Ah Basta. Isasama Kita.

Ah Basta.  Isasama Kita.

“Brilliant new legal thriller that will get your fingers flying through the pages.”

-Atty. Jose “Jun” P. Icaonapo, Jr. (former IBP Governor [GMA] and former President of Philippine Trial Lawyers Association)

They Are Selling Me In The Market Now. Please Buy Me Before Somebody Else Does!

BRD AD

 

BEYOND REASONABLE DOUBT

By Michelle Frances

Magdalena Eusebio.  The lawyer.  The bitch.  The social climber whose ego was higher than the figures appearing in her bank account.  A failed ambush got her involved and left her client in a coma.  But prior to the shoot-out, her client revealed to her a vital evidence which might win their case but would open the gates for an investigation involving the higher-ups who now wanted her client dead—including her.

Amora Fox.  The whore.  The victim.  The killer.  She was sleeping with the man behind the planned execution of an innocent witness in a gruesome murder.  She heard it all and witnessed how the plot was unfolded.  Until they were caught by the wife sleeping together and a whirlwind slaughter caught her, both as the victim and the accused.  She now needed a lawyer to defend her, knowing that the evidence against her was overwhelming to find her guilt beyond reasonable doubt.

Two women.  Two different worlds.  Two different professions as old as civilization.  Both condemned and vilified by their respective worlds but held the key to the truth behind the killing of an innocent witness.  But in a world dominated by money, greed and power, who should they trust?

 

Available in select National Book Store and Powerbooks nationwide.

SM Manila                            NBS One Greenhills

Robinson’s Ermita                 NBS Greenhills

NBS Harrison Plaza                      Powerbooks Alabang Town Center

SM Mall of Asia              Powerbooks Filinvest Alabang

Powerbooks Trinoma                  NBS Alabang (ACC)

NBS SM North EDSA Annex        NBS Filinvest Alabang

NBS Trinoma                                Powerbooks Serendra

NBS Katipunan                      NBS SM Aura

NBS Robinson’s Galleria             NBS SM Southmall

NBS SM North EDSA                   NBS SM Sucat

NBS SM Fairview                  NBS SM City Marikina

NBS Quezon Avenue                  NBS Ayala Imus

NBS Superbranch                       NBS SM Bacoor

Powerbooks Greenbelt              NBS Gaisano Mall Davao

NBS Rockwell                        NBS SM Davao

NBS Greenbelt                             NBS SM CLARK

NBS Glorietta                               NBS SUBIC (Harbor Point)

Powerbooks Shangri-La

NBS Robinsons Place Pioneer

NBS Bestseller (Podium)

NBS Shangri-La

NBS Megamall

Walang Multo!

7:15 in the evening.  Friday.  August 2013

Ang bigat ng pakiramdam ko.  Ang sama ng loob ko.  Namatay ang pinaka importanteng testigo sa kasong hinahawakan ko bago pa man siya makapagbigay ng testimonya sa korte.  Yung tipong ang testimonya lamang niya ang magbibigay linaw sa magulong kasong iyon at magpapapanalo sana sa amin. Malala na kasi ang sakit ng matandang lalaki.  Araw-araw ay nag shi-shrink siya.  Binubuhat na lang siya kasi kalansay na ito halos.  Bawal masagi at pumapalayaw talaga ng sigaw sa sobrang sakit.  Tipong sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay biglang pipikit at aakalain mo talagang patay na siya yun pala ay napapa-idlip lang.  Alam naman niyang mamamatay na siya at bibilang na lamang ng araw.  

Ginawa naman namin ang lahat. Nagfile kami ng motion para makapag deposition ang matandang lalaki. Eto yung i-aadvance ang testimonya ng witness kahit wala pa kami sa trial para lamang ma-preserve ang testimonya nya. Eto rin yung pinapayagan ng husgadong sa labas ng korte gawin ang pagkuha ng testimonya ng witness gaya halimbawa sa bahay ng matandang lalaki (dahil nga di na siya maaaring ilabas at maselan na ang kondisyon).

Pero dineny iyon ng husgado due to technicality daw. Nak ng p*#$5a! E kung tutuusin nga ay di na kailangan ng intervention ng husgado sa deposition dahil na-file na ang Answer ng lahat ng mga kalaban! Mere notice will suffice!!! Isa pa, sa limang kalaban ko, isa lang (utang na loob IISA LANG) ang nag-oppose! Pu^&*@+&*>?<<!!!

Di pa rin ako tumigil.  Likas kasing makulit ako.  Nagpa-reconsider ako.  Sabi ko, payagan na ninyong makapagdeposition yan.  Kasi magkaiba naman ang “taking” of deposition sa “use” of deposition.  E di saka kami magbakbakan sa “use” of deposition!  Please naman.  Mamamatay na talaga ang witness namin baka di na iyon makapagtestigo.  Please pretty please!

Pina-set ko agad ang hearing ng reconsideration ko at nilagyan pa ng pagkalaki-laking URGENT at binanggit na posibleng di na abutin pa ng bukas ang matandang lalaki.

Alam mo ang ginawa?  Inisod lang naman ng husgado ang petsa ng hearing sa mas malayong araw!  PAKING TAPE TALAGA!!!  Ayun!  Patay ang witness!  Di na nakapagtestigo.  Abot pa sana siya e.  Kundi lang…

Kaya sa sama ng loob ko, di muna ako dumiretso sa bahay pag-uwi noong gabing iyon.  Alam mo yun?  Parang pinagsakluban ka ng langit at lupa.  Napagod talaga ako.  But that’s life.  Bawal mapikon.  Ang mapikon, may disbarment kinabukasan.  Nak ng…!

“Good evening ma’am,” bati sa akin ng guard sa lobby ng hotel.

Nginitian ko siya at wala ng iba pang sinabi.  Wala ako sa mood.  Nilapag ko ang bag ko sa maliit na mesa at saka ito binuksan para ma-inspect niya.

“Ma’am, straight body!  Nakukuba ka!”

“Huh?”

“Mag straight body ka ho at kubang-kuba ka.”

Ang gulo nya.  Paano ako naging kubang-kuba?  Pero nag straight body nga ako at saka sumakay sa escalator.  Pagdating sa second floor, lumipat naman ako sa elevator. 

Bumukas ang pinto.  Walang tao.  Pinindot ko ang 6.  Usually ay sa digital na number sa itaas ng mga buttons ako tumitingin pero sa sandaling iyon ay napapaling ang mga malilikot kong mata sa salamin sa loob ng elevator.  HEEEEY…!  Bakit nakukuba ako?!

Muli, tumindig ako ng tuwid.  Nag straight body.  Siguro masyado akong affected at depressed.  Bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang entrance ng mataong establishment na paborito ko.  Hinanap ko agad si Ate Susan.  Siya kasi ang nag ba-body scrub sa akin.  Minsan ay may libre pa akong masarap na masahe sa kanya at milk bath kasi nga ay peborit daw niya ako.

Nang makita niya ako ay tuwang-tuwa siya at sasalubungin sana ako ng yakap.  Pero biglang nanlaki ang mga mata niya at ang tuwa ay biglang napalitan ng takot.  Di na niya tinuloy ang pagyakap sana sa akin.

Anong meron ba sa Byernes ng gabing iyon and people are starting to act weird?  Ako na lang ang yumakap sa kanya.  Pero pansin ko ang pamimilog ng mga mata niya habang pasulyap-sulyap siya sa likuran ko.  Ako man ay napalingon sa likuran.  Baka ‘kako may tao sa likod.  Wala naman akong nakita so far.

Nagtuloy na kami sa kwartong naka-assign kay Ate Susan.  Doon yun sa pinakadulong bahagi ng establishment nila.  Peborit ko ang area na yon kasi nga di matao.  Tahimik.  Makakatulog ka talaga.

Dim light lang sa loob.  Mabango ang scent at relaxing habang may tugtog na very soothing.  Nilapag ko ang bag ko at kinuha ang nakahandang tuwalya.  Pero nanatiling nasa gilid lang si Ate Susan at tipong ayaw lumapit sa akin.

“Torni buksan natin ang ilaw para maliwanag?”

“No need ‘teh.  Tutulog din kasi ako.”

 “S-sigurado po kayo?”

 Nginitian ko lang siya at saka tinulak ang sliding door ng cr sa loob ng maliit na silid na iyon.  Bago pumasok sa cr ay nilingon ko pa siya.

“Tahimik ka ata ngayon.  Nag-away na naman ba kayo ng asawa mo?”

“H-hindi torni…”

“Naninibago kasi ako sa’yo…” Pumasok na ako sa loob ng cr.  “Sigurado ka teh wala kang problema?”

“W-wala torni.”

“Sige teh, puntahan mo muna ibang clients mo.  Maghubad muna ako.”

“Hindi po!  Sasamahan kita dito!”

“Wow.  Ang sweet.  Ano’ng meron?” biro ko pa sa kanya.

“Di kita iiwan ngayong gabi.”

Napatawa na ako.  “Ikaw ha.  Baka natotomboy ka na sa akin.  Sige na.  Mas komportable akong naghuhubad mag-isa kesa naman inaantay mo ako dito.”

“S-sigurado po kayo?”

Nag-aalangan man siya, lumabas na rin ito ng kwarto.  As in, yung karipas.  Weird.  Sinara ko uli ang sliding door at sinimulang magtanggal ng damit.  Naiwan na nga akong mag-isa sa kwartong iyon.  Paminsan-minsan ay napapa “sigh” na lang ako tuwing naaalala ang nangyari sa kaso ko.  Nauubos na ata ang dugo ko.

Ngunit maya-maya lang ay bigla kong narinig na marahang bumukas muli ang pinto ng kwarto.

“Ate?”

Walang sumagot.

“Ate Susan?  Ikaw ba yang pumasok?”

Walang sumagot.

Nagkibit-balikat na lamang ako at saka kinuha ang tuwalya na itinapis ko naman sa aking katawan.  Inayos ko na rin ang mga pinaghubaran ko. 

Walang anu-ano’y narinig kong may humimig.  Boses…boses…boses lalaki?  Hmmm…bakit lalaki?  Malamig.  Malungkot.  Mapait.  Pero di ko maintindihan anong klaseng kanta.  First time ko lang ata narinig ang kantang yon, pramis.  May limang segundo marahil akong napahinto para lamang kilatisin kung ano ang sinasabi ng kanta.  Pero di ko maintindihan.  Ang labo talaga.  Para kasing nakakakilabot yung kanta.  Bakit iyon ang pinatutugtog nila?  Parang di relaxing ang music.  At bakit lalaki ang kumakanta?  Usually instrumental lang e.  Tumaas tuloy ang balahibo ko.

Tiniklop ko ang pinaghubaran ko at sinuot ang naka handang tsinelas sa gilid ng cr.  Pero napahinto ako nang mapansing unti-unting tinutulak pabukas ang sliding door ng cr.  May tao! 

kriiik…kriiik…

“Ate…?” marahan ang tanong ko.

Walang sumagot.  Pero patuloy ang unti-unting pagtulak sa sliding door. Lumalakas ang tibok ng puso ko.  Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili na di ako natatakot. 

kriiik…kriiik…

“Ate San…?  Ikaw ba yan?”

kriiik…kriiik…

Napalulon ako habang nakatitig sa sliding door.  Ano’ng gagawin ko?  Walang lock yon!  Kinuha ko ang vase na display sa loob ng cr.  Lumapit ako ng dahan-dahan.  Bawal matakot, madidiskaril lang ako.  Oo, alam kong may cctv ang establishment na iyon.  Pero ayokong sumugal.  Naninigurado lang. Bale ba naman sa propesyon kong ito, sa amin binubuhos ng kalaban ng kliyente namin ang matindi nilang galit.  Hindi kaya sinusundan na naman ako nung…

May uwang na ang pinto dahil nga sa unti-unting pagbukas nito.  Sisilip muna ako.  Napalulon uli ako.  Bawal kabahan.  Naka-focus ang mga mata ko sa uwang.  Ang totoo’y nanginginig ang mga tuhod ko.  Palapit ako ng palapit sa uwang nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto at siyang pasok ni Ate Susan.

“TORNI!  Ano’ng sinisilip mo dyan?”

Di na ako nagsalita.  Napatawa na lang ako.  Stupida.  Ano nga ba ang sinisilip ko?  Binalik ko ang vase.  Naparanoid na naman ako.  Siguro nga ay panahon na para magshift ako sa corporate practice at iwan ang criminal tutal ay panlalaki naman daw talaga yon. 

Dali-dali akong lumabas ng cr at di na sa kanya kinuwento ang nangyari.  Humiga na ako at tinaggal ni ate ang tuwalya ko.  Di na siya wirdo gaya kanina.  Mas mukhang magaan na ang mukha niya.  Pero pansin kong gumagala ang mga mata niya sa maliit na silid na iyon.  Wala na rin iyong kumakantang lalaki.  Tahimik na ang buong silid.  Buti naman at pinatay na nila ang tugtog.  Di naman kasi relaxing; nakakatakot pa kaya!

Gaya ng dati, di ako nakatulog.  Kinuwentohan na naman kasi niya ako.  Oo lang ako ng oo sa mga pinagsasabi niya.  Hanggang sa nagkwento nga siya sa akin na may kakayahan siyang makakita ng ibang nilalang na di nakikita ng ibang tao.  Paliwanag niya ay namana niya iyon sa kanyang yumaong ama.  Gift daw iyon.  Minsan nga daw ay may kakayahan siyang magbasa ng palad ng iba pero di na daw niya ginagawa kasi may hinihinging kapalit.  At ang kapalit ay masakit.  Kaya para maka-iwas, di na siya nagbabasa pero ang kakayahan niyang makakita ay nananatiling malakas pa rin.  Inulit niya: gift daw iyon.  Nasa iyo na lamang daw kung tatanggapin mo o hindi.

Doon nga ay napakwento na ako sa kanya.  Ang sabi ko, simula bata ay nakakakita na ako.  Pero sa tuwing magsusumbong ako sa tatay ko ay pinagagalitan ako.  Di daw totoo ang nakikita ko.  Malawak lang daw sadya ang imagination ko.  Pero pinagdidikdikan ni tatay sa akin na wala raw multo.  Kathang isip lang daw iyon.

Di umimik si ate.  Kaya nagpatuloy lang ako sa kwento ko.  Binaggit ko na sa kanya na ngayong nagtatrabaho na ako ay pasulpot-sulpot na lang.  Parang seasonal.  Minsan ayaw kong magpapakuha ng litrato na may tatamaang salamin.  Kasi paglabas ng picture, may nakasilip sa salaming nakuha sa larawan.

“Ako torni naniniwala sa’yo.”

“Ay talaga?  Buti naman.  At least di mo iisiping weird ako o nababaliw.”

Huminto siya at tiningnan ako.  Tapos ay saka pinagpatuloy ang scrub.  “Kasi torni may bantay ka.”

“Talaga?” walang kwenta kong tanong (di pa kasi nag sink-in sa akin ang ibig niyang sabihin).

“May bantay ka ngayon.”

“Huh?”

“Oo.”

“Asan?!”

Lumingon si ate sa gilid, doon sa madilim na parte ng kwarto, at saka nginuso.  “Ayun.  Nakatayo,” pabulong niyang sagot sa akin na halatang natatakot.

Pero wala akong nakita.  Di ako kinakabahan pero kapansin-pansin ang pagtaas ng mga balahibo ko.  Di na ako nagsalita.  Ayoko ng tanungin ano ang hitsura ng nakita niya.  Matanda ba o bata.  Babae ba o lalaki.  Masama ba o mabuti.  Itim o puti.  Di pa rin nag sink-in sa akin masyado ang pinupunto niya.  Bakit ba iyon ang pinag-usapan namin?

Sa wakas ay tumahimik si ate.  Nakakatulog na ako nang biglang magsalita na naman ito.

“Basta torni, kahit ano’ng mangyari…”

“What?”

“Wag mong kakausapin.”

“Ano’ng pinagsasabi mo ba dyan?”

“Basta.  Wag mong kakausapin.  Kung anong maririnig mo, pag may tumawag, wag kang sasagot.  Wag kang lilingon.”

“Ate…”

“Torni.  Iwasan mong mag-isa sa elevator.”

“Di ko masasabi yan.  Nasa 20th floor ang office ko.  At araw-araw, gabi-gabi, gumagamit ako ng elevator,” paliwanag ko sa kanya. Pero sa oras na iyon ay nakakaramdam na ako ng hilakbot.

“Kung sakaling mag-isa ka at biglang may sasakay, tingnan mo ang paa.”

“Bakit?  Ano’ng meron sa paa?”

“Malalaman mo din.  Alam kong kaya mong malaman.  Pag naramdaman mo iyon, lumabas ka ng elevator.  Mag-antay ka na lang ng panibago.”

“Ate…”

“Lumalapit sila kasi may gustong sabihin sa’yo.  Humihingi ng tulong.”

“Tama na teh.  Magagalit na ako sa’yo.”

And she finally shut her mouth up.  For the remaining 30 minutes ay nakatulog ako sa wakas.  Kasi nga di na siya nagkwento.  Tutal naman ay nasabi na niya ang dapat niyang sabihin.  Nang magshower ako ay di siya lumabas ng kwarto.  Binantayan niya talaga ako kahit di ko naman hiniling.  Di ko na rin siya sinita.

Palabas na ako at papunta na sa sasakyan nang biglang mag ring ang telepono ko.  Si bossing.  Bumalik daw ako sa office at ang records ng isang client ay naiwan niya.  Magkita daw kami bukas ng umaga at iabot ko daw sa kanya.  Pasensya na daw talaga.  Iba na daw kasi ang tumatanda at lalong nagiging ulyanin.  Ililibre na lang daw niya ako ng almusal.  Dun sa peborit ko.

Aangal ba ako e boss ko iyon?  Alas nueve na ng gabi pero wala akong nagawa kundi bumalik sa opisina.  Pagdating sa building ay wala na ang receptionist.  Guard na lang ang nagbabantay.  Bumukas ang elevator at saka ako pumasok.  Nagbilang pa ako hanggang sampu bago isara ang pinto at baka sakaling may humabol papasok.  Wala na.  Okay, go.

 

G.  3.  4.  5.

 

Bumukas ang pinto.  Parking ang 5th floor.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

6.  7.  8.

 

Bumukas uli ang pinto.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

9

 

Bumukas uli ang pinto.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

10

 

Bumukas uli ang pinto.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

11

 

Bumukas uli ang pinto.  Walang tao.  Sinara ko uli.  Anak ng p$@$^*&!  Sino bang naglaro ng elevator at halos lahat ata ng floor ay pinagpipindot?!

 

12

 

Bumukas uli.  Pero may lalaki ng nakatayo.  Binata sa tingin ko.  May katangkaran.  May hitsura.  Maganda ang pangangatawan.  Naka puting polo shirt at black slacks.  Isa siguro sa mga nag-oopisina doon.  Nag OT sa tingin ko. 

Ngumiti ako, “UP?”

Di sumagot ang lalaki.  Nakangiti lang siya at nakatingin sa akin.

“UP?” ulit ko.

Di uli siya sumagot.  Sinara ko na ang pinto.  Feeling ko ay pababa siya.  Natural, pababa na yon dapat sa ganung oras.

 

14

 

Huminto uli ang elevator.  Bumukas.  Walang tao.  Sinara ko uli.

 

15

 

Bumukas uli…at nakita ko ang lalaki sa 12th floor na nakatayo sa aking harapan!  Nakatitig siya sa akin at nakangiti!  Taranta kong pinagpipindot ang CLOSE button!

 

CLOSE.

 

16

 

Bumukas uli.  At andoon uli ang lalaki!  Nanigas ako sa pagkakatayo ko nang dahan-dahan siyang lumapit at pumasok sa loob.  Doon ay naalala ko si Ate Susan.  

“Torni.  Iwasan mong mag-isa sa elevator.”

Sh*+!  Pasara na ang elevator.  Labas!  Bilis!  Labas ka na!  Pero di ko magawa!  Utang na loob, gusto kong lumabas!  Pero di ako makakilos!  Tumabi sa akin ang lalaki!  Unti-unting sumasara na ang pinto ng elevator.

Ang paa!  Tingnan mo ang paa!

Dahan-dahan akong yumuko at halos mapa-iyak sa takot, tikom na tikom ang mga kamao para pigilan ang panginginig ng buong katawan.  Mula sa pagkakatitig sa aking paa ay ginalaw ko ang aking mga mata patungo sa paa ng lalaki.

Ang paa!  Tingnan mo ang paa!

Lord please!  Di ako makagalaw!  Dahan-dahan ay nakarating ang mga mata ko sa kinatatayuan niya at sinilip ang paa…

 

 

 

 

 

Joke lang yan.  Naniwala ka naman.  Ayan o.  Sabi ng title “WALANG MULTO.”

 

 

Writer’s Note:  After a week ay bumalik muli ako sa establishment.  Kinantsawan ako ng receptionist.  Sino daw yung binatang nakapasan sa likuran ko nang pumasok ako noong Byernes ng gabi.  Nahagip daw sa CCTV.

 

 

Joke ulit yan.  Hehehehe…walang multo diba?