“Kung alam lang…

“Kung alam lang nila…”

Ordinaryong usapan sa pangkaraniwang umpukan.  Lumapit siya at nakihalubilo at sa isang iglap ay nagliwanag ang lahat.  Siya daw ang hinihintay nila.  Bumangka at nagpasaya hanggang sa matapos ang kwentuhan.  Sa uulitin, sabi nila.  Babaalik ka sa susunod at muling maghatid ng saya.  Magaan daw kasi siya kasama.  Para bang kapag nandyan siya’y nawawala ang problema.  Tumindig siya at nagpaalam.  Sa susunod, kaibigan, bumalik ka at sumali sa aming umpukan.  Wag mong kakalimutan, ha?  Isang malugod na tango ang kanyang sinagot habang abot-langit ang ngiti sa kanyang maamong mukha.  Kumaway siya at tumalikod.  Naglakad papalayo.  Kung saan patungo ay di ko na alam.  At sa bawat hakbang na kanyang binibitawan, unti-unting bumuhos ang mga luhang hatid ng pait na kanyang kinikimkim.

Kung alam lang nila…

12 thoughts on ““Kung alam lang…

  1. minsan kailangan din ipaalam sa kanila🙂

  2. at umabsent din pala ang isa diyan. hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s