Kapeng Mainit

Tititigan at pagmamasdan ang banayad na sayaw ng mapang-akit na usok.  Lalanghapin at nanamnamin ang amoy mula sa tasang sa akin ay nakatingala at naghihintay; wari’y inaabangan ang pagdampi ng mga labing nananabik sa panlasang hinding-hindi pagsasawaan.

Kikilatisin ang bawat anggulo.  Bahagya pang idudutdot ang daliri upang tantsahin kung kakayanin na ang init.  Ahhh….konti pa.  Ayokong mapaso.  Iaangat ang tasa at ilalapit sa mga labing mapanukso, hindi para humigop at tumikim, ngunit para bahagyang hipan hanggang sa matantsang naaangkop na sa nakasanayang init.  Ayoko atang mapaso.

Ilalapag muli sa mesa at maghihintay.  Makikipaglaro at pasimpleng mandadaya, hindi padadaig sa alok na init.  Bubusugin muna ang sarili sa paboritong halimuyak at saka tititigan ang itim na likido na bumubulong na tikman na ito.  Aakitin ang mga labi at magpapahaging ng nakakakiliting tukso.  Lumapit ka at damhin ang aking init.

Ngunit sa puntong iyon, alin nga ba ang higit na nakakapaso?  Ang mapupulang labi o ang matapang na kape?

Tayo muna ay maglaro.  Lilingon muna at sisiguraduhing walang nakatingin.  Sshhh…. Ako’y magnanakaw ng sandali at titikman ang tuksong kanina pa bumubulong.

Iaangat at ilalapit.  Padadamahin ang malalambot na labi sa matigas at walang buhay na tasa.  Sa larangan ng panunukso, ngayon tayo magkaalaman sino ang higit na mahusay.

Hihipan muli at saka lalong ilalapit hanggang sa magdampi.  Ngingiti at unti-unting ibubuka ang mga labi.  Padadampiin at titikman ng konti.  Isang maikling lagok na padadaluyin sa lalamunang nananabik.

Ang patikim ay nasundan.  Kaya na pala ang init.  Humigpit ang kapit habang pigil ang hininga sa paghigop ng mainit na kape.  Nalalasahan ang tapang at pait; manamis-namis ngunit nananaig pa rin ang matinding kapit ng matapang na timpla.

Iyon na nga at saka pikit-matang pinakawalan ang paboritong tuksong kanina pa nakikipaglaro.  Dadamahin ang kiliti ng init, ang tapang at pait, na siyang gigising sa inaantok na pag-iisip.

At pagkatapos nga ay ilalapag muli sa mesa ang tasang may marka na ng mapaglarong mga labi.

Isang matamis na ngiti ang pakakawalan habang pinagmamasdan ang huling usok na tila galing sa nagbabagang apoy.  At sa sandaling mawala nang tuluyan ang usok ay saka lamang titindig at aalis.

Sa muling pagtikim ng kapeng mainit.

DISCLAIMER: Video used does not belong to the author and was used for illustrative purposes only.  Credit is due to the artist however.

29 thoughts on “Kapeng Mainit

  1. wow kape lang tlga..salamat at my obra ka ulit

  2. coffee talk tlga…bkit un sayaw mo dkpa nag upload..

  3. sigh naku, subukin ang kapeng mainit na nilagyan ng yelo. subukin at nang malaman kung paano nito paamuhin at pasukuin ang isang matapang at nag-iinit na kape. hahaha. tiyak na magiging epektibo sa oras na iyong masubukan, hehehe.

  4. ang galing!! natutuwa ako sa galing mo sa pagsusulat!

  5. coffee dance? ahihi…😉 hello!

    • halu! halu! sa umagang mainit! magkapeng barako tayo dpsa

      • ay, kapeng barako? mabango yon, meron sa rob galleria, yong tinatakal. pati sa rustan’s, ahihi… bibihira na rin akong makapagkape ng barako, pag sa bahay, mas madalas, nescafe na rin lang or kopiko, haha. di ko singhilig sa kape ang housemates, paaanhin? basta, mabango yon… ^^

        saang coffeehouse pala may barakong kape?🙂

      • meron dyan malapit sa’yo. mga di kilalang coffeeshop. ay sus, gala kaya to. nakalimutan ko pangalan lang e

      • oo nga, sa mga di kilalang coffee shops nga meron, ba’t gano’n? sa may pangalan, ‘indi barako yon, e. mas mabango ang barakong kape, as in… ^^

        ay, did you know that the barako variety is the biggest coffee, its size is different from the three other varieties, hahaha. ayon… nasabi lang, may tanim kami no’n when i was still small, hehe.

        salamat po sa follow. good night.🙂 ~ Ate San (am older, wari)

  6. malikhain ang pagkakape rine, kainaman na…🙂

    • Kapeng hindi na masyadong mainit para hindi na nakakapaso…banayad ang tapang (tahahaha tama ba ang pagkagamit sa banayad?) at manamis namis…

      halleeeeerrrrrrrr

      • hello sabaw! nung elementary ako ganyang timpla ang gusto ko. di gaano mainit at manamis namis, matabang pa nga.

        pero ng magkamalisya, este, lumaki na ako, gusto ko matapang, mainit at di masyadong matamis. barako ba. hahahaha!

        uy inaabangan ko yung post mong short story. wala pa ba? may kilala akong publisher ng e-book baka gusto mo

      • yahaha….Banayad…yun nga talaga siguro ang nababagay na deskripsyon para sa timpla ng kape na gusto ko hahahaha….kahit na nagkamalisya na bwahahah

        wui seryoso ba? tinamad na kasi ako dahil humahaba ang short story ko…at feeling ko nagiging boring…saka baka naman hindi pang ebook ang gawa ko…hanggang kalokohang blog lang bwahahahaha

  7. naks naman at nagbabalik..pakape naman jan😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s