Isnatser!

Nagmamasid sa Recto.  Naghahanap ng magiging ika-labing tatlo.  Gumagala ang di mapakaling mga mata.  Mga markadong kamay ay itatago sa bulsa.

SPOT!

Estudyanteng galawgaw.  Yari ka sa’kin ngayon.  Humalakhak ka hangga’t gusto mo.  Mamaya lang ay akin na ang iyong telepono.

STOP!

Sige lang.  Pasok ka sa Rex.  Aantayin kita sa’yong paglabas.  Magbibilang hanggang sampu at sakto kang bubungad sa kinatatayuan ko.

OPTS!

Ayan, lumabas ka na din…sabi ko na nga ba.  Sige.  Lakad.  Lakad lang…Mga mata ko’y nakapako sa’yong bulsa kung saan tinatago mo siya.  Pag akin na yang nakuha, di ko na yan pakakawalan.  Aangkinin ko yan na parang totoong akin at iingatan na ‘kala mo naman ay pera ko ang pinambili.  Nanakawin ko siya sa’yo.  Nanakawin ko yan.

Tatawid ka na ba sa FEU?  Sige lang…tahimik akong bubuntot sa’yo.

TOPS!

AKIN NA YAN!  Sumigaw ka hanggat gusto mo!  Teritoryo ko ang Recto at wala ka ng magagawa!  Sige, habol kung kaya mo!  Di ako papahuli sa’yo!  Akin na ang iyong telepono.  Akin na siya.  Akin na ito!!!

p.s.  Magsusumbong ka ba sa pulis?

15 thoughts on “Isnatser!

  1. nice one. siyempre, di na hahabol, malay mo may kasama ka pa. ^^ iyo na yung cherry mobile ko na tig 300🙂

  2. bakit ako nun ung nokia something ko nun…binato pabalik sa kin ng isnatser. sakit ng batok ko hahahaha!

  3. ibalik mo ang 5110 ko!!!

  4. haha yung friend ko 2 cellphone yung pang-display sa kalye syempre yung tipong tig-500 nalang pangtago yung isa.

    Nga pala hindi ko lang ba napapansin yung Rex sa Recto o wala na talaga? hehehe

  5. hmmmm, kala ko puso ang na-snatched, hehe.

  6. Nice! Hey, ok ka na ba? Natanggap mo ba email ko?🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s