Bakit Galit Sa Mundo Ang Mga Pangit

Image

May kaibigan akong seminaristang pari na namatayan ng kapatid na babae.  Hindi niya kayang bayaran ang bill sa ospital kaya kinailangan pa niyang pumirma ng promissory note para lang mailabas ang labi ng kapatid.  Ngayon ay lagi siyang kinukulit ng collecting agent ng ospital para bayaran na ang natitirang Php80,000.00.

Konting palugit, sabi niya.  Walang-wala talaga kasi siya dahil nga nag vow of poverty na ito.  Wala na rin siyang kaanak na malalapitan at ayaw naman niyang ipasa sa mga kasamahan sa seminaryo ang obligasyon.  Sinabi niya sa ahente na ginagawan na niya ng paraan para mabayaran ito.

Pero makulit ang ahente.  Inaraw-araw na ang paniningil.  Iba sa umaga, iba sa gabi.  Yung tipo ng ahenteng tatawagan pa ang opisina mo para lang sabihing nababaon ka sa utang at di ka nagbabayad.  Heto ang ahente, kung makamura at maka-insulto sa telepono akala mo sa kanya mismo may utang.

Isang araw habang naghahanda sila para sa misa ay nakatawag muli ang ahente sa kaibigan ko para maningil, mag-mura, at mang-insulto.  Pero ang masakit ay iniinsulto ka na nga na akala mo siya ang may pautang, mumurahin ka pa!

“HOY!  P*t@#? in@ mo!  G@g* ka!  Pari ka pa naman!  Magbayad ka ng utang mo!  Nailibing mo na kapatid mo di ka pa rin nagbabayad!”

Walang biro.  Iyang malulutong na murang iyan ang binato sa kaawa-awang pari.  Nang tumawag pa ito sa akin para humingi ng saklolo ay nanginginig-nginig pa dahil sa pambabastos na ginawa sa kanya.  Ang masakit nito, ang ginawang pagtatalak ng babaeng ahente ay narinig ng iba pang seminaristang katabi niya dahil na rin sa lakas ng boses nito.

Hindi nakuntento ang walang hiyang ahente.  Sakto pagkatapos ng misa ay nakatawag uli ang babae sa pari.  Ang kaso, bago pa man masagot ng kaibigan ko ang kanyang cellphone ay nahablot agad ito ng kanilang Reverend sabay sambit ng:

“Ikaw, bastos ka.  Wala kang respeto kahit sa pari.  Nagmimisa kami tapos tatawag ka para murahin lang.  Bakit?  Maganda ka ba?  Unat ba ang buhok mo?  Ang kilikili mo makinis at maputi ba?  Siguraduhin mong maganda ka, unat ang buhok at makinis ang kilikili ha!  Dahil kung di ka maganda wala kang karapatang mambastos ng kapwa mo!  At wag kang mag-alala dahil magkikita at magkikita tayo.  At pag nagkita tayo siguraduhin mong maganda ka!”

HUWAT?!  Teka isa pa.  Ulitin natin.  Di pa ako naka-recover.

“Bakit?  Maganda ka ba?  Unat ba ang buhok mo?  Ang kilikili mo makinis at maputi ba?  Siguraduhin mong maganda ka, unat ang buhok at makinis ang kilikili ha!  Dahil kung di ka maganda wala kang karapatang mambastos ng kapwa mo!”

BOOM!  Sapol na sapol.  Di lang ako nag nosebleed, lumawit pa ang dila ko ng isang dipa!

Kaya naman pagkapasa ni Reverend ng cellphone sa kaibigan ko ay ito ang nasambit ng babae:

“Father, di naman po ako maganda (mahinahon na).  Pangit nga po ako e (sabay pause).”

“Iyon nga ang problema, ma’am.  Hindi na nga po kayo maganda ang pangit pa ng ugali ninyo.”

Dito ay napaisip na ako.  Oo nga naman.  Kung sino pa ang pangit ay iyon pa ang masama ang ugali.  Kung sino pa iyong kinapos ng ganda ay iyon pa ang wagas makapanlait ng kapwa.  Ni ayaw na makakarinig na may pinupuring iba at laging may pabaong pangungutya para lang palitawin na di ka karapat-dapat purihin ng iba.  Ang lakas mambasag ng trip pero pag sila ang binara mo wagas kung makasugod.

Sabi nila basta pangit laging mainit ang ulo.  Laging naka-red alert sa anumang uri ng away.  Akala mo pinagkaisahan sila ng buong mundo at ang natitirang defense mechanism na lang ay ang pagiging matapang kahit wala na sa lugar.

Sabi nila basta pangit masama ang ugali.  Pero bakit nga ba tumatak na sa isipan natin ito?  Bakit, wala na bang karapatang magalit ang pangit?  Sa lagay na ‘yan, pangit ka na nga bawal ka pang mangtalak at magtaray?  Magaganda’t gwapo lang ba ang pwedeng mambasag ng trip?

Sa kasamaang palad ay, oo.  Di mo na mababago yan kaya ang solusyon dyan ay walang aminang pangit siya.  Pag may tumawag sa’yong pangit sabihin mo, “beauty lies in the eyes of the beholder!”  Magkamatayan na pero sabi talaga ng nanay ko di ako pangit!

Tinanong ko rin iyan sa 100 katao at heto ang ilan sa napili kong mga sagot kung bakit nga ba galit sa mundo ang mga pangit:

1.         Pinapangatawanan na nila ang pagiging pangit kasi kung ano itsura nila dapat ganun din ang personalidad nila para balanse ika nga hehe! -Jb, (ang friendship ng bayan)

2.         Araw-araw ba naman na tuwing titingin ka sa salamin eh pangit ang nakikita mo, anong magandang paguugali ang lalabas syo, di ba? -Paul, (iskolar ng bayan)

3.         Kasi hindi sila masaya na pinanganak sila na pangit  -Roger, (the lover boy)

4.         Kung tuwing gigising sila at pagharap sa salamin eh bad vibes na..syempre maghapon nang masama ang araw, bad vibes maghapon! Kaya start your day right by not looking directly into the mirror pag hindi maganda ang iyong itchura! -Dy, (biriterang sorority girl)

5.         A: pang-background lang sila ng mga bida (pelikula, tinatabi sa mga gwapo at magaganda; B: Pangit na nga, wala pang alam; C: Pakiramdam nila pinagkaitan sila ng biyaya tulad ng kagandahan, katalinuhan o kaya naman, di napapansin ng lipunan; C: Noong bata pa ay tinutukso, laging inaaway or bully, pinag-t-tripan, etc.; D: Sa lipunan natin, tinitignan ang panlabas na itsura kaya galit sila kasi nahuhusgahan kaagad.

Kaya, ang epekto nun, defensive mechanism nila ang maging masama para mapansin, etc.  -Abby, (interior designer)

6.         Galit sila kasi gusto nila unique sila…eh yung pagka-unique nila sumobra -Eman, (dakilang guro, part-time lover)

7.         Meron kasi rin akong pananaw na kaya pumapangit ang hitsura ng tao dahil iyon ang nakikita sa kanya ng kapwa niya. Meaning, kung pangit talaga ugali, lalabas sa hitsura -Kaye Cee, (writer, editor, talent scout, manager, ano pa!)

8.         Kase, kung pangit ka mas kailangan mong magsumikap at magtrabaho ng matindi. Tapos pressure pa na dapat genius ka, eh syempre pangit ka na nga, carry mo pa bang maging bobo? Isa pa, ayan, wala silang karapatan maging masama ang ugali, eh unfair na nga na pangit sila, tapos natanggalan pa ng isang karapatan na acceptable lang sa magaganda. Eh di pressure na naman! Sino ba hindi sasama ang ugali nyan kung pangit ka?! -CL, (dating iskolar ng bayan na ngayon ay future queen of England)

9.         Eto na in general kapag ang kanununuan ay pangit wala ng magagawa ang mga susunod na henerasyon -Odessa, (hip hop, rapper, at kung anu-ano pang pwedeng raket, kulang na lang ay beatbox at aandar na)

10.       Pangit[s] only want to have power, that’s all.  The difference with my ugly boss is obvious, she wanted to command respect through fear. Camille Grace, (yup, as of now siya ang pinakamagandang abogada)

11.       Wala naman daw mawawala kahit magalit sila kasi wala namang inaalagaang image; at sa lupit ng society natin dapat din lang daw magalit sila kasi yun na lang natitiriang defense mechanism nila. -Macel, (the mala-model type na girl-next-door; yun lang, di siya aware!)

12.       Kung pangit ang tingin ng isang tao sa sarili niya, pangit din makikita ng ibang tao sa kanya. So, kung galit man ang pangit sa mundo it is because naghahanap siya ng attention or recognition from others kasi nga wala pumapansin sa kanya -Eds, (dakilang friendship ng Bataan)

13.       Siguro dahil ang 1st impression sa kanila ng karamihan ay masama so pinapangatawanan na lang…ika nga, will just sport an “I don’t care attitude” and will not exert effort just to please anyone. -Mon, (fratboy: a leader, a friend, and always of service, MWAB!)

14.       Dahil hindi sila welcome sa mundo!!! Chan Charm, (charming sana kaya lang 90% kalokohan, kayo na bahala sa 10%)

15.       Siguro loner kasi sila at wala na sila magawa sa sarili nila kaya siguro nang-eepal na lang sila ng iba para makakuha ng attention.  Kahit anong kabutihan nila yung panget na asal nila pa rin ang madalas na napapansin ­-Jon (ama, anak, kapatid)

16.       Hmmm…defense mechanism? Firewall kumbaga? So that the pain of being criticized or scrutinized won’t penetrate their barrier for self-preservation. Better to be hated dahil masama ugali than to be laughed at or frowned upon. -Janis (writer, call center agent, chef in the making)

17.       I guess people will always bash other people. They fail to recognize that when they do that, it’s a sign of their own insecurity and not the person they are bashing -Kublai (the girl who believes that this cruel world can be both magical and beautiful)

18.       Akala nila kasi maganda sila. So, pag may nakita o nalaman silang may mas maganda sa kanila, naiingit sila kasi naiinsecure sila. That insecurity blinds them to the point na lahat ng nasa paligid nya ay pumapangit. Kaya ang resulta tuloy, pangit ang tingin nya sa lahat ng bagay     -­Nix (the ChefVille expert)

19.       I think defense mechanism nila yun to prevent rejection.  Pero infairness,di naman lahat ng pangit bad ang ugali at di rin lahat ng magaganda eh good ang ugali  -Felicity (ang babaeng malakas manapak)

20.       Kaya sila galit kasi nga masama ang loob nila at ipinanganak sila ng pangit           -Pate (his girl, his woman and his friend)

21.       Ikaw nga ang gumising araw-araw na lahat ng tao maganda tapos ikaw lang ang pangit… di ka magalit?  Eh anak ka rin naman ng dyos   -Susan (and everybody calls her “gorgeous”)

22.       Actually sa inggit nagmumula galit nila -Sasoie (sales associate pero part-time rakista, “rak ‘n rol”)

23.       Galit sa mundo ang mga pangit dahil sa paggising nila sa mundo ay nananatili silang pangit. Pangit kasi ang paningin, paniniwala, at pakiramdam nila. Naniniwala sila na sila’y pangit kaya lalong pumapangit ang kanilang mukha  -Rex (abogadong mahilig mag rock ‘n roll)

Hinuli ko na ang sinabi ng propesor ko sa kolehiyo dahil mala-lecture ang binigay niyang sagot.  Kung ang iba ay pang beauty pageant, heto naman ang sa kanya:

24.       Hindi lahat ng pangit galit sa mundo, pero maraming galit sa mundo na pangit.  Bakit ‘kamo?  Personal outlooks on life have a lot to do on how society behaves around you PLUS how you behave in society – it’s both, not just one sided.  The galit-sa-mundo-ang-pangit persona is a stereotype – and in fact, is most evident in a stereotypical individual. In other words, ang taong walang totoong pagkatao (individuality) maliban sa pagkataong idinidikta sa kanya ng sosyedad.  Gets ba? Maraming taong “generic”… walang sariling identity o pagkatao… walang individuality, walang sariling “landi” (naaalala mo pa yung lecture kong yun?).  Now don’t compare this with the kontrabida – our modern kontrabidas are also mestizo, maganda… mataray nga lang… Gretchen Barreto for instance diba?

“Nasaan ang mga pangit? The Pokwangs of this world? Hindi sila bida… hindi sila kontrabida… sila ay SIDEKICK lang… o di kaya comic relief… never silang major roles, never sila ang bida… lagi silang carichature of the human being… binabatukbatukan, pinagtatawanan, hindi siniseryoso.

“If you were heavily influenced by media and do NOT have your own individuality then media has already told you that if you are “pangit” OR do not conform to the concept of “beautiful” (as told to us by advertising also) then you are never going to become the bida… you will never have your chance… you will always be a sidekick, a 2nd fiddle, a comic relief… never to be taken seriously because your story or life is never important.

“Nakakainis diba? So pag nasa labas ka or nasa office or nasa work… alam mo na hindi ka kagandahan… alam mo na may mas maganda sa kabilang cubicle… makinis ang balat, nag-aral sa magandang school, maliit ang bewang.  So unconsciously you go on the defensive… your mind protects you from the onslaught of a very judgmental society. You become unapproachable or belligerent… nagiging masungit o di kaya very skeptical… feeling mo pag may nagcompliment sa iyo ay niloloko ka o pinagtatawanan ka.  You build a wall and attack “goodwill” by being “galit sa mundo”, kasi yun nalang ang tanging defense mo. Hindi na nga ako maganda o mayaman pero tang ina ninyong lahat.

“Gets mo?  It’s easy to be loved when you’re pretty.  Imagine those who aren’t pretty… or those who don’t think they are attractive.  Masakit mabuhay sa mundo… kaya sila galit.  Makes sense ba?”  -Jag (ang meztisong propesor ng CSB na dating pinagpapantasyahan ni Susan the Gorgeous, bwehehehe)

Paano nga naman hindi iinit ang ulo ng pangit sa mundo e mundo ang nagbansag sa kanya ng salitang PANGIT.  Pero sabi nga nila dapat daw kung hindi ka naman kagandahan sana man lang ay bumawi sa ugali or daanin na lang sa sense of humor para kahit papaano ay natatakpan ang kapangitan (buti na lang at may sense of humor ako).

Kasi nga naman kung maganda ang ugali or may sense of humor ang isang tao at least di na nahahalata ang pisikal na kapintasan.  At kahit mahalata pa yan di na napag-uusapan.

Sa totoo lang ay wala naman talagang pangit, physically.  Pero marami ang pangit ang pag-uugali, pag-iisip, asal pati na rin ang motibo.  Iba’t iba ang kulay at anyo ng kapangitan, depende sa tumitingin at sumusuri.  Ang kagandahang panloob ang higit na nagdadala sa ating pagkatao kung paano tayo titingnan ng iba.  Bahagi marahil ito ng ating pagiging “unique”.  Kaya naman may mga taong kahit di kagandahan o kagwapuhan ay masarap titigan.  Pero meron naman na kung tutuusin ay mas maganda sa atin ng isang paligo pero nakakaasiwang tingnan.

Kung maganda ang pag-uugali mo, gumaganda ka sa paningin ng lahat kahit ano pa man ang pisikal mong anyo.  Pero kung masagwa ang iyong pag-uugali, asahan mo na hahanapan at hahanapan ka ng mapipintasan sa iyong katawan.

Ikaw, galit ka ba sa mundo?

DISCLAIMER:            Photo used is provided for illustrative purposes only.  This blog claims no credit for any images posted unless otherwise noted and are copyrighted to its respectful owners.

24 thoughts on “Bakit Galit Sa Mundo Ang Mga Pangit

  1. wala bang statement dito si fernando? hehe. naniniwala pa rin akong ang pinaka-busilak na kalooban ay matatagpuan sa nilalang na di gaanong nabiyayaan ng kagandahang pisikal, hahaha. hindi ako pangit ha, hehe. pantay-pantay lang nais ko. iyun nga lang nakakatawag atensiyon talaga ang maganda.

  2. Pero nahuhusgahan naman ang karamihan dahil sa anyo ng tao… ‘yong impression nila sa isang tao ipinapalagay na iyon na rin ang personalidad nito.
    …hay ‘pag nga naman nagbugos ng kagandahan at wlang nasalo#_#

  3. galit talaga sa mundo ang mga pangit… ang ugali. mga walang magawa sa buhay. isinisisi sa iba ang kamalasan nila sa buhay nila. lol.

  4. Hahaha…Ttalagang naka-post ang response ko hehehe.. but it’s true. sad lang sa society minsan kung hindi ka biniyayaan ng magandang appearance, people won’t notice you, thus, depriving you of that chance para maipakita ang sarili mo. Unlike kapag maganda ka, the proverbial ‘huminto and mundo’ applies to you. Ikaw na lang ang makikita. Minsan naman para hindi maramdaman ung pain, magtataray na lang. Good thing, di ko problem to! hehehehe. Sabi kasi ng mirror sa compressed powder ko pretty ako! hahahaha

  5. hahaha…ang dami kong tawa dito.
    Pero totoong nakakaganda ang pagiging mabait :)
    Kung ano ka kasi inside nagmamanifest yun outside eh.

  6. hahahaha…napaisip ako dito
    “Bakit? Maganda ka ba? Unat ba ang buhok mo? Ang kilikili mo makinis at maputi ba? Siguraduhin mong maganda ka, unat ang buhok at makinis ang kilikili ha! Dahil kung di ka maganda wala kang karapatang mambastos ng kapwa mo!”

    di man ako maganda.. di naman masyado pangit ugali ko.. hehehe medyo lang.. hahahah
    pero not to the pt of acting like a prima donna..

    (parang defensive lang) hahaha basta less talk less mistake!

    • ah basta! noong sinabi ng nanay ko na maganda ako di na ako humingi ng second opinion. delikado kaya. (sana naman binabaan ni Rev. ng konti ang criteria nya para pumasok ako. konti na lang e. nasa boundary na ako e!)

      • haha ung criteria nya eh puro pwedeng ipagawa eh.. mura na lang magpakinis at magpaputi ng kilikili, mura na din magpa rebond.. kung dun lang pasok na ako sa criteria.. :)

  7. haha, ang ganda naman nito… so much insight into human nature, bwahaha. ^^

    ako, gusto ko ang sa Dove commercial, “You are more beautiful than you think.” parati ko itong iniisip lately, whehe. ;) hellow!

    • Hello San! Kamusta?! Eto ba yung commercial nila na madalas sa youtube? Yung may mag-iisketch na mukha mo depende kung pano mo i-describe sarili mo physically? Tapos hindi niya nakikita in actual kung sino yung ipipinta nya so magrerely lang siya sa description na binigay sa kanya. Tapos kukuha siya ng outsider na idedescribe naman uli yung babaeng kakatapos lang niya i-sketch. It turned out, pangit i-describe ng mga babae yung sarili nila pero maganda sila i-describe ng ibang tao. Touching kasi itong commercial na ito ng Dove at nagustuhan ko din. (hala! sabon na pinag-usapan hahahahaha!)

      • ahaha, mismo! ;) ang ganda ng hint nila ro’n – that most women, even the modern ones, have low self-esteem… that we’re more beautiful than we care to think of and about, ahihi. naman… :)

        but yes, yurrayt, people and society are biased towards the magaganda and long process naman ang pagtuklas sa inner beauty na ‘yan, haha. much longer ang pagpo-project nito, kainaman na… :) hello sa ‘yo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s