Adik Lang

Oo na.  Madami akong sapatos.  Di ko alam kung ilan.  Yung iba tinatago ko kasi dine-declare kong sira na at dapat palitan para mabilhan niya ako ng bago.

Pwede mo nga siyang ipang-pain sa akin at para akong isdang kakagatin yang patibong mo.  Gaya nito:

Noong umagang pagpasok ko sa opisina ay dumiretso ako agad sa kwarto ng kapatid kong babae (officemates kasi kami, pagminamalas ka nga naman).  Una ko agad nakita ang bago niyang pulang sapatos sa gilid ng mesa niya.

“Oy, ang ganda nyan ha,” bati ko na masama na ang tingin sa pulang sapatos.

“Bago yan,” sagot niya na di man lang ako nililingon.

“Di bagay sa’yo.  Mas bagay ata sa akin.”  Syempre preliminary talks na iyan para sa susunod na negotiation.

Napahinto siya sa pagfe-facebook at humarap sa akin.  Sabay tingin sa pulang sapatos at saka tumingin uli sa akin.

“Sabagay medyo malaki nga.  Bilhin mo.  Ngayon na.  P800 kasi nagamit ko na.”

“P500.”

“Di pwede.  Mahal yan.  Mura na nga sa P800 yan e!”

“P500.  Nasuot mo na e!”

“P800!

“P500!  Mabaho paa mo!”

“P800!  Take it or leave it!”

Natural, nganga ako.  Gusto ko talaga yung sapatos nya.  Although may pula na akong stilettos, gusto ko yung sa kanya kasi ibang style naman.  Isa pa di bagay sa kanya ang matataas na sapatos (wala, bitch lang).

“O sige,” suko ko.  “P800 na nga kung P800.”

“Bayad mo?  Ngayon na.”

“P50 lang laman ng wallet ko e.  Kaltas mo na lang sa sahod ko.”

Buti pumayag.  Good mood ata kasi pumayag din siyang samahan ako sa Antipolo at ipagmaneho ako kasi may mediation ang kliyente namin at ako ang haharap.  Syempre, naka corporate attire ako plus yung pula niyang sapatos na terno sa pulang lipistik ko.  Rampa kung rampa sa tag-init ang peg ko.  Feel na feel ko pa ang pasway-sway while walking tapos pagtitinginan ako kasi ang arte-arte ko.  Basta ang kondisyon niya pagkatapos namin sa Antipolo ay tatakbo kami sa PGH dahil mamamatay na ang kliyente ng kaibigan niya at kailangang notaryohan niya ang Last Will and Testament.

Manila—Antipolo (nahuli pa kami ng pulis)—Antipolo—Manila—PGH.

Gabi na ng matapos kami at nagyaya ang kaibigan naming magmiryenda.  Oo naman kaming dalawang bruha kasi gutom na gutom na kami.  Doon daw sa Vito Cruz at may masarap daw dun.  Sumunod na lang ang fiancé ng bruha kong kapatid kasi may dinner sila pagkatapos nun.

Miryenda—kwentuhan—uwian.

Papunta na ako ng sasakyan at pauwi na sa amin.  Saktong sinundan pala ako ng bruha sa sasakyan sabay declare —

“Hubarin mo yang sapatos.”

“Huh?”

“Yang sapatos.  Hubarin mo kasi di pa naman bayad.”

ANO?!

“Bilisan mo at paalis na kami!”

TEKA!  Wala akong extrang tsinelas dito sa kotse!”

“Magpaa ka na!  Dali!” Sabay lingon sa syota niya, “Babe, wait lang ha.  May kinukuha lang ako kay ate.” (mantakin mong ang bilis magshift from bruha to tweetums)

Pinandilatan ako ng malalaki na niyang mga mata.  “Hubad!  Now na!  DALI!!!”

“Teka, tekaaa…!  Siryoso?”

“O sige, amina ang P800.”

“Kala ko ba kaltas sa sweldo?”

“I changed my mind.  Asan ang P800?”

“E pipti pesos nga lang pera…”

“Pwes, HUBAD!

Magpo-protesta pa sana ako pero sinunggaban na ng bruha ang paa ko at sapilitang tinanggal ang sapatos sabay silid agad sa plastic bag para di mahalata ng syota nya.

Para na rin akong hinoldap, diba?

Ano pa nga ba ang magagawa ko?  E di nagmaneho akong naka paa simula Vito Cruz hanggang sa amin.  Sabi ko ay okay lang naman tutal ite-text ko na lang si hubby na sunduin ako sa parking lot at dalhan ako ng tsinelas.  Madali lang yan.  Petiks lang.

Pagdating ko sa parking ay dinukot ko sa bag ang cellphone para i-text si hubby na dalhan ako ng tsinelas.  Saktong may message siya sa akin at—

“Mahal.  Walang tao sa condo.  Nasa meeting pa ako.  Mauna ka na magdinner at baka late kami matapos.”

Yari.  YARI TALAGA!  Pag minamalas ka talaga!

Ano pa ba ang gagawin ko e di bumaba ako ng sasakyan at naglakad ng nakapaa.  Naka corporate attire ako, todo pustura, mabangong-mabango at higit sa lahat, NAKA PAA Naglakad akong todo poise, stomach-in-chest-out, pinahaba pa ng konti ang leeg, at higit sa lahat, NAKA PAA!

Naglakad akong naka paa simula second floor hanggang sixth floor dahil nagloloko ang isang elevator at ang tagal bumaba naman ng isa.

Naglakad akong naka paa at saktong may event sa third floor dahil may pool party kung sino man ang hinayupak na iyon at halos lahat ng bisitang masalubong ko ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa!

Naglakad akong naka paa at nasalubong ang grupo ng mga mga chimay na inaway-away ko noong isang araw dahil ang iingay sa correidor.  Payback time nila ngayon kaya malayo na ako ay naririnig ko pa ang mga hagalpakan nilang mga bwisit sila!

Naglakad akong naka paa at hinintuan ng mga salbaheng batang binubully ko sa convenient store tuwing weekends.  Ano pa!  Noong umpisa ay pinipigilan pa nilang humagalpak ng tawa pero noong isa sa kanila ang di nakatiis, parang choir silang di mautal sa kakatawa.  Leprechauns! 

Kung sana ay di ko na pinag-interesan ang sapatos ng may sapatos…ayan, umuwi akong naka-paa.  Oo na, makuntento kung dapat makuntento.  Huwag ng ipagdikdikan pa sa akin.  I’ve learned my lesson the hardest way.  HINDI NA NGA MAUULIT!

O sya!  Wag mo na akong sermonan.  Sasabihin mo na naman na hindi lahat ng akala mo na bagay at maganda sa’yo ay pwede mo ng suotin at angkinin.  Kahit ba gusting-gusto mo wag ng makipag bargain para makuha kung di naman talaga pwede.  Baka nga naman maipit pa sa huli.

Pero di ba?  Ang ipokrita ko naman kung sasabihin kong ganun siya kadali lalo na’t gusto ko talaga?  Impulsive pa naman ako most of the time.  Wala.  Adik lang.  Ang hirap kaya.

Wala.  Bad trip lang.

(O, hindi akin ang naka-link na kanta ha.  Sinama ko lang pangkulit sa post na ito.  Kredito as usual sa artist, composer, producer at uploader ng video).

17 thoughts on “Adik Lang

  1. hala, artists na musicians ang usually nakapaa – para raw maramdaman nila ang music, o di ba? thing is, usually, maganda naman ang red shoes, di nakapagtatakang may mabighani. parang one day affair ang kwento, haha. peace!😉

    • Oo nga, masarap damhin ang semento at magpanggap na isa lang akong “artist”
      kuno. Pero di ko kaya ang pang-aalaska. hahahaha!

      Di ba si May 11 mahilig din sa red? Pulang lipistik din diba?😀

      • hala, mahilig din ako sa red shoes although di ako madalas bumili nito. maglaway over it, yes, haha. maski sa ukay-ukay (di me nabili ng shoes sa UK, though tempted ako pag may maganda) i take a long time na magtingin ng shoes na pula – parang ang ganda-ganda… buti pala, di ka siningalan ni kapatid ng one day rent. pero kamo, medyo malupit din ang pagpapahubad na ginawa, haha. sino bang nananalo pag nagbi-bitch-an kayo, ahaha. peace🙂

        oo, mahilig si madir namin sa red – shoes, dress, lipstick. sya na… ^^

        a, may shoes episode rin kami ni kapatid yesterday. sandals pala, haha. naghalungkat ako sa shoe cabinet ni ate namin at may nakita meng sandals na maganda, mukhang di pa nasusuot. when the younger sister later asked for a pair na mahihiram, i volunteered it, haha. kako, sya na ang magsabi sa ate namin. pumayag naman, sa paris daw ata binili ang pair (pang-girl ang effect).

        so, sinuot ni younger sister para i-meet sina friends. aba, noong gabi, ang sinasabi nitong isa, kanya na raw, naman! kako, i found it first and una akong naghangad, hakhak. noong binabawi ko na, ang sagot – make me (mas malaki si sister sa ‘kin, mas masungit din, haha). but i checked with ate, sabi nya, sa akin nya raw ibinibigay, hihi. so, babawiin ko this week, bwahaha.😉 ayan, may kwentong sapatos din, patatawarin. 🙂

      • Sa totoong buhay ay di ako biatch. Panakot ko lang iyon sa mga “salbaheng” blogger. Ang totoong bitch ay si sister at feel na feel pa niya. Kaya di ako na-ooffend pag sinasabihan ng bitch (remember, I even suggested that u can call me “bitch” hehehe).

        Sya, nga pala, suot ko na ang red shoes nya at wala siyang kamalay-malay na tinira ko sya sa blog HAHAHAHA!

        Alam mo maraming magandang boots sa UK pero nahihiya ako pumasok. Tempted din gaya mo. Pero si sister, lakas mag UK dati (tinira ko na naman siya!)

      • ahaha, at si sistah pala ang biatch. at ang isa, nerd. nerd dati, ahaha. malamang, si sister ang sexy. malamang, kasi sya ang bumibili ng red shoes na kinocovet ng isa, hihi.😉

        aantayin ko ang kwento – paano nya uli ipapahubad, hakhak. o, baka sistemang since naisuot na ng ilang beses, kanya na? effective ang ganyan, kapatid, hehe.

        ah, sa propesyon mo kasi. sabagay, isang araw na casual ang suot mo, weekend, pwede ka namang pumunta sa UK, why not? kakatuwa rin, para ring sa dept. store… actually, 2003 and 2004 pa ako nahilig sa UK-UK. after that, di na.

        siguro kasi, di ko rin masyadong naisusuot, mostly ipinapamigay din sa relatives. may ilang isinuot ko sa bahay or sa neighborhood lang. feeling ko nga, natutuwa lang siguro akong magpili, bumili ng mura at maglaba to see if i could make them good as new, haha. adik, di ba?

        basta, try mo minsan. tapos, ismiran mo si siter, hakhak.😉

  2. I-tawa na lang natin ‘yan. Pero sorry, kanina pa ako natatawa. Haha!🙂

  3. hahaha ang dami ko na namang tawa sa post mo mare (feeler…level up na tayo haha)!
    Ayos yung kapatid mo ah, walang patawad hahaha!

    Pero pagdating sa kaadikan sa sapatos aapir ako sa’yo diyan!😉

  4. naisip ko lang na paminsan kelangan talaga nating maglakad ng naka-paa. masarap naman ito ngunit kina-kailangan lamang na nasa akma at tamang sitwasyon o pagkakataon. dati rati tumatakbo akong naka paa sa damuhan, masarap ang pakiramdam.

  5. hello, biatch… asan na pala ang mala-sangandaan post? ahihi. btw, naalala ko, may sinulat ang lola mo noong araw about red shoes din (haha, ang adik). Dito ang title (sa dpsa). tula ito, kapatid… mas adik yata me sadya.😉 kumustasa.

    • oo nga, naaalala ko lagi si Sangandaan. Kinakapa ko pa ang “feelings” hihihi. At iniisipan ng magandang storya para sa tandem natin. May naisip ako nung una pero binura ko rin kasi. Kelan ba kabilugan ng buwan? Mas effective magsulat nun e. hahahaha!

      Teka, ang pamagat ay “Dito”? Hello, hello! (nakatalikod si boss, sshhh….)

      • o, sige, limliman mo muna. talaga, may gano’n ba, pag kabilugan ng buwan, mas masarap magsulat? hmn, titingnan ko nga, makakapagsulat ba ng maganda pag full moon… ngayon ko lang ‘yan narinig. medyo matagal pa ata ang next kabilugan ng buwan…

        ahaha, nakita ko, sinilip mo na ang Dito… teynks😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s