“NA NYO!” (sabi nya ha…)

Sa totoong buhay dapat demure.  Bawal ang galawgaw.  Pag nagagalit, iismid lang.  Ang pinakamalutong lang na mura dapat ay “shit”.  Ang pagpopronounce dapat di gaano nakabuka ang bibig, kung pwede nga lang ay di gagalaw ang upper lip (uy, sinubukan).  Slight lang, para sosyal pakinggan at madistinguish kung paano magmura ang edukada sa kanto girl na trying hard.

Pero sa oras na magsara ang kurtina, show time na.  Ladlaran na ng totoong kulay.  Lintek lang ang walang ganti at maririnig mo ang pinakamalutong na mura.  Pwede rin kitang sabunutan habang pagulong-gulong tayo sa damuhan (kasi nagawa ko na yan nung bata pa ako sa nakaaway kong babaeng bumbay).

Ayoko ng mag-elaborate.  Sabi nila, birds with the same feather flock together.  At para makita ninyo pano ako at ang mga katropa ko maghumirintado, eto ang sample ng sulat ng isa sa kanila para sa People of the Philippines na pinadaan na rin sa akin tutal naman daw ay malimit kong pinagtatanggol ang kalaban ng People of the Philippines:

“Dear Pipol of the Philippines,

“Wala akong trabaho dito sa Hawaii (piryud)

“Hindi milyonaryo ang asawa ko (piryud)

“Katulad nyo, may mga bills din kaming binabayaran dito (piryud)

“Hindi libre ang tubig, kuryente, at gas dito (piryud)

“Dollar nga ang pera namin dito, dollar din ang gastos (piryud)

“Mahal ang everything dito (piryud)

“Hindi ako bugaw, kaya wag kayong magpahanap ng kaloveteam, maboboyfriend, magigirlfriend o magiging asawa nyo dito.  Ako nga ilan lang ang kakilala ko dito (piryud)

“Wala ding kapatid ang asawa ko at ang mga kaibigan nya married na din (piryud)

“Hindi din ako employment agency, kaya utang na loob wag nyo kong utusan hanapan ko kayo ng mapapasukan ng trabaho. Choosy pa kayo, meron pa kayong specific na job requirements. Ako nga walang trabaho at di din matanggap (piryud)

“Wala din akong karapatang magbigay ng US visa, ako nga din ay kasalukuyang nag-aapply ng residence ko (piryud)

“Gusto nyo pumunta ng US, mag apply kayo ng US visa sa US embassy at hindi sa AKIN.  Ulitin ko…. HINDI SA AKIN! (piryud)

“Ang nanay ko at ang tatay ko nga di ko pinapadalhan ng pera, kasi wala akong perang ipapadala, kaya tigilan nyo din ako sa kakautang (piryud)

“Wala akong money tree dito o bibeng nangingitlog ng ginto (piryud)

“Better yet.. MAY PATAGO KAYO SA AKIN?! (piryud)

“So….. with that being said, I hope na hindi na mapupuno ang inbox ko ng mga messages nyo na nanghihingi, nagpapabili, nangungutang, nagpapahanap at kung anu-ano pa.

“At higit sa lahat… 16 hours (labing anim, sixteen, pagtapos ng fifteen, diseseis) ang time difference natin. Kaya wag nyo akong sasabihan na mayabang na ako palibhasa nasa Hawaii ako at di ako nakakasagot sa mga BWISIT NA MESSAGES NYO! Dahil either tulog pa ako or hindi ako online. Wala akong laptop!

“Hindi ako galit.  Ang tamaan guilty!  TANG ‘NA NYO!”

Writer’s Note:  Susan the Gorgeous is a good and faithful friend.  Shock absorber na rin namin.  Ate sa aming lahat.  Mahilig din siya sa Barbe Dal at kasabay kong tumawa at umiyak pati na rin ang suminga ng sipon sa tissue paper.  During our college days, isa siya sa mga notorious students sa university, well known sa mga prof pati na rin sa mga estudyante.  Nobody messes with her kasi di namin kakayanin pag siya ang naghumirintado.  She’s one of the smartest and she knew that there’s no point in proving it kasi ‘given’ na yan.  When she left to get married in Hawaii nalungkot ako kasi nawalan ako ng ate, barkada, confidant, katoto, taga-resbak, taga-kulam at kung anik-anik pang ka-tandem sa mga kalokohan namin.  Gifted na ale.  Sharp, very sharp.  At higit sa lahat, she knew that she’s the only woman who can claim the word GORGEOUS.

Eto siya o!  TADAAHHH…!!!

Image

21 thoughts on ““NA NYO!” (sabi nya ha…)

  1. inperness gusto ko ang kanyang swimsuit

  2. parang ako lang oh… tadahhhh…

  3. pasight pasight :p

  4. oi, gusto rin maka sight.. haha… bigla tuloy akong na -shy…

  5. haller… it’s ol in the mind :p

  6. its me curt and i am back..ibang klase un bebot sa larawn sana dsya hipon o lolipop but anyway my prebilehiyo syng mag period bukod dun lahat ng pig hati nya tama

  7. tumulo ang laway ko bigla…

    sa hawak niyang inuman.. kung inumin nga yun.. ehehehehe..

    siya ba ang manager mo, manager?

    • yes, talent. siya nga ang nangakong dadalhin ako dyan sa Japan as long as mapantayan ko ang “alindog” nya. Unfortunately kinapos ako ng “alindog” at “sex appeal” kaya ikaw na lang ang ibubugaw ko. mukhang papatok ka e.

  8. na nyo…ibang klase ito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s