Ang Nakakalurking Daigdig Ng Mga Kabit

     Ilang misis at nanay na ang lumapit sa akin na luhaan at humihingi ng tulong.  Nangabit daw si mister.  Gustong kasuhan.  Turuan daw ng leksyon lalo na yung kabit.  Una kong tanong, seaman ba?  OFW?  Madalas, kung hindi man parati, ang sagot sa akin ay malutong na “oo”.  Sila kasi ang malayo sa pamilya at malapit sa temptasyon.

Pero ang nakakaloka ay may iba na di na nga seaman si mister o OFW ay nabingwit pa rin ng ibang hitad.  Napaisip tuloy ako.  Ang haba siguro ng buhok ng mga kabit na ito.  Biruin mo, sila ngayon ang sagad sa pagkanta ng “Ako ang nagwagiiii…!”

Sa isang banda ay di ako magsisinungaling na minsan naisip ko din na masaya siguro ang estado sila.  Mantakin mo, di sila ang umiiyak.  Di sila ang iniiwan.  Actually, sila nga ang dahilan kung bakit iniwan ni labs ang tuyong-tuyong si misis.  Kasi sila ay pres na pres at, aminin, mga kiringkikay!

Dito papasok ang makamandag na ilusyon ng isang babae na dahil sa ganda niya ay nakabighani siya ng iba kaya ngayon ay may nagpapatayan para sa kanya.  Letchugas.  Kasalanan ito ni Ellen of Troy.

Oo, naisip ko, mas masaya kaya maging kabit?  Masaya nga siguro.  Pero tuwing binabanggit ko iyon ay napapasambit ako ng “Sorry po Lord.”  Malinaw kasi na ayaw ni Lord sa mga adulteress kaya magdalawang isip na ang mga hitad dyan.  Pero pagkatapos ng sorry balik na naman ako sa square one: masaya siguro maging kabit.

Napatawa ako.  Pag kasi sinabi mong kabit ang unang sasagi sa isip mo maganda, seksi, bata at higit sa lahat, magaling.  Yun bang tipong meron sa kanya na di kayang ibigay ni misis.  Pagkatapos ay si misis naman ang iisipin ko.  Losyang, manang, hmmm…maganda pero noon sigurong dalaga pa, medyo nananaba, nakadaster at, sorry ha, mukhang boring.

Teka, ayaw ko ata nung sa pangalawa.  Pero mas lalong ayaw ko dun sa una.  Kaya habang nandun ako sa tinatawag na “in between”, inisip ko kung ano ang problema sa dalawang ito.

Ang kabit ay isang pangkaraniwang babae na naghahanap din ng tunay na pagmamahal.  Yun nga lang, ang napusuhan niya ay nasa kandungan na ng iba.  At ang puhunan niya ay ang manatiling maganda, seksi, pres, at maalaga.

Si misis naman ang babaeng natupad ang pangarap na pakasalan ng lalaking minamahal.  Siya ang tipong babaeng naniniwala na sagrado ang kasal at di sila kayang paghiwalaying mag-asawa maliban na lamang sa kamatayan.  Yun nga lang, dahil sa pananaw niyang “ever after” nawala na ang interes niyang magpaganda para kay mister.  Bakit pa nga naman siya magpapaseksi at magpapaganda e may-asawang tao na siya?

Kaya hayun!  Kay misis kakain ng hapunan at matutulog pero may ibang pinto rin palang tinuluyan muna bago dumiretso sa bahay.  Nadali na…

Isang babae naman ang lumapit sa akin.  May problema daw siya.  Ngiti naman ako sabay sagot, “Sige, ikwento mo.  Handa akong making.”

Inaaway daw siya ng misis ng kabit niya sa Facebook.  Pinagmumura siya to the point na napapahiya na daw siya sa mga friends niya at co-workers nila ni labs.  Sabay abot sa akin ng litrato ng isang mukhang maayos at may kagandahan din namang babae.  Iyon daw ang walang hiyang misis.

Di ako naka-react kaagad.  Tiningnan ko ang babaeng kaharap mula ulo hanggang talampakan.  Sabay mura sa utak ko ng “Bwa#@n@ng *n@ nito!”

Ang lakas ng loob ning!  Ang mga kuko sa paa, one month na atang di napepedicuran!  Maitim at mukhang kakarecover lang sa galis ang balat.  Sungki ang ngipin at bad breath sa sobrang yosi.  Ibig mong sabihin itong h@y%# na to ang number 2?!

Kung propesyon lang ang pagiging kalachuchi ay tatanggalan ko ito ng lisensya!

Pinauwi ko.  Wala kang kaso.  Maghanap ka ng ibang abogado.  Di mo kaya ang fees ko.  Mahal.

Pero ni-refer daw ako ng kaibigan niya at may pera daw siya pambayad.  Sabi ko i-delete mo na Facebook mo.  Kalimutan mo na kung anong ginawa ni misis.  Natural magagalit talaga sa’yo yon kasi nakakabad trip ka.  Bawi ka na lang sa Tweeter kasi baka ikaw pa ang kasuhan ni misis.  Wag masyadong matapang.  Ang pagtatapang-tapangan ay nilalagay sa lugar.  Ang pag ganti rin ay nilulugar lalo na’t kung wala ka sa tama.  Inom ka na lang ng tubig na maraming yelo.

Ay bad trip talaga.  Nasira talaga araw ko.  Di na ako naka-focus kaya naisip ko, kung magiging kabit ba ako ano ba dapat ang isipin ko?  Eto ang rules na kahit hindi ako kabit at wala akong balak suportahan ang mga ito ay obyus na obyus na dapat maging patakaran nila:

UNA:  Siguraduhin mong mas bata ka sa legal na asawa.  Baka mamaya mapagkamalan kang nanay ng kinakabitan mo at baka pag nagkita kayo ng tunay na asawa ay sa halip na sampalin at sabunutan ka ay magmano pa sa’yo sabay segue ng: “Lola, eto po piso.  Bili ka ng nganga.”

PANGALAWA:         Dapat mas maganda, seksi at kaakit-akit ka kumpara sa tunay na asawa.  Kasi baka mapagkamalan kang yaya ng kinakabitan mo at di mo matanggap kapag nagkita kayo ni misis ay bigyan ka nya ng isang daang piso.  Magtataka ka kung para saan ang isang daan at masagot ka pa ng ganito: “Bili ka ng liha.  Ikis-kis mo sa mukha mo para kikinis ka.  Kapag di nakuha sa liha, bili ka ng Sprite solo.  Buksan mo, inumin mo ang laman at yung likod ng tansan ang ikiskis mo sa mukha mo baka sakaling may pag-asa ka pang kikinis ang mukha.”

PANGATLO: Siguraduhin mong mas magaling ka sa larangan ng pagalingan.  Dahil kung hindi ay magisip-isip ka at baka parang gym lang iyan na pang exercise ng kinabitan mo.  Na tipong masabi lang na pinawisan at nakaraos solb na.  In other words, para kang dambel na di bale kung yari ka sa semento at pvc pipe basta’t papawisan ang gagamit sa’yo.

Wala akong tulak kabigin sa mga kabit.  May mga babae akong ginagalang, nirerespeto at tinitingala pero sa likod ng tagumpay ay number 2, 3, 4, o kung pang anong numero pa silang i-dineklara ng kanilang mga lalaki.  Hindi ko ginawang sukatan ng pagkatao nila ang estado ng kanilang personal na relasyon sa kinakasama.  Maniwala ka sa hindi ay mahal na mahal ko ang mga babaeng ito.

Tulad ko ay babae din sila na nangarap na may darating na prince charming na mamahalin sila ng lubos at pakakasalan din sila balang araw.  Sino bang babae ang di nangarap na pakasalan ng lalaking minamahal?  Sino bang babae ang ni minsan ay di sumagi sa isip nila na sana ay totoo ang fairy tales?

Pero isipin din natin na kung nagawang iwan ng lalaking ito ang pamilya niya para sumama sa atin, darating din ang araw na kapag matanda na tayo at di na kaakit-akit ay magagawa din tayong iwan ng mokong na iyon para sa isang mas bata at mas maganda.

Fairy tales do happen in real life.  And I do believe in “happily ever after”.  But whatever happens in between, from the “once upon a time” until the end of the story is another thing.  It may lead you to your so-called “happily ever after” or to your eternal nightmare.

It’s always a choice.  Hindi unfair ang buhay.  Hindi totoo ang malas.  At mas lalong hindi totong kulang ang lalaki at mas marami ang babae kaya dapat ay magshare-share na lang ang mga girls!  Nasa pananaw ng tao yan.  Hindi totoong manloloko lahat ng lalaki.  May mga tanga lang at malilibog.  Sa kasamaang palad ay mas marami sila.

Kaya natatawa lang ako pagsinasabi sa akin ng mga kabit na niloko kasi sila dati ng lalaking minahal nila o di kaya naman ay huli nang dumating ang lalaking mamahalin nila at nang matagpuan nila ito ay nasa kandungan na ito ng ibang Eba.

It’s a choice.  You choose to be a mistress.

And I choose to be the legal wife.

Correction: I chose to be both the legal wife of my husband and my husband’s mistress.

NOTE:

Jeanne Antoinette Poisson, Marquise de Pompadour, also known as Madame de Pompadour (29 December 1721 – 15 April 1764, French pronunciation: [pɔ̃.pa.duːʁ]) was a member of the French court, and was the official chief mistress of Louis XV from 1745 to her death.

24 years old siya ng maging kabit.  At that time, obviously, matanda na ang 24 huh. (Reference: Wikipedia)

34 thoughts on “Ang Nakakalurking Daigdig Ng Mga Kabit

  1. nice blog atty.😉

  2. “Hindi totoong manloloko lahat ng lalaki.” , isang karangalan ang linyang ito. salamat sa iyong pananalig.

    aabangan ko ang pagbibigay mo ng hustisya sa aking iba’t-ibang katha…

  3. official chief mistress lol

  4. relate to d max…..

  5. ang nasa isip ko kung kukuha ng kabit ang asawa ko dapat mas maganda mas bata at mas seksi sa akin.. kahit man lang mas mapera..

    pero sa isang sandaling pagkakamali nakita ko kung ano ang dahilan bakit pinagpalit ako sa mukhang katulong..
    ” hindi ako ako marunong magsilbi sa asawa. hindi ako marunong magtimpla ng kape, di marunong maglaba, at lahat ng gawain ng isang katulong..”

    buti na lang natapos ang yugtong iyon sa buhay ko… hahah

  6. Thank you a lot for giving everyone an extremely remarkable possiblity to check
    tips from this site. It is usually so pleasant and as well ,
    full of a great time for me and my office mates to visit your web
    site at least three times every week to see the new guides you
    have. And lastly, I’m just certainly impressed with the outstanding ideas you give. Certain 2 ideas in this post are definitely the most efficient I have had.

  7. Thank you for all of the work on this web site.
    Kate loves setting aside time for internet research and it’s obvious why. We hear all of the compelling manner you deliver insightful tricks via the web blog and as well welcome response from others on that subject plus our daughter is always starting to learn a lot. Have fun with the remaining portion of the new year. You’re the one doing a stunning job.

  8. Thanks a lot for giving everyone an extraordinarily spectacular possiblity to read from this website.

    It’s always so nice and also jam-packed with fun for me and my office co-workers to search your blog particularly three times in a week to see the latest items you have got. And definitely, we are always impressed considering the impressive solutions you give. Selected 1 areas in this posting are essentially the simplest we have ever had.

  9. I must express some thanks to this writer just for bailing me out of this predicament.

    Because of checking throughout the the net and getting proposals
    which were not productive, I was thinking my entire life
    was over. Living without the solutions to the issues you’ve fixed all through this site is a crucial case, and those that could have adversely affected my career if I hadn’t encountered your web site.
    Your own personal competence and kindness in handling all the details was excellent.
    I am not sure what I would’ve done if I had not encountered such a stuff like this. It’s possible to now look forward to my future.
    Thank you very much for the professional and amazing help.
    I will not think twice to refer your blog to any person who should get tips about this situation.

  10. My spouse and i ended up being so delighted Chris could finish off his researching through the ideas he
    grabbed through the web page. It’s not at all simplistic just to choose to be giving freely methods which often the rest might have been selling. And we also realize we have you to be grateful to because of that. The explanations you’ve made, the easy
    web site menu, the friendships you help engender – it is
    everything terrific, and it’s facilitating our son in addition to us do think the subject matter is excellent, and that is very pressing. Many thanks for everything!

  11. itama lang natin ang name nung babae na naglaunch a thousand ships. sya si Helen🙂

    cheaters comes in all forms. at wala ng mas nakakainis kundi ang marinig mo mismong sa mga babaeng ito na “siguro talagang lapitin lang ako ng lalakeng may-asawa na” tanga! nagsettle na lang.

    pero ang alam ko..walang babaeng malandi sa asawang SANSUWI🙂

    on a serious note, silang mga walang galang sa sumpaan, silang mga tampalasan….may karma din yan.

    happy new year biatch🙂

    • ay helen ba yun? nabingi na naman siguro ako sa titser ko, nyahahahaha…thanks for the additional info. yup, cheaters come in different forms. at napansin ko naman na galit na galit ka sa comment mo hahahaha! as in “tampalasan”? at may pahabol pa….KARMA! Katakot naman….miss you

  12. anu naman kaya ang pananaw ng mga lalaking kabit?

  13. Informative article, exactly what I wanted to find.

  14. hihi, ang daming spam comment for such a bubbly post.🙂 alisin mo kaya? hmn, nakakasira ng porma ng matapang na article, hihi. basta, suggestion po…🙂

    hmn, anong masasabi ko? pag mas pangit ang kinuhang kabit, may nararamdamang inferiority sa asawa si guy. parang gano’n… pero, true, ang sama ng pakiramdam pag ipinagpalit sa mas panget, mas engot, mas ewan, hakhak. humbling din, on the other hand… ^^

    pero, di ka mabait sa descriptions mo, kapatid. pag minsan, iniisip ko nang mabait ka, tapos pag nagbabasa ako sa articles mo, nag-iiba uli. ang sama ko, hihihi. kaway-kaway lang…😉

  15. Maganda itong post na ito. Yun nga lang ang ibang lalake e likas na mahilig lang talaga. Yun bang kahit ano papatulan basta gumagalaw. Minsan hindi talaga maintindihan kung bakit ang kabit e ubod ng pangit kumpara sa asawa. Insecure ba yun … gusto lang ba ng laruan … gusto ba ng alipin … o kung ano pa.

    Kaya pag meron dyan na may asawang lalaki at iba kung makatitig, wag kayong kikilos at baka patulan kayo nyan! hehehe.

    PS. Hindi ako kasama dun. Pramis!

  16. Hi natuwa naman ako sa mensahe mo kumbaga fair ka lang tumingin mapa legal wife mapa kabit, tama ka sino ba ang gusto maging kabit for life, kaya lang may nauna na nga. Hindi naman kasi natuturuan ang puso na kahit alam mong may asawa kumabit ka pa rin diba? kaya dun sa mga legal wife don’t blame the mistress siguro may pagkukulang ka din talaga kung bakit nakuha ng asawa mo na mangabit. Yung kakilala ko kaya sya nangabit kasi mahal daw nya asawa nya pero boring na ito, hindi na maganda at saka mukha ng pera, sa totoo lang mas matanda ng 7 years yung kabit kesa sa asawa pero mas mukha pang bata ng 5 years sa kanya yung kabit. kaya siguro yung asawa nitong legal wife nangabit.

  17. Maganda aral yan po sa mga kabit .

  18. Tinamaan aq dito.pero my mga natutunan aq isa akong kabit pangatlong babae na ako ganda nga ng story nmin png mmk.23 yr old ako nong naging kabit aq at 54 yung lalaki 8 yrs kming nag sama 5 anak ko at the age of 32 ngyon 63 na sya my sakit at nag balik sa tunay na aswa na syang nag aalaga sa knya pero suporta parin sy sa mga anak ko ang herap nassaktan aq twing umaga na nakikita ko clng magksama hinahalkan sya ng tunay nyang aswa kc my sakit sya pero nagttyaga sa pntahan kmi dto sa bhay ksama ang aswa mkita lng anak nya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s