Sudden Death

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hinga ng malalim.  Pakalmahin ang dumaragundong na dibdib.  Kalma lang, ganyan nga.

Ipipikit na lang ang kanyang mga mata at magkukunwaring walang nakikita.  Tatakpan ang mga tenga at saka magpapatay-malisya.

Wala na ba?  Wala na.  Wala na nga…ata.

Titingin sa paligid at maninigurado.  Pilit sinasaksak sa isip na sa puntong iyon ay kailangang maging malinaw ang pag-iisip.  Bawal madiskaril.  Bawal mataranta.  Bawal matakot.  Hihinga ng malalim at pipigilan ang pag-agos ng mga butil-butil na pawis.  Pilit titingin ng tuwid nang walang bahid ng pangamba.

Naisin man niyang tapikin ngunit di naman makalapit.  Pansamantalang magmamasid at pasimpleng maghihintay.  Maghihintay.  Maghihintay…subalit sa tuwing palapit ay lalong nababalisa.

Wala raw nakita.  Wala raw narinig.  Isang maling kibot at…

Tatalikod na lamang siya at saka maglalakad palayo.  Sa ibang araw na lamang siguro pag batid na wala ng peligro.  Tityempo ng palihim kung kelan walang nakamasid.  Dahan-dahan ang mga hakbang.  Dahan-dahan.  Dahan-dahan…hanggat maaari ay bawal tumakbo.  Dahan-dahan.

Ngunit tatlong hakbang pa lamang palayo ay agad ng napapahinto.  Nagdadalawang isip kung dapat bang lumingon.  HUWAG!  Bawal!  Ititikom ang mga palad at padadaluyin ang dugo.  Kalma lamang.  Bawal madiskaril.  Bawal matakot.  May nais sabihin.  May nais ibunyag.  Ngunit paano ito gagawin gayong may nagmamasid nang palihim?

Wala raw nakita.  Wala raw narinig.  Isang maling kibot at…

Sumisigaw ng patikom ang bibig.  Nagpupumiglas habang ang mga mata’y nakapikit.  Ang bawat halakhak ay may tagong pagbubunyag habang ang mga kumpas naman ay may hatid na tagong mensahe.

Hahayaan na lang at pilit kakalimutan marahil.  Magbabakasakali na lang na huhupa rin ang lahat.

Walang nakita.

Walang narinig.

Walang nadama.

Writer’s Note:  In a sport or gamesudden death (or a sudden-death round) is a form of competition where play ends as soon as one competitor is ahead of the others, with that competitor becoming the winner. Sudden death is typically used as a tiebreaker when a contest is tied at the end of the normal playing time or the completion of the normal playing task. (source: wikipedia)

DISCLAIMER:  Hindi akin ang nakakabit na kanta ha.  Trip ko lang idagdag para lubos na madama ang mensahe ng panulat.  Kredito na rin sa artist, composer at uploader na makikita sa link.

22 thoughts on “Sudden Death

  1. hello, biatch… pamagat pa lang, pamatay na, hihi. detective ka, kapatid? sinister kang mag-isip, hwag mamasamain, ha…🙂 babalik po ako. have to grab lunch and run an errand. cheers!

    • Hello San! At parang gusto ko ng tuna sandwich for lunch. Ano ulam mo? hehehe. Nothing to worry, flattered nga ako sa word na “sinister” kasi iyon naman talaga ang literal na nais iparating ng nakasulat sa itaas. Pwera biro, ano ulam mo? (gutom mode)

      • hala, pasensya naman sa delayed response. kahapon ng tanghali…. sinigang na bangus. kanina po, sinigang na baboy (pero onti lang, tikim lang), mas torta ang inulam. sa inyo pong lingkod ala magsasaka kumain, meryenda po ang tuna sandwich, hihi. minsan, breakfast. pero, iinit po dapat & with steaming coffee. pasensya na, wala me kasosyalan pagdating sa food, ahihi. hi, biatch…😉

  2. hi i am curt and i am back,grabe obra mo pang pelikula na

  3. it is me again curt..tga N.B.I kb palalim ng palalim obra mo walang iniwan sa balon na malilim

  4. i am back curt..yung obra mo meaningful

  5. di ko alam kung tama intindi ko dito ha. pero bubulong ko na lang para di ako mapahiya sa comment ko, hahahaha! hello syo

  6. Galing! Clap Clap😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s