Bangkang Papel

May ilang araw ng pakalat-kalat ang dyaryo ngunit di man lang napapansin.  Di nagawang basahin at di man lang nagawang ipagbili kung walang silbi.  Hanggang liparin ng hangin at dumapo sa kanyang paanan.  Pinagmasdan at saka pinulot, at doon ay kanyang naisip na silaban na lang kaya.

Pero teka, kinilatis ng maige at agad napaisip.  Bakit di aliwin ang sarili gamit ang lumang papel?  Naupo sa tabi bitbit ang papel at nagmamadaling tinupi-tupi hanggang sa nabuo ang isang bangkang laruan.

Anong saya nang kanya na itong pagmasdan.  Napakaganda ng kanyang bagong laruan.  Yakap-yakap ang bangkang papel, siya’y nagtatakbo patungong sapa upang maglaro.

Nilagay sa tahimik na tubig at pinagmasdan.  Pinaandar ng kaunti at inilagay ang dalawang daliri.

“Pasakay sa bangka mo at ako’y iyong ingatan ha!”

Naglaro at naglayag.  Umurong at sumulong.  Umikot-ikot at naging musika sa buong paligid ang kanyang munting tinig.

Ngunit habang palubog ang araw ay lumalakas ang agos.  Ito pala ang hudyat na hinihintay ng bangkang papel para sa kanya ay kumawala.  Tinangay at nagpatangay dahil ayaw ng makipaglaro, ayaw ng paglaruan, at ayaw ng tawaging ‘kanyang bangkang papel.’

Pinilit pa niyang habulin ngunit ang bangkang papel na mismo ang kusang nagpa-agos.

“Sandali lang!  Wag akong iwan…”

Ngunit wala na ang bangkang papel at inanod na ng tuluyan sa kawalan.  Nagpatangay ng kusa at lumisan ng walang paalam.

Naiwan siya sa gilid ng sapa na nangingiligid ang luha.  Nais lang naman niya ay makapaglaro at maging masaya.  Di naman dapat komplikado ang buhay, ika niya.  Simpleng bangkang papel lang ang kalaro ngunit maging ang walang pakiramdam na kalaro ay iniwan siya sa kawalan.

Ano pa nga ba ang magagawa kundi ang bumalik at umuwi sa kanila.  Sana man lang ay nagpaalam at nagbigay hudyat.  Hindi iyong lilisan sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro ng wala man lang paalam.

Wala na ang bangkang papel at kailanman ay di na magbabalik sa kanya.  Nag-iwan ng mga tanong na mananatiling walang kasagutan.

DISCLAIMER: I do not own the music or the video.  They were merely used for illustrative purposes.  Of course, credit belongs to the artist and to the uploader appearing in the link.

5 thoughts on “Bangkang Papel

  1. hala, noong may series pa si Calista Flockhart sa tv, parati akong nanonood, ahaha. tapos, may two-weeks na pinakinggan ang CD ni Vonda Shepard (yon lang talaga, ang adik lang). ang song sa taas, one of my peyborit sa soundtrack. yun lang, now ko lang napanood ang mtv, hangsaya… teynks!😉

  2. nakaka-antig na nga ang katha, lalo pa ang napakagandang himig na iyong inihandog. (x_X)

  3. magtatanong sana ako tungkol dito pero wag na lang. sikreto. hahahaha!

  4. salamat sa pagdaan sa haws ko kaibigan….ganun talaga ang buhay…may misteryo….katulad ng bangkang papel….maraming dadaan…pero hindi naman magpapaalam……ilang katanungan….minsan wala namang kasagutan……marahil…..ang iba sa atin katulad ng bangkang papel…iaanod na lang sa kawalan….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s