Padel

Mahigpit ang pagkakapiring at nangangapa na naman sa dilim.  Samu’t sari ang naririnig, ngunit kailangang talasan ang pandinig.  May naghahalakhakan sa kung saan at lalong kinabahan.  Nanginginig sa takot at di alam kung ano ang susunod na mangyayari.

Malakas pa sa paghingal ang kabog ng dibdib.  Kailangang lakasan ang loob at wag ipakitang natatakot.  Malalagpasan din ito.  Bukas ay kasapi na ng kapatirang pinaghirapan.  Kapatirang mamahalin.  Kapatirang ipagtatanggol at ipagmamalaki.  Kapatirang mananalantay habang buhay sa puso’t damdamin.  Konti na lang marahil at matatapos na.  Pero gaano pa ba katagal?  Ano ang susunod na mangyayari?  Ano ang susunod na gagawin nila?

Tumatagtak ang pawis.  Pilit tumitindig ng tuwid at tinatago ang takot na simula’t sapol ay nagpapangatog sa katawan at isipan.  Kakayanin ang lahat.  Pero walang makita.  Nangangapa sa dilim.

Basa na ng luha at pawis ang t-shirt na suot.  Tikom na tikom ang mga labi at pinipigilan ang panginginig.  Takot lang ito.  Mind over matter, ika nga.  Sandali lamang at matatapos na ang lahat.

May mabigat na yabag na papalapit at lalong nanginig ang patpating katawan.  Nang bumulalas ang sigaw sa kung saan ay agad napaiyak.  Lalong nabasa ang panyong pinang piring sa namamagang mga mata.  Di mapigilan.  Isang sigaw muli ang narinig at pilit kinain ang mga hikbi.  Eto na iyon.  Wala nang atrasan.

May tumulak sa likuran, hudyat na para sa tatlong hakbang sa kawalan.  Tumindig ng tuwid at pigil ang paghinga.  Konti na lang.  Di maiyak sa takot.  Di makagalaw sa nerbyos.  Eto na iyon at…

ISA!

Walang iiyak.

DALAWA!

Walang kukurap.

TATLO!

Walang gagalaw.

APAT!

Walang aayaw.

LIMA!

Utang na loob!  Walang aayaw!

ANIM!

Namanhid na sa wakas.

PITO!

Patapos na marahil…

WALO!

Wala ng maramdaman…

SIYAM!

Wala na…

SAMPU!

LABING ISA!

5 thoughts on “Padel

  1. hello, nag-sorority ka? or, may sorority talaga… parang from real life, oh.😉

  2. gusto ko mga limampung palo para i-welcome, ung tipong kulay ube na sa pamamaga….

  3. yes master! ehehehehehe.. nice!

  4. Anong sorority ‘yan? Greek lettered? Nice. Haha, brings back memories.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s