Beggar

Lumakad ako sa matao at magulong Carriedo.  Ngunit ang mga yabag ng kung sino ay dagliang nagpahinto at nagpalingon sa akin.  Baka kasi may isnatser sa likod ko.  Mahirap nang madali.  Buti sana kung may ititira pa sa akin pag ako ay na-isnatsan.  Ang layo pa naman ng aking pupuntahan, sa totoo lang.

Wala akong nakitang kakaiba.  Tanging mga manlalakbay na walang pakialam lamang ang nasa aking likuran.  May mangilan-ngilang nakiki-usyoso kung ano ang suot at bitbit ko pero majority sa kanila ay nagnanais na mapansin kaya todo ang papansin sa kahit na anong uri ng pagpapapansin na maaaring mag click.

Lakad uli.  Pero malakas ang pakiramdam kong may nakamasid sa aking likuran. Isa pa, sige, sabi ko sa sarili.  At ako nga ay muling lumingon.  Andoon siya.  Nakatayo.  Nakangiti.

Ang sabi, “palimos.”

Ngumiti lang ako.  Akala ko kasi prank joke.  Maayos kasi ang pananamit at di mukhang pulubi.  Sabagay ay ganito na raw ang istilo ng mga lagalag pati na rin ng mga masasamang damo.

“Wala akong maibibigay sa’yo”.  Sa tantsa ko kasi ay may laman naman ang kanyang bulsa.  Di niya kailangan ang ibibigay ko.

Pero di siya lumayo.  Di rin umalis sa pagkakatayo.  Wala naman siyang sinagot maliban sa pag-ulit ng, “palimos.”

Kaya ang ginawa ko ay niyakad siyang sumama sa akin.  “Tara.  Doon tayo sa bekeri (bakery daw sa ingles).”

Sumama naman siya sa akin.  Di man lang inisip na baka masamang tao ako.  Pero ang nakapagtataka ay bakit di ko rin man lamang inisip na baka nga mas masamang tao pa siya kesa sa akin.

Siguro nga ay bias ako.  At dahil di siya gusgusin at maayos ang pananamit, hinawakan ko ang kanyang kamay habang sabay kaming tumatawid papuntang bekeri.  Doon sa bekeri ay masarap at mainit ang tinapay.  Laging may bagong niluluto.

Wala naman kaming ibang pinagkwentuhan.  Di ko siya kilala.  Di niya ako kilala.  At higit sa lahat, wala kaming alam sa takbo ng utak ng isa’t isa.  Malay ko kung may dala pala siyang ice pick at biglang isnatsan ako.  Di rin ba niya alam na may dala akong balisong sa bag at maaari siyang isnatsan?  Pero kahit pareho kaming walang imik, sabay at pareho kaming umorder ng sopisdrink at pandecoco.  Pareho pala kami ng gusto.  Pag kumakagat ako sa tinapay ko ay kumakagat din siya sa tinapay niya.  Pag iinom ako sa sopisdrink, iinom din siya.  Para kaming salamin na di ko maintindihan.  Kung ano ang kilos ko, iyon din ang kilos niya.  Pag tatawa ako, parang may queue din siya na dapat ay tumawa din.

Natapos kaming kumain; di ko pa rin siya kilala, di pa rin niya ako kilala.  Pero sa tuwing magkakaharap kami, salamin ang tingin ko sa kanya.  Bago ako tumayo ay may inabot ako sa kanya.  Tatlong pirasong Hershey’s Kisses.

“Tsokolate, pabaon ko sa’yo.  Para sa happy hormones”. 

Di ko na inantay ang sasabihin niya.  Tumalikod na ako at naglakad papalayo.  Pero bago pa man ako makapanhik sa LRT, nilingon ko ang magpapalimos.  Patawid na siya sa kabila ng LRT, at kung saan papunta ay di ko alam.

Ewan ko ba pero sa sandaling iyon ay bigla akong tumawid ng kalsada at sinundan ang magpapalimos.  Nang nasa likod na niya ako, tinapik ko ang kanyang balikat.

Nilingon niya ako sabay ngiti.  Sa di ko malamang dahilan ay bigla kong nasambit sa kanya:

“Palimos.”

 

 

Kung sakaling masalubong mo muli ako sa iyong byahe, pakitapik na lang ang aking balikat.  Bulag kasi ako kung minsan.  Kung tatawagin mo naman ako ay medyo paki sigaw, bingi kasi ako.  Wag mo din akong tatanungin ng diretsahan, hinay-hinay lang.  Pipi kasi ako at umaasa lang sa mga senyas.  Naiintindihan ko naman na sa ibang lugar ang tungo mo at di ako maaaring sumama sa iyo.  Hanggang dito lamang kita maihahatid.  Pero pinapanalangin ko na maging ligtas nawa ang iyong paglalakbay.  Nawa’y sa isang dako ng ating kanya-kanyang byahe ay magtagpo muli tayo at magkamustahan ng walang alinlangan.  Huwag mo akong kakalimutan.  

 

Allegory is a literary device in which character or events in a literary, visual, or musical art form represent or symbolize ideas and concepts.  Allegory has been used widely throughout the histories of all forms of art; a major reason for this is its immense power to illustrate complex ideas and concepts in ways that are easily digestible and tangible to its viewers, readers, or listeners.  An allegory conveys its hidden message through symbolic figures, actions, imagery, and/or events.  (source: http://en.wikipedia.org/wiki/Allegory)

 

Oo nga pala, may mga mahahalay na bahagi ang music video.  Alam mo naman itong si mareng Britney, hihihi.  Pagtuunan na lamang ng pansin ang kwento sa video para masaya.

DISCLAIMER:  Di akin ang video.  Kredito para sa artist, producer, composer at uploader na makikita sa link nito.

9 thoughts on “Beggar

  1. ako din… palimos

  2. ahaha, “Mahirap nang madali,” is too Tagalog, kapatid. aliw, you know it and you use it well. anong ginagawa mo sa Carriedo, may office pa ba ang NBI do’n?

    bias ka nga, bingi at pipi, hahaha. at pana-panahon, kailangan mong manalamin, bago manlimos… inggit ka rin, Biatch. gusto mo, ikaw ang nasa pwesto nya, pero hindi pwede, ahaha…🙂😉

    • Ang galing galing!!! Clap clap clap. Pero hulaan mo ano ibig sabihin ng “Carriedo” na lugar. Ayan. Para sabay tyo tatambling pag nahulaan mo. Brava!

      Sent from my iPhone

      • well, Carriedo is one of the jungles in the metropolis where one could be stabbed to death without notice. is it an allusion to cyberspace? blog sphere? ahaha.😉 at any rate, you seem to be in your element at Carriedo, my dear, hihihi. thing is, it is quite a long way down, kapatid. one can only venture in dangerous places in one’s art and writings, and in limited corners at that, ahuh… in the evenings, you come home to the safety of your home, passing by the garage, that seems oh, so permanent… ^^

        oh, well, basahin mo ang Sa May Kanto ng Avenida at Recto… balak ko rin before na sumulat about Carriedo, di ko pa napagdidiskitahan, ahaha. gandang hapon po. 🙂

      • APIR! Oo nga pala San, kung sakaling makuha mo ibig sabihin ng “palimos” at ng “bekeri”….sshhhhh….hihihihi

  3. ei, bawal magbigay ng limos at mamalimos, dear. that is, kung mag-i-istrikto, hoho… hala pa, read the post sa dpsa, Ang Mga Panaderya sa Bayan. ‘indi “bekeri” tawag sa ‘min, “tinapayan,” harhar… waving.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s