Tugon Ko Sa Bumabagabag Sa Iyo (Oo, ikaw nga)

Image

1.         Hindi lahat ng bagay dapat alam mo ang kasagutan.  Madalas, kung di minsan, mas mainam na hindi mo nalalaman ang katotohanan.  “What you don’t know won’t hurt you”, ika nga.

2.         Hindi bawal ang umibig.  Ang masama ay kung hahaluan mo ng “bawal.”

3.         Minsan lang kakatok ito sa pinto mo at hindi totoong kaya niyang maghintay habambuhay na papasukin siya.  Baka sa oras na napagtanto mong pagbuksan na ito ay saka ka lang matatauhan na may iba na palang nagpapasok sa kanya.

4.         Lahat tayo ay naghahangad na ibigin.  Ipagdaramot mo pa ba iyan gayung pwede namang ibigay ng libre?

5.         Bawal ang ipokrita.  Tumatandang bitter ang mga mapagkunwari.  Don’t be scared to love and be loved back.

6.         Mainit ang kape.  Nakakapaso.  Hinay-hinay lang.  Kape pa rin ang tawag dyan kahit mawala ang init.

7.         Mahirap pagkatiwalaan ang hindi nakikita.  Totoo iyon.  Pero walang masama sa paghanga sa di mo kakilala.  May mawawala ba sa’yo?

8.         Nakakaganda ang pag-ibig.  Pero nakakapangit at nakakasira ng reputasyon ang “bawal” na pag-ibig.

9.         May kanya-kanya tayong mundo.  Walang pakialaman hangga’t di ka niya inaanyayahan.  At kahit na may karelasyon ka, hindi mo siya pag-aaari at ganun din naman siya sa’yo.  Respect privacy.

10.       Ang tiwala pagnawala ay di na maibabalik.

11.       Hindi lahat ng bagay ay may pangalawang pagkakataon.

12.       Hindi totoong tinutupad ng wishing well ang mga kahilingan mo.  Subukan mo kayang kumilos ng naaayon sa kalooban mo.

13.       Balikan mo ang No. 2.

P.S.  Hindi ako naniniwalang ang lahat ng hinihintay ay bumabalik.

48 thoughts on “Tugon Ko Sa Bumabagabag Sa Iyo (Oo, ikaw nga)

  1. ouch naman dito😥 “P.S. Hindi ako naniniwalang ang lahat ng hinihintay ay bumabalik. “

  2. ms.L.B,napakaganda ng iyong isinulat bilang isang psychologist npkagandang gawing inspirasyun sa mga umiibig

  3. ms.b ung number 2 pwedeng pwede sa lahat ng nag mamahal

  4. “p.s. hindi lahat ng hinihintay ay bumabalik” ganun? grabe naman si ma’am hehe.

  5. hahaha…bet ko yung #5! waging wagi! hahaha

    • hmmm….ay may nagsabi sa akin na di daw niya sinasang-ayunan ang Nos. 4 & 5🙂

      • ahhmm, ako I agree sa parehong 4 and 5.
        haha, nirerespeto ko opinyon nya pero…
        Bakit mo pipigilan ang sarili mong magmahal eh wala namang mawawala sa’yo and besides true love doesn’t care kung mareciprocate o hindi. Kung ibalik yung love e ‘di masaya kung hindi naman at least nagmahal ka at baka ‘di lang talaga kayo para sa isa’t-isa😉

  6. no. 6 naka-relate dahil sa pagmamadali sa pag-inom ng tsaa.😛 thanks for the share,🙂

  7. Ibang klase ang pinaghuhugutan ng emosyon nito ah?🙂

  8. hahaha, gusto ko ang no. 6. although, akala ng mga tao, no. 5 ang nag-a-apply sa ‘kin – di nila alam ang istorya, haha, gumagano’n…😉 hello, biatch. parang nagla-like na ako before dito as SSA. nakikita ko posts mo sa FP na tagalog. magaganda ang fictions dito sa pagka-recall ko ta’s nakakatakot naman ang di fiction, hehe…🙂 happy weekend.

  9. gusto ko ung 7 pero mas may tama ung 2..🙂

  10. ahaha, nabasa ko na pala at na-like. sumisilip lang rine, biatch… hope your weekend was fun. mahusay akda mo, nakaka-aning nga, hihi.

    o, sige, paalam muna’t maya-maya, dadayo pa me sa kung saan panonood ng The Voice, ahihi. have a good week ahead…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s