Kandilang Upos

Sa gitna ng dilim siya’y kanyang natagpuan; pamawi ng takot, pamawi ng lumbay.  Buong magdamang siyang sinamahan at sabay na hinabi ang mga sikretong ibabaon sa lilong ng aninong ligaw.  Sa munting sayaw ng liwanag sila’y nagsuyuan habang nilalaro ang maiinit na luhang patuloy sa pagdaloy.

Ngunit ang sinasabi palang kinagiliwang mainit na likido ay siya rin palang kikitil at magtatapos sa pansamantalang liwanag na kanyang sinimulan.  Paano pa nga ba mapapansin ang unti-unting kamatayan kung sa paglalaro ng maiinit na luha ay namanhid na ang kanyang mga kamay hanggang ni gahibla ng anumang sakit ay di na niya nararamdaman?

At sa kalaliman ng gabi ang pagsasayaw ng mga anino ay unti-unting bumagal kasabay ng paglamon ng dilim.  Unti-unti…siya’y nauupos.  Unti-unti…siya’y naglalaho.  At sa isang iglap, di na magawang isalba ang buhay nito at siya’y tuluyan ng nagpaalam.  Bukod tanging ang mga maiiinit na luhang iniwan ang natirang alaala ng naupos na kandila.  Ilang saglit lamang at titigas at kokorte ang mga luhang iyon ngunit kailanman ay di nila mapapalitan ang kandilang kamakailan lamang sa kanya’y nagpaalam.

Kung nilalamig, bakit di magawang angkinin ang iyong init?

Kung natatakot, bakit di magawang tumakbo sa iyo at yakapin ka ng di napapaso?

Kung nasisiyahan, bakit hanggang tingin lamang at di ka maaaring hawakan?

Kung nag-aalinlangan, bakit di magawang itanong at marinig sa’yo ang katotohanan?

Kung nangangamba, bakit di magawang hawakan ka ng di nasasaktan?

Kung hinahanap ka, bakit di magawang tawagin ka?

Kung kailangan ka, bakit di ka maaaring parating nandyan?

Kandilang nauupos, sa wala din ba magtatapos?

Hahabi na lang ng panibago at aasang maiibsan ang panibughong nakakalito.

Heto’t magsisindi na nga lamang ng isa pang kandilang siguradong mauupos din matapos lang ang kahibangang ito.

DISCLAIMER:  Maganda ang kanta at ang mensahe nito.  Pero di ito sa akin at ginamit lamang kasi trip ko.  Kredito sa singer, composer, arranger at sa original artist na makikita sa link ng video.

40 thoughts on “Kandilang Upos

  1. its me i am back dr. again.. wow maganda yung obra mo masrap basahin, kahit d ka interesado mag papaliwanag ako medyo busy kaya d gno nkk bbsa ng obra mo pero i am back

  2. upos na nkk giliw basahin para sa akin bto,(nang-aasar lang :))

  3. i like your obra again kasi malalim ktlgang mag isip parang balon..

  4. hala, ang lalim managalog, may baul, may baul… pati kandila, nagawan ng wento. di pwedeng touch away? burn ang kasunod? ahihi.

    maganda nga voice and rendition ni aiza sa isinhare mong vid… this here, softer version ng katy version.

    tsk, tsk, impossible love – ba’t lagi na lang, huhuhu.😉 hi, biatch…

    • ayan napapala ng naglalaro ng nakasinding kandila…napapaso! hahahaha!

      actually yung kanta nag-inspire hihihi…ganda ng kanta no? malungkot ang dating pero tumatagos

      oo nga…impossible love -ba’t lagi na lang hihihi!

      lunch na tayo San ng sinigang! (basta may patis at siling pansigang)

      • hahaha, kakatuwa ang imagination mo, saan-saan napupunta. meandering sa woods, nagtitingin ng lichens, moss at mga engraved na pangalan sa puno, hahaha.

        malungkot kanta. eto malungkot timbre ng voice. pero sa tunog, parang mas maganda pagka-render ni charice sa vid na isinhare mo. pag papakinggan lang, ha…

        ba’t lagi na lang, getting away, hahaha.😉

        uy, masarap ‘yan. di pa me nagla-lunch. natawa ako sa pipirma gamit eyeliner, watda lang, watda…🙂

      • naku ewan ko ba bakit dun ang hulog ng istorya. di yata ako magaling sa happy endings hahahaha!

        good morning na rin! (habang wala pa si bossing hihi)

      • gusto ko din yung version ni charice dun sa vid. sayang wala nga lang silang studio version ng kanta nila ni bamboo

  5. Nakakaapekto ang mood nito…nalulungkot ako hahaha

    • ay bru, bawal basahin pag in-love. sige ka kukurutin kita sa s_ng_t!

      • hahaha bawal at in-love agad?!
        Pero ang galing mo sa mga ganitong write-ups, turuan mo nga ako!🙂

      • Rule No. 1: dapat may tagong “harot” sa katawan
        Rule No. 2: dapat may nakabaong “harot” sa kokote
        Rule No. 3: dapat may ipong “harot” sa mga ngiti
        Base sa “putcha” pink mong showl, naku ning! WINNER KA! joke lang…hihihihi. ‘nu ka ba. niloloko mo na naman ako.

        p.s. malapit na akong makapuslit ng ticket sa event na trip trip mo. sabihan kita

      • Hahaha ang pink na alampay talaga ang nagdala. Mahilig ako sa alampay eh.

        Ahoyyy! hahaha! Gusto ko ‘yang balita mo sa P.S.! Sige sige aantayin ko🙂

        weeee excited ako! ^_^

  6. teka pala, parang mas nagsinop pa ang interior dito, yihee. ganda, linaw… wala bang cocktail, ha, blessing, ganyan…😉

    another time, pag nadaan ka uli do’n sa ‘min, read up the post, Ang Magmahal, hihihi, feeling ko, may maisusulat kaw, after reading that.😉
    gandang hapon, biatch..

  7. Ano yung “lilong” (ng aninong ligaw)? “Silong” o “lilim” ba dapat yun?😉

  8. ay, you’ve a creative and berserk imagination, my dear, hehe. i’ll take the creative, i better, hehe. ang aga mong pumasok, kakabilib… a, walang studio version ‘yong duet nila ni papa Bamboo, sayang… btw, gusto ko advice mo kay Tina, pwede mo na kaya yang gawan ng manual for distribution, say? ahaha, ikaw na…🙂

    last hirit. naririnig ko lilong but am not familiar. lilom, shade yata ibig sabihin. pero parang iba sila? southern tagalog ba roots mo… ang lalim mong managalog. ako, kakaunti na, mas MM tagalog na, shaks na yan.

    good day, kapatid. be well…🙂

    • hala nahiya naman ako. pero it means something kung galing naman sayo kaya salamat.

      southern tagalog nga ako kaya minsan weird ata choice of words ko. parang informal ang “lilong” which means “shade” nga. narinig ko dati sa lolo ko, madalas gamitin nya nung bata pa ako pag kinukwentuhan ako kasi ako ang maaga magising sa mga apo nya at nakiki-kapeng barako na sa mga matatanda.

      pasyalan ko yung blog mo about love. Di ko nagawa sa office kanina eh

      • ba’t ka mahihiya, parang sa perya, daming characters, hihi. feeling ko, maganda kang gumawa ng wentong underworld, haha.

        ayun, si lolo pala ang dapat sisihin, errr, pasalamatan, haha. pati sa kape…😉

        salamat. kalinis talagang tingnan ng ‘yong bahay these days, naninibago ako, whihi, ^^

  9. ang sarap basahin habang naririnig ko ang patak ng ulat at ang malamyos na lamig ng hangin😉

  10. hi, biatch… di na nagwo-work ang vid nina charice and bamboo. third party copyright infringement daw. sayang… in another life na lang, hihi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s