ako ng matulin ─’yung mabilis na mabilis!

 

Image

Sa mundo kong ito, sinasadya kong mag-iwan ng bakas upang muli ko itong mabalikan. At kung sakali mang may mangahas na tumawid dito nang walang pasintabi, ang mga bakas na iyan ang magsisilbing buhay na babala para sa kanila ─babala na hindi sila inaanyayahan sa mundong iyon.

 

Tatakas ako.

Tatakas ako.

Peksman, mamatay man sila, tatakas ako.

Shhhh…..!

 

Image

Hindi lahat dapat isinasama. May piling ilan lamang na dapat pinagbubuksan.

p.s.  Di mo ba nakikita na ang anyayahan kang samahan ako sa sarili kong mundo ay isang pribilehiyo?  Isang beses lang kita tatanungin at di ko na ito uulitin:

 

AMAMUS GNAB OM OTSUG?

4 thoughts on “N.P.A. (No Permanent Address)

  1. i am back….curt is here…ano k amazona wow i like this post…seriously ibang klase obra mo para knno bto

  2. sa boracay? hihihi, parang do’n… hey, miss, parang ngayon lang ako nakakita ng attached pics sa post, katuwa… di na muna me sasama at may sarili rin meng pagtakas na gagawin, hoho. hope things are well po. regards…😉

    • hello San! ay di sa bora e. actual “takas shots” ko nga sa totoong buhay. yung tipong walang nakakaalam san ka nagpunta at di napansing wala ka kasi tulog pa silang lahat. sarap ng feeling hehehehe…tapos yung pupuntahan mo walang katao-tao, ikaw lang at camera mo.

      oo sige. ingat sa pagtakas. kita na lang tayo sa finish line. finisher naman tayo pareho hihihi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s